CHAPTER 2: SILVANUS MAXIM BENAVIDEZ

2302 Words
Tumigil ang sasakyan niya sa isang malaking kompanya. Hindi na niya kailangang mag abalang magpark dahil may lumapit na isang valet sa kanya. Sinundan ko lang naman siya papasok ng malaking building. Nang una ay may pumigil pa sa aking guard dahil wala raw akong ID or visitor’s pass. Ngunit nang sabihin ng lalaking nasa harapan ko na kasama niya ako ay pinalagpas na rin kami. Sumakay kami sa elevator at pinindot ng lalaki ang highest floor ng building. May ilan pang empleyado ang naandito at binabati siya kapag napapadaan. Ang ilan naman ay napapatingin sa akin, siguro’y nagtataka kung sino ako at nakadikit ako sa boss nila. Pumasok kami sa isang opisina at agad akong namangha. Halata naman sa building na mas malaki talaga ang kompanyang ito kumpara sa pinagta-trabahuhan ko ngunit nakakamangha talaga ang bawat sulok ng lugar na ito. Siguro kung ganito ang kapaligiran ng pinagtatrabahuhan ko ay sisipagin talaga ako. “Have a seat, Miss Morga. Do you want coffee, tea or—” “No, thanks.” Sa dami ng iniisip ko ngayon ay hindi ko kayang magpakape kape habang kinakausap siya. Umupo siya sa swivel chair niya at tinanggal ang shades niya. Doon ko lang nakita ng maayos ang mukha niya. He has a pair of beautiful eyes. Almond shape and gunmetal blue colored eyes. Mahahaba rin ang kanyang pilikmata na siya nakakainis dahil hindi kahabaan ang akin. Sabihin man nating mahaba ang pilikmata ko baksak naman iyon at walang volume pero iyong sa kanya ay nakakainggit talaga. I don’t need to describe him fully, but overall, he’s a good-looking man. Iyong lalaking pantasya ng mga kababaihan. Sumisigaw ng daddy and bachelor vibes. He has a muscular built, too. Napatingin ako sa golden table sign niya kung saan nakaukit ang kanyang pangalan. Binasa ko iyon ng mahina. Silvanus Maxim M. Benavidez. Napalunok ako, iyon ba ang pangalan niya? “Let’s talk about the job I’m going to offer you.” May kinuha siyang folder at binuksan iyon. Ako naman ay naghahanap ng lakas ng loob na makapagsalita. Habang nasa byahe kasi papunta rito ay gusto kong bawiin iyong sagot ko kanina sa kanya. Aminado naman ako na nabigla ako at nasilaw sa offer niya pero agad din akong napaisip na kakayanin ko ba ang magiging trabaho ko rito? Una sa lahat ay ilegal ang ginagawa nila, hindi ba? “Excuse me. I’m sorry to interrupt you but I actually want to refuse. Sa tingin ko kasi ay hindi ko magagawa ng maayos ang maging broker niyo. Isa pa, nasaan ang dati niyong broker? Kailangan niyo ba ng extra na isa?” Ang dami kong itinanong pero distraction lang iyon, gusto ko talagang tumanggi. I don’t want my license to get revoked. Kapag nahuli kami sa ilegal na ginagawa nila ay damay ako, depende nalang kung wala talaga akong alam ngunit may alam ako. I have a lot of excuse kung sakali mang mapahamak ako sa magiging trabaho na ito ngunit hindi ganoon kabuo ang loob ko. If I want to experience the luxury of life, I want to get it without tainting my hand or my reputation. “But you just accepted it a while ago? Have you forgotten?” Sumandal siya sa kanyang swivel chair habang nakatingin sa akin. Ramdam ko na naman sa kanyang tono ang pagiging sarkastiko. Hindi ko alam kung sinasadya niya ba iyon o ganito lang talaga siyang makipagusap. “I know. It was an impulsive decision. Hindi ako nakapag isip ng maayos kanina dala na rin ng kung ano anong napasok sa isip ko pero ayoko talagang tanggapin ang trabahong inaalok mo sa akin.” Kahit na alam ko na maganda ang offer niyang trabaho, hindi ko naman alam kung kakayanin ko ba. Baka in the long-run ay maging disadvantageous pala sa akin. Hindi agad nagsalita si Silavanus. Hindi ko alam kung anong itatawag ko sa kanya. Dapat ba ay maging magalang ako at tawagin siyang Mr. Benavidez? “Ano nga ulit trabaho mo sa ngayon?” Tanong niya sa akin, nilalaro iyong mamahaling ballpen niya. Naguguluhan man sa tanong niya dahil hindi ko alam kung may koneksyon ba ang pagtanggi ko sa kanya sa trabaho ko ay sinagot ko pa rin. “Declarant.” Simpleng sagot ko. “You’re a Licensed Customs Broker but instead of practicing your profession, you’re satisfied by being a declarant who works for a broker who is accredited by the Bureau of Customs. Tell me, Miss Morga, what’s the difference between you, a licensed one, and a person who studied the same course as you but didn’t pass the board exam?” Natigilan ako sa aking kinauupuan. Hindi pa ba obvious ang sagot? “I have a license—” nagulat ako nang bigla niyang ihampas ang kamay niya sa lamesa. Hindi naman siya galit pero para bang dahil natumbok ko ang sagot sa tanong niya ay napahampas nalang siya sa lamesa niya. Gumalaw ang ilang gamit na nasa ibabaw nito. “Exactly! You have the license but you’re settling to a job that even a person who doesn’t pass the board exam can get. You have the advantage, though, since you have the license but why would you settle for something minimum or less if you can reach higher than that? I’m not belittling your current job; I just want you to realize that there’s more that you can do.” Para akong sinampal sa sinabi niya. Nakukuha ko ang sinasabi niya ngunit ang problema mismo ay nasa akin. Masyado kong ina-underestimate ang sarili ko to the point na wala akong tiwala sa sarili ko. Palagi kong tinatanong ito kung kaya ko ba? Paano kung magkamali nalang ako? Wala akong lakas ng loob para pasukin ito. “Hindi naman ganoon kadali ang sinasabi mo. Para sa amin na walang kakilala o koneksyon sa industriyang ito. Mahirap magkaroon ng kliyente, mahirap makakuha ng accreditation. Maraming gastos at wala ako n’on.” Nakatingin lamang ako sa kamay ko at nilalaro iyon. Ayokong tumingin sa kanya dahil pakiramdam ko ay iinsultuhin lang ako ng magaganda niyang mga mata. Sa tingin ko naman ay hindi masamang pumuri ng ibang tao kahit may boyfriend ka na, hindi ba? “That’s why I’m going to help you. We’ll be the one to take care and to process your application for the accreditation but you’ll sign an exclusive contract that you’ll only work for our company.” Muli siyang sumandal sa swivel chair niya. Pinagmasdan ko siyang mabuti. Ngayon ko lang napagtanto na may isang maliit na hikaw pala siya sa kanang tainga niya at may emblem iyon ng pamilya niya. Napansin ko rin na may ilang singsing siya nguniti hindi ito iyong mga singsing na sobrang nagstandout. Bagay lang sa porma niya. “Miss Morga,” napakurap ako at muling napatingin sa kanya. Iniisip kung may sinabi ba ulit siya na hindi ko lang narinig dahil inoobserbahan ko siya o wala naman. “Your answer?” I collected myself and gather my courage to speak. I need to say this since this subject is the important thing to be addressed here. “But you’re still importing illegally. My license will be at risk kapag nahuli kayo. I don’t want to damage my reputation.” Para bang nasapol ko siya sa sinabi ko kaya’t naptigilan siya at tahimik lamang na tumingin sa akin. Maya maya pa’y marahan siyang tumawa. I don’t remember saying a joke? Anong nakakatawa? “Not all our importations are illegal, Miss Morga. There’s some, yes but the majority of what we import entered the Philippine jurisdiction with properly accomplished documents. We also import goods legally, if you want to know. You’re going to handle both. The legal and the illegal importation once you accepted my offer.” Pagpapaliwanag niya. Bumigat ang aking paghinga, nalilito sa dapat gawin at maging desisyon. Ayokong magdesisyon na pagsisisihan ko sa mga susunod na araw, na hindi ako patutulugin sa mga susunod na buwan. Do I need to make a decision right now? “Kung may mga dokumento naman kayo, anong illegal sa ibang imports niyo? Undervalued, I presumed?” Tanong ko sa kanya. Tumaas ang kilay niya sa akin at ngumisi. “We never undervalued the value of our goods, even the illegal ones. We pay for the duties and taxes of all our goods in accordance with the law.” Now that’s confusing. Kung hindi ganoon ang ginagawa nila, paano iyon naging illegal? “How is it illegal, then?” Tanong kong muli. Sa tingin ko naman ay hindi masamang magtanong? Gusto ko lang namang malaman kung ano itong papasukin ko kapag pumayag ako. Kinagat ni Silvanus ang kanyang labi at huminga. “Undeclared or misdeclaration. Whatever you called that.” That caught me off guard. Para akong kinapos sa paghinga. Lalo akong kinabahan dahil sa kung anong ginagawa nila. “Bakit? Ano bang iniimport niyong illegal?” Pinagsalikop niya ang kanyang kamay at ipinatong ang kanyang siko sa lamesa. “I’ll tell you once you accepted my offer. That is how far I’ll go and tell our business with you, for now.” Nakangiting sabi niya. Isang ngiti na nagdadala pa rin ng kilabot sa akin. I don’t know, it’s just that his smile is like the “scheming” smile. Laging akala mo ay may binabalak na masama.  “Why me? Isa pa, nasaan na iyong dating niyong broker at naghahanap ka ng bago?” Tanong ko sa kanya. kaunting tulak nalang talaga sa akin ay tatanggapin ko na iyong trabahong ibinibigay niya sa akin. “You heard about our illegal side of the business earlier. I actually want to shoot you but he deserved it more.” Kumunot ang noo ko nang sabihin niya iyon. Sinong tinutukoy niya? Napansin niya ata sa mukha ko iyong gusto kong itanong kaya’t hindi pa man ako nagsasalitang muli ay nasagot na niya ang katanungan sa isip ko. “The broker. I shoot him earlier, remember?” Nanlaki ang mga mata ko nang marinig iyon. Ibig sabihin ba ay iyong lalaking binaril niya kanina lang ay iyong broker nila? Holy s**t. “Anong ginawa niya to end up that way?” Kinabahan man ako ay hindi na para ipahalata sa kanya. “Betraying us. Destroying my trust. He had an exclusive contract with us but he’s entertaining other clients. That was breaching the contract.” Tumingin siya sa akin at ngumiti. “Don’t worry, you’re not going to end up like him, just don’t betray me when I’m being this generous.” “S-Should I give my answer right now? Can you give me some time to think?” Napalunok ako. Kinakabahan ako rito sa maaaring pasukin ko. Hindi lang second thought ang nagkakaroon ako. Mukhang kailangan kong pag isipan ito ng matindi. “Sure. Take your time to think. Our imports are handling by a firm right now so you don’t have to give me an answer right away.” May kinuha siya at iniabot sa akin. It’s his business card. “Call me when you arrived at decision.” Tumango ako at tumayo na. Mukhang nagkasundo na rin kami sa isang bagay. Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng opisina niya para makalabas. May iilang empleyado pa rin na naandito at mukhang nag oovertime. “Hindi mo ako kailangang ihatid. Magga-grab nalang ako.” Mamaya malaman niya pa ang bahay ko tapos kapag hindi niya nagustuhan ang maging sagot ko ay gerahin niya ako. “Okay, but I’ll accompany you until the exit of the building.” Hindi na ako nagreklamo pa at hinayaan na siya. Habang naghihintay makarating sa ground floor ay muli siyang nagsalita. “I have no intention of killing you even though you know a lot about our business but please do me a favor and keep it to yourself. Don’t you dare tell a single soul or you’re going to be one, got it?” Napairap ako dahil sa pananakot niya na naman. Tumango ako. Wala naman akong mapapala kung ipagsasabi ko ang tungkol sa mga ginagawa nila hindi ba? Nakarating na kami sa exit. Nagbook na ako sa grab at hihintayin ko nalang iyong dumating. “It’s nice to meet you, Miss Morga. Hopefully, I can hear good news from you soon.” Magalang siyang ngumiti sa akin. Tumango ako at magalang na iniyuko ang ulo. “Thank you, Mr. Benavidez. I’ll call you when I already have the answer.” Magalang kong sagot sa kanya. Nakita ko na naman ang pagngisi niya kaya’t muntikan na akong mapangiwi. There it is, again! That scheming smile. “You’re not my employee yet, remember? Cut the formalities. You can call me Silas, Miss Morga.” Pagpapakilala niya sa akin. Dumating na iyong sasakyan ko na naibook ko sa Grab. Nagtungo na ako doon at binuksan ang pintuan ngunit bago ako pumasok ay muli akong tumingin kay Silas. “Hyacinth. Just call me by my name.” Sagot ko sa kanya. Nakita ko ang biglaang pagbabago sa kanyang ekspresyon. Bahagya siyang nagulat ganoon pa man ay mabilis niyang nabawi ang sarili at muling ngumiti. “Hyacinth, then.” Tumango ako sa kanya at tuluyan nang nagpaalam. Sumakay na ako sa kotse at doon lamang ako nakahinga ng maluwag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD