Kabanata 19

1916 Words
              SA sandaling katahimikan, hindi naman mapigilan nitong si Summer na mapabukas ang bibig upang tanunging ang lalaking nakamasid sa malayo na sinasabayan niya ng pasimpleng sulyap. "Bakit ka ba nagpunta dito? Sa dinami dami ng probinsiya dito ka pa napadpad?" May halong kunot noong tanong nitong si Summer mabilis namang napabaling ang atensyon nitong si Alex kay Summer. "At bakit mo naman tinatanong?" Angat ng kilay nitong saad. "A-wala lang, kasi di ba taga Maynila ka tas ikaw tung uto-uto at nag boluntaryong pumunta dito at eto pa libreng turo pa? Bakit ba? Hindi mo ba alam na halos lahat kaming mga kabataan dito sa nayon ay gustong gustong makatungtong ng Maynila" May pang-uusisa sa tono nito, mabilis namang napangiti ng mapakla itong si Aex saka napapailing na umiwas ng tingin nitong si Summer. "Siguro wanted ka kaya may pinagtataguan ka, or di naman kaya--may babae kang tinakbuhan, or baka naman nakabuntis ka or baka may tinakbuhan kang kasalan? Yung totoo huh--yang mukha mong yan hindi ako maniniwalang walang dahilan kung bakit mapapapad-pad lang basta basta sa lugar namin ng wala man laman kadahil-dahilan? Buhay Malineny--" "It's Manilenyo--" "Watch ever. Iisa lang yun!" Pinagdidiinang sagot nitong si Summer. "Huh? Baka what so ever--" "Ey bakit ba--sagutin mo na nga lang tanong ko? Bakit mo pinagpalit buhay mo dun, sa buhay ng katulad namin? Mayaman ka daw pero heto ka nagtitiis dito at talagang pinipilit mong kayaning maglakad at tumawid sa ilang ilog maging kalevel ka lang namin huh." Napapailing sabay dampot ng bato at tinangkang batuhin ang bunga ng puno na nasa ikasampung metro lang ang layo mula sa kanila--at napaangat sa paghanga itong si Alex nang ma sapul nito ang bunga saka niya binalingan ng tingin ang babaengg kasalukuyang nakangiti na nang pagkalapadlapad na tila pinagmamalaki pa nito ang nagawa niya. "Oh kaya mo ba yun?" Pagyayabang nito dahilan para mapa iling na lang itong si Alex saka napatingin sa ibong nagsisiliparan galing sa punong binato nitong si Summer. "Katulad ng ibong yun, gusto ko ring maramdaman kahit papaano ang peace of mind." "Huh? Peace of mind? Peace--katahimikan--mind --utak. Kahatahimikan ng utak?" Napapaisip na saad nitong si Summer, na yung akala niyang bulong ay rinig na rinig nitong si Alex na. "Yeah, ganun na nga." Sagot nitong si Alex habang napapatingin kay Summer na napapatango habang nakatingin sa malayo. Habang sa kabilan dako, ibinubulong sa isi "Ganun? Ibang klase ka din nuh? Baka naman ang ibig mong sabihin eh gusto mong matuluyan dito na mabaliw? Sa sobrang tahimik kaya eh kahit ang mga huni ng pinakamaliit na insekto maririnig mo, kahit ang sigaw ng lamok maririnig mo.kahit ang kakulitan ng langaw eh mapapansin mo, kahit simpleng huni ng palaka matatakot ka dahil sa sobrang tahimik." Aniya ni Summer. "Talaga, bakit narinig mo na bang sumigaw ang lamok?" Tanong nito kay Summer na biglang napanguso sa kaniya at inirapan lang. "Ikaw ba--sabi mo gustong gusto ng mga kabataan ng nayon na ito na makapunta ng Maynila, ikaw ba--gusto mo din ba?" Dagdag nitong si Alex ngunit wala pa din siyang naririnig ng sagot kaya minabuti niya ng tumayo at ayain na sanang magpatuloy na sila sa paglalakad nang bigla itong magsalita dahilan para otomatikong mapalingon siya dito nang marinig niyang magsalita ito. "Kahit--kahit naman gaano ko gustuhing makaapak sa lugar na yun ehy--kasing layo ng buwan na mangyari yun. Sa buhay na meron sa amin ni Lola, isang pangarap na lang yun. Pero alam mo ba, pakiramdam ko naman hindi naman ako lugi kasi lagi ko namang napapanaginipan yung mga kwinkwento sa akin nitong si Mau na tungkol sa Maynila na may mga malalaking buildings, mga magagandang tanawin, madaming sasakyan, madaming tao--tsaka--tsaka sabi ni Mau ang Maynila daw ang pinakasikat pag dating sa t--ti-ti--basta nagsisimula yun sa ti--tapos may ra--. Hmm ti--tira-ano nga ulit yun--" "Huh--" "Ayon--t-ti-tira-tirapik. Sabi ni Mau laging tirapik daw lalo na pag dun sa may esda." Napapitik pa sa daliri ng maalala ang salitang yun sabay ngiti. Pasimple namang napanggisi si Alex at bago pa siya lingunin nitong si Summer ay agad na pinilit niyang baguhin ang itsura nito na tawang tawa sa tirapik nito. "Ahm--baka--baka trapik sa may Edsa yung tinutukoy mo?" "Yun, nakuha mo din." Aniya nito sabay ngiti na sa unang pagkakataon naramdaman nitong si Alex na tila tumigil nung mga oras na yun ang pagkulo ng dugo nitong si Summer sa kaniya para sungitan siya o sadyang mababaw nga lang ang kaligayahan nitong babaeng ito kaya ganun na lamang ang mood nito.  Ngunit huli na ang lahat nang mahalata siya nitong si Summer na pigil na pigil sa pagtawa, dahilan para muli na namang mapakurba ang kilay nito saka napaungot ng nguso. "Tara na nga." Masungit nitong boses, para namang binuhusan n malamig na tubig itong si Alex na napatitig na lamang sa bultong humahakbang papalayo sa kaniya dahilan para mapailing na lamang siya habang napapangisi at maisip na dahil siguro sa tindi ng pagmamahal niya kay Serene ay halos lahat nakikita niya na sa babaeng bigla biglang lumitaw sa buhay niya.  "Malayo pa ba?" Tanong niya na sinagot lang siya ng tango nitong si Summer na nauunang naglalakad. Hindi niya alam anong rason o dahilan kung bakit bigla bigla na lamang lumitaw ang babaeng yun sa harapan niya--sa buhay niya, pero isa lang ang ikinatitiyak niya simula nang mapadpad siya sa lugar na ito at makita ang babaeng kamukhang kamukha ng asawa niya ey--nakakatulog na siya ng maayos, nararamdaman niya na ang katahimikan ng isip niya sa t'wing gabi, at unti-unti na ding gumagaan ang halos tatlong taon niya ng dinadala dalang mabigat na konsensya sa buhay.                 SAMANTALA, sa kubo naman hindi naman maiwasang bwisitin nitong nitong si Mau si Forrest na kasalukuyan niyang natatanaw sa may labas na mukhang naghahanap ng signal. "Walang signal?" Sigaw nitong si Mau habang nakataas ang isang kilay, napalingon naman si Forrest sa kaniya sabay kunot noo lang. "May alam ako kung saan may signal." Dagdag nitong si Forrest, dahilan para makuha ang atensyon nitong si Forrest at patakbong umakyat sa hagdanan para lapitan siya nang nakangisi. "Ano yun? Saan may signal? Bilis sabihin mo na para makasend ako bago pa ako malowbat." "Hmm-mukhang napaka-importante ng pagsesendan mo ng teks mo ah." Usisa nitong si Mau. "Eh--oo, baka hinihintay na ang chat ko kahapon pa." Saad nitong si Forrest na napapakamot sa ulo. "Ahh--so dahil importante ang taong pagsesendan mo ng teks, ibig sabihin, nakahanda kang gawin ang lahat maisend mo lang yang message mo?" "Oo naman. Basta masend ko lang tu. Kailangang kailangan ko lang. Sige na sabihin mo na." Sambit nitong si Forrest na sa boses ay may pag mamakaawa. Napaangat naman ang dalawang kilay nito habang sa isip nito ay napapahalakhak. "Kung ganun ikuha mo muna ako ng tubig." Utos nitong si Mau. "Huh--" "Tubig--ikuha mo ko, pakiramdam ko kasi matutuyuan na ako ng laway eh." Aniya nitong si Mau. "Bat ko naman gagawin yun?"  "Aba--akala ko ba gusto mo malaman kung paano ka makakasend niyan? Paano ko masasabi sayo kung--ohooo--kung nanunuyo na lalamunan ko. Sige na kuha mo ko." May pasenyas pa nitong magtungo na sa kusina. Magsasalita pa sana itong si Forrest ngunit nagbago ang isip at sinunod na lamang ang utos nitong si Mau. "Thank you!" Saad nitong si Mau na ngiting ngiti habang napapakagat labing pinagmamasdan ang papaalis na si Forrest. Sa totoo lang di naman ganun kainit ang dugo niya dito, hindi niya lang maintindihan kung bakit trip niya itong inisin. Napaayos ang ekspresyon nang mukha niya at napapaubo nang makitang papalapit na itong si Forrest. "Nako mukhang susumpungin pa yata ako ng hika ko." Bulong niya na sinigurado niyang malapit na sa kaniya itong si Forrest at maririnig siya nito. "Are you okay?" Tanong nitong si Forrest nang malapitan siya sabay abot sa tubigg. "Ahm-yeah." Sagot niya saka napainom ng tubig. "Sabihin mo na, malolowbat na ako." Mabilis na sambit nitong si Mau nang mailapag nito ang baso. "An alin?" Tanong nitong si Mau na ikinakunot ng noo nitong si Forrest. "Nang-aasar ka ba?" Sambit nitong si Forrest na napalapit na naman ang mukha kay Mau. "Ah---oo naaalala ko na." Ngiting ngiting sagot ni Mau na may kaba sa dibdib at marahang itinutulak ang mukha ng palad niya. "Bilis." Saad nitong si Forrest. "Halika dito sa bintana, dali." Saad ni Mau sa kaniya na agad naman niyang inawa, magkatabi silang napadungaw sa bintana. "Nakikita mo yung bangin na yun?" Tanong ni Mau kay Forrest. "Ayun--yung malapit sa puno nang kakao?" Tanong nitong si Forrest sabay turo sa tinuukoy niya. "Yeah, that's it."  "Oh eh anong meron dun?" Tanong ni Forrest. "Mula sa puno ng kakao, tumayo ka ng nakatalikod sa bangin." Aniya nitong si Mau na seryosong seryoso ang mukha habang nagsasalita, panay pagtango naman ang naisasagot nitong si Forrest. "Tapos yun na may signal na?" Tanong nito kayMau na napailing agad. "Hindi, ipipikit mo yung mga mata mo muna. Make sure na ready to send na lang yung chat mo." "Ipipikit? Bakit naman--? May pagtaas na ng kilay na tanong ni Forrest. "Para mafeel ng signal na kailangang kailangan mo talaga siya. Tapos--" "Tapos anong sunod?" "Tapos, mula sa puno ng kakao na yun, di ba nakapikit ka na? Itataas mo yung kamay mo kung saan nandun yung phone mo." "Yun lang--eh napakadali naman pala." Saad nitong si Forrest saka napatayo mula sa upuan kung saan siya tumabi kay Mau para mapadungaw sa bintana. Akmang hahakbang na siya nang magsalita itong si Mau. "Sandali--kailangan mong umatras ng mga sampung hakbang para masend mo yun." Wika nitong si Mau na tila pigil na pigil na matawa sa sariling kalokohan. Napatango naman itong si Forrest at tuloy tuloy na humakbang papunta na sa hagdanan akmang bababa na siya nang biglang mag-sink in lahat ng sinabi nitong si Mau saka napatingin sa tinutukoy nito kanina. "Pikit ang mata, nakatayo sa may puno ng kakao-nakatalikod mula sa bangin at hahakbang paatras ng sampung hakbang? T--teka, sira ulong babae yun ah." Napasuntok sa buwan si Forrest nang tuluyan niyang maintindihan ang nais iparating nitong si Mau saka napakuyom ng mga pala. "Hoy! Papatayin mo ba ako?" Tanong nito habang papalapit kay Mau na umuusok ang tenga sa sobrang pag kainis sa mga narinig na sinabi nitong babae kanina na inakala naman niyang tumino na ang pag-iisip nito. Napahagalpak naman itong si Mau sa kakatawa. "Oh--eh bakit? I'm sure masesend mo yun." "Baliw--nako!" Napasuntok sa hangin na lamang sabay sabunot sa ulo sa sobrang inis niya kay Mua. "Pasalamat ka pilay ka ngayon dahil kung hindi ikaw ang ihahagis ko dun sa bangin. Bumili ka ng kasing level mo na kausap. Bwisit! Kala ko pa naman tumino tino ka na, kung alam ko lang na yun ang sasabihin mo sana galing sa kanal na tubig ang kinuha ko" Inis na inis nitong saad, napatigil naman itong si Mau nang makita niya kung gaano na kainis ang itsura ni Forrest. "Bakit--sa tingin mo ba may kanal dito?" Tanong nitong si Mau. " At talagang---diyan ka na nga." Saad nitong si Forrest at inis na inis na tinalikuran si Mau.  "Psh! Hoy kahit umakyat ka pa ng ilang puno di ka makakahanap ng may signal dito. Bopols, parang di laking bundok. Alam ng walang signal pagpipilitan pa. Hiwalayan ka sana ng jowa mo." Sigaw nitong si Mau sa bultong papalayo na sa kaniya na hindi man lamang siya nilingon na. Mabuti na lamang at silang dalawa lang sa kubo dahil kung nag kataon parehas silang nabatukan ni Lola Adora.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD