Kabanata 36

2608 Words
NAIWAN namang muli ang dalawang si Forrest at Mau sa kubo, habang nasa may hagdanan si Mau nagpapahangin ito namang si Forrest ay may binubunting na kung ano sa sapatos na sa may balkonahe ngunit bigla siyang napayuko ng may kung ano siyang napansing gumagapang sa kahoy malapit sa hagdanan at ang direksyon nito ay papunta sa  "Oy---" "'Wag mo ko kausapin." Sagot ni Mau. "Aba--sige ikaw din makipaglaro ka na lang sa ahas." Aniya nitong si Forrest dahilan para mamilog ng malalaki ang mga mata nitong si Mau habang dahan dahang gumagalaw ang leeg para mapabaling ng tingin kay Forrest. "Sandali! T-to--totoo?" Pigil na tanong nito kay Forrest habang nakabaling ng tingin kay Forrest na nuon ay nakatalikod na sana sa kaniya. "O-oy!" Muling saad nitong si Mau para mapabuga sa hangin itong si Forrest na nainis tutulungan niya sana kasi ito pero sinungitan lang siya kaya iiwan na lang sana niya ito at hahayaang magsungitan sila ng ahas kaso konsensya niya din habang buhay kung sakaling matuklaw pa itong bruhitang babaeng yun.  "O-oy s-seryoso, ayokong gumalaw, t-totoo ba?" Nanginginig ang labi nitong tanong kay Forrest at sa pagkakataong yun natitigan ni Forrest ang mga mata nito at makikitang takot na takot nga ito, pasimple naman siyang napatingin sa ahas na nasa kalahating metro na lamang ang layo kay Mau, napapalunok siya. "A-ano n--na? T-totoo ba? Yung--yung totoo? Fo-Forrest!" Malakas na ang boses na sambit nitong si Mau para mapatango kaagad si Forrest. "'A-anong gagawin ko?" Mangiyak-ngiyak na tanong na nitong si Mau habang kinakabahan at takot na takot, pinaka kinaayawan niyang hayop sa lahat ay ang ahas. "Anong ginagawa mo diyan, pa-patayin mo na bago pa ako ang mamatay." Singhal naman muli ni Mau dahilan para tuluyang mapalunok itong si Forrest, ngunit--biglang nakaramdam siya ng ginhawa ng matanaw niya ang ahas na gumapang pababa saka huminto at sa pwesto nito mukhang walang planong umabante papunta sa direksyon nitong si Mau, na siyang dahilan para bigla siyang makaisip nuon ng kalokohan sa itsura ni Mau na mas takutin pa. "W-ag kang gagalaw--da--dalawa sila. M-mag-asawa y-yata yung d-dalawang ma--mga ahas na yan." Aniya nitong si Forrest. "Hayop ka ba? Gusto mo ba talaga akong patayin? Tulungan mo ko." "At bakit ko naman gagawin yun? Bakit ko tutulungan yung babaeng di ko malaman kung anong kasalanan ko para palaging pagsugitan at tarayan?" "Eh--tulungan mo muna kasi ako, ano bang gusto mo? Gusto mo ba hindi na kita sungitan, awayin o tarayan? S-sige hin-hindi ko gagawin na. Maawa ka lang sa akin, ayoko pang mamatay di pa ako kinakasal, nagkakaroon ng pamilya, anak at nagiging masaya sa buhay." Nakapikit habang di halos gumagalaw ang nanginginig nitong katawan. "'Promise?" Tanong nitong si Forrest sabay hagip ng tingin sa ahas ngunit sa pagkakataong yun biglang namilog ang mga mata niya, mukhang nagkamali siya ng pagkalkyula, dahil mukhang nagpahinga lang yata itong ahas sa pag-gapang at mukhang target na nito si Mau, dahilan para biglaan siyang mataranta. "Wag kang maingay, wag kang gagalaw. Tandaan mo pag tinulungan mo ko dapat hindi mo na ako awayin,  matuto kang magmahal ng kapwa tao mo." "Tao ka ba?" Aniya nitong si Mau dahilan para mapatingin ng matalim sa kaniya itong si Forrest, mukhang nadulas ang isip nitong si Mau para yun yung mailabas ng bibig niya. "Kung ganun, sige mukhang tao naman yata yung palapit na sayo." Tatalikod na si Forrest nang biglang. "Oo na--oo na sorry sorry sorry na please-sa-save me. A-ayokong--ayokong--a-ayokong mamatay. I promise, magpapakabait na ako. Magpapakabait sayo." Sigaw nitong si Mau. "Okay, that's a deal."  Saka mabilis na kumilos si Forrest para maghanap ng mahabang kahoy at sa maswerteng pagkakataon nakita niya ang mahabang panungkit sa mga sinampay sa isang sulok, agaran niyang kinuha ito. "Wag kang gagalaw malapit na siya sa iyo. Wag na wag kang gagalaw." Paalala nitong si Forrest habang marahan niyang nilalapitan ang ahas at hinay hinay na inilalapit ang panungkit para pasunurin ito sa ibang direksyon. "M-matagal p- pa ba y--yan?" Napapalunok nitong tanong ni Mau na sa pagkakataong yun hindi na maipagkakaila ang takot na nararamdaman nito sa puso sa tindi na ng pawis na makikita sa kaniya. "Wag kang gagalaw pa sabi eh." sambit nitong si Forrest nang biglanglumaban ang ahas sa kahoy nito. "B-bilisan mo kasi, namamanhid na paa ko at kamay." "'Matutuluyan yang katawan mo sa pamamnhid kapag natuluyan ka nitong ahas." Sagot nitong si Forrest na napapalunok, at bahagya na ding nakakaramdam ng kaba sa dibdib. Matapang ang ahas na iyun at dahil may kalakihan na kaya nahihirapan siyang pasunurin ito gamit ang maliit na panungkit. "Pagbilang ko ng tatlo, pilitin mong makagapang paalis." "P-pero paano ko gagawin yun? Yung--yung paa ko--yung isa ko pang paa--hindi pa ganun na galing ba-baka mapilayan n--na ako nito ng tuluyan." "Mamili ka mapilay o mamatay?" "Sige magbilang kana." Walang pagdadalawang isip na sagot nitong si Mau na kahit hirap pa siya sa isa niyang paa pipilitin niyang mapagapang. "''Sige humanda ka." Sambit nitong si Forrest na nuon ay napapakunot noo na. "Isa--da-dalawa--tatlo!" Sigaw nitong si Forrest sabay lakas niyang itinulak ang ulo ng ahas gamit ang panungkit ng buong lakas dahilan para mahulog ito sa baba. Habang si Mau naman ay kasing bilis ng kidlat na napagapang papalayo sa hagdanan papuntang balkonahe. Pinilit na sikwatin nitong si Forrest mula sa taas ang ahas papalayo sa direksyon ng bahay ang ahas. At nang makasigurado na itong nakalayo na ay mabilis niyang binitawan ang panungkit at nanginginig na napasalampak sa papag. Sa sobrang kabado niya pakiramdam niya isang pagkakamali niya lang din mamamatay siya. Napapikit siya sabay sandal, maya maya naalala niya si Mau kaya marahan siyang napatayo at humakbang papaunta sa balkonahe at napahinto siya habang tahimik na napapahikbi itong si Mau na nakatitig sa tuhod nito kung saan banda ng paa din namamaga.  Dumudugo ang tuhod nito mukhang napwersa niya itong paa niya para makakilos sa pag gapang. Napabuga siya sa hangin saka napahakbang papunta sa kwarto kung saan kinuha niya ang first aid kit nitong si Alex--oo, kay Alex nga--always ready na yun simula nung mangyari ang insidenteng yun. Pagkalabas niya ng kwarto ay agad niyang tinungo itong si Mau na nasa balkonahe saka biglaang binuhat para makaupo ng maayos sa upuang yari lang din sa kahoy. "Sandali--anong-anong gagawin mo?" Tanong ni Mau na napapapunas sa mukha. "Hindi ko alam na gas gas lang pala magpapahikbi sayo. Kung alam ko lang dapat ginasgasan na ko na lang yang binti mo kesa mapilay ka, sakit tuloy sa tenga yung pag-ngawa ngawa mo nung hinhilot ka ni Lola Adora." "Sandali nang-iinis ka ba? O gusto mong magsimula ulit ng--" "Wag kang gagalaw. " Aniya nitong si Forrest saka napaupo ito sa harapan niya sabay kuha sa paa nito at pinatong sa may tuhod niya saka binuksan ang medical kit. "Ma-marunong ka?" Napapalunok nitong tanong ni Mau kay Alex. "Wag kang magalaw, mahapdi pero sandali lang yun." Saad nitong si Forrest na seryosong seryoso sa ginagawa nito para namang biglang gumaan ang nararamdaman niitong si Mau dahil sa nakikita niya ngayon dahilan para makita niya na sa kabilang side pala ng lalaking madalas niyang pagsungitan, tarayan at galitin ay eto pa ang tutulong sa kaniya. Sa kabila ng kamalditahan niya ng very slight lang naman sa lalaking yun ay naatim pa siyang iligtas sa ahas na ni sa panaginip niya ay kinatatakutan niyang makita. "Masakit, mahapdi?" Tanong nito sa kaniya saka napaangat ng tingin saaa kaniya dahilan para mabilis siyang mapailing at mapatango, napangisi naman itong si Forrest dahil sa naging reaksyon ng sagot nitong si Mau. "Anong nakakatawa?" Pagtataas na naman ng boses ni Mau. "Oh akala ko ba hindi mo na ako susungitan pagkatinulungan kita? Bakit para tuloy akong nagsisising tinulungan ki--" "Oo na--sorry" Mataray nitong sambit ni Mau. "Totoo ba yan? O labas ilong?" Tanong nito sa kaniya dahilanp para mapasinghap sa hangin itong si Mau. "Sa-salamat sayo. Thank you and sorry kung ganun kita itrato, hindi ko lang talaga mapigilang mainis sayo dahil sa mga pinagsasasabi mo sa akin nuong una nating pagkikita sa bayan. Napangiti naman si Forrest saka marahan niyang inialis ang binti nito sa kaniyang bandang tuhod at tinakpan ang firs-aid kit sabay pisil bigla sa ilong nitong si Mau. "Mas lalo ka kasing pumapangit pag ka galit kaya mas lalo kita inasar nun. Pero dahil mukhang sincere ka naman sa sorry mo, then siguro makakabuti kung magiging magkaibigan na tayo. But wait--payong tao lang huh---wag--wag kang mahuhulog sa akin huh? Sinasabi ko sayo yang mga tipo mo nasa listahan lang ng mga kakaibiganin ko, hindi sa listahan ng iniibig ko." Aniya nito sabay tayo at kindat kay Mau na biglang napairap sabay nguso. "O'siya, sa tingin ko naman sa paa mo magiging magaling na yan bukas. Pero yang sa tuhod mo di ko lang alam, pero galos lang naman yan, konteng gas gas malayo sa atay pa para ikahinto ng mundo mo." "Thank you." Saad nitong si Mau na nakatingin sa tuhod niya at inuusisa ang ginawa nitong si Forrest sa tuhod niya. "Siya nga pala, di ba taga bayan ka at sabi mo anak ka ni Mayor?" "Huh--sinabi ko ba yun?' Tanong nitong si Mau na napabaling ng tingin kay Forrest na napatango. "Oh ano naman ngayon?" Tanong nitong si Mau. "'Matanong ko lang bakit kaya hanggang ngayon wala pa ding ginagawa si Mayor para magka network signal man lang tayo dito sa mga liblib na lugar?" "'Anong ibig mong sabihin?" "Wala naman, naisip ko lang kung paano kung may mga dayo na magsisipunta sa mga liblib na lugar tulad ni Alex na laki sa siyudad di mabubuhay kung walang koneksyon sa mga mahal niya sa buhay dahil sa napag volunteeran niyang lugar ay walang kakonekoneksyon." Napapatango naman itong  si Mau bilang pag-sang-ayon sa totoo lang yun din naman ang gusto niyang mangyari dahil sa nakasanayan niya na ding buhay sa siyudad ng siya ay mag-aral na ng kolehiyo. Pero dahil sa hirap ng buhay mas inuuna ng kaniyang daddy ang makatulong sa mas mahihirap pa sa mahirap at pagtuonan ng pansin ang mga mas kinakailangan at mas mahalaga dun. "Naisip na din yan ni dad, pero wala naman din siyang magagawa kung yung pondong napupunta sa kanya ay tamang tama lang din para sa pangangailangan ng mga nasasakupan ni dad. Sinubukan na din ni daddy humingi ng tulong sa mas nakakataas at yun ang hinihintay niyang tulong kung sakali mang marinig nito ang kaniyang munting hiling." Sersong sagot nito kay Forrest na napapatango tango. "Kahit nga kuryente mahirap  makapasok dito yun pa kaya. Pero sana magawan yun ng paraan, gustong gusto ko ding matupad yun para sa kaibigan kong simula ng mamulat eh tanging lamparilya lamang ang nagsisilbing liwanag sa kanila ni Lola Adora sa bahay na ito. " Dagdag pa nitong saad ni Mau dahilan para biglang may kung anong naalala itong si Forrest. Napaupo ito sa harapan nitong si Mau saka napalunok. "Siya nga pala, maiba tayo--gaano mo kaclose si Summer?" Biglaang tanong nitong si Forrest. "Hmm--bakit mo naman naitatanong?" "Ah--huh, uhm--wala lang natanong ko lang sobrang close niyo kasi at napansin kong daeg pa sa magkapatid turingan niyong dalawa." Aniya ni Forrest na may kung anong gustong malaman mula kay Mau patungkol kay Summer.  Naisip niyang kunin niya na ang pagkakataong yun para mapaploka niya itong si Mau, mukhang hindi din sayang yung ginaawa niyang pagtulong dito dahil yun pa pala ang magtutulay nito sa kanilang dalawa para magkausap sila ng matino at malaman niya ang mga dapat niyang malaman pa. "Sa totoo lang simula pa pagkabata, simula grade 1 kami na talaga ang tropa niyan, at tama ka--pareho kaming kapwa kung ituring ang isa't isa ay higit pa sa tunay na magkapatid. Pano ba naman kasi, magkasundong magkasundo kami sa halos lahat ng mga bagay, maging sa kalokohan magkasundo din, naalala ko pa kung gaano kami kadalas mapatawag nung principal sa elementary dahil sa kasigaan nitong si Summer, napaka war freak, at hindi nagpapatalo sa mga bullies. Siya ang knight and shining armor ko kaya hanggang sa mag-high school kami, nakakalungkot nga lang dahil di kami magkasabay na grumaduate at di magkasabay na tutupad ng mga pangarap.  Siguro ang masasabi ko kaya ganun na lamang kami ka close kasi pareho kaming longing sa isang kalaro nun, ako na puro lalaki ang kapatid kaya walang nakakalaro at si Summer na wala ding kapatid." Pagpapaliwanag nitong si Mau kay Forrest na napapatango. "Eh, siya nga pala--nakilala mo ba yung mga magulang niya? Sorry kung medyo chismoso lang, napapansin ko lang kasing silang dalawa lang ni lola Adora ang nandito sa mga araw na nandito kami nagstay ni Alex, kaya medyo napatanong ako, nakakahiya naman kung si Lola ang tanungin ko. Medyo curious lang. Siguro nasaa Maynila ang mga magulang niya nu at nagtatraba--" "Wala ng mga magulang si Summer, namatay nung pinapanganak ang kapatid niyang lalaki na namatay din. Samantalang ang papa naman niya hindi ko alam kung namatay ba yun o nawawala basta ang alam ko lang lumaki si Summer na si lola Adora ang nag-iisang kinikilalang pamilya, ang kaisa isahang taong pamilya, nagmamalasakit sa kaniya at nagmamahal." "Kung ganun ulilang lubos na itong si Summer sa mga magulang niya at itong si Lola Adora ang nagpalaki sa kaniya?" Tanong ulit nitong si Alex na ikinatango bilang sagot naman nitong si Mau. "'Nakakalungkot din pala ang buhay nitong si Summer kaya pala hindi namin nakikita ang parents niya kala namin ni ALex ey nasa ibang lugar lang nagtatrabaho. Eh pano yun, nakita niya pa ba mommy niya nuon? I mean natatandaan pa kaya niya mukha ng nanay niya?" Tanong ni Alex. " Hmm sa tingin ko hindi, masyadong bata pa kasi nun si Summer sabi ni dad ng mawala ang parents nito, pero okay lang kasi may naiwan namang alaala ang nanay nito sa kaniya." "Hmm--ano naman yun?" "Yung--yung kwintas, yung kwintas na tinatanong mo kanina sa mommy niya yun. And not really sure nga eh kasi sa bigat ang tsura pa lang makikita mong totoong alahas yun, kaso paano naman ang mommy nun ni Summer makakabili kung totoo mang alahas yun? Sa hirap ng buhay nila nuon malabo--posible na lang kung pinag ipunan talaga ng mommy niya yun para maibigay lang sa kaniya yun. At kung totoong alahas man yun nako mukhang mas kinakailangang alagaan yun ni Summer dahil masyadong pinaghirapan, dugo at pawis ang ibinigay ng kaniyang mommy maibigay lang yun sa kanyiya kaya lang--" "Kaya lang ano?" "'Kaya lang--napapaisip siya ngayon na ibenta ito kung sakali mang totoo para makatulong siya sa lola niya, maibili ng maliit na lupain ng sa gayun ay hindi na siya sapilitang ipakasal ng lola niya sa lalaking tukmol na yun. Hays tsk! tsk! tsk! Kawawa ang kaibigan ko pag nagkataon." "Te-teka, ibebenta niya? Plano niyang ibenta? Kung sakali mang totoong alahas yun panigurado di lang maliit na lupain yung mabibili niya kundi ilang hekta-hektarya din. Sa pagkakakilatis ko sa suot niyang yun baka--baka yun pa magsalba nga sa kaniya--sa kanila ng lola niya." Aniya nitong si Alex na seryosong nakatingin kay Mau na napapitik ng daliri. "Alam mo may tama ka, nuh." "'Pero bakit ngayong araw ko lang nakita yung kwintas?" Usisa nitong si Forrest. "Hay nako, tinatago niya kasi yun dahil muntik ng mawala yun nung nakaraang magkasama kami.  Eh yun nga kagabi nailabas niya na yun ng maisipan niyang ibenta na lang. Pero pinipigilan ko, dahil nakakapanghinayang yung effort ng mommy niya kung sa ganun lang na dahilan mawawala sa kaniya. I mean, marami namang way pa wag lang yung kwintas ibenta." Saad nitong si Mau habang si Forrest nuon ay napapatango dahil sa mga katanungan niyang nasasagot ng harapan nitong si Mau.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD