Kabanata 31

2254 Words
           MAAGANG nagising ang lahat dahil sa ingay ng mga manok na halos sabay-sabay nagsisi-tilaok. "Anong ingay ba yun?" Napatalukbong ng kumot si Mau habang pikit na pikit pa ang mga mata. Napilitan namang mapabangon itong si Summer kahit pa pupungas pungas pa ito ay napatayo na. "Oy! Maaga pa." Aniya nitong si Mau ng mapagtanto nitong tuluyan na ngang tumayo yung kaibigan niya. "Sisilipin ko sa labas, baka may kung anong hayop ang umaaligid aligid sa mga manok." "Ano? Eh teka anong oras pa lang--parang tulog pa nga din yata si Mr. Sun eh." Napilitang umupo din si Mau sabay silip sa relong pambisig nito. "Alas kwatro-singkwenta pa lang ah. Lalabas ka talaga?" Tanong nitong si Mau. "Alam mo kung wala kang planong samahan ako sa pagbangon mo, mabuti pa matulog ka na lang." Saad nitong si Summer sabay hakbang papunta sa sulok kung saan nakalagay ang hindi ganun kalakihang kahon na siyang nagsisilbing damitan niya. Mabilis siyang nagpalit ng pang itaas na damit. "Sandali, seryoso ka talaga?" "Oo nga." Sagot nito na sa tono ay nakukulitan na kay Mau. Napatlikod na ito saka lumabas napapailing naman itong si Mau na walang ibang nagawa kundi samahan na lang ang kaibigan. Hindi naman ganun kadilim, dahil mas mahaba ang araw at maiksi ang gabi--kahit papaano ay may aninag na ng liwanag. Narating nila ang kubo kung saan nandun ang mga manok napabagsak balikat naman si Summer ng makitang ligtas ang mga ito. "Mabuti naman!" Bulong niya. "Grabe, alam mo kung mayaman lang ako? Binigyan na kita ng guard para diyan sa mga manok niyo. Para kahit papaano pag tulog tayo hindi makaalarma sa iyo." Saad nitong si Mau. "Gaga, ayoko ng guard. Gusto ko yung magbibilang ng mga itlog nila." Napapaungot na sagot ni Summer saka itinali ang buhok niya kung saan mas lalong umangat ang gandang meron sa suot niyang kwintas. "Nga pala, sa tingin mo? Nagising kaya din mga bisita natin?" Napapaisip na tanong nitong si Mau. "Alam mo, mabuti pa umuwi ka na sa inyo baka ikaw ang ipatuka ko sa mga alaga ko." Napapailing saad nitong si Summer saka mabilis na isinara ulit ang munting kubo kung saan naroroon ang lahat ng mga alaga nilang manok saka humakbang papalayo kay Mau. "Oy, napag-isipan mo na ba? Sasama ka huh?" "Pag-iisipan ko pa. Kailangan ko ng isang daang plano para makalusot kay lola kung sakaling di ako payagan." Saka mabilis na umakyat sa hagdanan. "Eh, bakit naman? Ako naman kasama mo tsaka sa bahay ka matutulog naman--- "Goodmorning Philippines!" Aniya nitong si Forrest sa mismong bukana ng pintuan dahilan para mapahinto itong si Summer sa harapan niya, habang ito namang si Mau ay napasabay ng hinto din ng matanaw si Forrest na nakabuka ng todo ang bibig habang nagungunat at nakapikit. "Ang bwisit na yun." Bulong ni Mau. "Sum--itabi mo, ako na hahatak sa kaniya ng siya namang gumulong pababa." Bulong nitong saad ngunit sa kasamaan kamuntikan pang siya na naman ang mhulog nang magulat ng marinig ang sinabi nitong si Forrest. "Ang aga aga nanininira na agad yang pagmumukha mo at pag-uugali ng araw ng isang tao." Basag nitong si Forrest na napangiting binalingan ng tingin si Summer. "Magandang umaga binibining Se--este Summer." Sabay ngiti ng pagkalapad.  "Nakaharang ka." Pagtataray nitong si Mau na sabat. "Ikaw ba kausap mo?" "Hindi naman pero sa akin ka din nakaharap." Aniya nito sabay lapad ng ngiti kay Forrest na para bang nang-aasar, napailing naman itong si Forrest saka napatabi. Ngunit halos mapatigil ang oras niya ng may matanaw siyang isang pamilyar na bagay mula kay Summer dahilan para tumindig ang balahibo niya at hindi makagalaw hanggang sa tuluyang makalayo na ang nakatalikod na bulto nitong si Summer. Kunot noo naman iika ikang napaakyat sa hagdanan itong si Mau saka napatingin kay Forrest na para bang naging estatwa habang nakatingin sa direksyong tinungo nitong si Summer. "Nabuang na." Bulong nitong si Mau saka sana nito lalagpasan itong si Forrest ng biglang mapakapit ito sa braso niya. "Aba't hoy, anong gagawin mo? Bitawan mo ko sisigaw ako huh!" Malakas na boses nitong si Mau na saad na natataranta. Agad naman siyang binitawan nitong si Forrest. "OA huh, may t-tan--may-- may itatanong lang ako sa iyo." "Mag tatanong ka lang bakit may nalalaman ka pang pa touch touch huh?" Bulyaw nito sa kaniya nitong si mau na halos lumabas ang lalamunan sa pagkainis kay Forrest. "S-sorry, hin-hindi ko sinasadya." Sambit nitong si Forrest. "Sorry sorry! Subukan mo ulit gawin yun sa akin, makikita mo kung saan ka nararapat sa mundong ibabaw." Pagbabanta sa boses at sa mga titig nitong si Mau kay Forrest sabay talikod akmang hahakbang na sana ito nang hindi niya mapigilan ang sariling humarap ulit sa lalaking yun sabay tanong. "Ano bang itatanong mo huh?" Pabulyaw na tanong nitong si Mau kay Forrest sabay irap. Napasinghap naman sa hangin si Forrest hindi niya alam  kung sa papaanong paraan niya itatanong lalo na kung ganun ka taray ang bruhang babaeng katapat niya na feeling napakaganda. "Hoy, ano na? Wag mong ubusin oras ko huh?" Muling bulyaw nitong si Mau na napabuga sa hangin. "Yu-yung--yung s-suot n-ni Summer na kwintas? K-kanino yun?" Napapalunok na tanong nitong si Forrest habang lahat ng balahibo niya ay naninindig. Bigla namang napahagalpak sa tawa itong si Mau. "Bakit? Pag mahirap ba wala ng karapatang makapag-suot ng ganun na mamahalin at napakaganda?" Tanong nito kay Forrest. "No, that's not what I mean. Gusto ko lang malaman k-kasi--" "Kasi?" "Kasi--ahm--w-wala, s-sa kaniya yun?" "Mukha bang sayo yung kwintas? Malamang kaniya yun. Tsaka bat ba napaka usyusero mong tao? Dyan ka na nga." Saka siya inirapan nitong si Mau sabay talikod sa kaniya na napapailing. Halos hindi naman malunok nitong si Forrest ang laway na napakaripas sa kwarto para bulabugin sa  mahimbing na pagkakatulog itong si Alex. "Alex! Alex! Alex! Alex! Al! Al gising." pagtatawag nito habang tinatapik tapik ang balikat nitong si Alex. "Al! Al, bangon bilis bilis." "Ano ba yun--" Nagising sambit nitong si Alex na nakapikit pa ang mga mata. "M-may s-sasabihin ak-ako sayo bilis." "Ang aga mo pa mambulabog." Dagdag pa nito na napilitang mapabangon. "Kasi nga may dapat kang malaman, at marinig." "Hindi ba pwedeng hintayin mo na lang muna magising  para masabi yun hindi yung mambubulabog ka pa ng kaluluwang malayang naglalakbay?" May tono ng pagkainis nitong wika kay Forrest na napapakamot. "Speak!" May accent pang saad nitong si Forrest. "Ayan ka na naman, sabing wag mo ibabaluktot dila mo dita kasi nasa bundok ka." "Bakit ba?" Inis na nitong si Alex na napabangong saad. "Hindi ko alam, pero--pero k-kanina kinilabutan ako. Kinilabutan ako pre, yung balahibo ko daig pang tindig ni joselito." "Joselito? Sino yun?" Kunot noong tanong nitong si Alex na napalingon pa sa kaniya, unang pagkakataon niya yatang narinig yung panagalan na yun sa bibig nitong baliw niyang kaibigan. "Ays, wag mo na isipin si Joselito nanahimik yun ngayon. Anyway, you have to--ay shemas." Napapikit sabay singhap ng hangin. "Pwede ba sabihin mo na hindi yung dami mong usap pa." Aniya nitong si Alex na kanina pa sabog ang pag-iisip na dahil sa pambubulabog sa himbing ng tulog niya. "Eh ka-kasi--" "Hoy, Forresto, alam mo kung gaano ako katagal na hindi makatulog tapos ngayong nakakatulog na ako ng mahimbing bubulabugin mo ko para lang diyan sa sasabihin, so speak it out or else I'll cut your your tongue?" Sambit nito na napaenglish na naman, napalunok naman si Forrest saka lumapit kay Alex at akbay dito. "kalma, baka pag nalaman mo baka di ka din makapagsalita." Muling tapik nito sa balikat ni Alex na ikinahinto niya ng titigan siya nitong si Alex. "Ahm--ta-tanda mo pa yung--yung binilhan mo si--si Serene nuon ng necklace pero di siya pumayag na--di siya pumayag na palitan mo yung necklace na suot suot niya ka-kasi sabi mo sinabi niya sayong--gift niya yun sa mommy at daddy niya nung bata pa siya. N-nasaan yun ngayon? Nasa saiyo ba? O sa parents ni Serene?" Napapaisip na sambit nitong si Forrest na papabalik-balik ng lakad sa harapan nitong si Alex na napapakunot noo. "W-what do you mean? Nasa parents ni Serene, sinuli ko bago tayo makaailis ng Manila sa ganung paraan naisip kong makakatulong sa akin nun. Anong konekta dun sa gusto mong sabihin sa akin?" Tanong nitong si Alex na napapaisip na din. "A-are you sure na safe yun sa parents niya?" "Oo naman, parents niya nagbigay kaya iingatan nila yun. Bakit daw ba? Bakit interesadong interesado ka naman sa kwintas ng asawa ko?" "Na lagot na, hin--hindi k-kaya n-ninakaw yun?" Bulong sana nito pero napalakas dahilan para mapakunot noo pa lalo itong si Alex. "Ninakaw? ang alin? What do you mean? Hoy, Forresto!" "Pre, m-mam-maniniwala k- maniniwala ka ba kung-kung sasabihin ko sayong---aysss! Ah basta wag kang--wag kang magugulat huh--pero--pero si Summer k-kasi." "Ano siya?" "Eh ano--ano kasi--" "Ano nga? Forresto naman." "K-kasi si--si Summer m-meron din siya. And literal na kaparehong pareho niya yung kwintas nitong si Serene."  "What? Oy, baka naman nakapikit ka na namang naglakad? Baka naman nanaginip ka or--" "Pre, walang or or dito. Literal yung nakita ng dalawa kong mata. Swak na swak, mas maliwanag pa ang mga mata ko sa kalangitan to tell you about that."  "S-sigurado ka ba? A-are you serious about that matter?" "Mambubulabog pa ba ako sa iyo kung nangtritrip lang, laking takot ko lang kaya na mabahiran niyang kamao mo ang napakagwapong mukha ko." "Kung totoong nakita mo? Bakit hindi ko nakita? Bakit hindi ko nakita kahapon samantalang magkasama naman kami??" "Maniwala ka, totoong nakita ko, kitang kita ko, hindi ako makapaniwala na hindi lang sa pagmumukha, magkatulad si Serene at Summer kundi pati din pala dun sa pinakaimportanteng bagay na meron si Serene ay meron din siya?" "Hindi--imposibleng magkaroon siya, sa pagkakaalam ko-pinasadya pa yun ng parents niya para sa kaniya, kaya nga ganun na lamang ka importante sa kaniya yun kasi galing sa parents niya. Paano magkakapareho? Baka namamalikmata ka lang dahil magkamukha sila ni Serene kaya nakikita mo na halos sa babaeng yun ang--" "Al, mukha lang akong tanga at madalas di maaasahan. But damn, tulad nga ng sinabi mong imposible, makakapag sinungaling pa ba ang mga mata ko. " Napahilot sa sintido si Alex habang nakapikit, bigla na namang nagulantang ang katatahimik niya lang pag-iisip dahil sa mga pinagsasasabi nitong kaibigan niya. "Kung gusto mo, ka-kahit n- kahit na ikaw mismo ang tumingin pa. I mean, magkakasama kayo mamaya di ba? Suriin mo."                    HABANG nag-aalmusal silang lahat, nakakaramdam naman itong si Summer ng para bang may mga matang palihim na nakamasid sa kaniya at hindi niya mahuli huli pa. "Oy, ayos ka lang?" Siko sa kaniya nitong si Mau. "May-may nakatingin ba sa akin?" Pasimpleng bulong nitong si Summer kay Mau. "Wow huh, sino naman titingin sa iyo? Eh lahat tayo magkakaharap lang dito at nakikita mo naman kung gaano kaabala ang bawat isa sa pagkain pwera sa iyo na mukhang balisa ang isip simula ng makaupo dito." "Ewan ko ba, pero pakiramdam ko may nagmamatyag sa aking mga mata."  "Sus, dai yang imahinasyon mo na naman parang toko. Kumain ka na nga at aalis pa kayo." Saway nitong kaibigan niya na napapahimas na lang sa likod niya. Habang si Summer ay pasimple pa ding napapasulyap sa bawat isa sa dalawang kaharap niya. "Siya nga pala Summer, wag mong kakalimutan ang sinabi ko sa iyo. Huminge ka ng tawad sa pamilya ni Asyong sa ginawa mong kalokohan." "Lola, bakit naman po ko mag-sosorry? Kung tutuusin nga sila nga dapat po dahil sa pambubulabog ng anak nila s abuhay ko at talagang--Lola naman." "Sasagot ka pa. Isa pa at buong baso papalunok ko diyan sa bunganga mo. Basta gawin mo para tapos na ang usapan." "Lola pag sinabi ko yun, paano naman ako? Malamang--bibigyan na naman po nila yun ng kahulugan." "Eh ano kung bigyan nila ng kahulugan--tandaan mo lupa ng sinasakahan at pinagtataniman natin ng pagkain natin sa araw-araw natin ang nakapusta sa kasalang yan. Isipin mo na lang kung hindi dahil sa utang na loob natin sa kanila baka sa kung saang sementeryo na tayo pinulot." "Lola, pumapayag ho ba kayo na itong ganda ng apo niyo ey ipambabayad utang na loob niyo lang po?" "Hindi, mas ikasasama pa ng loob ko kung sasagot ka pa ng sasagot diyan. Mahiya ka sa mga bisita." Bulyaw ng matanda sabay singhap sa hangin habang nakatingin sa malayo. "Lola, ipakasal niyo na lang po ko sa walang mukha, wag lang po dun na kahit may mukha katakot takot naman pong titigan." Pag mamakaawa nito sa tono ng boses niya. "Mag-tigil ka. Akala mo kaganda ganda mo kung mag-inarte. Ibagay mo yung estado mo sa buhay sa makakasama mo habang buhay. Kung naaasiwa ka sa pagmumukha ni Asyong pumikit ka. Siya, tapos na ako-pupuntahan ko muna yung mga manok baka sakaling may mga makukuha na atyong itlog" Sambit ng matanda saka napatayo  habang ang dalawang kaharap naman nitong si Summer ay pigil sa pag-ngiti. Maging si Mau ay pigil na pigil din na pakawalan ang tawa. Hinintay naman muna nitong si Summer na mawala ang bulto ng matanda sa paningin nilang lahat. "Hoy kayong dalawa? Akina yan." Sabay kuha sa plato ng dalawa saka isinunod ang plato ni Mau. "Te-teka, hind-" Forrest "HIndi ba ako tapos beshy!" "Tapos o hindi tapos magliligpit na ako." Pagsusungit nito sa boses saka tinarayan sila bago umalis sa harapan nila. "Kaibigan ko ba talaga yun? Wala pang limang subo yun ah?" Napapareklamong saad nitong si Mau habang nakatingin sa nakatalikod nitong bulto ni Summer. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD