MATUTULOG na sana itong si Summer pero bakit kahit ilang beses niya pang ipikit ang mga mata niya eh parang pinipigalan siya ng hanging makatulog.
"Ano ba yan bakit hindi ako makatulog?" Bulong sa sarili nitong si summer sabat tagilid at talukbong ng kumot. Ilang sandali pa ay inalis niya ang kumot saka napabalikwas ng bangon at ginulo-g**o ang buhok.
"Bakit nga hindi ako makatulog? Marami bang lamok? wala namang nangangat sa akin eh." Muling sambit nito saka napatingin sa paligid.
"Summer, napano ka ba? Namaligno ka ba kanina? Bat di ka makatulog?" Tanong nito sa sarili saka pabagsak muling ihiniga sa matigas at yaring kahoy nitong katre sabay buntog hininga habang nakatingin sa taas. Maya maya biglang may naalala kaya napabalikwas muli ito at may kinuha sa ilalim ng kama nito na isang kahon saka napasinghap sa hangin.
"Kung kinakailangan kong gawin tu para di maikasal sa asungot na yun, gagawin ko tu. Nay, kung nasaan ka man--patawarin mo po sana ako. Pero hindi naman din po kaya makakapayag kung yun makakasama ko habang buhay? Kung proproblemahin po ni lola ang lupang pagtataniman, siguro magiging sapat ang perang makukuha ko para makabili kami ng maliit na lupang mapagtataniman namin."
Napaigtad naman si Summer nang biglang magsalita itong si Mau.
"Oh, bat gising ka pa din?' Tanong ni Mau na pupungas pungas na napabagong.
"T-teka, kwintas mo yan di ba? Akala ko nawawala yan kaya di mo na isinusuot?' Tanong nitong si Mau ng mahimasmasan at makita ang hawak hawak na gintong kwentas ngunit ang pindann na iyon ay hindi malamang kung anong klaseng kurba.
"Hmm-" Napatangong sagot nitong si Summer.
"Oh, eh bat ngayon ko lang nakita yan ulit?" Tanong muli nitong si Mau.
"Itinago ko muna kasi ito nung nahulog mabuti na lang nakita ulit natin sa batis kung hindi ewan ko nalang."
"Oh, eh bat mo nilabas yan ngayon?" Tanong ni Mau na diretsahang napatingin sa mga mata nito.
"sa tingin mo--ano sa tingin mo, m-mga ma-magkano kaya tu kung ibebenta ko?" Tanong nito sa kaniya na sinagot naman ng mabilis pa sa segundong batok sa noo nitong si Summer.
"Baliw ka na ba, san mo naman gagamitin ang pera pagbinenta mo yan? O baka gusto mong tuluyan ka ng itakwil ni tanda kapag ginawa mo yan? Alalahanin mo di lang basta bastang uri ng mamahaling alahas yan, isipin mo ha pinaghirapang kitain panigurado yan ng inay mo mabilhan ka lang niyan, at iyan ang kaisa isang alaala mo sa kaniya. Okay ka lang?" Napapaangat ang isang kilay na nitong saad.
"Pero eto lang din ang makakatulong sa akin para makaiwas ako sa kasalang yun na kagagawan ng mga huklubang yun." Aniya ni Summer na halos bumagsak na ang balikat sa pamomoroblema.
"So, yun na yung naisip mong paraan. Sige nga pag naibenta mo yan? San mo naman gagamitin?" Usisa nitong si Mau.
"B-balak k-ko kasing i-ibili na lang ng kahit maliit lang na lupang mapagtataniman namin."
'Ogag ka talaga nuh? Sa tingin mo ba magtatanim ang lola mo sa lupang yun pag nalaman mo? Saka kanino ka bibili ng lupa dito? Eh halos pamilya ni Asyong ang nag mamay-ari ng mga lupa dito. Pagbilhan ka naman kaya?"
"Eh--eh di sa daddy mo. Sa inyo ako bibili kay ninong, makikiusap akong--"
"Yan na nga ba nagiging epekto ng pagkain mo sa halos sampung taon araw araw ng mga itlog. Nagiging bugok na utak mo. San ka magtatanim sa bayan eh puro semento, alam mo naman na yung lupa ni dad banda dito ay naibenta niya nung tumakbo siya sa pagka-mayor." Sagot sa pinakamabilis na saad nitong si Mau dahilan para mapabuga sa hangin.
"Anong gagawin ko? Ikaw ba? Papayag ka bang maging asawa nun?"
"Jusmeyo, baka gabi pa lang bago kasal magbigti na ako. Ayoko nga sino ba sa tingin mo uto-u***g papakasal sa lalaing yun kahit maligo pa ng sampung beses sa isang araw mukha pa ding dugyot, at sa kapal ng buhok pakiramdam ko garapata na nakatira--tapos may pabonus pa yung ngipin niya jusko abot gilagid gigil siguro ng dentista pag nakita yun, dagdagan pa ng amoy niya na hindi ko malaman kung saang kapanahunan niya pa nakuha yun o nabili. " Aniya nitong si Mau na napapairap habang nagsasalita dahilan para mapangiti itong si Summer at mapailing.
"Pero anong gagawin ko? Kahit ganito naman ako, ayoko din sa kaniya nuh? Maawa ka naman sa magiging inaanak mo sa akin pag yun nakatuluyan ko." Napapabagsak pangang sambit ni Summer sa kaibigan saka muling tinitigan ang kwintas.
"Alam mo hindi pa naman nag-gogo signal na kasalan nga. Mabuti pa isuot mo na lang muna yang kwintas mo habang pinag-iisipan natin ng napakagandang paraan para diyan." Napapapaangat ng kilay itong si AMu.
"Tutulungan mo ko huh?"
"Oo nga, pero bago natin isipin yun. Maawa ka sa kaluluwa ko kailangan ko na ng tulog, ayoko maging pangit bukas pag-uwi ko."
"Huh? Uuwi ka? Eh sa lagay niyang paa mo gusto mo ng umuwi? Papaano ka makakauwi? Lilipad o gagapang?" Natatawang tanong ni Summer dahilan para hampasin siya nito ng unan.
"Ang sama mo talaga."
"Anong masama dun ey--totoo nga naman sinasabi ko?"
"Eh kasi naman, ayoko na mag-stay dito mababaliw ako alam mo ba yun. Kung hindi lang talagang kasalanang pumatay ang mga katulad kong magaganda, baka na triple kill ko na yung lalaking yun. Yung kabag umakyat sa utak aba!" Reklamo nito para matawa itong si Summer.
"Oh, bat natatawa ka. palibhasa nagkakamabutihan na kayo ni Sir kaya ganyan kalapad mga tawa mo. Paano naman ako? Kinakawawa ng tukmol niyang kaibigan." Pagrereklamo nitong si Mau.
"Anong nagkakamabutihan dun? Kwits na kami kaya naisip kong bawas bawasan ko muna ang kasungitan ko sa kaniya, malay natin magamit ko ulit siya laban kay Asyong."
"Nako maniwala sayo. Sabihin mo nagwagwapuhan ka na kay Sira. Kung ako kasama nun papunta sa kabilang nayon, baka niligaw ko na yun si sir at binigyan ng isang napakasayang alaala sa liblib na kweba."
"Tsk! Mabuti na lang at di ka makalakad." Saka napailing at isinuot ang kwintas.
"Ayan, mukha ka na ulit unggoy, kala galing sa mayamang angkan hahah." Aniya ni Mau habang inaayos nito ang pendant.
"Kaso naisip ko lang ilang taon kaya pinag-ipunan tu ng inang mo nuh? sa gada, bigat at kintab pa lang nito masasabi kong di talaga basta basta. Tsaka tingnan mo yung pendant parang may kulang pa. Di ko mawari yung kurba."
"Hay naku, matulog na nga tayo. Ako nga di ko naiisip yang sinasabi mo kasi alam kong papangit lang ako." Napapailing na napahiga si Summer saka napasinghap sa hanging napapikit. Napahiga naman din itong si Mau sa tabi niya saka siya yinakap.
"Sayang nuh di man lang nakita inang mo? Sigurado akong isang latang malaki din kunsomisyon nun sayo." Basag nitong si Mau.
"Parang di ka din kunsomisyon ni ninong aba." Sagot nitong si Summer.
"Maganda naman, eh ikaw ba?" Tanong kay Summer.
"Abay siyempre, pahuhuli din ba ako? Likod ko palang kasing ganda na ng mukha mo, pano pa kaya pag harap." Aniya ni Summer dahilan para pitikin ang ilong niya ni Mau na ginantihan naman nitong si Summer nang mabilisang pagkilos sa patagilid, paharap sa kaniya saka siya kiniliti.
"Hahahaha! T--tama na. Oo na. ma-maganda ka na basta tayo hahah basta tayo lang nakakaalam huh? hahaha!" Nakikiling saad nitong si Mau. Napahinto naman si Summer saka napatihaya.
"Siguro, masaya magkaroon ng kapatid?"
"Anong masaya dun? Alam mo bang lagi akong binubully ng mga hinayupak kong mga kapatid, nag-iisa na nga lang akong prinsesa nila sa pamilya eh halos araw-araw akong paiyakin."
"Atleast alam mo ang pakiramdam ng may kapatid samantalang ako napapaisip kung--kung ano kaya kung nabuhay yung kapatid ko, siguro mas pasaway, at matigas ang ulo din yun katulad ko. Hays, matulog na nga tayo." Sambit nitong si Summer pagkabitaw niya sa mga linyang yun.
"Hmm hayaan mo sigurado naman akong masaya yung baby brother mo kasi kasama niya ang inang mo, di katulad mo hahahah!"
"Baliw, matulog na nga tayo. Maaga pa ako bukas."
"Ayeh! Ayaw pa sabihing excited lang makasama si maestro A--hmmmmmm!" Naputol ang sinasabi nito nang salpakan ng maliit na bahagi ng tela ng kumot nitong si Summer ang bibig nito.
"Sabing matulog na!" Saad nito saka napa-flying kiss sa kaibigan na nakakunot noo na.
SA kabilang maliit na kwarto hindi din makatulog ang dalwang lalaki.
"Hindi ka pa inaantok?" Tanong nitong si Forrest kay Alex.
"Paano ako makaktulog kung sanay kaluluwa kong umalis sa katawan ko ng hatinggabi minsan madaling araw pa." Mabilis na sagot nitong si Alex na hindi makatulog.
"Bakit--akala ko ba naging okay ka na dahil kay Summer, kaya ka nakakatulog nitong mga nagdaang araw? Uminom ka na ba ng alak este gamot mo pala?" Tanong ni Forrest.
"Inaantok naman ako ngayon pero ewan ko ba kung bakit kahit gusto kong ipikit ang mga mata ko di ko maipikit-pikit ang mga mata ko."
"Oh eh bakit? Ano ba iniisip mo?"
"Naisip ko lang kung gaano pa din tayo kaswerte sa pamilya natin."
"Oh, ba' sang bandang kidney mo hinugot yan? Himala yata!" Aniya nitong si Forrest na nagtataka.
"Naisip ko kasi, tayo na may kumpletong pamilya may maayos na pamumuhay ey nagagawa pang magreklamo sa buhay, sa pamilya natin. Samantalang yung iba kulang na kulang sa pamilya, maraming paghihirap na pinagdadaanan, at hirap sa buhay." Wika nitong si Alex na nakatihaya habang ang mga kamay ay siyang nagsisilbing unan ng kaniyang ulo.
"Sino bang tinutukoy mo dun sa iba?" Pahapyaw na tanong nitong si Forrest.
"Wala naman, naisip ko nga lang. Di ba nga dati napakareklamador kung tao dahil ganito ganyan sila mommy at daddy sa akin--hindi ko alam na it's just for me at sa kulukoy kong kapatid kaya nagsusunog kilay lagi sila sa work."
"Oh, so naguguilty ka dahil sa bilyong tao sa mundo ay isa ka sa mga taong kontrabida sa buhay, na gusto makakuha ng lahat?"
"Hindi naman sa ganun, hindi naman naging mahalaga o priority ang pera sa akin, kaya nga mas pinili ko maging ganito ang propesyon coz i don't want na hawakan ang mga businesses nila mommy at daddy. Ginusto ko lang naman mamuhay ng simple, ng buong buo ako, na bumuo din ng sarili kong mini-family, na--na kasama siya."
"Hay nako, sabi ko na nga ba kay Serene ang takbo ng drama mo." Napapabugang saad nitong si Forrest.
"Alam mo kung buo talaga ang puso mong makalimot, hayaan mo ang sarili mo maging masaya pansamantala. Enjoy the nature-total nandito ka na sa gubat pwedeng pwede kang tumambling mula dito hanggang sa kabilang nayon, pwede kang mag-walis mula dito g**g sa bayan, pwede ka ding magbilang ng dahon pag naboro ka na. Wag mo lang hayaang makulong ka sa loob ng mga alaalang nanatiling tinik diyan sa puso mo. Hindi magiging masaya si Serene kung lagi kang ganyan. E-explore mo yang self mo, mang chix ka kung kinakailangan, kaso wala niyan dito hahah!"
"Hay nako ewan ko ba sayo bakit nga ba kita kinakausap, kahit kelan laging nakafreeze utak mo." Napapailing saad nitong si Alex.
"Oy, siya nga pala--totoo ba narinig ko kanina? Kayo na ni--"
"Sige ituloy mo bawas yang ngipin mo. Tinulungan ko lang yun dahil nakukulitan na din ako sa pagmumukha ng lalaking yun. Nakaakaawa nman, isa pa para kwits na kami kaya ginawa ko yun, nang matahimik na ako." Pagpapaliwanag nitong si Alex.
"Alam mo sa totoo lang mukha namang mabait yung si Summer, kanina kasi habang naglalakad lakad ako may mga bata akong napansin mula sa di kalayuan, yun bang tanaw ng tanaw sa kubo kaya naman ako etong gwapo linapitan ko para mang-usisa. Nalaman kong gusto nilang humingi ng tulong sa ate Summer daw nila para daw kuhanin yung saranggola sa itaas ng puno sumabit daw kasi. At dahil napagkamalan nila akong foreigner siyempre ako na gumawa hahah. Salamat sa kulay ng buhok kong tu at di pa nauuso sa kanila hahaha." Napapailing kwento nito na sa tono ng boses ay bilib na bilib pa sa sarili.
"Tsk! Sayang di kita nakita."
"Bakit naman, ano naman gagawin mo kung nakita mo ko? Aakyat ka din ba?"
"Hindi, habang nasa taas ka, puputulin ko na yung puno katulong ang mga bata." Saad nitong si Alex na natatawa.
"Nakaaktuwang joke, Serene-mukhang lumuwag na utak nitong iniwan mo sa earth. paki balot mo nga at isama na." Pagbibirong saad nitong si Forrest. Napailing naman si Alex sabay pikit.
"Oh? Wag mong sabihing matutulog kana niyan?" Tanong nitong si Forrest.
"I need to sleep na maaga pa bangon ko bukas."
"Aysus! Yun lang ba? Baka excited ka makasama si Serene este Summer?' Natatawang aniya nitong si Forrest na hindi na pinansin pa nitong si Alex.
"Siguro kung buhay lang kakambal nun ni Serene iisipin kong siya yung kakambal haha! Kaso hindi ey." Napapailing wika nitong si Forrest saka napatingin kay Alex na nuon ay mabilis na nakatulog na.
"Aba! Wag mong sabihing tulog ka na sa isang pangungusap lang na sinabi ko? Hoy! Alex? Lugto ka na? Hay nako! Sana all nakakatulog na ng alas nuebe pa lang. Palibhasa kasi siguro nasanay ako sa oras ng tulog ko sa Maynila na para bang wala ng gabi." Kausap nitong si Forrest sa sarili habang nakatingin sa kisame nitong nipa.