BINALOT ng katahimikan ang buong kubo hanggang sa matapos ang pagkain ng lahat ng hapunan. Ilang minuto lang ay dumating na ang pamilya nila Asyong, at sa pagkakataong iyon laking gulat na nitong si Summer ang mga dala nitong gamit na gagamitin daw sa kasal, may mga baboy din itong hatak-hatak, dalawang kambing, at isang baka.
"A-anong kalokohan ito?" Nakakunot ang noong tanong nitong si Summer, samantala maging ang kaniyang lola ay hindi na din maintindihan ang nangyayari sa paligid ng sunod sunod ng ipasok ang mga kawali, kaldero at kung anu-anu pang gamit.
"Oy Asyong, mawalang galang na sa iyo at sa pamilya mo? Pero pwede bang sabihin mo kung anong nangyayari huh?" Iritang tanong ni Summer na hindi na mapakali, ngunit nilagpasan lang siya nitong si Asyong na may bitbit na napakalaking kawali na para bang feel at home na tuloy-tuloy na humakbang patungong kusina. Agaran namang hinarangan ni Forrest at Alex ito.
"Ano iyan?" Tanong ni Alex.
"Bulag ka ba? Wala ba kayong ganito?" Sagot nitong si Asyong sabay pwersang tinutulak ng kawali ang katawan nitong si Alex.
"Oy-oy! Mawalang galang na ho Mano Asong, pero ano ho ang karapatan niyong pumasok na lang ng basta basta sa pamamahay ni inang at tuloy-tuloy na dumiretso dito?" Aniya nitong si Forrest.
"Mawalang galang na din, pero kung ako ang tatanungin sa ating tatlo dito. Ako ang mas may karapatang pumasok ng dire-diretso sa pamamahay na ito dahil ilang araw na lang magiging misis ko na ang nakatira dito. Kayo ang mahiya. Mga bwisit kayong bisita." Saad nitong si Asyong na ikinakunot nitong si Alex, di niya nagustuhan ang tabas ng dila nito para pagsalitaan sila ng ganun. Kaya naman ng akmang itutulak siya nitong si Asyong muli gamit ang kawali ay buong pwersa niyang ibinalik ang lakas nito dahilan para mapaatras itong si Asyong at matumba, kasabay ng pagbagsak niya ang lakas ng tunog din ng pagbagsak ng kawali. Lahat napatingin sa kanila.
Nanlaki ang mga mata ni Summer saka mabilis na lumapit sa tatlo.
"Anong nangyayari?" Tanong ni Summer na konting konti na lang sasabog na ang tono ng pananalita nito.
"Ayang mga bisita mo, pagsabihan mo iyan. Dahil sa oras na maikasal na tayo, ipapatapon ko sila sa kulungan ng baboy." Galit at gigil na idinuduro nito si Alex at Forrest. Papatulan sana ni Alex ito ngunit nahagip ng mga mata niya ang matandang nakatingin sa kaniya at napapailing na humahakbang papalapit sa kanila.
"Maikasal? Oy! Siguraduhin mo munang pakakasalan ka bago mo kami balaan. Sa ugali mong yan--di na ako magtataka kung bakit pangit ka. Pinantay lang ni Lord!" Inis na duro din ni Forrest kay Asyong.
"Tumigil na kayo. Hindi na ba kayo nahiya sa mga mas nakakatanda sa inyo na pinanunood ang sabungan niyo rito? Kayong dalawa, ikaw Asyong-hindi porket mapapangasawa mo ang anak ko ganun ka na kung umasta sa mga bisita ko. Alalahanin mong wala ka sa sarili mong pamamahay para dalhin sa harapan ko ang kawalang respeto mo. At kayong dalawa, maari bang pumasok na muna kayo sa kwarto."
"Pero--" Hihirit pa sana si Forrest ng hawakan siya ni Alex sabay senyas na huwag ng ituloy pa ang sasabihin, kaya napatango na lamang ito saka muling sinenyasan si Asyong dahilan para lalong manggigil sa kaniya sa galit.
"Okay ka lang ba?" Tanong ni Alex kay Summer ng pasimple. Bahagya namang napatango si Summer.
"Sige na, ako na bahala. Wag kayong mag-alala." Aniya nitong si Summer bago pa man makapasok sa loob ng kwarto ang dalawa.
Inis na inis namang tinitigan nitong si Summer si Asyong.
"Nababaliw ka na ba? Anong kalokohan itong pinagbibibit-bit mo dito at dinala dala huh?" Tuluyan ng nawalan ng pasensya si Summer para makapag-taas ng boses sa pagsasalita sa harapan ni Asyong.
"Ow--wag mong sabihing di pa sinasabi ng lola mo?" Aniya ni Asyong na ngiting-ngiti pang napatingin sa matanda.
Nalilito namang napatingin din si Summer sa kaniyang lola na tila ba nanghihingi ng kapaliwanagan sa mga nangyayari ngayon.
"Mabuti pa mag-siupo na muna tayong lahat sa balkonahe." Saad ng matanda bago talikuran si Asyong at Summer. Akma namang aakbayan ni Asyong si Summer nang biglang--
"Subukan mo lang--makikita mong bawas na iyang daliri mo pag-uwi mo sa inyo." Bigay babalang wika nitong si Summer saka nagmadaling humakbang patungo sa balkonahe.
Duon makikita niya na kumpleto na naman ang buong pamilya ng lalaking iyon. Ngunit may isang bagay siyang ipinagtataka, yun ay ang mapansin niya ang laman ng isang malaking sako bag.
"Ano yan? Pwede niyo bang ipaliwang sa akin ito?" Tanong ni Summer na nagpapalipat lipat ng tingin sa mga nakalagag sa sako bag.
Narinig naman niyang bahagyang bumuntong hininga ang lola niya.
"Lola--"
"Mukhang di pa nasasabi hija saiyo ng Inang ang tungkol sa napag-usapan namin kanina. Ang sabi ng lola mo, dapat daw talaga ikaw ang pupunta sa amin, kaya lang inutusan ka niya papuntang bayan kaya naman kami na lang ang nag-usap."
"Ano namang pinag-usapan niyo na hindi ko alam?" Inis ang boses nitong sumagot sa ina ni Asyong.
"Napagkasunduan namin na maikasal na talaga kayo sa lalong madaling panahon ni Asyong."
"Ano?" Bulalas nitong si Summer.
"Napagkasunduan naming isabay ang kasal niyo sa pyesta sa bayan." Aniya ng matanda p-ara biglang makaramdam itong si Summer ng panglalamig sa lalamunan sa sobrang gulat. Ang pyesta sa bayan ay sa makalawang araw na.
"H-hindi--hindi ako papayag. Bahala kayo. Walang kasalan. Kung ayaw niyong parehong pamilya ang mahiya-wag niyo ng subukan pa. Dahil di ko pakakasalan si Asyong." Madiin habang nakakakuyom ang palad nitong si Summer na napatayo at nakatitig sa kaniyang lola.
"Sa ayaw at sa gusto mo, matutuloy dahil iyon ay ang napagkasunduan." Saad ng kaniyang lola na napatayo din sabay hawak sa kamay niya ng akma siyang tatalikod. Namumula sa sobrang galit ang mga mata nitong si Summer na humarap sa kaniyang lola.
"Mamili po kayo--ang ilibing ako matapos ang kasal o ang makita niyo pa ako na walang kasal na nagaganap." Pagbabanta nitong si Summer.
"Summer--sumusobra ka naman yata sa lola mo."
"Kayo ang sumusobra, kung patay na patay na kayong maikasal iyang anak ninyo humanap kayo ng mauuto niyong bankay. Hindi ko pakakasalan iyon kahit sa inyo pa itong lupang kinatitirikan ng bahay namin o pinagtataniman ng palay."
"Bakit ba napakatigas ng ulo mo huh? Kasal lang naman tsaka bakit ang arte arte mo? Ang hirap hirap niyo na nga, nag-iinarteka pa. Palalamunin na nga namin kayo, nag-iinarte ka pa. Lilibre na nga kayo ng lupa, aarteka pa. Ano? Papayag ka lang na maikasal sa akin dami mo pang ngawa eh sakin lang din naman ang bagsak niyong dalawa ng lola mo. Para sabihin ko sa iyo, wala ng ibang magkakagusto sa iyo kundi kapwa mo taga bundok, wala ring ibang makikinabang diyan sa katawan mo kundi ako lang---" Bago pa man matapos ang sasabihin nitong si Asyong ay isang malakas na sampal ang dumapo sa kanan nitong pisnge mula sa nanggigigil na kamay ng matanda.
"L-lola!" Naibulalas ni Summer saka napalingon sa lola niya.
"Wala kang karapatang bastusin ang apo ko sa harapan ko at sa loob ng pamamahay kong ito. Dahil hindi ka nag-ambag ng lakas sa akin para mabuhay ko lang iyan sa loob ng mahabang panahon. Wag mo ding ipagmalaki ang kung anumang meron ka dahil una sa lahat--yang mga napapakinabangan mo ay hindi mismo galing sa sikap at paghihirap mo kung hindi sa mga ninuno mo. Pangalawa, hindi ako pumayag na ipakasal siya sa iyo para harap-harapan mo siyang maliitan at ipahiya sa akin at sa mga kamag-anak mo. Pangatlo, lahat ng nakikita mo sa paligid mo na sinasabi mong pagmamay-ari ninyo--lahat ng iyon pinagtatrabahuan namin ng apo ko at buwan buwang binabayaran ng mahigit labing walong taon. Pang-apat, nagbago na ang isip ko. Kung sa katulad mo lang din naman pala mapupunta ang anak ko, mawalang galang na lang sa mga magulang mo at kamag-anak pero mas mabuti pa--hindi mali pala ako, dapat wala ng kasalang matuloy dahil di ko hahayaang mas malala pa ang sapitin ng apo ko sa iyo pagdating ng panahon." Nakakuyom ang mga palad ng matanda habang hawak hawak ng isang kamay nito ang sungkod.
"Lo-la--" Gulat na narinig nitong si Summer habang di maalais ang tingin sa kaniyang lola, pakiramdam niya babagsak ang mga luha niya sa sobrang panglalambot dahil sa wakas nagawa din siyang panigan nito.
"Sa-sandali, b-baka pwede na-naman nating a-ayusin ito? Hindi naman pwedeng--" Biglang tayo ng tatay ni Asyong
"Pasensya na pero nakita mo naman ang iniasal ng anak mo sa apo ko. Binigyan ko siya ng pangalawang pagkakataon ngayon dahil sa ginawa niya sa apo ko nung unang panik niyo rito--oeri heto at masyadong maliit ang tingin niya sa mga mahihirap para ipagyabang ang meron siya na galing sa lakas, sipag, tyaga ng mga magulang niya at ninuno para lang makuha niya lahat ng gustuhin niya. Hindi din aso o manika ang apo ko para hayaan ko na lang na tratuhin ng ganun. Maigi na at ipinakita niyang anak niyo ang totoong ugali bago pa man maikasal sa apo ko. Makaalis na kayo at gusto ko ng magpahinga. Kung maaari din dalhin niyo lahat sa inyo ang mga binitbit niyo papunta dito--"
"Abat--wala kang utang na loob tanda, kayo na nga giginhawa angbuhay kayo pa tatanggi sa grasya." Banat ni Asyong.
"Kung katulad mo lang naman ang grasya na lilitaw o lalapit sa amin, maigi ng tanggihan bago pa mahuli ang lahat." Sagot ni Summer akmang sasampalin na ni Asyong si Summer ng isang kamay ang biglaang sumalo sa palad nito.
"Ikaw---" Duro ng isang kamay ni Asyong kay Alex.
"Umuwi ka na. Kung ganyan ka sa lahat ng mapapangasawa mo--tatanda kang mag-isa sa buhay." Ngiting mapang-asar na sambit ni Alex dahilan para suntukin sana ng isa nitong kamay si Alex kaya lang biglang hinawakan ng ina ang kamay na ito.
"Tama na, umuwi na tayo." Saway ng ina, mahinahon namang binitiwan na nitong si Alex ang kamay nitong si Asyong at sumenyas na wag magkakamaling manakit.
"Maglola nga kayo, pareho kayo ng ugali. Tataas ng pride sa tingin niyo ba kaya niyong buhayin mga sarili niyo ng walang tinitirhan o walang--"
"Asyong tama na sabi, nakakahiya ka na." Napapailing saway ng ina na napatingin sa asawa para pigilan na ang anak nito sa eskandalong ginagawa.
"At ako pa ang nakakahiya? Hindi ba dapat itong dalawang ito?" Pagduduro sa lola ni Summer at kay Summer. Sa sobrang inis ni Summer ay mabilis niyang sinugod ang daliring nakaturo sa kanila ng lola niya saka kinagat ng husto hanggang sa mag-sisisigaw sa pinaghalong sakit at galit itong si Asyong.
"Aaaaahhhh----ang sakit!" Sigaw nito hanggang sa napansin nitong dumudugo na ang daliri, nanlaki naman ang mga mata ni Summer at napaatras agad sabay lapit sa lola.
"Pagbabayaran mo to. Magbabayad kayong mag-lola sa akin. Lalo ka na Summer. Hinding hindi ako papayag na hindi ka madadala sa simbahan. Buhay man o patay sa akin ang bagsak mo" Kitang-kita sa mga mata ang sobrang galit ni Asyong sa kanila na bumaba ng hagdanan habang nakatitig sa daliri nitong dumudugo. Habang si Summer ramdam na ramdam ang sobrang bilis ng t***k ng puso sa takot na narinig nito.
"Magsi pasok kayo sa kwarto niyo." Aniya ng matanda sa kanilang dalawa ni Summer at Alex, samantala si Forest naman ay nasa likod lang ng kurtina ng kwarto nakasilip at napapalunok sa mga nakikita.
Sunod sunod na ding nagsibabaan ng hagdan ang kamag-anak ni Asyong na dinala sa kubo nila habang ang mga magulang ni Asyong ay naiwan para kausapin ang matanda ng masinsinan.