SIMULA

1297 Words
“Kanina pa ako naglalakad dito, Eloise! Saan ba ang bodega ng kliyente na iyan? And please remind me again why should I go there? Wala sa scope of responsibility ko ang pumunta sa bodega ng kliyente, okay? Isa pa, ano ba talagang gagawin ko rito? Naliligaw na ata ako.” Sabi ng isang babaeng naglalakad sa madilim na daan na puro bodega habang kausap ang kaibigang nagngangalang Eloise. “May bonus daw kapag nagawa mo ng tama iyong kailangan ng kliyente natin, hindi ba? May ilang katanungan lang naman siya. Ikaw pati ang nagvolunteer, ‘no. Maggrab ka nalang or taxi pauwi. Ingat ka, Hyacinth!” Sabi ng kaibigan niyang si Eloise bago ibaba at tapusin ang tawag. Napabuntong hininga naman si Hyacinth dahil alam niyang wala na siyang magagawa kung hindi ang gawin nalang kung ano bang ipinunta niya rito. Biglaan niya kasing tinanggap ang trabahong ito nang marinig na may bonus sa kanilang manager. Hindi niya naman inaasahan na pagpunta pala sa bodega ng kliyente ang ibibigay na trabaho. Kulang kasi ang kanilang kompanya sa empleyadong maaaring gumawa nito dahil lahat ay nasa Port at nag aasikaso ng mga kargamento ng ibang kliyente at dahil wala siyang ginagawa at kailangan niya ng malaking bonus ay wala sa sarili siyang nagvolunteer.  “Ang dami namang warehouse rito. Hindi ko alam kung alin dito ang warehouse ng kliyente namin.” Sabi nito sa sarili. Umakto pa itong naiiyak dahil kanina pa siya pabalik balik sa lugar at tila ba nawawala na sa landas. Ipinagpatuloy lamang ni Hyacinth ang kanyang paghahanap sa warehouse ng kanyang kliyente at pinababalik balik ang tingin sa kanyang cellphone kung saan may mensahe ng address at pangalan ng warehouse na kailangan niyang puntahan. Magdidilim na dahil anong oras na rin at kailangan niyang makarating roon ng ala-sais ng hapon. “Good bye, job. Kailangan ko na atang maghanap ng bagong trabaho kapag hindi ko iyon nahanap at napuntahan ngayon—” Agad siyang tumigil sa pagsasalita at mabilis na umatras at nagtago nang makita niya ang apat na lalaki sa hindi kalayuan sa kanya. Ang isa ay nakasuot ng pormal na pananamit habang ang mga kasama nito ay nakablack suit na magkakapareho. Hindi niya makita ang mukha ng isang lalaki dahil naka-shades ito. Naninigarilyo ang lalaki at bukod pa roon ay may mga dala ring armas ang kanyang mga kasama. Agad kinabahan si Hyacinth. Gustuhin niya mang tumakbo papalayo ay wala siyang ibang daraanan. “Kumpleto na ba ang mga kargamento natin? Walang kulang? Short-shipped or short landed? Walang bad orders?” Tanong ng lalaki. Namangha siya dahil alam ng lalaking iyon ang mga salitang ginagamit nila sa trabaho at sa propesyong mayroon siya. Iniisip niya na siguro’y importer ito at may alam sa international trade. Si Hyacinth ay isang Licensed Customs Broker. Lisensyado man siya ay wala pa siyang lakas ng loob gamitin ang lisensya niya. Bukod pa roon, wala rin siyang mga kakilalang kliyente na maaaring magtiwala sa kanya para ipahawak ang mga kargamento nila sa kanya. “Kumpleto naman po. Papunta na po sa bodega natin iyong truck, Mr. Benavidez.” Sabi ng isang lalaking kasama nito. Sumilip si Hyacinth at nakita niya ang pagtapon ng lalaking tinawag na Mr. Benavidez ng isang lalaki sa kanyang sigarilyo bago iyon apakan. Muli siyang sumandal sa pader ng isang bodega para magtago at hindi siya makita. “Good. Update me as soon as the cargoes enter the warehouse.” Maawtoridad na sabi ng lalaki, na maging si Hyacinth ay kinilabutan. Magalang namang sumagot ang lalaking kausap nito. Hindi maipaliwanag ni Hyacinth kung bakit siya kinakabahan. Hindi naman sa gusto niyang mapakinggan ang pag uusap na iyon. Isa pa, wala naman siyang nakikitang mali sa pinag uusapan nila. Wala siyang dapat ikatakot. Ang mas dapat niyang katakutan ay kung hindi siya makakarating sa bodega ng kliyente nila sa tamang oras. “Siya nga po pala, Mr. Benavidez. May ibinalita po sa akin ang tauhan natin sa Customs.” Muling narinig ni Hyacinth kaya’t hindi siya nakaalis sa kinatatayuan niya, natatakot na baka makagawa siya ng ingay na maging dahilan para malaman ng mga ito na naandito siya. “Ano iyon?” Tanong muli ni Mr. Benavidez. “Sa mga susunod na buwan daw po ay baka mahirapan tayong ilabas ang mga kargamento. Maghihigpit daw po ang Customs ngayon dahil sa rami ng droga na nakukumpiska nila.” Mariing napapikit ng mata si Hyacinth. Nararamdaman ang tensyon at kaba dahil sa pinag uusapan nila. Ayaw man niyang isipin na sindikato ang mga lalaking iyon pero malakas ang pakiramdam niya na patungo sa ilegal na gawain ang pag uusapan nila. “That’s fine. We have enough inventory for the next few months. Pahupain muna natin ang init sa loob bago tayo mag import ulit. Hindi naman problema iyon. Give him a bonus to stay loyal, iyang tao niyo sa loob.”  Utos ni Mr. Benavidez. Mabilis at mabigat ang paghinga ni Hyacinth. Kinakain na siya ng kabang nararamdaman niya dahil alam niya na talagang sindikato o smugglers ang mga taong nakatayo hindi kalayuan sa pwesto niya. Nagdadasal din ito na sana ay matapos ang araw na ito na ligtas siya at hindi napapahamak. Gusto ko lang namang magtrabaho. Bakit ako naandito sa sitwasyong ito? Iyan ang tanging tumatakbo sa isip ni Hyacinth habang patuloy na nananalangin na sana ay walang makakita sa kanya at makaalis siya ng maayos doon. Plinano niyang umalis sa pwesto niyang iyon kapag nakaalis na iyong mga lalaki. Ang sabi niya sa sarili ay magdadahilan nalang siya sa kliyente nila kung bakit siya nahuli kaysa naman magpakita siya sa mga lalaki para lang hanapin muli iyong bodegang kailangan niyang puntahan at mapahamak. Nakapikit lamang siya roon habang nakasandal sa pader ng isang bodega at pinapakiramdaman ang pag alis ng mga grupo ng lalaki. “Anyway, just update me about the cargo. Mamahaling mga baril ang laman nito. Be careful in handling it. I need to go. I have some business to attend to.” Sabi ni Mr. Benavidez. Nakahinga ng maluwag si Hyacinth nang marinig iyon. Narinig niya ang yabag ng lalaki kahit medyo malayo iyon sa kanya. Napapangiti naman siya dahil sa wakas ay makakalis na siya rito at magagawa niya na ang trabahong kailangan niyang tapusin. “Let see,” agad na nagmulat ng mga mata si Hyacinth nang may marining siyang ingay sa kabilang dako ng bodegang sinasandalan niya. Huminga siya ng malalim at pilit na pinakalma ang sarili kahit na nangangatog sa kaba ang kanyang tuhod. Sumilip ito rito. “Does anyone told you that eavesdropping can get you into trouble, Miss?” Nanlaki ang mga mata ni Hyacinth nang lumingon sa gawi niya ang lalaking nakasandal na rin sa pader ng bodega habang may nakakakilabot na ngisi ito sa kanyang labi. Tumaas din ang kanyang dalawang kamay nang maramdaman niya ang ilang baril na nakatutok sa kanya. Napalunok siya at kinain na ng takot. “H-Hindi ko sinasadyang marinig ang mga pinag uusapan niyo. I can pretend that I didn’t hear anything—” napasinghap si Hyacinth nang maramdaman niya ang malamig na metal ng dulo ng baril na hawak ni Mr. Benavidez. Hindi na niya nakayanan at hinayaan niya nalang na kumawala ang hikbing kanina niya pa pinipigilan. “You know what I hate the most? Of course, you don’t.” Tumawa ito na siyang mas nagbigay kilabot kay Hyacinth. Idiniin ng lalaki ang nakatutok na baril kay Hyacinth. “I hate eavesdroppers and peeping-tom.” Nakarinig ng kasa ng baril si Hyacinth na siyang nagpaagos sa kanyang luha. I don’t want to die! Iyan ang paulit ulit niyang sinabi sa kanyang sarili hanggang sa makarinig nalamang siya ng putok ng baril.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD