Masayang tinanggap si Alex ng matandang tutuluyan niya at dahil gabi na hindi na rin pinayagang makauwi si Forrest ng matanda. Yari sa kawayan ang bahay ng matanda, at nipa naman ang sa bubungan nito, malamig din ang simoy ng hangin dahil sa napapalibutan ito ng mga puno. Parang isang bahay kubo na pinalaki lang. May tatlong kwarto ito na yari din sa kahoy ang papag. Hindi niya alam kung hanggang ilang araw niya makakaya ang ganitong pamumuhay pero susubukan niyang mamuhay bilang isang lalaking probinsyano na may misyon sa buhay, na maging isang simpleng tao sa kabila ng pagiging isang senyorito niya, at ang makalimot sa matagal na nakaraang gabi gabing dumadalaw sa kaniyang panaginip.
" Ahm--lola, sabi po nila may a--apo po kayo?" Lakasang loob na tanong ni Forrest ng nakangiti pa sa matanda habnag kaharap na nakaupo sa balkonahe.
" Oo, nag iisa kong apo." Sagot ng matanda. Nagpalingon lingon naman si Forrest na tila hinahanap ito.
" Ah--eh, bakit parang di pa po yata namin nakikita?"
" Ayun nga ii, nag aalala na ako baka kung sang lupalop sa bayan yun naglakwatsa.Siya nga pala, sigurado ka ba sa desisyon mo Mr. Dolovan na manatili dito sa nayon namin. Malayong malayo tu sa kinagisnan mong lugar, at lahat ng naninirahan dito ay hindi mayayaman katulad sa inyo. "
" Isang magandang karanasan po para sa akin tu lola, alam ko pong sa mga kamay niyo po marami pa po kong matututunan. Masaya din po kong maibahagi ang kaalamang meron ako sa mga batang malalayo sa mga paaralan." Nakangiting sagot nito sa matanda. Magsasalita pa sana ito ng biglang may narinig silang nagsisisigaw sa labas.
" Lola ! Lola !" Sigaw nito na agad namang ikinatayo ng matanda para tingnan sa pintuan.
" Teka, pamilyar yung masakit sa tengang boses na yun ah?" Napapaisip na tanong sa sarili ni Forrest na hindi pinansin ni Alex na agarang sumunod din sa matanda.
" Madilim na Maureen bakit nan----?" Tanging naibulalas ng matanda pagkabukas ng pintuan ng tumambad ang mukha ni Summer sa hagdanang kahoy na nakangiti at pipikit pikit.
" Lola !" Sambit ni Mau pagkabukas ng pinto na napapakamot.
" Jusmeyo, anong nangyari sa apo ko?" Tanong nito kay Mau.
" Ah eh lola, sa loob ko na lang po sasabihin. Nakakapagod po siyang kasama I swear---"
" O'siya teka papatulong akong buhatin siya papasok sa mga bisita ko." Saad nito na saktong paglingon ay natanaw si Alex na papalapit sa kanila kasunod si Forrest.
" Ah, hijo maari ba akong makisuyo? Pabuhat naman sa apo ko paakyat dito sa taas. Talagang tung batang tu sakit sa ulo talaga dala nito sakin. Mapapaaga pag alis ko sa mundong tu." Napapakapa sa dibdib na sambit ng matanda.
" Bakit po? Anong nangyari? " Takang tanong ni Alex.
" Yun nga ang hinid ko alam. Buhatin mo muna siya ng makapasok na din yung kaibigan nya dito. Talagang malalagot sakin tu bukas." Nangigigil nitong banta. Mabilis silang humakbang papunta ulit sa pintuan.
Napaatras naman si Alex ng maaninagan ang mukha nito saka napalunok.
" Pre, sino ba ----" Napatigil din si Forrest sa pag usisa ng makasilip na sa pintuan dahilan para sabay silang mapasigaw ni Mau.
" Ikaw?" duro ni Mau kay Forrest.
" Ikaw na naman?" Kunot noong sambit ni Forrest habang nakaduro din.
Nagpalipat lipat naman ng tingin ang matanda sa kanilang dalawa.
" Magkakilala kayo?" Tanong ng matanda dahilan para magkairapan ang dalawa at maibaba ang mga kamay.
" Hindi !" Aniya ni Forrest saka siniko si Alex.
" Kung sweswertehin ka nga naman pre. Mukhang ayaw talaga ni Serene na makalimutan siya pati dito minumulto tayo."
" Manahimik ka nga." Napapailing saway ni Alex dito.
" Mas lalo naman pong hindi lola." Saad ni Maureen saka umirap.
" O'sya sya. Pasuyo na ako hijo sa apo ako at baka di ako makapagtimpi ii hambalusin ko yan ng bote. " Ani ng lola sabay tapik sa balikat ni Alex. Napatango namna si Alex at humakbang na pababa ng hagdanan. Bubuhatin na sana siya nito ng biglang ..
" Shan--shandali." Sigaw ni Summer sabay titig kay Alex.
" Nalagot na." Bulong naman nitong si Forrest sabay kagat sa labi.
" To--tokah ! Parang--parang ika--ikaw yung--yung shira ulong lalakwing nag--nagpakawala sa manok. Tsama ba ako huh mishter?" Saka dinuro nito ang dibdib saka napapapikit at iling.
" Alam--alam mo bang dahil shayu, te--teka--parang--parang nashushuka na---arrrckk !"
" Wag !" Sigaw ni Forrest ngunit huli na ng tuluyan ng masukahan nito ang suot na polo ni Alex.
" Double kill." Naiwang nalang sa bibig ni Forrest. Kilala niya ang kaibigan, at ang pinakaayaw nito ay ang magugusot o madudumihan ng ibang tao ang suot nito.
" Ang--sharap---achhhkk !"
" Patay na. Triple kill na yun." Napapapikit si Forest habang patuloy na sumusuka sa dibdib nito si Summer na nakasandal.
Kitang kita naman sa mga mata ni Alex ang pagkabigla nito dahilan para hinid siya makagalaw. Direng dire siya sa ganitong pangyayari at ito ang pinakainiiwas iwasan niyang mangyari sa kaniya dahilan para makita na sa mukha niya ang pagkalukot nito.
" Nako po, Summer. Anong ginawa mo?" Napapakagat s akuko na bulong ni Mau habang nakatingin sa dalawa. Wala namang magawa si Alex kundi ang buhatin nalang ito sa kwarto nito.
" Lintik na batang ito, di na nahiya sa ginawa. Nako nako humanda ka talaga sakin bukas." Galit na galit nitong sambit.
" Ay teka kukuha muna ako ng tubig na ipangpupunas." Sabi ng lola na nagmamadaling lumabas ng kwarto. Habang si Alex ay hindi pa rin maalis ang mga mata sa pagkakatitig nito kay Summer.
" Bakit kamukhang kamukha mo ang asawa ko?" Bulong niya dito.
" Hmm--ayoko--yoko na ng itlog---yoko na. Gush--sgusto ko na ng le--lehichon manok. Hmmm Lola." Malikot na bulong ni Summer dahilan para mapangiti si Alex. Mukhang naumay nga ito sa itlog na sunod sunod na sinalpak sa bibig kanina makuha lang ang premyo.
" Oy--ipapaalala ko lang sayo. Apo yan ni tanda at hindi ang asawa mo." Basag ni Forrest na nakasilip sa kurtina ng pintuan ng kwarto ni Summer. Mabilis namang napatayo si Alex saka tiningnan ng masama si Forrest at hinatak ang kwelo nito.
" A--aray teka naman."
" Masama ang naninilip at nakikinig. Namamaga daw tenga at nagkakasore eyes kinabukasan."
" Te--teka diba kulite?"
" Bakit mas gusto mo yun?" Sabay hinto at bitaw nito sa kwelyo ni Forrest saka tumalikod na ulit at humakbang papunta sa balkonahe.
" Sore eyes o kulite? Eh ayoko, ayoko." Bulong ni Forrest saka ihinakbang ang mga paa papuntang sala.