Kabanata 20

1311 Words
              MAKALIPAS ang halos apat na oras nilang paglalakad ay sa wakas narating na nang dalawa ang lugar na kanilang patutunguhan. Habol hininga naman itong si Alex ng makarating sila habang itong si Summer ey wlang kapagod pagod dahil nagagawa pa nitong ngumiti habang tinatanaw ang buong mga kabahayan. "Oh nandito na kana. Ikaw na bahala, uwi na ako." Aniya nitong si Summer sabay talikod bigla. "T-teka--san ka pupunta?" Habol nitong si Alex na napaayos ng tayo. "Uuwi bakit? Naihatid na kita dito, nasamahan." Pag tataray nitong sagot ni Summer sabaylingon kay Alex na nakataas kilay at nakakrus ang mga kamay sa dibdib. "Pe-pero ang sabi ni Lola Adora, sasamahan mo ko at--" "Mawalang galang ho ha? Hindi po ibig sabihin na sinamahan kita dito ey maghapon na din akong nakanganga para hintayin kang matapos sa orasyon mo. Uuwi ako at wala kang magagawa." Sambit nio. "Pero anong sasabihin ko sa kanila, hindi ako kilala di baleng ikaw dahil kilala ang lola mo sa mga nayong tu. Paano ako makakauwi--?" "Problema mo na yun." Aniya nito sabay irap at ngumiti, sa totoo lang kaya ayaw din nitong si Summer na pumunta sa lugar na yun dahil--sa lugar na yun nakatira si Asyong at ayaw niyang makita ang lalaking yun, maaga pa para sirain ang araw niya.  Hindi naman na napigilan nitong si Alex si Summer dahil tuloy tuloy na ito sa paghakbang papalayo sa kaniya. Ang inaalala niya na lang ay kung paano siya nitio makakabalik kela Lola Adora.  "Nakarating nga ako dito ng ligtas at humihinga pero mukhang di na ako makakauwing buhay nito kung ako lang mag-isang hahanap ng daan pauwi." Napapabugang bulong nitong saad saka napatingin sa malayo. Ilang saglit pa napalingon siya nang makarinig ng tunog nang tumatakbo.  Si Summer. Nagmamadaling makabalik sa kaniya. "Sabihin mo kasama mo ko, wag kang papayag na isama ako sa bahay nila huh." Wika nitong si Summer na halos mabulol sa sobrang bilis nang pagsasalita saka nagtago sa likod niya. "Bakit ba? Anong meron at bumalik ka? Akala ko ba--" "Sssh! Basta sabihin mo kasama mo ko, alalay, o kung anu pa mang maisip mo. Wag lang akong guluhin ng Asyong na yun." Saad nitong si Summer. Napaangat naman ang kilay nitong si Alex at napaiwas sa harapan nitong si Summer kung saan nagtatago sa bulto niya. "You mean--that guy?"  "Aysha! Wag mo na akong englishin pa nakakabobo yan. Kung anong iniisip mo yun na yun. Sabihin mo hindi ako si Summer, sabihin mo elyen, unggoy ako basta basta kahit ano wag lang akong kukulitin na nang lalaking yun" Inis na saad nitong si Summer. Napangiti naman bahagya ang labi nitong si Alex anng may maisip na kalokohan. "Kahit ano huh?" "Oo nga kahit ano." "Sige--pero papayag lang ako sa isang kundisyon." "Ano ba yun? Bilisan mo at malapit na siya. Bilis." Tanong ni Summer. "Papayag kang sumunod sa lahat ng gusto ko." "Ano?" Napalakas ang boses nitong si Summer habang nanglalaki ang mga mata. "Susundin mo lahat ng ipapagawa ko sayo, kapalit nun sisiguraduhin kong di ka na kukulitin pa nung lalaking yun." "At bakit ko naman gagawin yun? Di ako pinanganak kahapon para utuin mo, baka inaakala mong dahil probinsiyana ako ay mauuto mo ko kaagad agadd. Hindi ayoko." Madiing sagot nitong si Summer. "Okay! Sabi mo ey." Mabilis namang pag sang ayon nitong si Alex saka napatingin kay Asyong na papalapit na sa kanila mga limang metrong layo. "Sige, maiwan na kita." Dagdag nitong si Alex saka humakbang nang mapakapit sa braso niya itong si Summer. "Sa-sandali lang naman." "Bakit?" Mabilis na lingon nitong si Alex na sa isip isip nito ay napapangiti at mukhang kakagat pa sa plano niya. "Eh--sige ka pag di mo ko tinulungan, ikaw din susundan ka niyan hanggang sa makauwi ka. Mag-isa ka lang naman na uuwi mukhang okay na din yun dahil may makakasama k--" "Siya siya siya! Payag na ako. Hindi din ako uuwi na sasamahan kita, baka kung ano pang gawin nun sa akin." May pag ka disgusto sa tono ng pag-sang ayon niya. Agad namang napaharap si Alex. "Sigurado ka? Baka magbago pa isip mo? Mamaya niloloko mo lang ako." "Oo nga kasi. Tulungan mo lang ako mawala lang sa landas ko yang Asyong na yun, kinikilabutan na ako." "Bakit ba ayw na ayw mo dun? Malay mo siya naka tadhana para sa --" "Ano ba? Tutulungan mo ba ako o hindi? Pumapayag na nga sa gusto mo tapos ikaw pa tung pabebe." May pagtataray na sa boses nito habang napapakunot noong saad, na napapatingin na kay Asyong na nasa isang metro na ang layo. At nang makaramdam na si Summer na mukhang di siya sasagipin ng lalaking yun ay bagsak ang balikat niya na inihandang iharap ang sarili sa papalapit na si Asyong.  "Magandang umaga aking sinisinta, nabalitaan kong pupunta ka daw dito sa amin kaya naman nagpahanda ako ng konting pagsasaluhan natin kela nanay at tatay. Halika na." Aya nitong si Asyong na ngiting ngiting nakatitig sa kaniya, halos masuka naman siya habang nakikita niya kung gaano kadilaw ang ngipin nito at sa bawat buga ng hininga nito ay ramdam at tagos hanggang sa kaloob looban ng ilong niya para maiwan ang nakakasulasok na amoy ng hininga nito na tila ba hindi pinatitikim ng sipilyo ang bibig. Napaatras bahagya itong si Summer na halos di na maiguhit ang kabuuan ng mukha sa pagkalukot.  "Bulaklak mo nga pala aking sinta. Maligayang pagbisita muli sa aming munting baranggay." Ngising iniaabot ang bulaklak na halos di mawari nitong si Summer kung sa sementeryo ba nito kinuha o sa kung saan dahil sa halo halong kulay ng mga ito na binalot sa isang malapad na dahon. Naawa tuloy siya sa mga bulaklak na walan kaawa awang nilapastangan n lalaking mapanakit. "Bulaklak oh, sige na." Saad nito na sa tono ay nangungulit na tanggapin niya na. Napatingin naman siya kay Alex na nuon ay parang walang pakialam dahil nakatingin lamang sa kung saan saan dahilan para lalo siyang mainis dito at para umalis na sa harapan niya tung lalaki ay mapipilitan pa yata siyang tanggapin yung bulaklak, kaso pag tinanggap niya ito ay baka kung ano anong isipin pa. Asar! Akmang hahakbang na siya para tanggapin na lamang ito nang biggla siyang hinatak nitong si Alex papalapit sa kaniya sabay akbay nito. Pakiramdam niya magkakapalit sila ng kaluluwa sa sobrang tindi ng akbay at pagkakadikit nila sa isa't isa. "Tutulungan kita basta yung kasunduan natin." Pasimpleng bulong nitong si Alex habang pilit na nakangisi na nakatingin kay Asyong na halos sumabog ang mukha sa sobrang pagkakalukot. Napapangising pilit na tumango naman itong si Summer para matapos na ang lahat lahat nang paghihirap niya sa lalaking yun. "Mahal--anong--bakit ang dayong yan ay naka--" "Sorry huh pero itong babaeng kinukulit mo ngayon ay girlfriend ko na." May diin at seryosong sambit ni Alex para mas higitin pa nito ang braso ni Summer at ibaba ang kamay sa bandang bewang. At halos malaglag ang panga at mga mata nitong si Summer sa panlalaki nito sa ginawa ng lalaking yun. Otomatiko siyang napaangat ng tingin kay Alex at pinandilatan ito habang si Alex ay ngising ngisi sa kaniya. "Aneng ginegewe me. Beween me yen." May diing pilit na nakangising wika kay Alex pero imbes pakinggang siya nito ay mas lalo pang hinigit ang kaniyang bewang at saka pinitik ng mahina ang noo nito. "Hindi mo pa pala nasasabi sa lalaking tu na ikakasal na tayo." Aniya nitong si Alex na tuluyang kinapadyak ni Summer sa paa nito dahilan para simpleng mapaimpit sa sakit itong si Alex sa paa nito. "Mahal--totoo bang sinasabi niya, di ba hindi? Mahal, sagutin mo ko. Nasasaktan ako ngayon. Kalokohan lang gtu. Tinatakot ka ba niya? Sabihin mo lang papatapon natin siya sa gubat." Napapakuyom at nanlalaking tiim bagang tanong nitong si Asyong na halos madurog ang puso sa nakikita sa harapan niya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD