“Diyan sa tapat ng puno ng acacia ang bahay namin.” Pagtuturo ko sa kanya. Sinunod niya naman ang sinabi ko at nag-park sa tapat ng bahay namin, sa ilalim ng malaking puno ng acacia. Bumaba na ako at ganoon din naman siya. Para namang ang sama kong tao kung hindi ko siya yayayain papasok ng bahay namin kaya’t inimbitahan ko siyang pumasok. Sumunod sa akin si Silas papunta sa bahay namin. Medyo makaluma ang disenyo ng aming bahay. Matagal na rin kasi itong nakatayo. Namana pa ito ng aking ama sa aking lolo. Napapikit ako ng aking mata nang maalala kong hindi ko nga pala dala ang susi dahil nasa bag ko iyon. Hindi ko naman iyon dala-dala nang tumakbo ako paalis ng apartment ko. “Sandali lang, alam ko may susi rin ang mga tiyahin ko sa bahay,” nahihiya kong sabi kay Silas. Tinanguan lang