PAGSIKAT na pagsikat nang araw ay pinalakad na sila Summer at Alex ni Lola Adora para maabutan pa daw nila ang mga bata sa loob ng pamamahay nito, madalas kasi sumasama ang ma ito sa mga magulang sa kani kanilang mga bukirin. Samantala--paalis na din sana itong si Forrest nang biglang mag paawa itong si Mau kay Lola Adora na hindi ito pauwiin dahil kailangan niya ng aalalay sa kaniya lalo na at pupunta rin ng bukid ang matanda at siya lang ang maiiwang mag-isa sa loob ng bahay pag nagkataon.
Bagsak ang balikat nitong si Forrest na napaupo sa hagdanan habang itong si Mau ay nakasilip sa kaniya at lihim na napapaangat ang kilay at ngiti.
"Ano ka sinuswerte? ikaw lang makakauwi sa inyo--manigas ka. Patas tayo ngayon." Bulong nitong si Mau saka napaayos ng upo at tila may kalokohang naiisip sa isang malapad na ngiti nito.
"Hoy! Hoy!" Saad niya na may kasama pang sitsit kay Forrest, mula naman sa hagdanan ay napabaling ito nang tingin sa kaniya na nakaupo sa balkonahe. Ngunit imbes na sagutin o tanungin siya nito ng kailangan eh tanging matalim na tingin lamang ang ibinigay nito s akaniya.
"Oy bingi ka ba?" Tanong nitong muli dahilan para padabog na mapatayo itong si Forrest habang matalim na nakatingin sa kaniya ang mga mata nito na humahakbang papalapit sa kaniya.
"Oh bakit? Galit ka?" Pang-iinis na tanong nitong si Mau.
"Ay hindi, tuwang tuwa nga ako kasi hindi na naman ako makakauwi. At alam ko naman na may isang tao talaga ang patay na patay sa akin kaya ayaw akong pauwiin. Kilala mo ba yun?" May pang-gigigil sa sagot niyang saad habang nakangiti.
"Oy mukhang parehas pala tayo. Ako din naiisip ko na baka patay na patay din sa akin yung taong nanulak sa akin sa hagdanan. Kilala mo ba siya?" Nakangiti ding sambit nitong si Mau dahilan para pasimpleng mapayuko si Forrest na may pang gigigil sabay pilit ngiti ulit.
"For your information, suggestion, opinion, station, situation, la union, minons. Hindi kita tinulak." Mabilis na sambit nitong si Forrest na hindi na tuluyang nakapag pigil pa sa inis nito.
"Ow, so inaamin mo na ngayon kung gaano ka kapatay na patay sa akin?"
"Nang-iinis ka ba talaga? O kulang pa sayo tung hindi ako nakauwi?"
"Bakit--naiinis ka na ba? Tsaka di ba ikaw naman talaga punot dulo nito eh. Kung hindi mo ko itinulak eh di sana pareho tayong nakauwi na at hindi na magkikita pang muli." Aniya ni Mau na may pang lalaki pa ng mata.
"Ano? At ako pa may kasalana huh? Baka nakakalimutan mo kung nasaan ka nun? Hinarangan mo ko a kung hindi ako nag kakamali baka nga sinadya mo pang magpahulog, mag pagulong sa hagdanan para mapansin mo ko ey." Wika nito sabay ngisi kay Mau nang pagkatami tamis ngunit may halong pang aasar sa mga titig nito kay Mau.
"Ahh! So ako pa talaga may kasalanan? For your dictionary information, alam na alam ko yung mga makahulugan niyong teknik makuha mo lang ang pansin ko, palibhasa unang kita ko palang sayo malabo pa sa milya milyang kilometrong magustuhan ka."
"Huwaw, bilib din ako sa tibay ng lalamunan mong sabihin sa akin na gusto ko lang makuha ang atensyon mo? Excuse lang huh--pero yang beauty mo ekis yan sa Maynila. Pang tambay lang yan. Kaya wag kang assumera--kasing layo ng planetang mars ang posibilidad na mapansin kita." May pagmamayabang pang saad nito sa tono na may pasabay pang pag-suklay ng kaniyang buhok gamit ang kaniyang mga daliri na napatalikod, akmang hahakbang na sana ito nang biglang humirit pa itong si Mau--na tila ayaw magpatalo.
"Naks, nagsalita ang mas mukha pang tambay sa mga tambay. Para sabihin ko sayo porma mo lang nagbago sayo pero mananatili ka pa ding taga bundok. Pati amoy mo kaya wag mo ding isipin na yang mukha mong yan eh pwedeng ipangsapalaran sa gyera dahil pang bukid lang yan-pang bukid. Gets mo!" Madiin ngunit may pagkapikon na nitong saad kay Forrest.
"Anong sabi mo?" Biglang harap niton si Forrest sa kaniya at hakbang papunta sa harapan niya saka mabilis pa sa segundong nailapit ang mukha nito sa mukha nitong si Mau. At isang pagkakamaling galaw lang nitong si Mau--matik na magtatagpo ang mga labi nila.
"Wag mo kong subukan, baka ipakita ko sa iyo ang tunay na pang sapalaran sa gyera ngayon. Lalong lalo na at--tayong--tayong dalawa lang." Nakangiting sambit nito--ngiting mapangloko sabay tingin nito sa bandang ibaba ni Mau dahilan para buong pwersang itulak ang dibdib niya ni Mau.
"Subukan mo lang--magkakamatayan tayo." Babala nitong si Mau na may pag-ngi-ngitngit sa ekspresyon ng mukha.
"Talagang magkakamatayan tayo kung yung hanap mo ay pang gyera." Sabay kindat nitong si Forrest kay Mau bago umalis nang tuluyan sa harapan niya.
"Aaah! Humanda ka sa akin. Makalakad lang ako. Isinusumpa ko lahat ng mga kamukha mo, kauri mo, kasing hangin mo at kasing bwisit nang pag-uugali mo." Sigaw nitong may pang gigigil na kung may nahahawakan lang siya paniguradong maihahabol niya sa pagbato sa bultong naglalakad papalayo sa kaniya. Huli na din para maalala niyang nauuhaw pala siya kaya niya tinatawag kanina ang mokong na yun ay dahil makikisuyo siya pero ang ending nagkabuhol buhol silang dalawa.
"Hoy pinging tubig." Siigaw niya ngunit tinaasan lang siya ng kamay nito na para bang nagsesenyas na kaya mo na yan mag-isa.
SAMANTALA, halos maubusan na nang hininga itong si Alex sa paglalakad--mag aalas nuebe na pero hanggang ngayon ay naglalakad pa rin sila sa ilalim ng araw at sa kasagsagan g gubat. Dagdagan pa ang bilis ng mga paa ng babaeng yun kung humakbang dinaeg niya pa ang nakikipag karerahang mga paa sa Maynila na naghahabol sa byahe.
"Sandali--" Sabay hintong sigaw nitong si Alex na hingal na hingal na. Kung malayo ang nilakad nila ni Alex marating lang ang lugar nila Lola Adora, ey hindi niya maitatangging mas malayo pa itong pupuntahan nila ng doble.
Napahinto naman si Summer na nauuna lang sa kaniya ng mga limang metro.
"Wag mong sabihing kalalaki mong tao pagod ka na?" May pag angat angat pa ng kilay na sambit nitong si Summer ng lingunin siya.
"Bakit ikaw ba hindi? Don't tell me kalahi mo si Tarzan kaya di ka man lamang nakakaramdam ng lahi? Tsaka pwede ba, kanina pa tayo naglalakad kahit 5 minutes lang na pahinga aba." May pagrereklamo na sa boses nitong si Alex.
"At nagrereklamo ka na niyan? Paano pa kaya kung yung pinakamalayong nayon pa ang puntahan natin baka wala pang kalahati ey umatras ka na? Alam mo kung ako saiyo hindi ko na aaksayahin ang oras ko dito, hindi naman kaya niyang mga binti mo, mas lalong di ka sanay sa ganitong pamumuhay na paa de bisikleta ang gamit kaya umuwi ka na lang sa Maynila." Pagtataray nitong si Summer, an sa totoo lang ehy nakakaramdam na din ng pagod, pasimpleng umupo ito sa damuhan.
"Oh siya--5 minutes lang huh?" May pag iirap nitong saad kay Alex na sa sobrang pagod ay wala ng lakas pang makipag debate pa sa kasama nitong babae na hindi niya alam kung ninuno nga ba ni Tarzan ito.
Makalipas ang ilang segundo biglang may narinig silang dalawa na tunog nang eroplano dahilan para mapatingin sila sa taas. Bigla namang napangiti si Summer, sa lahat yata ng pinakagusto niyang masakyan eh itong lumilipad na bagay ang gustong gusto niyang sakyan. Napansin naman ito ni Alex, at sa unang pagkakataon--nakita niya ang mga ngiting yun sa labi ni Summer. Napatigil, napatitig at napalunok siya habang nakatitig siya kay Summer.
Bakit pati ang ngiti nito ay kopyang kopya kay Serene. Bulong niya sa sarili habang pasimple niyang tinititigan ng pahapyaw. Sa mga ngiting yun, napansin niyang may dimples din pala ito-mas malalim nga lang ang dimples nito kaysa kay Serene.
"Anong nginingiti-ngiti mo diyan?" Sigang tanong nitong si Alex sabay taas ng manggas nito na sa aktong yun ay tila ba isa siyang lalaking nakahandang makipag bugbugan. Agad namang inalis nitong si Alex ang tingin niya kay Summer nang mahuli siyang napapangiti na pala sa kakatitig kay Summer.
"Di ka pa nakakasakay ng eroplano nuh?" Tanong nitong si Alex na halatang inililihis ang ang tanong nitong si Summer sa kaniya ngunit tanging pag-irap naman ang isinagot lang nito.
"So hindi pa nga?" Dagdag pa niitong si Alex na may pang-aasar.
"Bakit ba huh? Ano naman kung hindi pa? Papasakayin mo ko huh? May eroplano ka ba huh? Wala di ba--kaya manahimik ka na lang at ipahinga mo din yang bibig mo." Pagsusungit nitong si Summer.
"Paano kung sabihin kong meron, pano kung sabihin ko sayong pasasakayin kita niyan magpapakabait ka na ba sa akin?"
"Alam mo--pagod ka nga--pati utak mo nag hihingalo na. Mabuti pa inuman mo na din yan ng tubig baka kinakapos na ng tubig yang pag-iisip mo kaya puro hangin na ang laman" Napapailing sambit nito saka napapangiti ng mapakla. Hindi naman siya pinanganak lang kahapon para basta basta siyang mauto nang ganun ganun lang. Wala kang mauuto, bulong nito sa sarili niya. At kahit kailan, di siya magpapakabait sa lalaking dahilan ngayon kung bakit pagod na pagod ang binti niya sa paglalakad.