Nakarinig ako ng malakas na pagputok ng baril. Nang una ay akala ko sa akin iyon ipinutok kaya inaasahan ko na paggising ko ay nasa langit na ako—kung sa langit man mapunta ang kaluluwa ko.
Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at nag aalinlangan pang tumingin sa paligid ko. Nakita ko iyong baril na kanina lang na nakatutok sa akin ay nakatutok na ngayon sa ibang direksyon. Kinapa ko ang mukha ko, ang ulo ko, ngunit wala iyong tama ng baril. Hell yeah, I’m still alive!
“Clean that mess.” Napatingin ako sa kanya nang marinig kong muli ang malagong niyang boses. Makalaglag panga sana iyong boses niya kung hindi lang niya ako tinutukan ng baril. But yeah, I kinda admit that I’m at fault, too.
Agad siyang sinunod ng mga tauhan niya at nilapitan iyong katawan ng isang lalaki sa hindi kalayuan na wala ng buhay. Napasinghap ako. Buti hindi talaga sa akin tumama ang bala ng baril na iyon.
Tumingin na siya sa direksyon ko kaya’t naestatwa ako, hindi malaman ang gagawin. Dapat ba akong umiwas ng tingin o makipagtitigan sa shades niya? Hindi ko alam! Natataranta ako at gusto ko nalang tumakbo palayo ngunit baka kapag ginawa ko iyon ay ako naman ang barilin niya.
“As I was saying, I hate eavesdropper. Why are you listening to our conversation? Are you a spy or a sleuth?” Pinagmasdan niya iyong baril niya habang kinakausap ako. Ako naman ay hindi malaman kung anong tamang isasagot.
“I just heard your conversation by accident, Sir. Hindi ko po balak pakinggan talaga iyon. Natakot lang akong umalis dahil baka malaman niyo na naandito ako at barilin ako. Naghahanap buhay lang po ako.” I don’t know if I tell him the right thing or the words that he wanted to hear but I guess, there’s no merit in lying so why not say that truth? Wala naman talaga akong itatago sa kanya.
“And you expect me to believe that?” Sarkastikong sabi niya sa akin. Wala na ang mga tauhan niya rito kaya kahit papaano ay lumalakas na ang loob kong magsalita. Mas nakakatakot kapag ang daming nakapalibot na tao sayo.
“Yes? I mean, bakit hindi? Wala naman akong dahilan para magsinungaling sayo.” Lecheng bunganga ko talaga minsan, hindi ko mapigilan, eh. Agad kong tinikom ang bibig ko. I need to filter my words! Baka may masabi ako sa kanya na okay sa ibang tao tapos sa kanya hindi. Ayoko nang matutukan muli ng baril.
“Give me your ID or anything that can prove your identity.” Utos niya sa akin bago itago iyong baril niya sa likuran niya. Kumunot ang noo ko. Bakit niya ako hihingan ng ID? Isa pa, bakit kailangan niyang malaman ang katauhan ko?
“Why should I give you my ID? Hell no—”
“You’re going to give me your ID or I’m going to give you the bullet of my gun?” Bulong niya sa akin habang inihahaplos sa akin iyong baril niyang hawak na niyang muli. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi ko man lang nakita na kinuha niyang muli iyong baril niya.
Ngumiti ako sa kanya at agad na kinuha iyong wallet ko sa bag para ibigay sa kanya iyong PRC ID ko. Kinuha niya naman iyon. Nakatingin pa siya sa akin bago pagtuunan ng pansin iyong ID ko. Gustuhin ko mang irapan siya ay hindi ko nalang ginawa dahil ayokong matutukan na naman ng baril. Ilang beses ata akong natutukan ng baril ngayong araw. Mapapamura ka nalang sa intense ng nangyayari sa akin ngayon, eh gusto ko lang namang magtrabaho at magkaroon ng bonus dahil magbabayad ako ng upa ng bahay para ngayong buwan.
“You’re a Customs Broker?” Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa habang nakangisi. Bakit pakiramdam ko ay iniinsulto niya ako sa tono ng pananalita niyang iyon?
“Nakalagay naman, hindi ba?” Naiinis na talaga ako sa kanya. Hindi ko na kayang maging mabait. Bahala na siya kung tututukan niya ako ng baril ulit at tuluyan niya. Dadalawin ko nalang siya kapag hindi natahimik ang kaluluwa ko.
“Are you practicing your profession? Do you have an accreditation?” Tanong niyang muli sa akin. Tinangka kong kuhanin iyong ID ko ngunit inilayo niya iyon sa akin at dahil mas matangkad siya sa akin ay hindi ko nagawang maabot iyon nang itaas niya.
“No.” Maghihirap ba ako ng ganito kung ginagamit ko ang lisensya ko? Nag iipon nga ako para roon. Bukod sa experience ay kailangan ko rin ng sapat na pera para capital at pondo sa binabalak kong firm.
“Why? Are you not good enough in declaring goods?” Ibinalik niya na sa akin iyong ID ko. Sabihin niya mang pangit ang ugali ko dahil madahas ko iyong kinuha sa kamay niya ay sasabihin ko naman na pangit ang ugali niya dahil pangit talaga. Bakit ba napakasarkastiko ng lalaking ito? Pakiramdam ko ay bawat salita niya ay insulto sa pagkatao ko.
“Not practicing my profession doesn’t mean I suck at declaring goods or anything, at that. In this field, that’s not the only thing that is important for us to be able to use our license, other than just being just a valid ID. We need money, too. And those who’re not lucky enough to create their own firm or to practice their profession need to start from the bottom before going up. Not everyone is as blessed as you, Sir.” Singhal ko. Ang haba ata ng sinabi ko at hinapo ako dahil doon pero I just want to make everything clear. Akala ata ng iba porket may lisensya ka ay mabilis na ang buhay.
I saw him clicking his tongue while observing me. Sinimangutan ko naman siya dahil sa paninitig niya.
“Minamanyak mo ba ako? Kasi kung oo, hindi ako magdadalawang isip ipakulong ka.” Matapang kong sagot. Hindi ko alam pero mas kinakatakutan ko na ngayon ang insultuhin ako kaysa ang mamatay. Kung papatayin niya ako dahil naninindigan ako at lumalaban sa kanya ay masaya kong tatanggapin ang bala ng baril niya.
Nakita ko ang hindi niya makapaniwalang ekspresyon nang marinig ang sinabi ko. Maya maya pa’y narinig ko ang pagtawa niya.
“Do you have the guts to sue me or send me to jail, that is?” Nairita na naman ako sa sinabi niya. Buong pagkatao ng lalaking ito ay sumisingaw ng pagiging mayabang. Alam kong ganito siya dahil mayaman siya at sa tingin niya ay kaya na niyang gawin lahat ng bagay. “But no, I’m not looking at you to sexualized you, Miss. I’m just observing you if you’re proper enough with the job I’m going to offer.”
Kumunot ang aking noo, hindi maintindihan ang kanyang sinabi. Alam kong ang linaw naman ng mga salita niyang iyon pero hindi ko alam bakit sinasabi niya iyon sa akin. Naguguluhan ako.
“Huh?” Hindi niya pinansin ang naguguluhan kong ekspresyon at tinalikuran na ako para maglakad. Nang mapansin niya na hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko ay nilingon niya ako.
“Follow me.” Utos niya sa akin. Muling kumunot ang noo ko. Unang una hindi ako tauhan niya para utusan niya. Pangalawa, bakit ako susunod sa kanya? Mamaya ay kung saan niya pa ako dalhin.
Muli siyang tumigil sa paglalakad at nilingon ako nang hindi pa rin ako sumunod sa kanya kahit na sinabi na niya sa akin na sumunod ako sa kanya.
“I know that you heard what I’d said. Don’t make me repeat myself, Miss Morga.” Nagulat ako nang banggitin niya ang apelyido ko. Nakita niya ata sa ID ko iyon at ngayon ay pinantatawag niya na sa akin. Napairap ako pero sumunod din naman sa kanya. Kung may hawak lang sana akong bato ngayon ay naibato ko na sa kanya.
Nakarating kami sa isang mamahaling kotse. May isa namang lalaki na biglang lumitaw sa gilid namin at magalang na tumungo sa lalaking ito.
“You don’t have to drive the car for me. Just handle the business here.” Utos niya sa lalaki na agad namang sinunod nito. Binuksan ng lalaking nasa harapan ko ang pintuan sa shotgun seat at nilingon ako. “Get inside the car.” Muling pag uutos niya. Bakit ba utos siya nang utos? Akala niya ba ay lahat nalang ay tauhan niyang susunod sa kanya?
“Ano?” Naintindihan ko siya ngunit naisip ko na gusto ko siyang mapikon para pareho kaming naiinis sa isa’t isa.
“You really like to pretend you didn’t hear anything I say, huh? You like pissing me off?” Naglakad siya papalapit sa akin, may ngisi ang kanyang mga labi. He leans towards me kaya’t bahagya akong napaatras dahil ang lapit ng mukha niya sa mukha ko. “You will definitely regret seeing me getting pissed off, Miss.”
Dahil pinangunahan ako ng kaba sa sinabi niya ay hindi na ako nagdalawang isip pa at pumasok na sa loob ng sasakyan niya. Umikot naman siya para makasakay sa driver’s seat. Pinaandar niya ang makina at nagsimula na siyang magmaneho.
Hindi na ako nagtanong kung saan niya ako balak dalhin. Kung may gagawin man siyang masama sa akin ay ihahanda ko na ang telepono ko para tawagan si Owen, iyong boyfriend ko.
Tumunog ang telepono ko at nakita ko ang isang mensahe mula kay Eloise.
Eloise:
Hyacinth, nasaan ka na raw? Wala ka pa raw sa warehouse? Pumunta na roon si Paul kasi kanina pa pumuputak iyong kliyente natin dahil anong oras na ay wala pa ang representative ng kompanya natin. Please, text back.
Napapikit ako ng aking mata dahil naalala ko na may dapat nga pala akong puntahan. Ngunit sa dami ng nangyari sa akin ay nakalimutan ko na ang tungkol doon.
“Stop the car.” Sabi ko sa kanya habang nagtitipa ng reply kay Eloise. Hindi ako tumingin sa lalaking ito kaya’t hindi ko alam kung naiinis na naman ba siya sa akin o ano.
“What? I’m not going to take orders from you.” Iritadong sabi niya. Nang maisend ko ang reply ko kay Eloise ay tiningnan ko siya. Seryoso na ako. Kailangan niyang huminto dahil kailangan kong gawin ang trabaho ko. Baka kapag nakapunta ako roon ngayon ay may trabaho pa ako bukas.
“Sir, first of all, I don’t know you. I was just forced to follow you because I was scared that you’ll put your gun on my head, again. Second, my job is on the line. I need to go.” Kung makikipag asaran at inisan pa siya ay talagang papatulan ko na siya. Hindi na ako matatakot sa baril niya. Kapag nawalan ako ng trabaho ngayon ay hindi ko na alam kung saan ako pupulutin.
“That’s your problem? Then, resign.” Natulala ako sa kanyang sinabi. Parang wala lang iyon sa kanya. Parang sa perspective niya and the way he said those words, parang ang dali lang humanap ng trabaho kapag nagresign ka.
“Resigning is not an option, Sir. I need my job. Wala ka sa lugar para diktahan ang dapat kong gawin dahil hindi naman buhay mo ang maaapektuhan dito—” biglaan niyang itinigil ang sasakyan kaya’t napatigil din ako sa pagsasalita ko. Napatingin ako sa kanya. Gusto niya bang mamatay ako?
Hindi na ako nagpasalamat sa kanya sa inis kahit na itinigil na niya ang sasakyan. Humarap ako sa pinto at akmang bubuksan na iyon nang ilock niya na naman ang pinto.
Inis na akong tumingin sa kanya. Masaya ba siya kapag may napaglalaruan siya? Masaya siya kapag may nabubully siya?
“What the hell?! Palabasin mo ako!” Hindi ko na napigilan ang prustasyon na umakyat sa ulo ko. Galit na ako at sisigaw ako kapag hindi pa rin siya tumigil sa pang iinis sa akin. Not to mention my patience, na kaunti nalang ay mapupundi na rin sa kanya.
“Listen first.” Kalmadong sabi niya. “What I’m saying is, resign to your job and work for me. I’m going to offer you a job, as my Customs Broker.”
Hindi ako nakagalaw dahil sa sinabi niya. Hindi ko rin maipaliwanag ang biglaang namuong pakiramdam sa akin. I can’t tell if it’s joy or terror.
“Work for me and you can live in luxury, that I assure you.” Dahil sa sinabi niyang iyon ay para akong nasilaw at wala sa sariling itinango ang ulo ko—which I regretted after.