GIGIL na gigil sa pagkakahawak sa tasa itong si Summer habang hindi mapigilan ang sariling mapabulong sa pagkainis.
" Tingnan natin kung di ka masarapan sa kapeng tuh." Bulong niya sa sarili habang napapangiti ang isipan niya.
" Oy, anong kababalaghan na naman ang gagawin mo?" Sabat nitong si Mau na nasa likuran niya.
" Bat nandito ka pa? Umuwi ka na kaya." Saad niya sa kaibigan na hindi man lamang tinatapunan ng tingin.
" Abah ! Pagkatapos mo ko pahirapan kahapon ey papauwiin mo ko ngayon ng ganun ganun lang?" Ngusong sumbat nito kay Summer saka tumabi.
" At sino sa tingin mo ang dahilan kung bat ako nalasing di ba ikaw?" Taas kilay nitong saad kay Mau na napatigil sa paglalagay sa tasa.
" Hep ! Oo ako nga nag alok sayo nun pero kung iisipin mo, di mo naman kakagatin yun kung may pera ka diba pamalit dun sa benta mo ng manok ? Kaya di ko kasalanan." Nakapamewang nito dahilan para mapagtanto ni Summer kung sino nga ba ang may pun o't dulo ng lahat ng ito.
" Tama ka ! At dahil hindi nga ako pinabayaan ni Lord heto at pagkakataon ko ng maningil ngayon sa baliw na yun na nagpakawala ng manok." Siguristang tono nitong saad sa harapan ni Maureen.
" Pero girl gwapo siya huh? Pwera dun sa kasama niyang mukhang pinaglumaan ng panahon hahah."
" Hey ! Anong gwapo diyan? Bulag ka ba, kamukhang kamukha kaya niya yung mga nag lilipanang paniki." Napapailing nitong sabi sa kaibigan saka ulit nagpatuloy sa paglalagay sa tasa. Napatigil naman si Mau ng mapansin ang sunod sunod na inilalagay ni Summer sa mga tasa.
" Hey, anong ginagawa mo?"
" Chismosa ka din nuh? Gusto mo din makikape?" Tanong nito kay Mau ng mapansin ang sunod sunod niyang pag kutcharita sa asin.
" Ah--eh no thanks nalang. Pero di ka kaya mapatay na ni Lola niyan pagnalaman niyang pinag gagagawa mo ngayon?" Kinukutubang sagot nito.
" Gaga ka din nuh, malamang malalaman niya lang yun kung sasabihin mo. Kelangan kong gawin tu. Isa pa alam mo namang ayokong may lalaki dito sa bahay lalo na kung di pa namin kakilala tulad nung baliw na yun."
" Eh, mukhang mapagkakatiwalaan naman. Tsaka isa pa teacher. San ka pa? Gwapo na teacher pa, kasama mo pa sa bahay. Di ba bigatin? "
" Alam mo ikaw kunti nalang susungal ngal ko na tung kutcharita sa bunganga mo nuh? Sabihin mo kaya sa daddy mo na ayakong tumira yan dito."
" Oh eh bat ako? Ayoko nga."
" Mayor ang daddy mo kaya alam kong pag siya nagsabing wag tumuloy dito susunod yun."
" Eh ayaw, ikaw na lang kaya o kaya sabihin mo kay lola--araay !" Napahimas na umaray si Maureen ng batukan ng kutcharita sa ulo ni Summer.
" Baliw ka ba? Alam mo naman kung gano kabait yun sa mga bisita kesa sakin na apo at kadugo niya baka ako ang pinalayas pa ni tanda."Napapailing nitong sambit habang hinahalo halo ang kapeng nasa tasa.
" Oh ikaw magdala ng isang tasang yan, bigay mo sa isa pang asungot. Ako bahala sa lalaking yun." Saad niya saka kinuha ang tasa at napangiting nilanghap ang usok ng kape.
HINDI naman maiwasang mapalanghap sa sariwang hangin si Alex habang nakaharap sa malawak at kulay berdeng sakahan. Pakiramdam niya nakakahinga siya ng maluwag ngayon sa mga natatanaw niya sa paligid dahilan para mapapikit siya. Eto yung buhay na pinangarap niya nuon kasama si Serene, ang mamuhay ng simple pero kahit sa panaginip ngayon ay malabong malabo pa sa putik na mangyari yun o matupad. Napadilat siya bigla ng may narinig siyang paglapag ng isang baso.
" Laklak na." Anang ni Summer na napapairap. Napaayos naman ng upo itong si Alex saka siya tiningnan.
" What's your name?" Tanong nito kay Summer.
" At bakit mo naman natanong?" sambit niya sabay talikod.
" Para masabi ko sa mga pulis kapag naisugod ako sa hospital ngayon." Marahang sambit ni Alex na tila hinuhuli ang magiging reaksiyon ng mukha nitong si Summer na napalunok ng sunod sunod, saka humarap at pilit na ngumiti sa kaniya at hinawakan ang tasa.
" Ah--te--teka lang, mukhang sa tingin ko hindi ko nalagyan ng asukal."
" Ah ganun ba, hindi ayos lang. Patikman ko na lang sayo." Nakatitig na tingin nito kay Summer dahilan para lalong mapahawak ng mahigpit sa tasa itong si Summer sa sobrang pag kainis.
" Ahm--hindi na--ah ! Ahm sure ako, naalala ko di ko pa pala nalalagyan ng asin este asukal." Saka nagmadaling dinampot ang asukal at dali daling humakbang papalayo kay Alex na hindi maiwasang mapailing. Alam niyang may pagkainis ito sa kaniya simula pa lang at sa kinikilos nito ay alam niyang may kakaiba itong gagawin na hinding hindi naman niya palalagpasin kahit pa---kahit pa ito'y kamukha ng asawa niya.
Saktong makakasalubong naman ni Mau itong si Summer na bumabalik bitbit ang tasa.
" Oh !" Naubos niya agad yung kape? Grabe, anag hot naman niya para malagok yung----"
" Isa ka pa. Ipagtimpla mo yung mga yun baka ihi na ng hayop ang ilagay ko." Saad nito saka padabog na ibinaba ang tasa sa mesa.
" Huh? Teka-bat ako? Di--di ba bisita mo din ako?"
" Sino may sabi? Magtimpla ka. Dito sa bahay walang senyorita at bisita."
" Eh, bat nga ako. Kung ganun nga ang rules ey, sila papagtimplahin mo."
" Magtitimpla o magpapapak ka ng kape?" Pagbabantang sambit ni Summer, napapakamot naman itong si Mau na halos magusot na ang mukha sa reaksyon nito.
" Bat ganun, sa bahay pagpumupunta ka prinsesa ka pero pag ako andito sa inyo---teka, asan ka na? Summer? San na nagpunta yun? Pambihira naman, pano ko ba naging kaibigan yun? Naman ! Anong gagawin ko?" Bulong nito sa sarili habang nakatitig sa dalawang tasa. Mabilis namang nakasibat si Summer papunta sa kinalalagyan ng lola niya, hindi para tumulong kundi magreklamo.
" Lola ! Sino naman po nagsabi sa inyong patuluyin niyo yung mga yun?" Inis nitong tanong.
" Aba, ikaw na bata ka bakit sino ba may-ari sa bahay na yun?"
" Ikaw po."
" Oh, eh sino ang dapat na nagdedesisyon at nasusunod?"
" Eh--ikaw po." Kamot ulo nitong sagot.
" Oh eh ako naman pala, bakit kung makapagtanong ka sakin ey parang nakadikit sa noo mo ang pangalan ng lupa niyang kinatatayuan ng bahay?" Sambit ng lola niya saka ito tumayo at saka binatukan ang apo.
" Hoy ikaw, baka nakakalimutan mong may kasalanan ka pa sakin? Umuwi kang patay sa kalasingan kagabi. Di ka na nahiya sa mga bisita natin. Sandali nga bakit ka nga ba umuwing lasing huh?" Tanong nito mata sa mata dahilan para mapakagat labi na siya.
" Ah--eh napa--napadaan po kasi--kasi ko sa mga--mga bote ng alak. Eh alam niyo naman po ko ayaw ko pong may pakalat kalat na basura lalo na kung pagkakakitaan, kaya ayun po kinuha ko po lahat saktong may tigkakalahati pa pong laman yung mga bote kaya ininu---Aray ko po !"
" Gumagaling ka na sa palusot mong mga sablay nuh? Sinungaling. Sinabi sakin ng mga bisita natin na nakita ka daw nilang nakikipagpatintero sa pag inum ng alak." Malakas ang boses na sambit ng kaniyang lola dahilan para ikalaki ng mga mati niya.
" Po? Abat---hindi totoo y--Lola ang sakit."
" Sisinungaling ka pa. Dahil sa ginawa mo paparusahan talaga kita. Simula sa araw ng pagtuturo ni Mister Alex sa ay sasamahan mo na siya nang magkalaman na din yang utak mo."
" Ano?" Sigaw niya na lalong nagpausok sa bunbunan niya ng marinig niya ang mga sinabi ng kaniyang lola.
" Hampasin kaya kita ng malinawan ka sa sinabi ko."
" Pero lola, ayoko. Bakit ba ako? Di ko gagawin yun, di ko siya sasamahan. Hindi ! " Saka tumalikod na nagmamartsa papalayo. Hindi naman maiwasang mapasunod ng tingin sa bulto ni Summer ang matanda at mapabuntong hininga. Alam niyang sa paraang tu muling mabubuksan niya ang interes ni Summer na makapag aral nuon. Dahil sa hirap ng kanilang pamumuhay nuon ay hanggang 2nd year highshool lang ang natungtong nitong si Summer kaya naman ng nalaman niya sa Mayor ng nayon na magkakaroon ng boluntaryong guro para sa kanilang malayo sa bayan ay pumayag siyang manuluyan ito sa kanila.
"Nakong bata ka, kelan mo kaya maiisip na lahat ng ginagawa kong tu ay para sayo?