ISANG malakas na hampas sa balikat ang dumapo agad kay Summer pag ka akyat nito sa kubo.
"Anong kalokohan na naman ang ginawa mong bata ka huh? Bakit pati si Alex dinamay mo pa? Akala mo ba di ko malalaman huh--sinabi sa akin ni Asyong na sinabi niyo, mo daw na ikakasal ka na, ikakasal ka kay Alex? Nababaliw ka na ba huh? Di ka na nahiya sa bisita natin at sa pamilya nila Asyong huh?" Napapahimas sa pusong bulyaw nitong si Lola Adora.
"Kahit kailan talaga puro ka kalokohan, sa tingin mo ba sa ginawa mong yan pag nalaman ng pamilya nila Asyong hahayaan pa kaya tayong makapagtanim sa lupain nila huh?"
"Lola naman, pwede po ba munang mag paliwanag hindi po basta basta na lamang dumadamba po yang kamay niyo?" Aniya ni Summer na napapahimas sa kaniyang balikat na kasalukuyan pa ding nakatayo sa bukana ng hagdanan.
"Ikaw, bukas na bukas din sabihin mo kay Asyong na hindi totoo yun, siguradong pati si Alex pinilit mo din na gawin yun."
"Lola, humingi po ko ng tulong kay Alex na yun para tantanan ako ni Asyong, malay ko po bang sasabihin niyang may relasyon kami at ikakasal na. Kaya kung may kasalanan man dito di ako yun, yang bisita niyo."
"Napakapurol talaga ng utak mo." Sabay duro sa ulo nitong si Summer ng matanda.
"Malamang sasabihin niya na lang yun para di mo na siya kulitin, propesyunal yung ginugulo mo at dinadamay mo sa kalokohan mo. Pag nalaman yun ng pamilya ni Asyong, sa tingin mo ba--hahayaang pang makapasok yan si Alex sa lugar nila para makapag boluntaryo?" Wika ng matanda.
"Eh di maganda, hindi na rin ako mapapagod na tumawid ng ilog, at pag-akyat baba sa bundok."
"So okay lang sayo na di tayo makapagtanim na sa lupain nila huh?" Tanong ulit ni Lola Adora para mapaisip si Summer, ilang segundo pa ay napasagot ito.
"Lola, matanong ko nga po kayo--eto po bang apo niyo ay nagkakahalaga lang ng ganun ka liit na lupaing pinagtataniman po natin? Lola naman, maghahanap na lang po ko ng matandang mayamang madaling mamatay wag lang ako ipakasal kay Asyong."
"Sira ulo kahit matandang mayaman pa yan, walang papatol sa pagmumukha mo. Tingnan mo nga tsura mo."
"Lola naman, masyado niyo naman pong minamaliit tung mukhang tu? Di niyo po ba alam na eto po ang naiwang kayamanan ng mga ninuno niyo p--aray po lola ang sakit po." Sigaw nitong si Summer ng biglang binatukan ng matanda.
"Basta bukas na bukas puntahan mo sila Asyong."
"Ano naman po gagawin ko dun sa Asyong na yun baka masakal ko na po yun?"
"Abat--humingi ka ng sorry sabihin mong hindi totoo. Kailangan hindi malaman ng pamilya niya ang ginawa mo dito."
"Ay nako lola, kung gusto niyo po kayo na lang po magpakasal dun sa Asy---"
"Abat tarantado kang bata ka ah." Nanggigigil na sambit ng matanda na nakahanda na ang mga kamay para sana hampasin si Summer nang kumaripas na ito ng takbo.
"Maghahain na po ko lola." Lakas boses na saad nitong si Summer.
Napapapikit naman si Lola Adora sa inis sa kaniyang apo sa ginawa nitong pagsagot sagot sa kaniya. Pakiramdam niya tumaas na naman ang dugo niya.
"Oh lola Adora--" Sambit nitong si Alex ng tumambad sa kaniya si Lola Adora na nasa may bukana ng hagdanan.
"Hay nako, mapapaaga kamatayan ko sa batang yun. Di ko alam kung papaanong disiplina pa ang gagawin ko dun. Siya, pumasok ka na at ng makakain na tayo nandun at naghahain na yung pasaway na yun." Saad ng matanda saka napatalikod at napahakbang papunta sa balkonahe at naupo sa upuang gawa sa kawayan. Sumunod naman itong si Alex.
"Siya nga pala, nalaman kong pinagpanggap ka pa ni Summer na kasintahan at ikakasal. Mukhang kinulit ka pa yata ng bruhitang yun para mapapayag. Ako na ang humihingi ng pasensya sayo sa batang yun. Tumatanda ng paurong na."
PARA namang nagliliparan ang mga gamit sa kusina sa lakas ng kalampag sa bawat lapag ng mga plato, baso sa mesa.
"Tulungan na kita." Alok na tanong nitong si Forrest sa kaniya nang biglang--
"Ang tanong may maitutulong ka ba?' Aniya ni Mau na nasa likuran nito.
"Abat, kanina ka pa ba diyan? Dinaeg mo pang multo o trip mo talagang maging kabute sumusulpot sulpot bigla bigla."
"Okay lang maging multo o kabute at least maganda naman." Sagot ni Mau.
"Hay nako kung di ka lang pilay ngayon pinatulan na kita." Bulong nito saka napahakbang papunta sa direksyon kung aan abala si Summer sa pagsasandok ng kanina.
"Anong sabi mo, narinig ko yun." Singhal ni Mau.
"Oh eh narinig mo na pala bakit mo pa tinatanong? Tsk! Tsk!" Napapailing saad nitong si Forres.
"Magsi-tigil na nga kayong dalawa, lalong nasakit ulo ko sa bangayan niyo eh." Saway ni Summer na halatang wala sa mood.
"Tawagin mo na lang yung kaibigan mo at si Lola." Sambit nitong si Summer kay Forrest na napatango na lang.
"San ka pupunta?" Biglang harang naman nitong si Mau kay Forrest.
"Baka gusto mong tuluyan ng di makatayo pag yang isa mong paa madali ulit?" May babala sa tono ng boses nito dahilan para mapakunot noo na lamang si Mau na napatabi. Dire-diretso namang naglakad na papalayo itong si Forrest.
"Oy Sum, totoo ba yung narinig ko kanina kay Asyong? Totoo bang sinabi mong mag jowa kayo nitong si Sir?"
"Jowa? Ano yun?'
"Jowa--boyfriend/girlfriend, yung kayo na--for short kasintahan sa probinsya natin."
"Ahh--eh san lupalop mo naman nakuha yung salitang yan?"
"Alangan sa Maynila. So totoo kayo na nga?"
"Tindi din niyang tenga mo nuh? Mukha bang papatol ako dun eh umpisa pa lang halos isumpa ko na."
"Eh umpisa lang yun. Ngayon ba kumusta kayo? Kaw huh, isang araw lang kayo nagkasama tapos kayo na agad? Aba anong ginawa mo na-hmmm"
Mabilis na sinalpakan ng kanin sa bibig nitong si mau ni Summer.
"Kumain ka na gutom na yang utak mo. Isa ka pa. Tinulungan niya lang ako para tantanan ako ng asungot na yun malay ko bang yun pala sadya ng lalaking yun para magsubong lang kay lola about dun." Matapang na aniya ni Summer.
"Abaa! Buti tinulungan ka eh last time I checked pareho kayong naglalagablab sa galit sa isa't isa?'
"Alam mo ang dami mo ng satsat, sige na umupo ka na."
"Siya nga pala, pwede bang makahiram ng damit mo ulit?" Tanong nitong si Mau sa kaniya na napapakamot sa ulo, saka niya lang napagtantong hindi pa pala ito nakakabalik sa kanila at sa kaniya pa din ito nanghihiram.
"Bahala ka," Sagot nitong si Summer saka napaupo na sa harapan ng mesa ng nakataas paa pa.
"Namamaga pa din ba yang paa mo?" Tanong nito kay Mau.
"Hmm-sa tingin ko bukas magiging okay na ako. At makakauwi na."
"Mabuti naman. " Napapatangong saad nito.
"Ay siya nga pala, magpye-pyesta na sa bayan? Di ka ba bababa?"
"Hmm-ano bang meron ngayon sa pyesta?" Napaisip na tanong ni Summer.
"Eh ano pa malamang madaming dayo yun, tsaka may mga palaro. Baka trip mo ng sumali?"
"Oy Mau, kung ano man yang iniisip mo na naman, kalimutan mo na lang. Baka tuluyan na akong mapalayas ni lola dito. Dahil sa ginawa mo ayan tuloy bilang parusa ako yung nag mumukhang tungkod nung maestrong yun." Napapailing sambit nitong si Summer.
"Talaga? kahit pa sabihin mong dadating si kuya?" Aniya ni Mau na napalaki ang mga mata ni Summer.
"U-uu-uuwi ang kuya mo? Tama ba narinig ko?"
"Oo nga, yun yung narinig ko sa usapan nila daddy at mommy nun. baka daw umuwi si kuya ngayong pyesta kasi kasama siya sa basketball."
" Yun!" Napapapitik pa sa hangin itong si Summer sa narinig. Ang nakatatandang kapatid nitong si Mau na si Jules ang childhood crush nitong si Summer. Tanda niya pa nuong 4th year highshool itong si jules samantalang siya naman nuon ay grade 6 ey panay papansin niya kulang na lang magtumbling papunta sa bangin mapansin lang siya nun hanggang sa naghighschool na siya. Kaya lang eto din ang first time niyang masaktan ng malaman nitong may girlfriend na itong taga Maynila nuong huling uwi nito sa kanila.
"Oyy! Interesado hahah! Punta ka huh, if gusto mo dun ka na din matulog. Kasama ni kuya ang jowa ko." Sambit nitong si Mau.
"Ayos yan." Napapangisi ng malapad itong si Summer habang napapahimas sa batok niya.
"Siya nga pala--s-sila pa ba ng girlfriend niya?" Usisa nitong di Summer.
"Oy interesado. Hahahah!"
"Sabihin mo na kasi dali." Pangungulit nitong si Summer na sa likod ng mga salitang yun ay umaasang sana hiwalay na ang mga ito.
"Hmmm--let's just say na natupad yung dasal mo dun sa may lawa."
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Sa pagkakaalam ko, hiwalay na ata sila. Kasi parang nagloko si girl nahuli ni kuya na may kasama sa mall."
"Mall? Ano naman yun?" Kunot noong tanong ni Summer.
"Mall--malaking building kung saan sa loob nito maraming mga paninda."
"Ah parang sa bayan?"
"Ay ewan basta pag nakaapak ka nalang ng Maynila papakita ko sa iyo." Saad nitong si Mau na hindi niya alam kung paano ipapaliwanag kay Summer ang tungkol dito.
"Ano--dun ka matulog huh?" Sabay siko kay Summer ni Mau sabay ngiti ng matamis, na para bang may plinaplano.
"Eh--pagpaalam mo muna ko kay tanda, alam mo naman yun. Tsaka wala din kasama si lola." Saad nitong si Summer na napapaisip.
"Bahala ka, basta uuwi si Kuya, pagkakataon mo na sana magpapansin. Ikaw din baka sa susunod na bakasyon nun may asawa na haha!" Aniya nitong si Mau na tila sa tono ng pananalita ay gustong gusto ngang mahikayat ang kaibigan.