HINDI naman malaman nitong si Summer kung tutuloy pa ba siya papunta sa bahay nila Asyong, hindi niya din alam kung anong sasabihin niya sa oras na makarating siya dun. Kung bakit naman kasi kinakailangan niya pang puntahan ang mga ito. Isa pa paano kung hindi pa naman talaga alam yung ginaawa niya? Eh di siya pa ang magbubuko para sa sarili niya.
"Pambihira naman Summer, magbigti na lang kaya ako sa puno? Kaso pag sa puno ako magbigti ang daming makakakita, paano kung ang pangit ko dun. Ays hindi mali mali mali. Kasalanan yun sa langit. Tama, si Asyong na lang ang papatayin ko--p-pero kaya ko bang bahiran ang mga kamay ko sa mukha lang ng lalaking yun? Ays hindi hindi hindi tama." Napapailing kinakausap nitong si Summer ang sarili habang binabaybay ang daan patungo sa bahay nitong si Asyong.
"Ays, ayoko talaga." Napahinto siya bigla.
"''Pero kung di ko naman gagawin tu baka palayasin na ako ng tuluyan nung si tanda? Asar! Bakit ko pa kasi kailangang danasin tu? Okay naman na ako kung tatanda na lang akong walang asawa basta wag lang si Asyong. Lord, kunin niyo na po kasi si Asyong." Aniya nitong nagmamakaawa sa sariling napatingin sa langit. Napaigtad naman siya ng biglang may nagsalita sa likuran niya.
"Mukhang maganda yata ang umaga ng minamahal ko ah?"
"'Anong ginagawa mo dito?"
"Sa direksyong tinatahak mo, hindi ako nagkakamaling sa bahay ang iyong tungo." Aniya ni Asyong na kay lapad ng ngiti para mapangiwi naman itong si Summer.
"Oh eh ano ngang ginagawa mo dito?"
"Hinhintay ka! Tara na." Pag-aaya nito, akmang hahawakan siya nito ng biglang nasalo ni Summer ang kamay nito dahilan para mamilipit si Asyong.
"A-aaray, aray ko mahal."
"Tigilan mo kakatawag sa akin ng mahal, dahil mamumura talaga kita, sa susunod na subukan mo o magtangka kang hawakan ang alin mang parte sa katawan ko mula ulo g**g paa==sisiguraduhin kong mababalian lahat ng parte ng katawan mo. naintindihan mo?' Singhal nitong si Summer, at mukhang kay Asyong tuluyang naibuhos nitong si Summer ang kanina pang pag-kainis.
"'O-oo--oo, b-bitaw na." Sagot nitong si Asyong.
"Simula ngayon, sampung metro dapat ang layo mo lang sa akin kundi makikita mo hinahanap mo." Aniya nitong si Summer sabay waksi sa hawak hawak nitong kamay na pinanggigilan pa yata.
"N--nabalian yata ako ng kamay." Aniya nitong si Asyong habang napapangisi sa sakit pagkabitaw sa kamay niya nitong si Summer, mukha namang sinamantala din nitong si Summer ang pagkakataong hindi nito kasama ang mga alipores para masaktan niya ang unggoy niyang kaharap.
"'Sa bahay ka ba pupunta?"
"Tigilan mo ko." Masamang titig nito kay Asyong saka malalaking hakbang ang pinakawalan. Kung hindi lang dahil sa lola niya hindi niya gagawin tu.
Nang makarating siya sa bahay nito ay malugod at mainit siyang tinanggap ng malaking pamilya nito.
"Halika pasok ka neng." Saad ng pinakamatanda sa kanilang pamilya, ang kababata ng lola.
"Ah--w-wag na po, hindi naman po ko magtatagal gusto ko lang pong kausapin kayo."
"Ay hindi naman pwede yun, pasok ka muna at kumain. Sa totoo lang hindi nakatulog yang apo ko kakahintay sayo." Aniya ng matanda saka siya binigyan ng daan. Malawak ang bahay nila, ngunit hindi niya inaasahang mas malawak pa ang pamilya nito ng mapansin niyang halos lahat nakatingin sa kaniya, mapabata man, may edad, lalaki, o babae man.
"'Ah-eh--mukhang may--may kasiyahan ho ata kayo?" Sambit nitong si Summer na napapakamot sa kaniyang batok.
"Oo, lahat silaa mga kamag-anak namin, halika muna at pumasok." Saad nito dahilan para hindi niya na matanggihan ang kakaibang titig nito sa kaniya, mas nakakahiya kung mas tititigan siya ng mga ito na kulang na lang katayin siya sa mga titig nito
"Ahm s-sige po." Napapatango siya. Hindi niya yata napaghandaang isang batalyong pamilya ang sasalubong sa kaniya. Kalma! Bulong niya sa isip niya saka siya humakbang papasok at iginiya naman siya nito sa sala ngunit bakit hanggang sa makaupo siya sa kaniya pa din nakatingin ang lahat. Ilang minuto pang pag-oobserba ang pinakiramdaman niya pero mukhang walang plano ang mga eto na umalis sa harapan niya. Maske ang mga batang tingin niya hinuhusgahan na agad siya sa talim ng titig nito sa kaniya. Ano bang meron? Pumupunta siya dito kasama ang lola niya pero hindi naman ganito kadami sa paningin niya ang nasa loob ng bahay. Nakakapagtaka naman yata. Napapaisip niyang bulong sa sarili sabay buga na naman sa hangin.
"'Teka, maiwan muna kita neng."
"Ah s-sige po." Sagot niya bago pa makatalikod sa kaniya ang matanda.
"Tama ba tung bahay nila ang napasukan ko? Di kaya pugad ng mga kulto tu?" Bulong niya sa sarili saka napaangat ng tingin para bigyan ng ngiti ang mga taong nakaharap niya pero kahit gaano kalapad yung ngiting yun ay wala pa ding pagbabago ang itsura nito.
"'Oh neng, mag-juicce ka na muna." Sabay abot sa kaniya ng juice na sa tingkad ng kulay nito para siyang inaanyayang inumin ito.
''Matingkad ang kulaw, hindi pwede. Baka mamaya may gayuma pa." Bulong niya habang pasimpleng napapabulong at pinipilit na kumbinsihin ang sarili patungkol dito sabay lunok. Kahit pa ramdam niya na ang panunuyo sa lalamunan niya pilit niyang alisin ang mga mata niya sa isang basong juice na yun at ng tinapay.
"Kumusta ka naman?" Tanong ng ina ni Asyong na napaupo sa tapatan ko habang katabi naman ang lola nito na siyang nagbigay ng inumin niya.
"Ah-maayos pa naman po." Marahan niyang sagot.
"Pwede ho bang malaman kung--?"
"''Kung nao neng?"
"'Kung bakit araw-araw po ba silang nandito?"
"''Ah hindi naman, sa katunayan sa loob ng sampung taon ngayong araw lang ulit sila nakatawid dito sa nayon." Sagot ng ina ni Asyong sa kaniya.
"'Ah--eh g-ganun din ho ba sila makatitig? O ngayon lang ho sila nakakita ng tao?" Muling tanong niya habang naiilang na sa mga matang nakatingin sa kaniya. Pakiramdam niya binibigyan na sya ng pasimpleng orasyon. Nako Summer kinikilabutan ako, mukhang dito ka pa yata matutuluyan na. Bulong nito sa isip.
"Ahm--l-ola, ma-matanong ko lang ho? A-araw-araw po ba sila nandito lahat?"
"'Ay nako hindi, sa totoo lang wala pang tulog yang si Asyong gawa ng lahat ng kamag anak namin pinuntahan mula ng makaalis sa inyo."
"Po bakit naman po?"
"Para imbitahan dito sa bahay at magtipon tipon na makilala ka nila."
"Ho? Eh bakit daaw po? Anong meron po para makilala nila ako? M-may alam ho ba kayong di ko alam?" Tanong nitong si Summer na nanlalaki at napapalunok sa gulat habang napapatingin sa mga taong nasa harapan niya.
"Huh? Hindi ka ba nasabihan ng lola mo na sa susunod na buwan na ang napag-usapang kasalan nila ni Asyong?"
"Ano ho?" Kamuntik ng ikahulog ni Summer ang narinig niya.
"Kagabi, yun ang sadya ni Asyong sa inyo ang hingin na ng pormal ang mga kamay mo sa lola mo."
"Ay ey. Wala ho akong alam diyan, tsaka baka naman ho talaga si Lola ang gusto ni Asyong sila lang po kasi ang nakakaalam at nagkaintindihan?" Mabilis na rotada ng bibig niya sa sobrang bilis ng t***k ng puso dala ng pagka bigla at pagkainis sa nalaman niya ngayon.
"Susmaryosep patawarin ka ng langit." Naibulalas na lamang ng matanda sa narinig nito mula sa bibig nitong si Summer.
"At sa susunod na buwan na ang kasal niyo." Basag ng ina na siyang tuluyang kinahulog na nitong si summer sa upuang yari sa kawayan.
"Nako--a-ayos ka lang ba hija?" Tanong ng matanda.
Lord, lamunin niyo na ako, kidlatan niyo na ako higupin niyo na ako ngayon din mismo. Bulong sa isip nitong si Summer para siyang kakatayin ngayon halos lahat napalapit sa kaniya.
"Ah-ay--ayos lang ho ako."
"Bigla ka yatang namutla, may sakit ka ba?"
"Mukha nga pong magkakasakit ho ako ng malala." Sagot ni Summer at dahan dahang napatayo.
"T-teka, san ka na pupunta?"
"Ahm--to-too po bang yun yung napag-usapan nila ni lola?"
"Oo, kaya tuwang tuwa yung batang yun. Sa sobrang tuwa lahat ng kamag-anak na kakilala niya inimbitahan kahit pa napakalayo nito. Tsaka napag pahanda lahat ng pagkain na maihahain sayo. Gusto ka niyang pormal na ipakita sa buong pamilya ganun ka niya kamahal.
Halos maiyak itong si Summer sa sinabi nito para mag-iba na lamang ang pagmumukha nito.
"Huh ah eh--s-salamat n-po. U-uwi na po muna ako." Paalam nitong si Summer.
"Ah ey teka kakain ka p dit--"
"''Ah--sa-salamat na lang po at pasensya na po sa malaking abala po na nagawa ko po sa iyo, pasensya na po."
"Pero--"
"Salamat po, pasensya na po talaga." Sabay harap sa mga taong nakatingin sa kaniya at napatungo.
"Pero wala pa si Asyong--"
" Salamat po ulit, sana po wag niyo po munang seryosohin yung sinabi po ni lola sa inyo tungkol sa kasal. Baka po kasi lasing siya nung gabi pong kinausap siya ni Asyong o di kaya po inaantok." Sabay tungo nitong si summer at nagmamadaling umalis papalabas.
"Pero--"
"'Alam ko pong gwapo ang anak niyo po, pero di po talaga kami bagay. Ihanap niyo na lang po siya ng mas panget sa aki--este ma s maganda po. Salamat po ulit at pasensya na po." Mabilis siyang tumalikod paalis nang bahay habang gigil na gigil siya sa inis.
"Summer, naisahan ka ni tanda. Kaya pala ganun ka na lamang ka gustong papuntahin dito ay para dun? Pero kung di ka pa nakapunta sa kanila di mo malalamang ikakasal ka na pala ng wala sa oras at walang kamalay malay, Jusme!"
Halos maiyak itong si Summer sa sama ng loob, bakit kinakailangangan pangunahan siya ng desisyon ng kaniyang lola, alam niyang iniisip lang nito ang magiging kapakanan niya kaya siya nito minamadaling magpakasal para makita siya nitong nasa maayos na kalagayan bago man lamang siya iwan sa mundong tu. Alam na alam niya yun dahil lagi itong pinapaalala sa kaniya ng kaniyang lola na si Asyong lang ang mag-sasalba sa pamumuhay niya sa oras na maiwan siya nito sa mundong ito. Pero sa hindi talaga kaya ng sikmura niyang pagtyagaan ang lalaking yun? Ang titigan pa lamang niya pakiramdam niya nahihilo na siya, maamoy pa lang ang hininga nasusuka na siya, ngiti pa lang nito at makita ang napakadilaw nitong ngipin parang gusto niya ng magpatianod sa water falls. Makasama pa kaya niya eto sa habang buhay? Baka yun pa maging sanhi ng kamatayan niya. Isa pa, sa nasaksihan niya kanina---napakawerdo ng mga kamag-anak mamaya isa o dalawa o kaya sampo sa mga ito, mang-oorasyon pa, mang-gagayuma, o ano pa sa titig pa lang sa kaniya kanina para ng hinihigop ang kaluluwa niya.
"Lord,a-alam ko pong masamang manghusgaa--pero masisisi niyo ba ako kung yun ang unang lalabas sa isip ko?" Napahinto siya sa paglalakad saka napahawak sa kwintas niya.
"Nay, kung nabubuhay ka lang, siguro hindi aabot o hahantong sa ganito na ang lahat sa akin, ang sapilitang ipakasal ni lola sa taong may kakayahan daw akong buhayin--ang di alam ni lola, yun pa ang magiging sanhi ng unti unting pagkamatay ko, baka maunahan ko pa siya sa meet-up niyong dalawa sa gate nila San Pedro. Hays!" Napabuntong hiningang saad niya sabay angat ng tingin sa langit.
"Hindi sa kwenikwestyon ko tung buhay na meron ako. Pero--kung sa marangyang buhay ako napadpad, tayo nila lola nang--hindi aabot sa untong mawawala ka sa amin, ang kapatid ko, si tatay dahil sa tindi ng kahirapan at higit sa lahat--hindi aabot sa ganito na magiging kapalit ang kasiyahan sa buhay ko para sa ikabubuhay namin ni lola." Napapaahimas sa kwintas niyang bulong sa sarili habang nakatitig sa langit.
"Lord, gawan niyo naman po ng paraan--kahit magbilang na po ko magdamag ng mga itlog ng manok ayos lang po sa akin. Wag niyo lang hayaang maging myembro ako ng samahan nilang kulto huh Lord? Promise magiging mabuting tao na po ako-sa lahat ng makakasama ko sa buhay ko, magiging mabait, masunurin na po ako, Please lang po tulungan niyo lang pong lumiwanag ang pag-iisip ni lola. Kung kinakailangang itapat niyo po ang araw at buwan sa bahay gawin niyo po para magising po si lola na ang ipapakasal niya sa apo niyang napakagandaa ay isang halimaw." Dasal niya habang nakapikit.
Kakausapin niya din ang lola niya at nakahanda siyang gawin ang lahat kung sakali mang hindi ito pumayag sa kaniya. Isa na dun sa desisyon niya ang ibenta na lamang ang pinakatanging kayamanang naiwan ng ina niya sa kaniya na siyang pinaka iningat-ingatan niya sa mahabang panahon. Pero hanggat magagawan niya ng paraan gagawin niya ang lahat--maiwasan niya lang ang pagkawala ng kwintas na suot suot niya. Napabuga sa hanging napadilat itong si Summer.
"Ang ganda ng araw--summer na summer, pero bakit ako na summer ang pangalan parang pinagbagsakan ng malakas na ulan ngayon at tinamaan pa ng kidlat." Dagdag niyang saad sa sarili habang bagsak ang mga balikat na nagpatuloy sa paghakbang ang mga paang wala ng lakas pa.