Tahimik lang kami habang papunta na kami ngayon sa opisina. Nararamdaman ko ang minsanang pagsulyap sa akin ni Silas ngunit nanatili lamang akong nakayuko at nakatingin sa mga daliri ko. Nararamdaman ko pa rin ang takot at ang panginginig ng aking katawan. “Hyacinth, do you want to take the day-off? Huwag ka na lang pumasok ngayong hapon.” Dahil sa sinabing iyon ni Silas ay ‘tsaka lamang ako nag-angat ng ulo at napatingin sa gawi niya. Seryoso lang din siyang nakatingin sa harapan. “H-Hindi na kailangan, Sir,” agad kong pagtanggi sa kanyang sinabi. Kaya ko naman magtrabaho kahit na ganito ang nangyari. Hindi dapat madamay ang trabaho nang dahil lang sa naganap kanina. “No,” matigas na pagkakasabi ni Silas sa akin. “Simon, bumalik na tayo sa Vito Cruz. Ihahatid natin si Hyacinth sa bahay