"HMM-may ibang kamag-anak ba si lola Adora?'
"Sa pagkakaalam ko sabi sa akin ni dad meron naman mga kamag-anak si Lola Adora pero masasabing malalayo na, at yun daw ang tinirhan nito nuong nanirahan si lola sa Maynila?" Aniya ni Mau na nilalaro laro nito ang mga kuko habang nagkwekwento. Napataas naman ang kilay nitong si Forrest.
"Tumira si lola sa Maynila? Seryoso ka?' Tanong nitong si Forrest kay Mau na mabilis na napaisip.
"Hmm-ewan ko pero yun pagkakaalam ni daddy. "
"At pano ka naman nakakasigurado sa sinabi ng daddy mo? Anong alam niya kay Lola Adora?"
"Kasi nga si lola at si lola Adora ay malapit na magkakaibigan nuon, habang ang mommy nitong si Summer ang first love nuon ni daddy pero dahil nabuntis ni dad sa Maynila ang mommy ko hindi sila nagkatuluyan dahil nung bumalik si daddy daw dito ey kasama na yung babae, kaya dahil sa sama ng loob ng mommy ni Summer napilitang pumayag na lang din sa tatay ni Summer na magpakasal kahit na hindi niya ito mahal. Kaya lang--mukhang mas napasama pa ang buhay nun ni tita nung tuluyang maangkin ng tatay ni Summer dahilan para ikamatay pa nito. Kaya ganun na lamang kasakit para dito kay Summer kapag binabanggit niya ang tatay."
"Kaya pala ang galing makitungo nitong si Lola Adora sa mga taga syudad dahil naranasan niya ng manirahan dun."
"Hmm-ano sa tingin mo kaya naging buhay ni Lola dun nuh?" Napapatanong ng seryoso nitong si Forrest habang si Mau biglaang napakunot noo naman ng mapansin niya ang pagtatatanong nito patungkol kay Summer.
"Sandali nga bakit anda dami mong tanong? Te-teka lang huh, reporter ka ba at napakadami mong tanong, o baka naman--no no no. W-- wag mong sabihing gusto mo kaibigan ko huh? Sinasaabi ko sayo, kahit isang hibla ng buhok mo di matitipuhan nun ibang iba ugali nun lalo na pagdating sa lalaki."
"'Magtigil ka nga, nagtanong lang gusto na agaad, nalulungkot lang ako sa buhay na meron silang dalawa, kinakaya nila kahit pareho silang babae na mamuhay at labanan ang kahirapan kinakaharap nilang mag lola. Kung mayaman lang ako--baka binilhan ko na si Lola ng lupa pang sakahan niya para naman di niya na piliting maikasal itong si Summer sa tukmol na yun, kung tutuusin mas bagay sila ni Alex eh--"
"Ano--anong sabi mo?"
"Wala sabi ko, kung mayaman lang ako di ko hahayaang maikasal yang kaibigan mo sa mukhang manok na yun."
"Te-teka, speaking of mayaman, di ba m-mayaman yung lalaking bisita natin? S-si Sir?"
"'Huh? Mayaman? Hahaha! Saang antena mo naman nasagap yun?"
"Hmmm--narinig ko kay daddy nung minsan nag-uusap sila ni lola Adora na yung dadating daw na magboboluntaryo sa pagtuturo sa bario eh--talagang maayaman dahil anak ng isa sa pinaka may-ari na airlines at mga university at hospitals. Totoo ba yun?" Napapaangat ng tingin kay Forrest nitong sambit na ikinailing nito naman. Hindi niya inaasahang masisilip pa nito ang airlines at hospitals dahil sa pag-kakaalam niya ay masyadong napaka pribado ng buhay ng pamilya niya para ipaalam pa saa lahat ang totoong yamang meron sila.
"Oy totoo nga ba?" Pag-uulit nitong tanong kay Forrest.
"Wag kang maingay mamaya may makarinig sayo at kung ano pa mangyari niyan kay Alex." Pangambang saad ni Forrest para matawa itong si Mau.
"Sira ka ba may nakikita ka bang bahay na nakapaligid dito sa kubo? Bukod sa napakalayong bahay na yun na bubong na lang halos ang matanaw mo ang makakarinig diyan sa sasabihin mo meron pa ba? Siguro kung meron man mga lamok at insekto." Pagtataray na naman nitong saad.
"Tinatarayan mo na naman ba ako?"
"''Psh, hindi." Sabay sagot nito na labag sa kaloobang ibukas ang bibig. Napabuntong hininga naman at napailing itong si Forrest.
"Mga magulang lang ni Alex ang mayaman at hindi siya." Sagot ni Forrest.
"At sinong may sabi naman? Magulang niya is family pa din niya at siya pa din ang magiging tagapagmana dahil siya ang panganay."
"Abah! Mukhang naresearch mo muna ang dayo sa bario para malaman mong panganay tu at tagapagmana."
"Bakit may masama bang alamin muna ang magiging dayo? Mamaya killer pala yun. Nakangusong saad nitong si Mau.
"Tsaka bakit ka ngaa ba talaga tanong ng tanong?" Usisa nitong si Mau ulit.
"Nasagot ko na yan. Siya nga pala, simula talaga grade 1 kasa-kasama mo na siya?"
"Hmm oo." Sagot nitong si Mau na tatango tango.
SA kabilang dako naman habang nagtuturo itong si Forrest, makikita naman kay Summer ang lungkot sa mga matang bumabalot na pilit tinatakpan ng pagbabaliwala. Nakatingin ito sa malayo habang nag-iisip ng paraan kung paano niya masusulosyunan ang lahat lahat ng yun.
"Kung tumakas na lang kaya ako? Aay hindi mali mali minus 5 point iiwan ko si lola mag-aalala pa yun sa akin kung saang planeta ako naandun. Eh paano kung--magpanggap na lang akong baliw, o di kaya naaksidente, o di kaya pilay, lumpo o bulag? Ay mali maali--mas lalong minus points yun sa langit. Hays! Ano ba kasing gagawin ko para wag lang matuloy yung lintik na kasalang yun. Mahirap na nga ako wala pa akong karapatang pumili ng makakasama ko sa buong buhay ko ganun po ba yun Lord? Ang unfair naman po, kahit sana hindi pang fairy tale ang kwento ng buhay ko, basta pagdating sa lovelife may happily ever after. Pero kung si Asyong ang makakasama ko habang buhay baka mapaaga ang pag akyat ko sa langit--ay mali baka hindi sa langit mapa u-turn ako papuntang impyerno sa magagawa ko nito sa sarili ko. Sa dinami dami naman kasi ng lalaki bakit siya pa? Pakiramdam ko tuloy napakamalas ko sa buhay ko ngayon." Napapangalumbabang bulong nito sa sarili.
"'Hi mahal ko." Rinig nitong si Summer dahilan para mapaigtad ito.
"'Anong ginagawa mo dito?" Mabilis na tanong nitong si Summer na sa tono ng pananalita pa lang kahit nakapikit alam na alam niyang iyun ay ang lintik na lalaking magpapahamak sa kapalaran niya sa buhay.
"Ah eh, sabi ni inang nagmamadali ka daaw bumalik diito ni hindi man lang kita naabutan kaya gusto sana kitag imbitahan pabalik ng ba--"
"Pwede ba, tantanan mo na ako maawa ka naman sa akin." Nagsusumamo ang mga matang nakatingin kay Asyong.
"Teka--may sakit ka ba? Siguro mas makabubuti nga mahal na magpahinga ka na lang muna sa bahay." Malayong sagot nito sa sinabi nitong si Summer dahilan para mapabuntong hininga na lamang itong si Summer.
"'Asyong, pwede bang itigil mo na tung kabaliwan mo. Alam mong hindi kita gusto, alam mong ayoko sayo simula palang, alam mong wala na akong interes sayo umpisa pa lang pero bakit napaka kulit mo at mahirap umintindi. Asyong, hindi magiging masaya ang pagsasama kung walang pagmamahalang namamagitan."
"Anong wala mahal, andito ako. Hanggat hindi mo pa ako natututunang mahalin--ako muna ang magpupuno nun."
Napasapo sa noo itong si Summer, hindi niya alam kung paanong sirkus pa ang gagawin niya para lang tantanan siya ng lalaking yun.
"Asyong---hindi talaga tayo bagay." Aniya nitong si Summer.
"Ayos lang yun, ibabagay natin kung sakali mang hindi." Saad nitong si Asyong sabay ngiti dahilan para malukot na ng tuluyan ang mukha ni Summer.
"Asyong naman, di baterya ba yang utak mo? Hindi nga tayo bagay, hindi kita gusto, hindi kita mahal at hinding hindi mangyayari yun. Yun ang intindihin mo."
"mahal, natututunan naman lahat ng mga bagay na yan. At nakakasigurado akong pag nagsama tayo maibibigay ko lahat sayo ang mga gusto mo, makakapag tanim ka pa sa malaawak kong lupain."
"Ayos ah, mukhang plano mo pa yata akong gawing manananim mo." Napapailing bulong nitong saad ni Summer.
"Alam mo, mabuti pa umalis ka na muna, nag didilim na ang paningin ko eh."
"Huh--bakit nahihilo ka ba? Teka hindi ka kasi kumain eh. Dapat kumain ka muna sa bahay--hindi mo naman sa akin diretsahang sinabi na gusto mo ng pagkain kaya mo ko pinapaalis ngayon. Sige babalikan kita, magdadala ako ng pagkain." Nagmamadaling sambit nito.
"Magpahinga ka muna diyan at saka wag kang kikilos muna huh?Tama--tama sa lawak dito mas magandang dito na nga lang mag sikain. O'siya dito na tayo kakain lahat huh." Napakalapad ng ngiti nitong sambit saka naapatalikod. Habang si Summer ay parang nahulog pa sa sarili nitong patibong.
"Mukhang mas sumama pa ata ang sitwasyon sa sinabi ko." Bulong nito sa sarili.
"Anong gagawin ko?" Napasabunot nitong saad habang palakad lakad.
"Mukhang mapapasabak ka yata ngayon sa g**o?" Tanong nitong si Alex dahilan para mapaangat ng tingi itong si Summer saka siya tinitigan.
"Bakit?"
"Matagal ka pa bang magtuturo?" Tanong ni Summer sa nangungusap nitong mga mata.
"May problema ba?" Tanong nitong si Alex dahilan para mapabuntong hininga itong si Summer.
"Wag na nga lang." Aniya nitong si Summer saka ito tinalikuran.
"Anong problema ba?" Tanong ulit nitong si Alex na hindi na inimik pa nitong si Summer.
"Sige, gusto mo bang umuwi na tayo? Pauuwiin ko na lang muna ang mga bata--" Para namang kidlat na napaharap itong si Summer sabay ngiti at napatango tago.
"Pwe-pwede bang sa mas mabilis na paraan?" Tanong ni Summer.
"Basta sasabihin mo sa akin kung bakit pag pauwi na tayo." Pakikipagkasundong saad nitong si Alex dahilan para mapatango itong si Summer. Agaran namang kumilos itong si Alex para pauwiin na muna ang mga bata.
"Hay nako! Ssiguro gusto mong makasama si Sir nuh?" Napapailing na nakakrus ang mga kamay nitong si Chuchay sa dibdib na para bang nasa tamang edad na ang ekspresyon at talas ng pananalita nitong humarap kay Summer.
"ikaw na bata ka. Umuwi ka na--"
"Hmmm-papansin ka pa nga lagi kay Sir."
"Anong pinagsasasabi mo? Uwi na!" Kunot noong sambit nitong si Summer habang napapakagat labi, malakas ang kutob niyang isasama nitong si Asyong ang buong angkan nito sa mga salitang binitiwan nito kanina. Napabaling ang atensyon niya kay Alex na nuon ay kumakaway kaway sa mga bata na nuon ay papaalis na.
"Bilisan mo." Bulong niya sa sarili.
"Siguro may gusto ka sa sir namin kasi lagi kang nakatitig sa kaniya.' Biglaang kunot noo nitong si Chuchay habang itong si Summer ay di mapigilang mapabaling agad ang tingin sa batang nasa harapan niya.
"Oy! ikaw kabata bata mo dami mong alam. Uwi ka sa bahay niyo at mag-aral mag hugas ng pinggan. Chusere, walang magkakagusto niyan sa sir Alex mo." Aniya nitong si Summer sa pagalit na sambit. Tinarayan naman siya ni Chuchay.
"Di naman maganda." Bulalas nitong si Chuchay sa mataray na pamamaraan saka napatakbo bago pa man si Summer makapag bitaw ng reaksyon.
"Abat--lokong bata yun aba? Nanay mo ba maganda?" Sigaw niya sa bata na napahinto saka tiningnan siya at binilatan.
Maya-maya biglang may nahagip ang mga mata nitong si Summer-ang mga alipores ni Asyong na lihim--na lihim na nagmamatyag sa kaniya kaya naman bigla na siyang kinutuban. Kilala niya si Asyong simula pa pagkabata-
"Bakit may problema ba?' Biglang tanong sa kaniya ni Alex.
"Alis na tayo." Sambit nito saka niya hinila ang braso nitong si Alex.
"Sandali bat ka nagmamadali?" Tanong ni Alex na nagtataka na.
"Wag ng matanong mamaya ko na sasabihin. Bilisan mo lang ang mga hakbang mo huh, wag ka ding lilingon, diretso ang tingin at sundan ako."
"Ano bang pinagsasasabi mo?"
"Mabilis ka bang tumakbo?" Tanong ni Summer na pasimpleng napatingin sa likod nila kung saan tuluyan niya ng nakita ang mga alipores nitong si Asyong na sinusundan na nga sila.
"Bakit?"
"Mabilis ka tumakbo?" Tanong ulit nitong si Summer. Akmang lilingon pa itong si Alex ng mapansin nitong si Summer na panay ang lingon ay biglang pinigilan nitong si Summer.
"Mabilis ka tumakbo di ba? Pag sinabi kong takbo--atakbo ka at susundan mo ko, wag kang hihinto hanggat di ako hinihintay, wag kang lilingon basta takbo lang huh? Di tayo pwedeng mahuli ng mga elyeng." Saad nitong si Summer.
"Ano bang nangyayari huh? Pinagtritripan mo ba ako? Kung gusto mo mag isa ka na lan---"
"Takbo!" Sambit nitong si Summer na hindi man lamang pinatapos nito ang pagsasalita dahil agaran ng hinila ang mga braso nito sabay hatak sa kaniya patakbo. Hindi naman nakapag pigil itong si Alex at napalingon ng maramdaman niyang may mga yabag siyang naririnig.
"Ano bang nangyayari?"
"Basta bilisan mong tumakbo." Sambit ni Summer na sobrang bilis maglakad. Habang tumatakbo sila hindi naman maiwasang maramdaman ni Alex muli ang huling pagkakataong ginawa niya ito, alaalang hindi niya kahit kailanman makakalimutan. Ganito din kabilis ang mga takbo nung mga oras na yun, ganitong sigla, ngunit hindi na ang asawa niya ang kasama niya.
Tandang tanda niya pa nuon kung paano nila ni Serene takasan ang mga pulis nuong minsan napagkamalan silang kasama sila sa nagrally. Halos magkanda dapa dapa sila sa pagtakbo mailigaw lang nila ang mga pulis habang ang kabang nararamdaman nila nuon ay napapalitan ng saya--dahil panay ang tawa nitong si Serene.
"Bilisan mo tumakbo Alex." Saad ni Summer.
HINDI naman mapakali itong si Forrest sa isang sulok sa kakaisip sa lahat lahat ng mga sinabi nitong si Mau habang pinagdudugtong dugtong lahat ng mga sinabi nito.
"Wala ng mga magulang si Summer, namatay nung pinapanganak ang kapatid niyang lalaki na namatay din. Samantalang ang papa naman niya hindi ko alam kung namatay ba yun o nawawala basta ang alam ko lang lumaki si Summer na si lola Adora ang nag-iisang kinikilalang pamilya, ang kaisa isahang taong pamilya, nagmamalasakit sa kaniya at nagmamahal. Yung--yung kwintas, yung kwintas na tinatanong mo kanina sa mommy niya yun. And not really sure nga eh kasi sa bigat ang tsura pa lang makikita mong totoong alahas yun, kaso paano naman ang mommy nun ni Summer makakabili kung totoo mang alahas yun? Sa hirap ng buhay nila nuon malabo--posible na lang kung pinag ipunan talaga ng mommy niya yun para maibigay lang sa kaniya yun. At kung totoong alahas man yun nako mukhang mas kinakailangang alagaan yun ni Summer dahil masyadong pinaghirapan, dugo at pawis ang ibinigay ng kaniyang mommy maibigay lang yun sa kanyiya kaya lang--Kaya lang--napapaisip siya ngayon na ibenta ito kung sakali mang totoo para makatulong siya sa lola niya, maibili ng maliit na lupain ng sa gayun ay hindi na siya sapilitang ipakasal ng lola niya sa lalaking tukmol na yun. Hays tsk! tsk! tsk! Kawawa ang kaibigan ko pag nagkataon.Hay nako, tinatago niya kasi yun dahil muntik ng mawala yun nung nakaraang magkasama kami. Eh yun nga kagabi nailabas niya na yun ng maisipan niyang ibenta na lang. Pero pinipigilan ko, dahil nakakapanghinayang yung effort ng mommy niya kung sa ganun lang na dahilan mawawala sa kaniya. I mean, marami namang way pa wag lang yung kwintas ibenta."
"Wala ng mga magulang si Summer, namatay nung pinapanganak ang kapatid niyang lalaki na namatay din. Samantalang ang papa naman niya hindi ko alam kung namatay ba yun o nawawala basta ang alam ko lang lumaki si Summer na si lola Adora ang nag-iisang kinikilalang pamilya, ang kaisa isahang taong pamilya, nagmamalasakit sa kaniya at nagmamahal. Yung--yung kwintas, yung kwintas na tinatanong mo kanina sa mommy niya yun. And not really sure nga eh kasi sa bigat ang tsura pa lang makikita mong totoong alahas yun, kaso paano naman ang mommy nun ni Summer makakabili kung totoo mang alahas yun? Sa hirap ng buhay nila nuon malabo--posible na lang kung pinag ipunan talaga ng mommy niya yun para maibigay lang sa kaniya yun. At kung totoong alahas man yun nako mukhang mas kinakailangang alagaan yun ni Summer dahil masyadong pinaghirapan, dugo at pawis ang ibinigay ng kaniyang mommy maibigay lang yun sa kanyiya kaya lang--Kaya lang--napapaisip siya ngayon na ibenta ito kung sakali mang totoo para makatulong siya sa lola niya, maibili ng maliit na lupain ng sa gayun ay hindi na siya sapilitang ipakasal ng lola niya sa lalaking tukmol na yun. Hays tsk! tsk! tsk! Kawawa ang kaibigan ko pag nagkataon.Hay nako, tinatago niya kasi yun dahil muntik ng mawala yun nung nakaraang magkasama kami. Eh yun nga kagabi nailabas niya na yun ng maisipan niyang ibenta na lang. Pero pinipigilan ko, dahil nakakapanghinayang yung effort ng mommy niya kung sa ganun lang na dahilan mawawala sa kaniya. I mean, marami namang way pa wag lang yung kwintas ibenta."
"Hindi ko alam pero parang may kulang pa din sa mga naitanong ko kanina sa babaeng yun, hindi talaga ako makuntento sa sinabi nito patungkol sa kwintas at kung sakali man--saan kukuha ng ganun kalaking pera ang nanay ni Summer sa pagpapagawa o pag bili ng ganung klaseng kwintas?
Sa tindi ng dating ng kwintas na yun--alam kong--bilyones ang halaga nun. Haysss! Pero pano kung nagsasabi naman talaga ng totoo? Paano kung paman yun? Eh kung pamana nga? Saan nga kukuha ng pera itong pamilya nila? Hindi naman sa pang-dodown pero katulad ng pamilya ko lumaki akong alam kung paano mamuhay ng mahirap, paano kumita ang mga tulad namin--at nakakatiyak akong hindi sasapat yung perang kinikita lang sa isang araw na pagtratrabaho sa isang pang-karaniwang trabaho lang. Kulang ang mahigit tatlumpong taon na pagtatrabaho makabili lang ng ganyang klaseng bagay. Hayyys buhay--teka nga bat ba iniisip ko yun? Bakit ko ba prinoproblema eh problema na ni Alex yun. Di ba nga Serene? Tanong niya nang bigla siyang makaramdam ng malamig sa paligid niya.
"Wag kang ganyan Serene, tinutulungan lang kita aba." takot na bulong ni Forest.