Kabanata 38

1490 Words
HALOS abutin din ng dalawampu't minutong pakikitagu-taguan nila Summer at Alex sa mga kasamahan ni Asyong. Humahangos sila na napahinto sa isang malaking puno para pag-taguan ang mga ito.  "Ano bang ginagawa mo?" Bulong nitong si Alex na basang-basa na ang polo sa pawis, samantalang si Summer ay habol hininga pa ding napasilip sa may puno ng bahagya para alamin kung nasaan na ang mga alipores nitong si Asyong. "Ha-alam mo--alam mo ba hang ka-katahapusan ko pahag--pag-nagpauto pa hako sa Asyong na yun?" Aniya ni Sunny "Huh? Pakilinaw nga?" Tanong nitong si Alex ngunit imbes sagutin siya nito ay biglaan lang siyang binigyan ng senyales na hindi mag-ingay. Napatango naman si Alex na nuon ay nagtataka, alam niyang iniiwasan nito ang lalaking yun pero hindi niya maintindihan kung bakit kinakailangan nilang tumakbo ng ganun kabilis at katagal sa ganitong magubat pang lugar. Ilang saglit pa ay biglang may naramdaman siya dahilan para mapatingin siya sa pinagmumulan ng direksyon dahilan para halos lumuwa ang mga mata niya at mapalunok ng sunod sunod habang pinipilit niyang makapag-salita ngunit walang boses na lumalabas sa bibig niya. "Pag-sinabi kong takbo, tatakbo huh ulit? Sundan mo lang ako, kung ayaw mong maligaw ka ng tuluyan dito sa gubat." Paalala nitong si Summer habang abalang-abala sa pagmamamanman sa mga alipores na papalapit sa pwesto nila. Ilang sandali pa ay napansin na nitong si Summer ang hindi pag-imik ng kasama niya at maging ang pag-hingang naririnig niya dito ay tila ba parang bumibilis.  "Oy naiintindihan mo ba ak---? Aniya nitong si Summer na naputol ang tanong ng biglang mahagip din nito ang ahas na kasalukuyan ng gumagapang ang katawan papaakyat sa puno na halos isang dangkal na lang ang lapit sa katawan nitong si Alex na nuon ay putlang-putla na at halos hindi makagalaw sa kinatatayuan. "W-wag---wag kang gagalaw dayo, k-kung g-gusto m-mong maka-maka-makauwi ng bu-hay." Aniya ni Summer na nuon ay kasalukuyang sinusundanng mga mata ang ahas at hindi din gumagalaw, hindi na bago sa kaniya ang makakita ng ahas dahil nga lumaki siya sa bundok iba't ibang klase na ang nakikita niya ngunit ibang klase ang kasalukuyan nilang nakasagupa ngayon at marahil eto ang tinutukoy ng lola niya na sa kaniya na dapat niyang pakakaiwasan. Gustuhin niya mang patayin tu ngunit mismong katawan niya na ang nagpupumigil sa kaniya para hindi makagalaw sa mga sandaling yun at aminado siyang natakot siya hindi para sa sarili kundi sa dayong kasama niya. Ilang minuto pang halos pag-pipigil hininga nilang ginawa at sa wakas naka akyat na din sa taas ng puno ang ahas kaya mabilis na hinatak nitong si Summer si Alex papunta sa kabilang malaking puno ng mapansin niya ng halos wala ng pula sa mga labi nito sa pamumutla. "Oy okay ka lang?" Tanong nitong si Summer na nuon ay pilit na pinapakalma din ang sarili ng palihim. Narinig naman niyang napabuntong hininga ng pagkalalim etong si Alex sabay yakap bigla kay Summer. "Ah-ah--oy, a-anong gina-ginawa mo? Oy!" Saway nitong si Summer nang bigla na lamang niyang maramdaman ang biglang pag-luwag ng mga kamay nito sa pagkakayakap. "Oy--O-Oy ano tu te-teka, ayos ka lang ba--?" Huli na ang lahat bago pa man natapos ni Summer ang sasabihin dahil tuluyang na siyang na out of balance sa bigat nitong si Alex at bumagsak sa lupa.  "A-aray ko ang sakit." Reklamo ni Summer habang nakakunot ang noong at napapahimas sa ulo, hanggang sa maramdaman niya ang bigat sa ibabaw niya dahilan para mapadilat siya at halos maluwa luwa ang mga mata niya ng makita ang kasalukuyang sitwasyon. Si Alex, ang lalaking dayo ay kasalukuyang nasa ibabaw niya. "Anong--hoy, alis--" Sambit nitong si Summer na nakahanda ang kamaong nakakuyom sa anumang iniisip niya na posibleng gawin sa kaniya ng lalaki ngunit nakakailang segundo pa ay halos wala siyang maramdamang pag-galaw. "Hoy--binabalaan kita kung may binabalak kang masama sa akin, magkakamatayan muna tayo dahil di ako papayag sa gusto mong mangyari." Aniya nitong si Summer saka napalingon na tila naghahanap ng isang kapirasong kahoy para gawing pang depensa sa sarili kung sakali man. Ngunit, wala pa din siyang nararamdamang pag-galaw o pagkilos ng lalaking nasa ibabaw niya. "Hoy dayo--" Aniya nitong si Summer saka dahan dahang hinawakan na ang braso. "Hoy!" Muling saad niya kasabay ang pag-yugyog niya sa braso nito ngunit wala pa ding reaksyon ng lalaking yun dahilan para magbigay bahala na sa kaniya at pinilit na makita ang kabuuan na mukha nito na nakasubsob malapit sa may leeg niya. Nanlaki ang mga mata niya ng makita niyang nakapikit eto at pawis na pawis ang noo. "Nawalan ng malay? Bakla ka siguro nuh?" Tanong niya sa sarili saka niya buong pwersang itinulak sa ibabaw ang lalaki para iwesto sa tabi niya. "Mabuti na lang maton ako." Bulong niya sa sarili sabay buntong hininga at napapikit ng tuluyang maalis na sa kaniyang ibabaw si Alex.  Ilang sandali pa ay napadilat na siya at sa mga sandaling yun bigla niyang napansin ang ganda ng ulap ng kalangitan, dahil sa maraming puno sa paligid mas ramdam niya na ang masarap na hangin sa paligid niya, hindi na ang init ng araw. Ilang segundo pa ay biglang may kung anong nagtulak sa isip nitong si Summer para ipagpalit ang magandang tanawin ng kalangitan, sa katabi niya na huli na para mapansin niyang napapangiti na siya habang titig na titig sa taong yun. "Akalain mo, takot pala ang ganyan kagwapong mukha sa ahas para himatayin." Sambit ni Summer saka napangiti, agaran naman niyang binawi sinabi niya ng maisip ang lumabas sa bibig niya. Well, aminado naman siyang gwapo nga ang lalaking iyon, may mahahabang pilikmata  ba naman, katamtaman ang katangusan ng ilong, may manipis na labi, magandang hugis ng mukha at mahahalatang sa kutis pa lamang nito ay nagmula sa mayamang angkan. "Psh, gwapo nga pero may kadiliman ang pag-uugali. Di bale na lang oy. Hay nako Summer, tigilan mo na nga yan." Bulong na saway niya sa sarili ngunit tila parang may kung anong magnet sa mukha nitong si Alex para hindi niya maalis ang paningin niya sa lalaking yun. Hanggang sa may marinig siya mga boses malapit sa pwesto niya. "Hanapin niyo bilis, malalagot tayo kay bosing Asyong." Aniya ng isang boses dahilan para mahimasmasan itong si Summer at maalalang tinakbuhan pala niya ang Asyong na yun kaya naman napabalikwas siya ng bangon saka napakagat sa labing napatingin kay Alex na nuon ay nakahiga.  "Hindi pwede, katapusan ko pagka- nagkataon." Bulong niya saka napakamot sa ulo. Mabilis siyang nag-isip ng paraan at kumilos. Ang kaawa awang katawan ng walang malay na si Alex ay pilit niyang hinila papunta sa isa pang puno saka niya tinakpan ang buong katawan ng mga tuyong dahon na nakapaligid sa kanila. Habang siya pigil hininga sa taas ng punong inakyat niya na sana hindi dumatng sa puntong maapakan ng mga ito si Alex.  "Gago, patay talaga tayo kay bosing nito." "Eh bakit ba kasi kailangan nating bantayan si Marikit?" Aniya nito--Marikit, yun yung kadalasang tawag sa kanilang mga babae kapag hindi binabanggit ang pangalan. "Tanga ka ba o bobo, malamang para di siya matakasan ni Marikit alam mo namang malapit na silang ikasal di ba." Sagot ng isa pang lalaking kasama niya na humihithit ng sigarilyo. "Pareho kaya kayong tanga at bobo." Bulong na sagot nitong si Summer sa taas ng puno. Maya maya pa ay biglang napansin ng mga ito ang pwesto nitong si Alex. "Ang dami namang nakatambak na dahon dun."  "Oo nga, kakaibang trip yung ginawang pagtambak pahaba, siguro may mga mangangaso na namang napadpad dito sa atin. Pag nagkataong mahuli sila ng pamilya ni Asyong malalagot sila sa ginagawa nila." "Kaya nga--ay siya hanapin na natin bago pa tayo maabutan ni Bosing." Saad nitong lalaki saka ihinagis ang sigarilyo sa mga dahong mismong kinalalagyan ni Alex dahilan para magulat itong si Summer at dahil sa nakitang pag-usok bigla siyang nataranta para bumaba. Ngunit sa kasamaang palad, sa pagmamadali niya, maling sanga ng puno ang naapakan niya dahilan para tuloy tuloy siyang mahulog sa baba. Pikit mata at halos malukot ang buong mukha niya sa sobrang sama ng pagkakabagsak niya.  "A--aray, ang--ang paa ko." Sambit nitong si Summer saka dahan dahang napadilat at gumalaw  saka muling binalingan ng tingin si Alex na nuon ay walang kamuwang muwang sa posibilidad na mangyayari sa kaniya. "Nako po--" Aniya nitong si Summer ng makita niyang mas lumalaki na ang usok dahilan para tuluyan niyang abutin ang isang kahoy upang makatulong sa kaniyang makatayo at makalapit sa pwesto ni Alex, di niya na muna ininda ang sobrang kirot na nararamdaman ng paa niya. Mabilis niyang inalis sa katawan nitong si Alex ang mga tuyong dahong itinakip niya at pilit na pinapatay ang usok na posibleng pagmulan ng malawakang sunog sa gubat na yun dahil sa dami ng mga dahon, saka niya pilit na hinila ulit papalayo si Alex. Hanggang sa tuluyan na ngang hindi niya na makayanan pa at tuluyan na din siyang bumagsak at napahiga. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD