WALA sa sariling bumalik si Summer papunta sa direksyong nitong si Alex. Habang si Alex ay nag-simula na ding magturo sa mga bata.
"Okay so this are the vowels. Say a, e, i, o, u." Turo nitong si Alex sa mga bata na aarang sinusunod naman ng mga bata. Napatigil lang ito nang matanaw itong si Summer na papalapit at parang wala ang kaluluwa nito saa sarili .
"O'siya, break time muna tayo." Sambit niya sa mga bata habang ang mga mata ay mistulang parang magnet na hindi maalis ang tingin kay Summer. Mabilis niya itong nilapitan na nasaa lilim ng isang puno at nakapikit.
"Okay ka lang?' Tanong nito ngunit tiningnan lang siya nito at tinarayan.
"Mukha bang okay?" Ani ni Summer saka napairap. Napabuga naman sa hangin itong si Alex, mukhang nakakasising itinigil niya pa ang pagtuturo niya para lang mag malasakit sa babaeng. Kung hindi niya lang siguro nakikita ang mukha ng asawa niya dito na ganiyan na ganiyan ang itsura kapag napagbabagsakan ng langit at lupa ay hinding hindi niya talaga tu kakausapin. Narinig niyang napabuntong hininga ito saka muling napapikit, sa pagkakataong yun muli niyang binigyan ng tingin si Summer kakausapin niya sana ito ng matanaw niya ang kwintas pagkakataong matitigan niya ito.
Makalipas ang ilang segundo nahuli siya nitong si Summer dahilan para mapakunot noo ito sa kaniya.
"Bastos ka din talaga eh nuh?" Aniya nitong si Summer sa galit na boses.
"Ah--nagkakamali ka, tinititigan ko yang kwintas mo." Pagtatanggol sa sarili nitong si Alex.
"Siguraduhin mong kwintas ang tinititigan mo hindi ibang bagay." Aniya nitong si Summer saka napa-irap muli, sa tono ng pananalita nito napagtanto nitong si Alex na mukhang may hindi naging maganda o hindi maganda ang nangyari sa pinuntahan nito.
"Mukha bang may iba pang bagay na maganda sayo maliban sa kwintas na suot-suot mo?"
"Anong--"
"Mukha di maganda ang nangyari sa pinuntahan mo ah!" Aniya nitong si Alex saka napaupo sa tabi ni Summer.
"Ano naman ang paki-alam mo! Tsaka, tsismosa ka ba paano mo nalaman?" Napapangusong sagot nitong si Summer saka siya inirapan ulit.
"Sa itsura mo pa lang malalaman na."
"'Bakit ano ba itsura ko?" Pasimpleng tanong nitong si Summer kay Alex. Napatingin naman si Alex kay Summer at gamit ang daliri nito iginuhit niya ang kasalukuyang mukha nitong si Summer.
"Ano yan?"
"Yan ang itsura mo ngayon." Sabay ngiti sa kaniya ni Alex.
"Nang-aasar ka ba o gusto mo ng umuwi mag-isa kasi sa totoo lang uwing-uwi na ako." Saad ni Summer kay Alex na nakatitig lang sa kaniya.
"Hoy, pwede ba wag mo nga akong titigan ng ganyan. Akala mo ba hindi ako nakakahalatang madalas mo kong titigan ng palihim. Kung may binabalak kang masama sa akin, binabalaan na kita ngayon pa lang na bago ka may magawang masama sa akin sisiguraduhin kong mamamatay muna ako." Dagdag pa nitong si Summer at muling napairap saka napatingin sa malayo. Napangisi naman itong si Alex ng mapakla saka napatingin naman sa kalangitan.
"Hindi ko alam kung kelan ko itatago sa iyo. Pero maniniwala ka kayang may isang babae akong kilalang kilala na kapag nagalit, nainis, napipikon, natutuwa, ngumingiti at masaya eh kaparehang kapareha mo?" Aniya ni Alex na nakaangat ang tingin sa langit habang si Summer naman ay otomatikong napatingin sa kaniya.
"'An-anong pinagsasasabi mo?" Mataray ang tonong tanong nitong si Summer habang nakaangat ang isang kilay.
"Kaparehang kapareha mo din siya kung magtaray."
"'Seryoso ka ba? o nagjojoke ng sablay?" Muling pagtataray sa tono ng tanong nitong si Summer.
"Na higit sa lahat--maging sa suot mong yan ay magkapareha din kayo."
"Ano? Nagpapatawa ka ba?" Mabilis na reaksyon nitong si Summer habang nakatingin kay Alex na napapatango.
"Hmm kaya nga ng makita ko yang suot suot mo parang nanigas ang mga paa ko sa kinatatayuan ko, sa pagkakaalam ko kasi--nag-iisang kwintas lang yan sa buong mundo dahil pinasadya lang yun ng magulang nung mismong tinutukoy ko sayong kapareho mo ng ekspresyon sa mukha." Paliwanag nitong si Alex habang napapangisi na sa kadulo-duluhan ng kaniyang dila ay hindi niya masambit ang salita din na magkamukhang magkamukha sila, mapa side view man o nakatalikod. Kaya imbes na sabihin niya yun ang lumabas sa bibig niya ay ang pagkakapareha na lamang nila sa mga ekspresyon sa mukha kapag nagagalit, nagtataray, nagsusungit.
" Ano nag-iisa sa mundo tung desinyo ng suot suot kong kwintas?"
"Yeah, isang tao lang nag-mamay-ari. kaya nga kapwa kami nitong si Forrest nagulat ng makita yan."
"Abay ano naman problema dun marami namang kwintas ang magkakatulad sa mundo. Te--teka! Wag mong sabihing ninakaw ko tu?"
"'Ikaw nagsabi niyan hindi ako." Baling ng tingin ni Alex kay Summer na sa ekspresyon ng mukha ay tila nang-aasar pa ito sa kaniya.
"Aba't--hoy kahit lumaki ako sa mundong tu na halos isang kahig at isang tuka lang--kahit kailan di ko magagawang magnakaw--mahirap lang kami pero wala kaming kulay itim na dugo para makagawa ng labag sa batas." Saad nitong si Summer na napapailing, sa reaksyong yun di maiwasang mapangiti nitong si Alex.
"So iniisip mo talagang, pinagbibintangan kitang ninakaw ko yang kwintas na yan?"
"Bakit hindi ba?"
"Hmm--wala naman akong sinabing ganun eh." Napapailing sambit nitong si Alex.
"Pero sa tono ng pananalita mo parang--"
"'Parang sinabi ko na din? Ganun ba? Hindi ba pwedeng tono lang at walang intensyong mambintang--sa katunayan nga ang iniisip ko kung bakit dalawa kayong may ganiyan, kung sakali mang pinasadya lang magpagawa ng isang pirasong kwintas na ganyan ang desinyo eh bakit dalawaa kayong meron ngayon? Posible namang napulot mo lang yan?" Napatitig kay Summer na nuon ay napabuntong hininga at napahawak sa kwintas.
"Eto ang kaisa-isang naiwan ni inay sa akin--wala man akong alaala pero nag-iwan siya sa akin ng isang bagay kung saan makakasama ko sa araw-araw. Wala akong ideya kung san niya nabili tu, san niya nakuha, kung bakit siya may ganito, o kung bakit kami magkapareha ng tinutukoy mo. Ang mahalaga sa akin--eto, eto yung bagay na natitirang alaala ko kay Inay na masasabi kong mahal ako kahit maaga akong naiwan sa mundo, na kahit sa ganitong bagay lang nararamdaman kong nakakasama ko siya araw-araw. Sa dami ng nagsasabing mamahalin tu at di ordinaryong klase ng kwintas na mabibili lang sa bayan mas lalo ko tuloy minamahal ang bagay na tu dahil mas lalo kong nararamdaman naa sobrang mahal ako ni inay para mag-iwan ng isang bagay na alam nyang magagamit ko din balang araw." Napakapit si Summer sa kwintas niya at muling napangiti. Habang si Alex ay napakunot noong napatingin kay Summer.
"An-anong ibig mong sabihin?" Tanong niyaa, akmang sasagot na itong si Summer ay siya namang dating ni chuchay.
"Sir Alex, di pa po ba kayo mag-sisimulang magturo?" Tanong nito na sa gitna pa nila talaga napaupo dahilan para mapangisi itong si Alex.
"Gusto mo na bang magsimula na tayo?"
"Opo, ayaw naman nila ako pasalihin sa laro eh."
"So dito mo napagpasyahang makigulo sa usapan ng mga matatanda?"
"May tungkod ka na po ba?"
"Abat---sinusubukan mo ba ang pasensya kong bata ka." Nanlalaki ang mga matang nakatitig kay Chuchay si Summer na para bang tinatakot niya ito. Pero mukhang kasing tapang niya din ito para ngitian lang siya nita at panbilatan.
"Aba't--" Akmang papatulan na nitong si Summer si Chuchay bigla namang nagsalita itong si Alex.
"O'siya Chuchay, tawagin mo na silang lahat sabihin mo magsisimula na tayo ulit."
"Yeheey!" Natutuwang napatayo ang bata sabay takbo patungo sa mga kabataang naglalaro.
"Mag-aaral lang tuwang tuwa na? Nakakaantok kaya yun." Bulong nitong si Summer dahilan para mapatingin sa kaniya si Alex.
"Bakit?" Masungit na tanong nitong si Summer dahilan para mapailing itong si alex sabay tap sa ulo nito.
"Aray ano ba, yang kamay mo kasing bigat na bakal pwede ba." Inis na saad nitong si Summer na kinailing ulit nitong si Alex saka napahakbang papalayo.
"Problema ba nun?" Napapatanong sa sariling sambit nitong si Summer habang nakatingin sa papalayong bulto nitong si Alex.