Kabanata 50

1611 Words
        ISANG malalim at napakabigat na buntong hininga ang pinakawalan ng matanda habang tinatanaw papalayo ang angkan ni Asyong. May pagsisisi siya at hindi na lamang sinunod ang apo niya at hinayaang umabot pa sa ganito. Batid niya ding simula bukas at sa mga susunod pang mga araw ay hindi sila patatahimikin o tatantanan ng lalaking iyon hanggat hindi nito nakukuha ang gusto. Hindi rin naman niya kasi maalis sa isipan niyang isipin ang kinabukasan ng apo niya kung sakali mang lisanin niya na ang mundo. Buong buhay niya, ang apo niya lang ang nagbigay ng pag-asang labanan lahat ng mga pagsubok na dumarating sa kaniya na akala niya wala ng pag-asa pa. At ngayon--nakahanda siyang itama ang gusot na pinasok niya wag lang masaktan ang apo niya.  "Sa mga araw, buwan at taong nagdaan, mali nga ba na ikinulong ko lang siya sa paligid na ito? Kung sana hinayaan ko siyang lumuwas ng Maynila ng walang takot sa puso ko marahil, may mas magandang kinabukasan na ang naghihintay sa kaniya noon." Mapait nitong bulong sa sarili habang ramdam ang kirot sa puso nito. "L-lola!" Aniya nitong si Summer mula sa likuran nito. "Anong ginagawa mo pa dito? Di ba sabi ko pumasok ka na sa kwarto?" Madiing sambit at matapang ang tono ng boses ngunit sa loob loob ng matanda. "L-lola! S-salamat po sa pagtatanggol s-sa akin." Marahan ngunit garalgal ang tono ng boses nitong si Summer na nasa likuran ng matanda na nakatanaw lamang sa labas. "Malalim na ang gabi. Matulog ka na." Tanging nasabi lang ng matanda saka tinalikuran si Summer at humakbang papalayo dito. Hindi naman mapigilan ni Summer na mapangiti kahit napapahikbing pinagmamasdan ang lola niya papasok na sa kwarto nito. "Ang--ang ma-ma-matandang iyon. N-napaka-napaka sungit sa akin. A-alam ko na-naman talagang a-apo mo ko d-dahil mah-mahal mo ko ka-kaya di mo ko kanina hinayaang na ganun ganunin na lang. Lola! Wag kang iiyak huh? Mahal na mahal pa din po kitra kahit lamang ang kapaitan sa katawan mo kaisa sa matatamis." Natatawang habol na sambit nito habang patuloy ang daloy ng luha sa pisnge nito. Masayang masaya siya dahil kahit alam niyang ganung klaseng kasungitan ang tinataglay ng matanda at katapang alam niyang hindi siya nito makakayang pabayaan at hayaang mapunta sa maling tao. "Kunwari pang w-walang malasakit sa akin. Asus!" Napangiting pinunasan ang luha nito. Saka humakbang papunta sa harapan ng kwarto ng matanda at dali-daling tumabi sa nakatagilid ng nakahigang matanda patalikod sa kaniya sabay yakap dito. "Hmmmmm! Ang bango-bango talaga ng lola ko, bango na kahit kailan hindi ko makakalimutan, amoy na kahit kailan sa iyo ko lang maamoy po. Lola---lola ko nga po talaga kayo. Alam ko namang di mo po ko matitiis talaga na ipakasal dun. Nakita niyo naman po ugali di ba? Tsaka alam ko din pong ayaw niyong magka-apo sa tuhod na mukhang masama ang loob araw-araw nuh?" "Ano bang ginagawa mo dito? Bumalik ka na nga doon sa tulugan mo." Saway ng matanda sa kaniya na iniaalis ang kamay na nakapulupot sa may tyan. Pasimple namang sinilip nitong si Summer ang matanda. "Oyyy! Umiiyak ka ba lola?" Pang-aasar nito sa matanda dahilan para kurutin ang kamay nito. "Aaa-aray ko naman po lola!" Reklamo nito. "Yang bibig mo papagpahingahin mo. Gusto ko na magpahinga." Saad ng matanda saka umusog papalayo kay Summer ng nakatagilid pa din. At dahil makulit si Summer, hindi pa din ito nakinig--umusog din sabay yakap ulit sa matanda. "Lola, p-pwede bang tabihan ko po kayo muna. Namimiss ko na din po kasi ang amoy niyo." Aniya nitong si Summer na parang batang naglalambing. Napadilat naman ang matanda at bahagyang napangiti sa narinig nito. Alam niyang masayang-masaya ang apo niya sa ginawa niyang desisyon kaya ganun na lang din kung maglambing. Simula pagkabata, ganiyan na ganiyan kung maglambing ito. Panay yakap sa kaniya at inaamoy amoy lagi. "Lola, so-sorry po kung dahil sa pag-tanggi ko po sa kasal ay mamimiligro na ang kalagayan natin sa buhay. Pero hayaan mo po. Kung kinakailangan ko pong magbenta araw-araw ng itlog ng manok sa bayan. Gagawin ko po, kung kinakailangan ko pong mamasukang tindera sa bayan gagawin ko po makatulong lang po sa gastusin at pambayad sa pamilya nila sa lupang kinatitirikan ng bahay natin. Kaso--yun lang baka mapalayas tayo dito, iniisip ko po kung saan tayo titira." Napapangiwing bulong nitong si Summer sa lola niya habang nakayakap. Sa isip isip naman ng matanda ay napapailing, malakas ang loob tumanggi sa kasal pero takot sa posibleng maging resulta nito. "Hmmm-lola, tulog ka na po ba?" Sabay silip nito sa matanda na noon ay mabilis na pumikit ang mga mata. "Hmm--tulog na ba talaga siya? Eh bakit hindi pa nahilik?" Tanong ni Summer sa sarili. "Mukha naman ng tulog, ilang minuto na kasing hindi nagalaw eh." Sagot ni Summer sa sarili niyang tanong saka napabuntong hininga at mas lalo pang hinigpitan ang yakap nito sa kaniyang lola. "Lola, alam niyo po ba--kayo ang pinaka-importante sa buhay ko. Mahal na mahal na mahal na mahal ko po kayo sobra, kontento na po ko kahit hindi na po ko mag-asawa basta kayo po makakasama ko habang-buhay. Alam ko din po na sobrang mahal niyo din po ang maganda at kaisa-isa mo pong apo, kahit wala pong araw na hindi niyo po ko sinusungitan, ramdam ko pong mahal niyo po ko. Alam ko pong nag-aalala po kayo sa akin kaya niyo lang din po ginawa iyon. Pero may gusto po talaga ako malaman, sino po kaya sa amin ng mga alaga mo pong mga manok ang mahal mo nuh? Hahaha! Hmmm-lola, wag po kayong mag-alala kahit uugod ugod na po kayo ng sobra nasa tabi niyo lang po ko. Aalagaan ko po kayo tulad ng pag-aalaga niyo po sa akin simula pagkabata. Di din po ko magrereklamo, promise ko po iyon." Nakangiting wika nitong si Summer sabay yakap ng mahigpit sa lola nito maya-maya biglang nakaramdam na ng antok dahilan para mapahikab. "Lola, tulog na din po ko. Nag-aaya kasi iyong dayo na ipasyal ko daw sila bukas kasi naman naboboring na daw sila. Dadalhin ko sila doon sa madalas po nating puntahan. Sigurado ako magugustuhan nila iyon dahil bukod sa matatandang punong makikita eh may batis din po na sobrang linis tsaka--may mga bulaklak." Saad nitong si Summer. "Alam mo lola, sa tingin ko mabait po talaga iyong dayo. Kalain mo kanina sinalo niya po iyong sampal sana sa pisnge ko ng bakulaw na lalaking iyon. Kaya lang lola, sa t'wing nakatingin iyong dayo sa akin, naiilang ako sa di maipaliwanag. Para bang lahat ng parte ng buong mukha ko kinakabisado niya--alam niyo po ba iyon? Tas yung mukha niya parang nanglalait pagmatagal na nakatingin. Naisip ko lang, ganun ba kapangit ang apo niyo sa mga dayong katulad niya na nakatira sa siyudad? Kasi di ba simula pagkabata, madalas kong naririnig sa bayan pagka magkasama po tayo laging sinasabi ng mga kakilala mo po na napakaganda ng apo niyo at talagang nagmana po sa inyo. Hmmmm! Hayyy! Makatulog na nga po. Di ka naman po nasagot, magising ka pa--lagot pa ako." Dagdag pa nito bago ipikit ang mga mata habang nakayakap sa matanda. Hindi naman napigilan pang dumaloy ang mga luha ng matanda habang pilit na ipinipikit ang mga mata. Mahal na mahal niya ang apo, at nakikita niya kung gaano kababaw ang kaligayahan nito, alam niya din na sa sobrang lambot ng puso nito ay madalas mapagsasamantalahan ang kabutihan nito. Kaya naman mas pinipili niyang sungitan ito kahit sa puso niya ay labag ito, eto lang din kasi ang alam niyang paraan para maiparating sa apo na hindi lahat ng taong makakasalamuha niya ay maiintindihan ang kabutihang loob niya o kapareha niya ng pag-iisip.; Sa mundong ito, ang kabutihan ay natatalo ng masasamang loob. Gusto niyang sanayin ang apo sa mga bagay bagay na naranasan niya noong kabataan niya sa harapan ng maraming tao. Gusto niyang maging matapang itong haharap sa mga pagsubok.  Nang maramdaman niyang malalim na ang tulog ng kaniyang apo ay marahan siyang umusog para maupo at titigan ang apo. "Kung alam mo lang kung gaano kita iniingatan at pinahahalagahan. Ikaw ang natatangi kong kayamanan sa mundo. Patawarin mo ako kung nasaktan kita nitong mga araw. Inisip ko lang naman ang magiging kinabukasan mo sa oras na mawala na ako sa piling mo. Mahirap--masakit isipin na hindi mo ko makakasama ng panghabang-buhay apo, kaya nga ginagawa ko ang lahat ng eto para sa iyo--pero nagkamali pala ako ng desisyon. Hiling ko lang na sana madugtungan pa ng mas mahabang panahon ang buhay ko. Dahil gusto kitang makitang masaya at may magandang bukas." Bulong ng matanda habang nilalaro nito ang buhok ng kaniyang apo.       KINABUKASAN, maaga pa lamang ay umalis na sila Forrest, Alex kasama ang nagsilbing tour guide , walang iba kundi si Summer. "Oy, mukhang kasing saya ka ng panahon ngayong araw ah." Sambit ni Forrest dito kay Summer. "Oo naman, tsaka dapat pa ba akong malungkot? Eh sa wala na akong ipag-aalala pa ngayon." Saad nitong si Summer ng nakangiting binalingan ng tingin si Forrest saka napatingin kay Alex. "Oy, yan yang camera mo na nakita ko kahapon ba iyon?" Aniya nitong si Summer saka tumabi kay Alex sa paglalakad at inagaw ang camera. "Paano ba gamitin ito?" Usisa nito na sunod-sunod ang pindot nang biglang magkatinginan sila Alex at Forrest ng maalala nilang pareho na maraming lamang pictures iyon ni Serene. "Teka--" Forrest "Sandal---" Napatigil si Alex ng bigla nitong mapansin ang kasalukuyang larawan na ni Serene ang tinititigan ni Summer na biglang napahinto sa paglalakad. Hirap namang napalunok si Forrest habang si Alex biglang narinig ang sarili ng t***k ng puso sa sobrang kaba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD