Kabanata 42

1311 Words
ISANG malupit na sampal ng katotohanang marinig ko kung gaano niya maipamukha sa akin ang kahirapang kinalakihan ko dahilan para mas lalo kung maramdaman ang gigil at inis sa kayabangang taglay ng dugo nito. Mas lalo ko pa tuloy siyang isinumpa sa buwan at araw na kahit pa ako bigyan ng pangalawang pagkakataong mabuhay sa mundong ito ay hindi ko kaylan man pipiliin ang katulad niyang tao. Napalunok ako kasabay ang pagkuyom sa mga palad ko at pagpipigil na hindi ito gunalaw at umatake sa kung saan mang parte ng katawan nito. Ramdam din ng paligid kung gaano kainit ang tensyong namamagitan na sa among dalawa dahilan para basagin na iyon ng Lola ko. "Haro jusme, pasensya na kayo sa apo ko. Medyo nabibigla lang talaga siya sa mga narinig at nangyari. Mabuti pa maupod ka na muna Asyong at huminahon. Wag lang mag-alala, Kilala mo naman yang apo ko. Konteng panahon lang ang kailangan Niya para makapag-isip isip ng mabuti." Ring ko kay Lola na tila ba pilit kinukumbinsing huminahon ang lalaking kaharap ko sa paghawak na nito sa kamay Saka pilit na pinauupo. " Lola, ang mga ganong bagay hindi na ho dapat pinag-iisipan. Yung punto pa ngalang na mabubuhay na kayo ng sobra sobra sa piling ko, sa pamilya ko ay malaking kaginhawaan niyo na iyon sa buhay niyo. Ano pa't nag-iisip siya at nagdadalawang isip? Di na kayo mamoroblema, sasaya kayo dahil sa akin, sa pamilya ko sa pera namin." Napapakit ako, mukhang di ko kayanin ang harap harapang pang-iinsulto sa kung anumang hirap namin sa buhay ni Lola. Sumosobra na ang lalaking ito. Akmang ibubuka ko na sana ang big ko ng biglang may magsalita na ikinalingon ko. "Hindi lahat ng bagay kayang bilhin pre ng pera. Kaya wag mong ipagmalaki ang yamang sa mga magulang naman nagmumula." Aniya nito na may matalas na titig kay Saying. Napalapit naman sa akin si Mau sabay bulong. "Patay na, mukhang naalingaw-ngawan na din sa kayabangan nitong si Asyong si Alex." Bulong nito na napalunok at kapit sa braso ko. "At sino ka naman para manghimasok sa usapang pamilya huh? Dayo ka lang naman di ba pero ang lakas mong maka eksena. Bakit? Ano bang maipagmamalaki mo huh? Ano ngayon kung guru-guruoan ka, malay ba naming lahat kung totoo ka ngang guro na nagpunta dito para mag boluntaryo." "Hep, hep, hep. Maghinay hinay ka sa mga bumubula diyan sa bibig mo kaibigang amihan. Wag kang ganyan baka magsisisi ka pag-nilahad niya sayo mga lisensya niya sa buhay." Mabilis na bakod nitong sagot ni Forrest kay Asyong. "Mukhang may silbi din Yung bwisit na yun ah." Bulong nitong si Mau, Ewan ko din ba bat bwisit na bwisit to dun. Akmang magsasalita pa Sana si Asyong ng pigilan ng ina nito at pinilit na huminahon. Habang ako nakatitig lang sa kaniya ng masama. " Pasensya na ho kayo kung pero hindi ko po talaga matatanggap yung anak niyo. Ngayon pa lang, ipinakita niya na sa akin ang totoong kulay niya pano pa kaya pag magkasama na kami. Isa pa po hindi kailanman sumagi sa isip Kong mapapangasawa ko siya. Kaibigan, maari pa. Kung pera ang maging dahilan lang para sa kasalan, mas Mabuti pa hong mamatay ako sa gutom kaysa ang makasama ang taong hindi ko naman gusto o mahal. Maiwan ko na ho kayo pero kung gusto niyo ho kumain dito ipaghahanda ko na po kayo ng Makakain ngayon para maaga po kayong makaalis. Maraming salamat po, Sana maintindihan niyo po ko. Ayoko pong dumating sa puntong magkasakitan na kaming dalawa sa hindi pagkakaintindihan pagdating sa pananaw sa buhay. Pasensya na ho ulit at maraming salamat sa pagbisita." Aniya ko habang nagpapalipat lipat tingin sa mga kamag-anak pa nitong Kasama. Samantala, ramdam ko naman ang nakakatunaw na titig na ni Lola sa akin. Patawad Lola, okay lang harapang bastusin ang pamumuhay natin pero hindi ang bastusin ako na kasama ka. Mabilis kong hinatak si Mau. "Kaloka girl, tapang yern?" May pang-iinis pang sambit nito na halos makaladkad ko na sa bilis kong humakbang papunta sa kwarto. Hindi naman nagdalawang isip ang maharot kong kaibigan na mapahampas sa pwetan ko bago pa man ako makaupo sa matigas na higaan ko. "Aray ko ano ba Mau!" Reklamo ko habang napapakapa sa pwetan ko sabay harap sa kaniya. "Tapang mo kanina ah. Porke ba pinagtanggol ka ni Papa Alex?" Malapad nitong ngiti habang sinasabayan ang mga hakbang ko pasok sa kusina. "Kahit hindi umiksena yun. Magsasalita pa din ako. Sumosobra na bunga nga Niya. Kung di lang sa mga magulang niya baka nalason ko na siya ngayon sa mabula niyang bibig." Galit Kong sambit habang ihinahanda ko ang pagkain. " Paano iyan girl kung wala pa din silang paki sa sinabi mo kanina?" "Mayor tatay mo diba?" "Oh ano kinalasan ni dad?" Pagtatakang tanong niya. "Baka siya may magawa." Sagot ko sabay lapag ng mga Plato. "Hala siya, dadamay mo pa talaga si dad?" "Eh kung ayaw mo umuwi ka na ngayon din.", Pagtataray kong sambit sa pabirong tono na sa tingin ko sineryoso naman niya agad. Akmang magsasalita na ako ng mapatigil ako sa pagkilos. "Oh, bat ka nakatitig naman sa akin?" Tanong ko. "Girl, suot mo ba kwintas mo?" "Anong pinagsasabi mo? Oo naman diba kagabi isinuot ko na iy----" Napahinto ako ng wala akong makapa sabay titig kay Madi. "What?" Tanong ni Madi sabay kibit balikat. Muli Kong kinapa ang leg ko Saka sa may kwelyo ng suot ko. Kasabay nun ang mabilis na pagtibok ng puso ko. "Anona?" "Nalagot na." Sambit ko saka ko napahakbang. "Oy teka, san ka pupunta?" "Sa gubat, baka dun ko nawala iyon kanina." "Ano? At this time? How? Madilim dun at nakakatakot." "Uso flashlight Madi." Saad ko Saka nagmamamdaling tinungo ang kwarto para kuhanin ang flashlight ko. Mabilis ko namang nahanap Saka ako nagsuot ng jacket at lumabas. Nagmamamdaling ihinakbang ng mga paa ko Ang direksyon papunta sa hagdanan ng biglang.. " San punta mo?" "Sa labas lang po Lola." Mabilis kong sagot. "Na may dalang flashlight at nakajacket?" "Ah o-opo." "Uulitin ko Ang tanong ko. San ka pupunta?" Muling tanong ni Lola sa ma otoridad nitong boses. "Yung-yung kwintas--kwintas po ni Nanay nawawala. Ba-baka sa gubat ko nawala iyon " nakatungong sagot ko na sa tingin ko narinig na ng mga chismosang angkan nito. "Kwintas? Anay meron ka pala nuon?" Bulalas ng pinsan nitong babae na kinaangat ko ng tingin sabay pukol sa kaniya na agad namang napaupo. "Uunahin mo pa ang paghahanap kesa harapin ang mga bisita mo?" Tanong ni Lola. "Hindi ko sila bisita. Mas mahalaganh Makita ko iyon Lola. Alam mo naman po kung gaano kahalaga iyon sa akin simula ng ibigay mo po iyon." "Ipagpabukas mo na Ang paghahanap." "Ayoko." Mabilis kong sagot Saka agad akong humakbang nang biglang. "Mukhang sa akin pa din pala ang punta mo." Aniya ni Asyong na ikinalinot noon ko kaagad sabay hinto. "Eto ba hanap mong kwintas?" Tanong niya na agad Kong ikinaharap sabay hakbang paakyat muli. "Pa-paano napunta yan sa iyo?" Tanong ko. "Mukhang mahalaga nga sa iyo tong bagay na eto." Sabay ngiti Niya. Sarap mong pilipitin. "Akina Yan." Pagtatangka Kong agawin ngunit bigla itong ibinulsa. "Ops, di yun ganun kadali." Sagot niya habang nakangiti ng nakakasuka. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko. " Makukuha mo sa akin ito kung dating ka mismo sa kasal natin." Aniya nito na ikinalaki ng mata ko. "Nababaliw ka na ba huh?" Tim bagang tanong ko. "Sayo? Oo baliw na baliw na, kaya kung gusto mong makuha talaga ito. Pupunta ka." Aniya nito. Halos bumagsak ang balikat at panga ko sa mga narinig ko. Kwintas, kasal? Anong gagawin ko? Napakatuso ng lalaking kaharap ko ngayon. Nakakaasar naman kasi, bakit ko ba kasi naiwala iyon. Ayan tuloy may panapat na siya sa iyo. Napabuga ako sa hangin, mukhang katapusan na nga yata ng mundo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD