Kabanata 41

1535 Words
HALOS hindi maipinta ang mukha ko habang naglalakad papunta sa sala para harapin ang pamilya nila. Hindi ko na alam pa kung sa papaanong paraan ko mapipigilan ang kasalang iyon.  "Oy, okay ka lang?" "Try kaya tayong magpalit ng katayuan sa buhay." Sagot ko kay Mau. "Hais, iba din talaga yang si Asyong eh no? Ano ba kasing nangyari akala ko ba--" "Nakita mo naman na nandito pa sila, ibig sabihin hindi nangyari 'yong gusto kong gawin kahapon." "Hays! Kung bakit ka naman kasi gustong gusto ipakasal ni lola sa pamilyang 'yon?" tanong nito hanggang sa hindi ko na maintindihan pa ang mga sinasabi dahil nag-umpisa ng magpalutang lutang ang isip ko ng matanaw ko na ang halos buong angkan nito sa dami nila. Habang si Asyong ay nakatayong nakatingin sa akin ng nakangiti pa. Sarap mong sakalin sa harapan nila. "Magandang Gabi Summer." Bati nito sa akin pagkalapit ko na talagang tumabi pa sa kinatatayuan ko. "Ah--mukha bang maganda ang gabi ko?" Sarkastiko kong sagot sa kaniya. "Kumusta po kayo?" Bati ko sa pamilya saka ako napaupo sa tapat nila.  "Mabuti naman, aah--hija pasensya kung biglaaan man 'tong pagpunta namin, eto din kasing si Asyong ay nambibigla. Bigla na lamang nag-aya samin pagkauwi na pumunta na raw kaagad dito at mamanhikan na." Sabi ng nanay nito na kasing lapad na halos ng dagat kong makangiti. Napangiwi naman ako sa narinig ko.  "Ah ganun ho ba? Mukha nga hong nabigla po talaga kayo dahil halos buong angkan niyo po ay nandito. Buti na lang po nagkasya pa kayo a munting kubo namin." Inis kong saagot na marahan namang nainitindihan ni lola kaya pasimple akong hinawakan sa braso ng may gigil. "Umayos ka, hindi kita pinalaking bastos sa mga mas nakakatanda sa iyo." Bulong ni lola sa akin. "Ah pa-pasensya na kayo sa apo ko. Mukhang nabigla nga yata, hindi kasi niya inaasahang sa ganito kaaga pupunta ang pamilya ni Asyong." "Hindi ayos lang iyon. Sa totoo lang, nakikita naman naming mukhang nagkakasundo naman ang dalawang mga bata natin ay--pumayag na kaming mapabilis pa ang kasalan nila." "Ho--g-gaano kabilis?" Biglaang tanong ko na halos ikaluwa ng mga mata ko. Saka napabaling ng tingin kay Asyong sabay sama ng tingin ngunit isang napakalapad na ngiting nakakaloko ang iginanti nito sa akin.  "Next week na sana hija." "Nextweek?" Sambit namin ni Mau ng sabay saka kami nagkatinginan, sa mga oras na 'to pakiramdam ko lahat na ng dugo ko na nasa parte ng ulo ko ay nagsi-takbuhan para magtaga sa mga paa ko. Hindi pwede. "Oo, total dun din naman ang patutunguhan nila ey hayaan na nating magdesisyon na ang mga bata." Sambit ng ama nito. "P-pero--wala po akong alam dito. Tsa-tsaka, ang sabi niyo po sa akin kanina ay-Asyong, ano itong kalokohan mo? Di ba alam mo naman ang isasagot ko sa iyo huh?" Tanong ko habang napapalunok sabay tayo, hahakbang na sana ako papalapit sa kaniya ay hinawakan ni lola ulit ang kamay ko ng may pasimpleng pang-gigigil, senyales na huwag akong gumawa ng eksena. Pero hindi, paano ko maipaglalaban ang karapatan ko kung mananahimik ako. Kung ganitong klaseng pamilya ang makakasama ko sa buhay baga biglaan ko ding ikamatay. Daeg pang klima sa bilis ng pagbabago ng mga isip sa konting sulsul ng anak nila. Alam ko naman kung bakit biglaang nagsi puntahan ang mga 'to, dahil alam ni Asyong kung gaano na ako ngayon ka desperadang takasan ang kasalang pinapangarap ngarap niya na bangungot naman para sa akin.  "Ah hindi ba iyon ang napagusapan natin kanina ng magkita tayo pagkatapos mo sa bahay. Ang sabi mo gusto mo na akong makasama kaya hindi na natin dapat pang patagalin pa ang paghihintay sa kasal at kung hanggat maaari ay maisagawa na natin ito sa madaling panahon." Sagot ni Asyong na ikinabagsak ng balikat ko habang sa loob looban ko gustong gusto ko ng kumuha ng itak para itaga sa ulo niya ng malaman niya at maalala niya ang nangyari kaninang pakikipagtagu-taguan ko sa mga tauhan niya. "Ano? Oy Asyong? Okay ka lang ba? At si Summer pa ngayon ang atat na makasama ka. Patawarin ka nawa." Sabat nitong si Mau na napapailing at sa itsura nito ay halatang dismayado din.  "Tama ba ako ng narinig ko? Ako--Ako? Ako pa talaga? Oy Asyong baka kailangan mo ng mabenditahan ulit, dadalhin kita bukas na bukas agad agad sa simbahan kay father at ng makonsensya ka sa mga sinasabi mo." Sagot ko habang ramdam ko ang bawat diin pa lalo sa pagkakahawak ni lola sa kamay ko. Sorry lola, pero hindi ganito--hindi ako makakapayag na sa ganitong lalaki ako mapupunta. Magpapakamatay na lang ako kung ganito man, ngayon pa nga lang ipinapakita na ni Asyong ang tunay na nitong kulay paano pa kaya kung maging asawa ko siya. Ayokong dumating 'yong panahong matulad ako kay nanay na namatay dahil sa kawalang awa ng ama ko. "Ah hija, m-may problema ba?" Tanong ng ina nito. "Pa-pasensya na ho kayo. Pero--hindi ko po mapakakasalan si Asyong." Mabilis kong sagot saka marahan kong inalis ang kamay ni lola na nakahawak sa akin. "Sorry lola, pero hindi ko kayang pakasalan ang lalaking ngayon pa lang ay hindi na marunong rumespeto ng desisyon ng iba." Sagot ko habang nakatingin kay Asyong. "Hindi, hindi ako papayag. Nandito na kami namamanhikan--kaya itutuloy ang kasal." "Tuloy mo ang kasal pero humanap ka ng ihaharap mo sa altar, dahil sisiguraduhin kong walang Summer na haharap sa iyo sa mismong araw." Tiim bagang sagot ko sa kaniya, at sa itsura nito ay mahahalata mo ng galit na galit at may pagbabanta dahil sa kahihiyang kagagawan niya. "T-teka, ano ito? Pag-usapan nga natin muna ng mahinahon. Su-Summer, anong walang kasalan, hindi bat--" "Hindi ho ba dapat tinatanong niyo muna ako kung papayag ba ako sa mga desisyon niyo? Hindi ho ba pwedeng alamin niyo muna ang magiging kasagutan ko bago kayo magpadalos dalos sa kasalang iyon? Hindi ho ba karapatan kong sabihin sa inyo ngayon na hindi ko kahit kailan pakakasalan ang anak niyo dahil bukod sa hindi ko siya pinangarap na makasama ay hindi ko nanaising makasama ang lalaking manloloko--ay mali sinungaling at--" "Summer!" Saway ni lola na napatayo na at napatitig sa akin. "Sorry lola, pero ayokong manahimik na lang sa tabi at tumango sa lahat ng mga naririnig o nakikita ko. Kung ngayon pa nga lang nagagawang baliktarin ni Asyong ang mga pangyayari pano pa kaya kung magkasama na kami? Ayokong matulad ako kay nanay." Mabilis kong saad. "Hindi kita pinalaking bastos--" "At hindi niyo din po ko pinalaki na magdesisyon ng mali." "Pasensya na ho kayo kung nag-aksaya pa po kayo ng panahon sa akin, pero magiging totoo lang po ako sa inyo hindi ko po talaga magagawang pakasalan ang anak niyo. Wala po kong nararamdaman para sa kaniya ni sentabo man po. Alam ko pong kahihiyan po ito sa pamilya niyo pero mas kahiya hiya po para sa akin kung magsisinungaling pa po ko sa inyo. Alam ko pong may nakatadhana pong mas babagay para kay Asyong."  "Hindi, hindi ako papayag, inang--itutuloy pa natin ang kasal diba? Itutuloy natin ang kasal-d-dahil kung hindi--" "Kung hindi ano?" "Alam mo na ang mangyayari sa inyo? Baka nakakalimutan mo kung kaninong lupa nag kinatitirikan ng bahay na ito at kahit ngayon mismo kaya ko kayong paalisin dito." May pagbabantang nakangiting saad nito sa akin. Napaangat naman ang isa kong kilay. "Talaga ba? So ipinapakita mo na nga talaga sa pamilya mo ang totoo mong kulay?" Marahan akong napahakbang papalapit sa kaniya habang tinititigan ang galit nitong mga mata. "Ah--Su-Summer, hija baka pwede nating mapagkasunduan na lang ito. Ikaw talaga ang gusto ng anak namin at alam mo namang nag iisang anak na lalaki lang namin siya." "Kahit kalahating anak na lalaki niyo pa ho siya, hindi hindi niyo po ako mapapaoo dahil lang dun." Sagot kong sambit, bastos na kung bastos pero isang malaking ekis sa buhay ko kung papayag ako. Parang pinasok ko na din ang kamatayan ng sarili kong buhay. "Ah-pa-pasensya na kayo. Kakausapin ko ang apo ko para maayos ko ito. Marahil kinagulat niya lang talaga ang mga narinig niya ngayon sa bilis ng pangyayari. Hayaan niyo kakausapin ko siya. Pasensya na." Napakuyom ang mga palad ko sa narinig ko, pakiramdam ko papatak ang mga luha ko sa biglang naramdaman ko sa sinabi nito. "Walang kasalang mangyayari tapos." Sambit ko saka ako napahakbang ng bigla akong napatigil sa narinig ko. "Paano kung sabihin ko sa iyong ang lupang kinatitirikan ng bahay niyo ay gustong-gustong bilhin sa amin ng isang negosyante? Paano kung pumayag ako? Paano kung bukas na bukas din pumayag ako at makipagkasundo sa kanila huh? May titirhan ka pa kaya kayong maglola? Eh sa hirap ng buhay niyo maske palay pag-mamay ari din ng pamilya ko. Ibig sabihin kami din nagpapalamon sa inyo tapos ngayon aarte-arte kang ayaw mo sa akin? Saan ka ba nabuhay? Di ba sa pagtatanim sa mga palay namin sa mismong lupa namin, aminin man natin o hindi pero matagal na naming alipin ang pamilya mo. Ngayong inaalok ka ng isang magandang kasunduan aayaw ka? Tingnan lang natin kung umayaw ka pa kapag pinaalis ko kayo dito, sa huli alam kong sakin din lapit mo." Boses ni Asyong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD