HALOS makagat naman nitong Summer ang dila sa pang-gigigil habang pasimpleng bumubulong bulong kay Alex. Nuong mga oras na yun parang gusto niyang dukutin ang makintab na mga mata ng lalaking kasalukuyang nakahapit sa bewang niya, at sa unang pagkakataon ay ngayon lang siya nahawakan ng isang lalaki.
Kung di lang dahil sa Asyong na yun na may mga kasamang galamay na nasa ilang metro ang layo sa kaniya ay malabo pa sa manok na kumukokak na makiusap sa lalaking kasalukuyang katabi niya. At sa bawat kislap ng mga mata nito, alam niya at ramdam niyang ginagantihan siya nito.
"Sabi ko gawan mo ng paraan para makaalis yung lalaking yan hindi yung ganito." Sambit nitong si Summer sabay ngiti ulit na nanglalaki ang mga matang nakatingin kay Alex na
"Babe, why don't you tell him about us, kung kelan tayo nagkakilala, naging tayo and kung bakit ako nandito?" Nakangising sagot lamang sa malakas na boses nitong si Alex kay Summer na napapaangat ng tingin sa kaniya.
"Hehehe, hemende ke se eken memeye--"Sagot niya habang nakangiting pilit at dilat na dilat ang dalawang mga mata kay Alex.
"Mahal ko, totoo ba? Totoo bang pinagpalit mo ko sa kaniya? Paano na ang kasunduan nila Inang at lola Adora sa atin?"
"Heheh-ahm--u-oo eh. Totoong totoo, sa sobrang pagkatotoo di nga ako makapaniwalang ikakasal na pala ako." Ngising saad nitong si Summer saka napakapit sa braso nitong si Alex at hinigpitan ang kapit.
"Kepeg hindi eke tenentenen ng mekeng ne te, senesebe ke seye kehet etleg me melelete ke." Pasimpleng gigil na saad nitong si Summer saka napakalapadd ng ngiting tiningnan si Alex.
Napalunok naman si Alex saka ngumiti ng malapad.
"Just go with the flow kung ayaw mong pareho tayong mabugbog ng mga galamay na ready to rumble." Sagot nitong si Alex sa kaniya na kinasinghap na lamang ni Summer sa hangin. Sabagay, kaya nga siya napatakbo nang makasalubong niya kanina ito dahil nakita niya ang mga buntot nito na
"Siya nga pala ako nga pala si Alex, habang di pa kami nakakasal nitong babe ko, mag stay muna ako dito para makapag-boluntaryong sa mga barangay." Pakilala nitog si Alex sabay lahad ng kamay na kinunutan lang lalo ni Asyong saka tinitigan ang kamay nito.
"Wala-akong-pakialam. Dayo ka pa din. At ang dayo hindi basta bastang tinatanggap bilang panauhin ng barangay namin. At dahil nasa barangay ka namin, wag mong aasahang magiging mainit ang pagtanggap ko sa iyo." Galit ang tono nitong saad habang titig na titig kay Alex.
"Naiintindihan ko kung wala kayong tiwala sa akin, pero hindi ako nagpunta dito at nag aksaya ng oras para lakarin ang malayong lugar na ito para sa wala. Gusto ko lang makatulong sa mga kabataang walang kakayahang makapag aral dahil sa hirap ng buhay na kinakaha-"
"Ang ibig mo bang sabihin ay mahirap kami huh? Pinamumukha mo ba sa amin na ikaw na galing syudad ay nakakaangat n mas higit kaysa sa amin? Tama ba ako?" Pagtataas na ng boses nito dahilan para mapahakbang papalapit kay Asyong ang mga galamay nito.
Mas hinigpitan naman nitong si Summer ang braso nitong si Alex hudyat na wag na lamang ito patulan nang maramdaman nitong napapahugot hininga ito na siyang nagbabadya ng masamang hangin sa pagitan ng dalawa.
"Ahm Asyong, alam ko namang hindi ka basta basta nagtitiwala sa mga dayuhang nagpupunta sa nayon natin. Pero malaki ang maitutulong niya sa mga kabataan dito sa atin. Malaking bagay ang maitutulong niya. Matuturuan niya yung mga batang walang kakayahang mabigyan ng magandang edukasyon, walang kakayahang makapag-aral at alam kong yun yung maitutulong nitong--" Napatigil siya saka napatingin kay Alex at kay Asyong, halos ilang segundo muna siyang nagpalipat lipat ng tinin at aminado siyang di niya magawang lumunok ngayon ng laway mabanggit niya lang yung salitang babe sa harapan nitong si Asyong para lang magmukhang makatutuhanan ang lahat dahil kung hindi sayang ang kalapastanganan ng lalaki na tu nang walang pag alinlangang nilapastanganang hawakan ang birhin niyang bewang.
"Yes babe?" May pag-aangat pa ng kilay sabay titig kay Summer na halos di makalunok na nakatingin sa kaniya at tila naghihintay ng karugtong sa sinasabi nito kanina, maging si Asyong ay malakas din ang kutob niyang nakaambang ang malaking tenga nito na masagap ng buo ang sasabihin niya. Napapikit muna siya sabay lunok ng pilit at napangiti sabay dilat.
"Ahmm-b-babe." Saad ni Summer sabay lunok ulit.
"Mahal ko, wag ka namang ganyan--pakiramdam ko nadudurog na ang puso ko ng tuluyan."
"Ah eh--tagal namang madurog--" Bulong niya ngunit mukhang napalakas pa yata.
"Ano yun mahal?" Tanong nitong si Summer na napalukot ang mukha, hindi dahil sa hindi alam ang isasagot dito kundi kinikilabutan talaga siya sa lalaking tu lalao na kapag tinatawag siyang mahal nito. Pakiramdam niya tumatambling lahat ng lamang loob sa tiyan niya.
"Ah eh--sabi ko makakahanap ka din ng totoong mahal mo. K-kaya wag mo na akong tawaging mahal sana kasi nasusuka ak--este nasisira ako sa babe ko. B-baka i-ikaw pa maging dahilan para h-hiwalayan ako." Nappangiwing wika nitong si Summer.
"Oh eh di maganda, makukuha kita agad ng ganun kabilis, tsaka tayo naman talaga ang nakatakda-usto ka ni Inang, gusto din ako ni Lola Adora. Gusto tayo ng lahat kasi bagay daw tayo. Bagay na bagay di ba?"
"Nyay ko po!" Bulong nitong saad ni Summer saka napaangat ng tingin kay Alex na sa itsura nito ay nanghihingi na ng saklolo.
"Pare, girlfriend ko na ang babaeng nasa harapan mo, at sa aing dalawa ako lang ang may karapatang magsabi sa kaniya ng mahal ko. At wala din ako paki kung bagay kayo sa paningin ng mga taga nayon--" Aniya nitong si Alex na napabaling ng tingin kay Summer na tila mapang-asar ang mga titig saka muling pinagpatuloy ang sinasabi nito.
"Ako ang pakakasalan niya na, at sisiguraduhin ko ding magugustuhan ako ni Lola Adora ng mas higit pa sa pagkagusto niya sayo para sa apo niya. Kaya mawalang galang na, tumatakbo na ang oras at kailangan na naming magbahay-bahay para mag imbita ng mga bata." Wika nitong si AAlex na sa tono ng boses ay aakalainin mong makatotohanan ang mga sinasabi dahilan para bigla namang mapahanga itong si Summer sa mga lumabas na salita sa bibig ng lalaking kasalukuyan niyang katabi.
"Per-pero--a-ako ang pakakasalan niya." Pag angal pa nitong si Asyong.
"Hanggat ako ang girlfriend niya, nakakasigurado akong ako at ako lang ang pakakasalan niya." Mabilis na sagot nitong si Alex kay Asyong dahilan para magusot na ng tuluyan ang pagmumukha nito.
"Let's go babe, masyado na tahyong nabibilad dito." Pag aaya nitong si Alex kay Summer na nuon ay halos sumabog sa pamumula ang tenga sa hindi niya maipaliwanag kung bakit. Pahakbang na sila nang biglang hinarangan ito ng mga galamay nitong si Asyong.
"Oy Asyong, binabalaan kita pag di mo kami hinayaang makaalis, isusumbong kita kaagad sa daddy ni Mau para ipakulong ka."
"Pero mahal, ako ang totoong nagmamahal sayo. Alam ko ang mga kaskas ng mga taga siyudad na kalalakihan, di ka niya mamahalin tulad ng pagmamahal ko sayo na alam mo namang simula pag kabata pa lamang ay ipinapakita ko na saiyo."
"Asyong, di ba matagal ko ng sinabi sayo nun na hindi pagmamahal yung nararamdaman mo para sa akin."
"Kung hindi pagmamahal ano? Masasagot mo ba?"
"Ay basta--patingin ka na kay Ka Roman baka mamaya simula pagkabata puso ng engkanto yang nasa loob ng dibdib mo."
"Hindi--hindi nagkakamali ang puso ko, ikaw ang isinisigaw nito, pangalan mo at kahit sa panaginip ko ikaw ang--"
"Utang na loob Asyong, kasama ko ang kasintahan ko ngayon, nakakahiya--may gagawin na kami at kapag di mo pinaalis sa harapan ko tung mga lalaki mo sinasabi ko sayo kilala mo ko at may paglalagyan tu sa akin." Naiinis na nitong saad na sa hinaba haba ng paliwanagan ey di pa rin madala dala sa aktingan nila ni Alex.
Napasenyas naman itong si Asyong sa mga kasama nito saka napatitig kay Alex ng masama.
"Hindi ibig sabihin na ikakasal na kayo ay kayo na ang nakalaan para sa sa isa't isa. Sinasabi ko sayo--hanggang di pa kayo naikakasal gagawa at gagawa ako ng paraan para di ka magustuhan ng mahal ko at iwan ka dahil naniniwala akong ako talaga ang totoong minamahal niya at nabulag mo lang siya sa pamaestro maestrong posisyon mo. Lamang ka lang sa pabango pero kung susukatin sa pagmumukha? Mas lamang ako ng di hamak saiyo dayo." May pangdudurong banta pa nitio sabay hawi sa buhok nito. Gustong sampalin na nitong si Summer ang pagmumukha ng pitong beses baka sakaling magising ito sa matagal ng pagpapantasya. Mas lalo pang ibinigay ang ugali nito sa pagmumukha. Hindi sa panglalait o pang huhusga, pero sa katulad na lalaking si Asyong--kahit sinong kababaihan ay walang mangangarap o papayag na magpakasal dito. Naaamoy niya pa nga lang ito ay pakiramdam niya mapapatalon na lang siya sa bangin, like--hindi man lamang mag abalang maligo kahit na isang beses sa loob ng isang linggo. Di man laman magawang alagaan ang mga ngipin nito na sa kapal na siguro ng kayamanan nito ay nagiging ginintuang ngipin na sabayan pa ng kung anong dahong nginunguya nguya katulad ng mga matatanda. Hindi rin pinalagpas ni Summer ang buhok nito na hindi man lamang mapagupitan maging ang bigote nito ay itinali pa na siyang pinaka inaayawan niya sa lahat ng lalaki.
"Tara na maawa ka sa akin, baka makapatay na ako." Paghila niya sa braso nitong si Alex.
"Mahal ko, hintayin mo babawiin kita sa kaniya at ako ang ihaharap mo sa altar. Pangako ko yan." Pahabol na sigaw nitong si Asyong dahilan para makamuntikan pang madapa itong si Summer ng matalisod sa bato na hindi niya napansin sa pagmamadaling makahakbang.
Hindi naman mapailing itong si Alex habang lihim na napapangiti, napatigil naman itong si Summer sa paghila sa braso nitong si Alex nang mapansin niyang may kakaiba sa mukha nito.
"Anong tinatawa tawa mo?" Pagkunot noo nitong saad sabay waksi sa braso nitong si Alex.
"Hindi ko lang lubos maisip na may magkakainteres pa din pala sa iyo." Muling napailing wika nitong si Alex at napahakbang habang si Summer, ilang segundo munang napaisip sa ibig nitong sabihin bago naintindihan.
"Ho---" Sisigaw sana siya nang mapalingon siyia mula sa kinatatayuan nila Asyong, di pa sila gaanong nakakalayo at nakatanaw pa din ang mga ito sa kanila, at malamang sa alamang nakita nito ang pagwaksi niya sa kamay nitong si Alex kya namn napungot ulit siya at mbigat ng mga paang hinbol itong si Alex sabay hawak sa braso nito sabay kurot dahilan para mapatitig kay Summer na namimilipit sa hapdi.
"Salamat huh!" Nakangisi ng malapad kay Alex at mas diniinan pa ang diin ng kuko nito sa braso.