GALIT at inis na sinipa nitong si Summer ang bato, hanggang ngayon hindi niya pa din alam kung sa papaanong paraan niya ba mskukumbinsi ang lola niya na hindi niya kailangan ng lalaking iyon para lang sila makakain, at may matirahan. Hindi niya kailangan--lalo na kung triple pa sa triple ang pagka disgusto niya sa lalaking iyon. Napabuntong hininga siyang tinanaw ang kabuuan ng kubo.
"Mas mahal niya talaga ang lupang hindi naman sa kaniya, mas mahalaga sa kaniya ang pera kesa sa apo niya." May galit sa pusong bulong nito habang inis na pinupunasan ang luha.
"Hindi naman ako naging masamang apo sa kaniya, lahat ng gusto niya sinusunod ko. Tapos heto--eto ngayon pakiramdam ko kapalit ng ginhawa sa buhay ang sapilitang ikasal ako sa taong---argggh! Lola, sana maisip niyo din po ko kahit ngayon lang. Kahit ngayon lang na nasasaktan din po ako." Napabuga si Summer saka umupo sa damuhan at tinitigan ang kalangitan.
"Nay--dalawin mo nga po si lola sa panaginip niya. Sabihin mo po na maawa siya sa magiging apo niya sa tuhod. Saka, di ba apo niya ako? Anak mo ko? Pero bakit grabe niya ko isiksik dun sa tukmol na iyon." May pagtatampong saad niya habang nakatingin sa kalangitan ng biglang--
"Masamang kausapin ang sarili."
"Dayo?" Ang naiwika nitong si Summer na napabalikwas ng bangon ng makita nito si Alex na napaupo sa tabi niya.
"Sumagot na ba iyong mga bituin? Alam mo may kilala kami ni Alex na katulad mo mahilig kausapin ang bituin kala mo naman sumasagot sa kaniya." Tanong naman ni Forrest na nasa kabila naman niya. Sa kalagayang iyon, nakapagitna na siya sa dalawang lalaki ngayon.
"Huh? Anong--anong ibig mong sabihin?" Kunot noo niyang tanong na para bang nagtataka sa tinutukoy nito habang nakatitig kay Forrest.
"Mukhang sa pagiging loading mo kayo magkakaiba." Sagot ni Forrest sabay lapad ng ngiti na sa katunayan sasagutin niya sana ito na magkaparehong-magkapareho sila nitong kaibigan niyang si Serene na mukhang tanga kung kausapin ang bituin kaso nahagip ng mga mata niya ang matalim na tingin nitong si Alex na naaaninag ng munting lamparang nakasabit sa may puno.
"Ginagawa niyo dito?" Tanong ni Summer sa dalawa.
"Hindi ba dapat ikaw ang dapat naming tanungin niyan? Rinig ko, papanik na naman ngayon ang minamahal mo." Aniya ni Forrest.
"Minamahal? Baka minumura." Inis na sagot niya saka napabuga sa hangin.
"Ano ba kasi ang iniuusig niyang budhi mo?" Tanong ni Alex na hindi pa rin binibigyan ng tingin itong si Summer.
"Tinatanong pa ba yan? Alam na alam na ni lola na ayaw ko tapos siya pa itong gumagawa ng paraan para tuluyang matuloy. Pakiramdam ko naibenta na ako ng lola ko." Inis na sagot nitong si Summer.
"Bakit hindi mo subukang kausapin ang lola mo ng mahinahon? Subukang ipaintindi sa kaniya ang buong sitwasyon? Tanungin mo din kung bakit ganun na lamang niya gustong ipakasal ka sa lalaking iyon?" Saad ni Alex habang nakatingin sa malayo.
"Ginawa ko na iyon. Sadyang di niya lang talaga ako itinuturing na apo, at hindi mahal" Mahinahon ng sagot ni Summer saka napayuko.
"Alam mo kasi--sa tingin ko totoong iniisip niya lang ang magiging bukas mo. Matanda na din siya para itaguyod ang lahat ng mga pangangailangan niyong dalawa. Marahil naisip niya na sa ganung paran. Maiibsan ang pag-aalala niya sayo balang-araw." Sabat nitong si Forrest.
"Hmmm-ano namang alam mo? Tsaka kung pangangailangan lang--kaya ko naman eh, kaya ko magtrabaho. Ang problema kasi sa kaniya ayaw niya akong papuntahin ng Maynila. Eh ang laki laki ko na. Pero bakit hanggang ngayon ganun pa din ang turing niya sa akin. Para akong nakakulong sa paligid kung saan kaya ng mga mata niya makita ang lahat ng kinikilos ko. " Nakasimangot na tanong ni Summer kay Forrest na noon ay napatingin naman kay Alex.
"B-baka naman kasi-baka naman kasi natatakot ang lola mo na maligaw ka tapos di mo na siya balikan."
"Maligaw? Eh etong gubat nga kahit nakapikit ako kaya kong makauwi ng nakapikit. Maynila pa kaya na maliligaw ako at di na siya balikan."
"Maynila lang? Hahaha! Oy baka pag-apak mo pa lang ng Maynila mahilo ka na. Sinasabi ko sa iyo, mas madaming kanto, bahay, at sasakyan kesa sa halaman, d**o man o puno ang makikita mo dun."
"Ay basta--sana nag-abiso siya ng maagap sa akin hindi iyong siya lang nag-desisyon na para bang siya ang magpapakasal at di ako sa lalaking iyon." May diing inis na wika nitong si Summer.
"Sa mundong ito, bawat galaw at desisyon--lahat may malalim na dahilan. Naniniwala ako na bukod sa mga naririnig mo sa lola mo-may mas malalim pa, may mas malalim pang dahilan kaya ganun na lamang siya sa iyo ngayon." Wika ni Alex sa kaniya habang nakatingin sa kalangitan.
"Nako, ano naman kaya ang magiging dahilan pa bukod dun? Eh di sana alam ko o di kaya sinabi niya naman sana sa akin."
"Alam mo, hindi naman dapat natin ipangalandakan lahat ng pwede nating galaw sa buhay o magiging desisyon o nagawang desisyon . Minsan, di kailangang ipakita, di kailangang iparamdam iyong pagmamahal, pag-aalala, o emosyon na dapat man dahil madalas nauusog, lumilihis, o nasisira. Sigurado ako--kami na may mas malalim na dahilan ang lola mo kaya ganun na lamang siya kung sumunod sa kagustuhan ng pamilyang iyon. Alam din namin na may mas malalim siyang dahilan kung bakit hindi niya iyon masabi sa iyo."
Hindi naman nakaimik muna si Summer, patuloy na ibinubulong ng sarili niya sa kalangitan kung tama nga ba ang mga naririnig niya sa dalawang katabi niya. Na tama nga bang may mas malalim pang dahilan--at kung sakali mang meron, gusto niyang malaman iyon. Gusto niyang malaman--hindi para sundin ang kagustuhan nito kundi ang magawan niya ng solusyon.
"Siya nga pala--may gagawin ka ba bukas?" Tanong ni Alex na sa pagkakataong iyon ay ibinaling na ang tingin kay Summer dahilan para maaninag na nilang dalawa ang bawat isa.
"Ah--huh?B-bakit?" Tanong nitong si Summer.
"Eh--gusto sana naming i-ipasyal mo naman kami dito sa malawak na lugar niyong ito. Nakakabaliw din kasi ang katahimikan. May maipagmamalaki ka bang magandang tanawin dito huh?" Banat nitong si Forrest dahilan para maialis ang titig ng dalawa sa isa't isa.
"Ah-huh? Bu-bukas?"
"Oo. Bukas-kung--kung hindi ka abala?" Aniya ni Alex na napapatangong napahiga sa damuhan sabay titig sa mga bituin sa kalangitan.
"Hmm-sige! Gusto ko iyan. Bukas na bukas dadalhin ko kayo sa madalas kong puntahan kapag birthday ko." Nakangiting sagot nitong si Summer. Napangiti naman ng bahagya si Alex ng mapansin nito ang pagbabago ng mood nitong si Summer.
"Oh, may birthday ka pala?" Pang-iinis biglang sambit nitong si Forrest na agad hinampas nitong si Summer.
"Aray ko naman Miss Summer. Ngayon pa lang sasabihin ko na sa iyo di ako madadala diyan sa pahampas hampas mo sa akin para mafall sa iyo." May pag-arteng wika nitong si Forrest habang napapahimas sa braso.
"Kaya pala abot langit pag-kainis sa iyo ng kaibigan ko dahil daig mo pa ipu-ipo kung makahirit." Napapailing na saad nitong si Summer na natatawa, nagkatinginan na lamang sila ng biglang may tumunog na tyan sa kanilang tatlo.
"Huh--si-sino yun?" Naibulalas na lamang ni Summer. Iniwasan naman ni Alex ng tingin si Summer ng bigyan siya nito ng sulyap habang si Alex ay tila ba may kinukutingting sa kamay.
"Hay nako! Makapaghain na nga ng makakain. Alam ko naman ang inilapit niyo sa akin. Alam kong nagugutom na kayo mga mahal naming bwisita." Napapailing sambit nitong si Summer at marahang tumayo at pinagpag ang likudan nito.
"Oy--bukas huh? Umaga para madaming time." Habol na sambit nitong si Forrest.
"Oo na, nakakahiya naman sa inyong mga bwisita." Pagtango nitong si Summer sabay hakbang papalayo sa kanila.
Agad namang tinusok nitong si Forrest ang tagiliran nitong si Alex.
"Sure ka na ba talaga sa plano mo?" Seryosong tanong nito.
"Walang lihim na hindi nabubunyag. Malalaman ko din iyon sa oras na makabalik tayo ng Maynila." Sagot ni Alex.
"So, kaya ka aalis--para dun?" Nag-aalinlangang tanong nitong si Forrest sa kaibigan na binigyan lang siya ng tingin.
Samantala, napapailing tinanaw ng matanda sa may bintana ang apo saka marahang humakbang patalikod sa bintana at tuloy-tuloy na humakbang patungo sa kwarto.
Tahimik niyang ihinakbang ang mga paa papunta sa sulok ng papag, kung saan sa ilalim nito ay kinuha niya ang isang di kalakihang karton. Makikita sa mga mata ng matanda ang mabigat na dinadala ng loob. Alam niya at kilala niya ang apo niya, noon pa man alam niya ng malaki ang magiging problema sa oras na dumating ang panahong kinakailangan niya ng magdesisyon.
Marahan niyang inilabas sa karton ang isang supot ng plastik at binuksan. Bahagya siyang napangiti ng mapait ng mabuksan ang supot saka napaluha.
"Gusto pa kitang makasama-kaya ginagawa ko ito sa iyo. Sana balang araw maintindihan mo ang lola mo kung pinilit man kitang gawin ito. Gusto ko lang makasiguradong magiging maganda ang kalagayan mo at kinabukasan sa oras na mawala na ako sa mundong ito." Bulong ng matanda saka pinunasan ang luha saka ngumiti muling pinagmasdan ang hawak hawak nito.
"Buong buhay ko, ikaw ang naging daan para subukang bumangon muli mula sa pighati--ikaw ang naging dahilan kung bakit sa tagal ng panahon pinipilit kong buhatin ang kahirapang meron sa buhay ko. Ikaw ang naging tulay para sumaya muli ang buhay ko. Hindi ko man maiparamdam sa iyo iyon pero araw-araw kong ipinagdarasal na sana masaya ka--masaya ka sa piling ko. Walang araw ding natatakot ako na mawala sa mundong ito na hindi ka pa handang humarap sa buhay ng ikaw lang ang mag-isa. A-at eto lang ang--eto lang nakikita kong paraan para hindi mo maranasan habang-buhay lahat ng kahirapang naranasan ko hanggang pagtanda ko. Hindi mo maranasan ang kamalasang nangyari sa buhay ko." Ibinubulong na sambit ng matanda habang nakatingin sa kawalan na tila ba may binabalikang alaala.
Mabilis naman niyang ibinalik ito sa kinalalagyan ng makarinig siya ng yabag ng mga paa papunta sa kwarto at saka nagkunwaring nagdarasal. Ramdam niyang sinilip siya ng apo niya na napabuga sa hangin bago ito tuluyang umalis sa may pintuan. Nanghihina naman siyang napahilot sa dibdib sabay lingon sa pintuan na makikita ang lungkot sa mga mata saka dali-daling kinuha ang isang nasa maliit na supot ng papel sa ilalim ng unan at kinuha ang basong may lamang tubig sa ibabaw ng mesa na yari sa kawayan at mabilis na ininom ang gamot. habang nanginginig ang mga kamay.
"Huwag-huwag muna ngayon. N-nakiki-nakikiusap ako. Wag po muna ngayon--g-gusto ko pang makita ang apo ko na nasa magandang kalagayan, at may magandang kahaharaping bukas. Maawa po kayo. Nakikiusap po ako, bigyan niyo pa po ako ng konting panahon Ko-konting panahon po p-para sa apo ko. Ibigay--ibigay niyo na po sa akin ang k-konting panahong pong iyon, hayaan niyo po kong matapos ko muna ito at nakakasiguro na po akong nakahanda na po ako sa anumang desisyon niyo po sa akin." Naluluhang pagmamakaawang bulong ng matanda habang nakapikit, himas himas ang dibdib.