MATAPOS ang ilang usapan sa hapagkainan ay nakaalis na din sa wakas ang mga bwisitang iyon. Akmang papasok na ako sa kwarto ng pigilan ako ni Lola.
"Bakit mo ginawa iyon kanina? Sa tingin mo ba? Hindi ka naman lang nahiya sa akin na nagawa mong magsalita ng ganun sa harapan ng mga nakakatanda sa iyo. Ano na lamang ang sasabihin nila tungkol sa ginawa Kong pagpapalaki sa iyo?" May tono ng galit na sambit ni Lola dahilan para mapalunok ako at mapakuyom ang mga palad ng bahagya. Hindi ko maintindihan kay Lola kung bakit pilit niya pa ding isinisiksik ang apo Niya sa pamilyang iyon gayong nakita niya naman niya na ang tunay na kulay ni Asyong.
"Bukas na bukas pumunta ka sa kanila at humingi ng tawad."
"Lola--" Mabilis kong sagot sabay harap sa kaniya.
"Tapos ang usapan. Tuloy ang kasal kahit anuman ang mangyari."Sambit nito habang namimilog ang mga matang nakatitig sa akin Saka marahang tumalikod, kasabay ang pagbagsak ng mga luha ko at sa hindi inaasahang pagbitiw ng salitang hindi ko inaasahang lalabas sa asking bibig.
"Apo niyo po ba talaga ako Lola? Apo niyo nga po ba talaga ako? Kadugo niyo po ba talaga ako? Bakit niyo po ba ako pinagpipilitan sa lalaking iyon? Nakita niyo naman po ang ginawa kanina, isinumbat niya sa atin ang tulong na kailanman ay hindi natin hiningi sa pamilya niya. Tulong na binabayaran din naman natin. Lola, mahal niyo po ba talaga ako? Bakit--bakit pakiramdam ko, wala lang ako sa iyo? Bakit pakiramdam ko pinamimigay niyo na po ako? Bakit pakiramdam ko ni katiting wala po kayong pagmamahal sa akin? May mali po ba akong nasabi o nagawa sa inyo? Ganun na po ba ako kapabigat sa inyo? Malakas po ba akong kumain, babawasan ko po p-para di niyo po alalahanin ang bigas. Magttrabaho po ko. Nakahanda po ko magttrabaho wag niyo lang po akong ibigay sa kanila. Hindi ko po kayanin. Baka iyon pa ang ikamatay ko po. Lola---kahit ito lang po mapatunayan niyong mahal niyo din po ko na mahal niyo ang apo niyo kahit pa madalas po kayong bigyan ng sakit ng ulo at problema. Pangako po, magtatrabaho po ako, bayaran ko po Yung lupang kinatitirikan ng Kubo po natin. Magsisikap po akong makaipon kahit ilang taon pa po wag niyo lang po ako hayaang mapunta sa lalaking iyon." Sunod sunod ng bumagsak ang mga luha ko na kani-kanina pay gustong magsiunahang umagos. Para akong sinasakal sa nararamdaman ko ngayon. Sa tagal ng pagsasama namin ni Lola, ngayong mga oras na ito ko lang nailabas ang lahat ng nararamdaman ko. Nagbabakasakalinh dinggin Niya ang hiling ko bilang isang apong nagmamahal sa kaniya.
Napapunas ako ng luha pagkaharap niya sa akin, muli na naman niya akong tinitigan.
"Matulog ka na." Sambit nito na agad ikinasandal ko sa dingdong pagkahakbang niya ng mabilis papalayo sa akin dahilan para muling tumulo ang mga luha.
Eto nga ba talaga na ang kapalaran ko sa buhay? Napapapikit ako sa nararamdaman ko ngayon.
Hindi ko lubos maintindihan kung bakit ginagawa sa akin ni Lola ito. Mabilis kong pinunasan ang luha ko ng may marinig akong mga hakbang Hanggang sa pag-angat ko ng mukha ay tumama ang mga mata ko sa kaharap kong lalaki. Napalunok ako, isa pa itong lalaki. Kung hindi sana sa pagiging matatakutin niya hindi mawawala ang kwintas kong iyon at mapapasa kamay ng Asyong na iyon. Mabilis ko siyang binigyan ng masamang tingin sabay hakbang papasok sa kwarto.
Alex Pov:
HINDI ko mapigilang lumabas ng kwarto ng marinig ko ang maliliit na boses ng hikbi, hindi ko alam pero pakiramdam ko ng mga oras na iyon ay ang asawa ko ang umiiyak, ngunit akmang papalapit pa lamang ako sa kaniya ay agad naman akong binigyan ng masamang tingin. Napabuntong hininga na lamang ako at napahakbang patungonsa kusina.
Laking gulat ko ng tumambad sa harapan ko si Lola na nuon ay mag-isang nakaupo habang nakatanaw sa malayo na tila ba may malalim na iniisip. Agad akong humakbang papalapit sa kaniya.
"Lambanog po ba iyan?" Tanong ko Saka pasimpleng turo sa kaharap nitong nasa bote.
"Bakit gising ka pa?"
"Ah, eh nauuhaw po ako. Iinom lang po sana ng tubig " sagot ko habang napapakamot sa ulo.
"Pasensya na kanina kung na--"
"Ayos lang po." Sabay ngiti ko at umupo na sa harapan. Nakita ko namang tinungga ni Lola ang lambanog na nakasalin sa baso nito.
"Kumusta ang pagboboluntaryo mo?" Tanong niya.
"Mabuti naman ho, pakiramdam ko kahit papaano natutulungan ko na Yung mga bata po dito na magsimulang mangarap para sa kinabukasan nila." Mabilis kong sagot habang siya ay napapatango.
"Hanggang kelan mo ba balak manayili Tito?" Tanong niya na ikinatitig ko sa kaniya. Napaisip tuloy ako na baka pinaalis niya na ako.
"Alam ko yang iniisip mo. Hindi dahil gusto na kitang paalisin, kundi inaalala kita kung hanggang saan ang kaya mo pa na manatili sa mahirap na lugar na ito." Aniya nito saka naman ako nakaramdam ng maginhawa.
"Ah---sa totoo lang po hin-hindi ko pa alam." Mabilis ngunit walang kasoguraduhang mga salitang dumulas sa bibig ko.
"Hindi ka sigurado? Matanong Kita, ano bang pakay mo at ginagawa mo itong pagboboluntaryo?"
Sa tanong na iyon napabuntong hininga ako at mapait na napangiti.
"Gusto Kong mag-umpisa muli ng panibagong buhay Lola. Gusto Kong makalimot sa mapait kong nakaraan." Mabilis kong sagot.
"Bakit? Gaano ba kapait at kailangan mong gawin pa ito? Alam mo ba ang salitang pinahihirapan? Yun ang nakikita ko saiyo. Pilit mong tinatakbuhan ang nakaraan mo sa madaling sabi, pinahihirapan mo ang sarili. Hijo, hindi ko alam kung anong klaseng paint yang gusto mong kalimutan. Pero gusto kong ipaalam saiyo na hayaan mo sanang panahon na ang mag-pasya para makalimot ka. Hindi ganon kadaling makalimot lalo na kung mapait, wag mong pilitin ang sarili mo, wag mong madaliin ang lahat dahil habang pinipilit at mas minamadali mo mas lalong nagiging mas mapait at mas mahirap kalimutan. Hayaan mong dalhin ka ng panahon sa puntong ngiti ang maibibigay ng alaala sa iyo. Hindi mo kailangan mag madali. Hintayin mong kusang bumitaw ang paint na iyon sa buhay mo." Sambit nito habang nakatitig sa akin na nuon ay napalunok.
"Wag mong madiliin ang lahat ng bagay na may nakalaan o nakatakdang panahon para dun." Pahabol niyang sambit saka napatayong bitbit na Ang bote.
Pahakbang na siya ng hindi ko inaasahang may lalabas pa sa bibig ko na mga salita.
"San--sandali lang po. Ang-ang apo niyo po, ka-kailangan po bang--kailangan po ba talagang ipakasal niyo sa lalaking iyon?" Tanong ko na di ko mawari kung saan ko hinugot o kinuha ang mga salitang iyon at ang lakas ng loob. Narinig ko siyang bumuntong hininga.
"Kinakailangan, kung alam mong iyon ang ikabubuti Niya sa hinaharap."
"Pero Lola, hindi niya po mahal ang taong iyon. At Isa pa, nakita niyo naman po ang ugali niya kanina. Ayoko po sanang sabihin ito, pero nakikita ko na pong hindi maging masaya ang apo niyo. Aanhin niya po ang magandang kinabukasan niya sa hinaharap kung ang lalaking makasama niya ay ang taong may kasumpa sumpang pag uuagali. Sana ho wag po kayong magpadalos dalos ng desisyon. Apo niyo na po ang nakapusta dito wag niyo ho sana hayaang dumating ang araw na huli na ang lahat para baguhin pa." Saad ko saka ako napatayo.
"Sorry po kung nanghinasok man po ako. Pero maske ako na isang lalaki, hindi din ako papayag kung ganung desisyon ang marinig ko sa mga magulang ko. Subukan niyo ho sanang pakinggan ang apo niyo bago po kayo magbitaw na ng huling desisyon. Salamat po." Aniya ko saka ako humakbang papalayo na bigla ko namang naramdaman ang biglang pagbilis ng t***k ng puso ko. Kabado. Pero hindi ko din gustong umupo na lamang at makinig habang nakikita ko kung gaano kasakit para sa isang babae ang ipaglaban ang desisyon niyang tumanggi sa kasalang iyon.
Mabilis kong tinungo ang kwarto at pumasok, nadatnan ko namang nakahiga soi Forrest habang nakatitig sa larawan.
"Anong kadramahan yan?" tanong ko sabay agaw sa larawan. Napatigil naman ako ng makita ko.
"Bigla Kong namiss ang samahan nating tatlo." Sambit niya sabay ngiti. Napabuntong hininga naman ako saka inilapag ang larawan, ayokong titigan ng matagal, mas matagal mas masakit.
Larawan naming tatlo iyon ng asawa ko t ni Forrest nuong grumaduate kami ng college. Isa sa pinakamasayang araw sa buhay naming tatlo dahil iyon ang naging simula na harapin ang totoong mga hamon sa amin ng mga pangarap namin. Iyon din ang simula ng pangarap namin ng asawa ko.
"Pasensya na, nakita ko kasi nag-nag aayos kasi ako ng mga gamit sa bag. Eh Ayan tumambad sa akin. Hawak mo pa pala iyan. Mabuti na lang di nagusot nu?" Aniya nito sa akin.
"Sa apat na copy meron ako. Eto na lang ang natira." Mabilis kong sagot.
"Mabuti at may natira pa. Ang saya natin diyan nuh?" Aniya na na ikinatango at ngiti ko Saka napatitig sa kawalan.
"Eto iyong unang matino nating picture na tatlo tas yung pinakahuli ay yung sa kasal niyo haha--opps so-sorry!"
"Kung alam ko lang na mangyayari iyon, sana dinamihan ko pa iyong picture nating tatlo." Sagot ko saka napabuntong hininga.
"May picture ka pa ba siyang nakatabi nuong kasal niyo na kasama ako? Patingin naman kung gaano ako kasaya dun hahaha.Baka naman ilabas mo na, baka meron diyan sa wallet mo na pinakatinatago tago mo" Saad nito dahilan para lingunin ko na saka siya sinamaan ng tingin.
"Sabi ko nga, tulog ka na Forrest." Saad Niya Saka mabilis na tumalikod sa akin. Napabuga naman ako sa hangin. Akmang magpapalit na uupo na sana ako ng makapa ko ang bulsa ko sa likod.
"Ang wallet ko--" Bulong ko ng maramdaman kong wala na ito sa bulsa ko.
Kinapa ko pa lahat ng bulsa ko para icheck pero wala nga.
"Oy nakita mo ba wallet ko?"
"Oy huh, wag ako. May wallet ako, mas Malaki lang laman ng saiyo pero di ko pag iinteresan iyon."
"Nawawala wallet ko." Mabilis kong sagot na ikinabangon niya.
"Inay, bakit naman nawala diba malalim yang bulsa mo? Nako Sayang ang mga cards mo duon pamusta sa sabong at--araaay ko naman."
"Help me to find that. Alam Kong nandito lang iyon, ramdam ko pang nasa bulsa iyon kani kanina lang."
"Eh kung ramdam mo? Nasaan ngayon? Nako po. Mamaya niyan hiniram ng asawa mo para mag shopping sa langit at--araaay nakakadalawa kana aba."
"Yang bunganga mo kasi, sabi ko hanapin hindi magdadaldal."
"Saan ba kasi naiwala iyon? Baka mahulog mo." Aniya nito na ikinailing ko na lang hanggang sa mapahinto ako.
"Oh ano? Tanda mo na? Baka nasa tabi tabi lang iyon, dun sa bagpack mo o kaya sa---
"Sa kusina, tama sa kusina." Sambit ko. Bigla tuloy akong nakaramdam ng kakaibang Kaba ngayon. Nandoon kanina si Lola.
"Huh? Kusina? Baki--oy Teka."
Hindi ko na pinatapos pa ang sinasabi nito, agad agad na akong lumabas ng kwarto para pasimpleng hanapin iyon dun. Sana--sana di niya makita ang picture doon. Malaking g**o kung sakali mang soon ko naiwala iyon.
Hindi ko na hinayaan pang tapusin ang