MASAKIT ang ulo ni Summer na parang binibiyak ito ng magising sa tama ng sikat ng araw mula sa kaniyang munting bintanang yari sa nipa at kahoy.
" Ang sakit--aray !" Napapahawak sa ulo niyang reklamo saka pupungas pungas na dahan dahang bumaba sa papag nito para magtungo sa banyo. Mabilis na binuksan ng isang kamay niya ang pintuan habang kinukusot kusot niya ang mga mata niya nang biglang mapadilat siya ng makarinig ng baritonong boses.
" Wha--what the f*** !" Gulantang na napamura si Alex ng mapalingon at makumpirmang isang nilalang ang nakapasok sa loob ng kinatatayuan niyang banyo.
" Ika--ikaw? Anong--Bakit nandi---" Saka napatigil ng mapansin ang kahubadan ni Alex dahilan para naman mabilis na kumilos si Alex sa paghatak sa tuwalyang nakasabit sa pako at ipinalibot sa bewang.
Tatlong beses namang muna napakurapkurap ang mahahabang pilik mata ni Summer saka siya napasigaw at napatakip sa mata at nagtatakbo palabas ng banyo.
" Waahhh ! Waaahh ! ---Araaay ko po." Nagsisisigaw na pumasok sa kubo habang nakatakip ang mga mata ng biglang bumunggo sa isang bulto saka naramdaman ang malakas na paghampas ng isang bagay sa ulo niya dahilan para maramdaman niya muli ang masakit niyang ulo na nawala kani kanina lang pagpasok niya sa banyo.
" Ano ba yang bunganga mo? Kay aga aga umaalingaw ngaw, dinaeg mo pa ang unga ng kalabaw." Saway ng lola niya.
" Aray ko po, lah--sabihin niyo po nasa bahay pa po ba ako o naengkanto na ako?---Aray ko naman lola." Napapahimas na naman sa pangalawang hampas sa kaniya.
" Yan na ba ang naging epekto sa sobrang kalasingan mo huh kagabi? Hindi ka na nahiya, nagawa mo pang mangbuso sa bisita natin."
" Ano? A--ano kamo la? Mam--mabuso po? Bi--bisita?" Laglag ang panga niyang tanong sa lola na hindi niya maintindihan. Agad namang napatango ang lola nito saka siya nagulat ng may biglang lumitaw sa harapan niya saka ngumiti.
" Hi Ser--este Summer. Good Morning." Ngiting malapad na bati ni Forrest kay Summer.
" T--teka na-namumukhaan kita ah?" Duro nito kay Forrest na napapakunot noo at pilit na iniisip kung sang lupalop nagtagpo ang landas niya. Ilang segundo lang ay napakuyom siya ng maalala niya na.
" A-ha ! ikaw? Ikaw yung lalaking kasama ng baliw na lalaking nagpakawala sa---" Napatigil siya sa pagsasalita ng makita niya si Mau sa likod nito na sumesenyas na wag maingay.
" Magkakilala kayo?" Tanong ng lola niya sa kaniya na nagpalipat lipat ng tingin sa kaniya at kay Forrest na agad namang ikinailing ni Forrest bilang hindi pagsang ayon.
" Um--hin--hindi po lola." Sagot nito habang pinupukol ng masama si Forrest. Ihahakbang na sana ni Summer ang mga paa niya ng bigla siyang napaisip sa lalaking naabutan niya sa banyo, hanggang sa tuluyan niya itong mamukhaan sa isipan niya dahilan para muling mapatingin kay Forrest.
" Wag--wag mong--wag mong sabihing ka--kasama mo yung----" Napatigil siya ng marinig ang yapak ng mga paa na paakyat sa hagdanan dahilan para mapatigil siya at mapalunok, habang nanggigigil na nakakuyom ang kamao niya.
" Lola, ang sarap po pala ng tubig na galing sa batis." Rinig niyang sambit nito na mas lalong nagpainit ng ulo niya. Ang lalaking tu ang dahilan kung bakit ngayon iniinda niya ang mala sirkos na paningin at p*******t ng ulo.
" Nako hija, nakaligo ka ba ng maayos? Pasensya ka na sa apo ko, mukhang naapektuhan ang pag iisip sa alak kagabi para hindi matutong kumatok muna bago pumasok."
Sa narinig ni Summer lalo siyang nag ngitngit sa pang gigigil sa lalaking kasalukuyang nasa likuran niya at kaharap ang lola niya.
" Ayos lang po yun. Kung papayag po kayo pwede ko po siyang turuan ng tamang pag tanggap at pag uugali sa bisita." Madiin ngunit nakangiting saad ni Alex habang napapasulyap sa bulto ni Summer na nasa unahan niya na hindi pa ding magawang lumingon sa kaniya.
Bahagya namang napapikit itong si Summer sa pagkainis sa tono at pananalita ng lalaki kaya naman ikinalma ang sarili saka dahan dahang humarap.
" Lola, siya ba yung tinutukoy ni Mayor Simeon nuon satin?" Taas ang isang kilay na tanong nito habang nakikipagtitigan sa mga mata ni Alex.
" Oo, kaya bawas bawasan mo ang kabastusan ng pag uugali mo."
" Hmm--so ikaw pala. Napaisip tuloy ako kung bakit nasabi ni Mayor na gwapo, matipuno at mabait daw ang magiging boluntaryong maestro sa ating nayon? Gayung kabaliktaran naman sa nakikita ko ngayon sa harapan ko?" Sambit nito na natatawa habang nakatitig pa din kay Alex.
Hindi naman maialis ni Alex ang kaniyang mga matang nakatitig kay Summer, parang isang magnet na ayaw ng humiwalay ng kaniyang paningin sa mga mata nito. Kopyang kopya ng babaeng ito kung paano tumingin nuon si Serene sa kaniya sa twing asar na asar sa kaniya.
" Lintik na--Summer ano ba yang kawalang galang na pinagsasasabi mo sa bisita natin?" Kunot noong hinampas ang balikat nito na hindi ininda ni Summer bagkus, ngumiting humarap sa matanda at nagtanong.
" Lah, nagkape na ba ang mga bwisit---este bisita natin?"
" Hindi pa, mabuti pa ipagtimpla mo muna sila ng kape." Utos ng lola nito sa kaniya.
" Maiwan ko muna kayo at magdidilig muna ako ng mga halaman, at ikaw pagkatapos mo silang ipagtimpla sumunod ka sakin." Matalim na tingin nito sa apo.
" Mabuti pa nga, ng matikman naman po nila lola ang specialty na kape ng isang tulad nating mahihirap na mamamayan." Saka ngumiti ng pagkatamis tamis nito kay Alex at tumalikod sabay pukol ng masamang tingin kay Forrest dahilan para mapalunok ito.
" Maiwan ko muna kayo at magdidilig muna ako ng mga halaman, at ikaw pagkatapos mo silang ipagtimpla sumunod ka sakin." Matalim na tingin nito sa apo saka tuluyan ng tumalikod.
" Katakot ! May lahi kaya silang mangkukulam?" Bulong ni Forrest.
" Anong sabi mo? Sinong mangkukulam huh?" Sigaw ni Maureen sabay tapik ng malakas sa balikat ni Forrest na ikinagulat naman nito.
" Ikaw--este sabi ko ano kaya masarap na ulam." Palusot nitong sambit saka mabilis na dumistansya kay Maureen.
" Daga, yan ang masarap ipaulam sa inyo." Mataray na sagot ni Mau saka sinundan ang kaibigang si Summer sa kusina. Napalunok naman ng sunod sunod itong si Forrest na lumapit kay Alex saka bumulong.
" Sa tingin mo pre, makakaya mo pa kayang mabuhay dito ng isa pang araw?" Tanong nito kay Alex.
" Umuwi ka na nga sa inyo, nanginginig na tuhod mo ey." Napapailing na sambit nitong si Alex kay Forrest saka ikinuskos na ang tuwalyang hawak hawak sa kaniyang basang buhok.
" Pre, bumalik ka na lang kaya ng Maynila, baka kasi eto na yung totong version nung napanuod kong nabuhay muli yung fiance nung lalaki para maghigante. At para makapaghigante sumanib siya dun sa isang babae dahilan para maging kamukhang----Aray ko naman." Mabilis na napahimas sa ulo si Forrest ng makatikim ng malakas na batok mula kay Alex.
"Hayaan mo Pre. Pagkatapos na pagkatapos din nating magkape papa check up na kita baka malakas na tama ng pag iisip mo." Napapailing na sambit ni Alex.
" Pero pano---pano kung totoo pre?"
" Pag naging totoo sisiguraduhin kong sayo lang yun mangyayari, sa mismong fiance mo." Saka binato ng tuwalya.
" Sampay mo yan." Utos niya dito na napapailing.