Kabanata 27

1756 Words
               NASA kalagitnaan ng pagtawa sila Lola Adora at Forrest habang napapailing ngisi na lamang si Alex ng biglang may kung ano silang narinig na tunog mula sa labas. "Ano yun?" Tanong nitong si Summer na kamuntik pang matagilid sa pag-atras sa gulat. "Abah, gabi na ah!" Wika ng matanda na napatayo para usisahin ang tunog na siyang nagmumula sa may labas na sinundan namang usisahin nitong si Forrest na halos mapabuuga sa pagpipigil sa tawa dahilan para mapakunot noo si Summer dito at mapadungaw sa bintana. Para naman siyang hihigupin sa kinatatayuan ng mapabagsak ang balikat niya sa natanaw nito. si Asyong na may buntot na mga alipores na naman mas lalong kinagulat nito ng simulan ng kumanta ni Asyong, napangiwi saka napapikit siyang napatalikod. "Lord, ano po bang pinakain niyo sa lalaking yun? Kung di niya pa po oras para kunin niyo po, maawa na po kayo sa akin, ako na lang po." Sambit nitong si Summer na napapatakip sa tenga.  "Lola, patahimiki niyo na po sila bago pa ko maglabas ng itak." Sambit nitong si Summer na para bang  mananakal anumang oras sa itsura nito. "Oy Asyong, ano tu at gabing gabi na ah?" Putol ni Lola sa kinakanta nito bago pa maabot ang tuktok ng bundok sa boses nitong nakakahimatay. "Ah magandang gabi po nanghaharana po sana ako kasama tung mga kaibigan ko." Aniya nito na kinakunot noo nitong si Summer.  "Oh siya, tama na yan. Gabing gabi na baka mag si labasan ang mga lamok sa lungga nila dahil sa boses mo. Halika at pumanik dito." IMbita ng matanda. "Lola! Pauwiin niyo na po." Singhal nitong si Summer. "ikaw magtigil ka, halika dito at maupo." "Ayoko po." "Uupo ka dito o dito ko sila patutulugin?" "Lola naman, magbibigti na po talaga ako." Sagot nitong si Summer na padabog n alumapit sa upuang kawayan saka umupo. Mas lalong napakunot noo pa ito ng mapansing pigil na pigil sa pag ngisi itong si Alex. "Gusto mo bang upakan kita?' Biglaang sambit nitong si Summer , pare-pareho kayo sakit sa ulo."  "Hi Mahal. Kumusta ka? Kumusta ang gabi mo?" Tanong nitong si Asyong na kakaakyat lang. "Heto gustong gustong manakal." Pabalang na saad ni Summer na pinandilatan naman ng matanda. "Ah, heto nga pala bulaklak para saiyo." Sabay abot nito kay Summer nang biglang may humablot nito. "Salamat huh, may ipapatanim na naman ako kay yaya nito pag uwi ko sa bayan." Mabilis na sambit ni Mau na napasenyas kay Summer.  "T-teka, p-para yan sa mahal ko." "Kaibigan naman ako ng mahal mo kaya ayos lang yan. Salamat ha!" Saka iika ikang humakbang papunta sa kwarto. "MAupo na muna kayo at ikukuha ko kayo ng kape." Aniya ng matanda sabay talikod, nakangiti naman ng pagkalapad lapad itong si Asyong kay Summer ng makita ang isang espasyo pa sa tabi nito na pwedeng maupuan. "Anong tinitingin tingin mo?" Masungit na tanong nitong si Summer. "Maaari ba akong tumabi sa iyo mahal ko?" Tanong nitong si Asyong na kaylapad ng mga ngiti--ngiting lumilitaw ang madidilaw nitong ngipin dahilan para mandiri pa lalo tung si Summer dito. "Subukan mo lang kung gusto mo pang makauwi sa inyo ng nakakakita." Sagot nitong si Summer kaya naman napalunok na lamang si Asyong at humanap ng ibang mauupuan katabi ng mga kasama niyang tatlong kalalakihan. "Siya nga pala nagpaluto ulit ako ng paboorito mong ulam, heto nga at dinala ko." Sambit nito akmang iaabot na ng hinablot naman bigla nitong si Alex. "Hmm-mukhang masarap tu ah. tamang tama nagugutom na din kaming bisita ni Lola Adora, Forrest dalhin mo tu sa kusina--at maya maya kakain na tayo pag nakalayas--este nakaalis na ang mga bisita. "P-pero si--pero p-para sa mahal ko lang yan?" "Abay pare, napakadamot mo naman." Hirit nitong si Forrest sabay kuha sa pagkaing iniaabot nitong si Alex. "Salamat dun huh, tamang tama nasunog yung ulam na niluluto ko kanina." Mabilis na saad nitong si Forrest saka niya tinapik tapik ang balikat ni Asyong at nakangising napatalikod. "Ahm--mahal?" Basag nitong si Asyong sa ilang segundong katahimikan. "Gusto mo bang murahin kita?" Panlalaki ng mga mata nitong si Summer dahilan para pasimpleng mapangiti sa isip itong si Alex.  "Ano ba kasing ginagawa mo dito? Tsaka tingnan mo nga sarili mo? Bakit lahat kayo nakaitim? Mukha bang may patay dito huh?" Tanong ni Summer. "Ah--eh, hindi mo ba nagustuhan? Si Inang nagpasuot sa amin nito." Mahinahong sagot nito sa kabila ng pasinghal singhal na saad nitong si Summer na nuon ay napapailing. "Alam mo, umuwi na lang kayo madilim na baka kung ano pa mangyari sa inyo matuluyan pa kayo sa daan." Wika ni Summer. "Ikaw naman, kakarating lang pauuwiin mo na agad? heto magkape ka." Sabay lapag ng matanda sa mga kapeng nakalagay sa tray na kahoy. "Ewan ko sa inyo." Napatayo si Summer at mabilis na humakbang papunta sa labas. Sa totoo lang hindi naman sa pinagtatabuyan niya ang lalaking yun, pero the more na binibigyan ng chance nitong lola niya ang lalaking yun mas lalong umaasa naman. Hindi naman masamang tao o klase ng tao si Asyong pero magiging impakta naman siya kung hindi niya aamining isa sa mga lalaking katulad ni Asyong ang inaayawan niya, pero dahil sa lintik na katuwaan ng mga matatanda nuon sa kanilang dalawa ayan--tuluyang nagpatianod sa kabaliwan itong si Asyong sa ganda niya. Napabuntong hininga na lamang si Summer habang nakaupo sa putol na puno at pinagmasdan ang kalangitan.  "Lord, maawa na po kayo sa akin, ayokong tanungin ako ng mga magiging anak ko kung anong  klaseng himala ang nangyari at yung lalaking yun ang naging ama nila kung saka sakali. Kaya please po, kahit simpleng lalaki lang ihulog niyo na agad agad sa harapan ko. Kahit po di ganun kagwapuhan basta yung mabango, maputi ngipin, naliligo araw-araw, yung matanaw mo pa lang po amoy mo na siya, wag po sana kulot dahil kulot na din po ko. Yung matino po huh kahit 50% lang po okay na ako wag lang po si Asyong na negative 100 na ang pagkukulang sa buhay. Tsaka samahan niyo na din po sana ng may--may trabaho heheh!" Aniya nito sa sarili habang nakatingin sa langit at napapangiti na tila nag-iimagine. "Hays--laso imposible namang makakita ako lahat ng hinihiling kong yun, paano wala namang ganun dito sa lugar na tu. Mas madami pa ata alagang mga manok namin kaysa sa mga kalalakiha, isa pa sinong magkakagusto sa tulad kong pagkadungis dungis, Mayroon lamang limang pares ng damit na paulit ulit na isinusuot s aloob ng pitong taon mabuti na lamang at hindi ako tumataba kundi mukhang mapapasubo pa yata ako sa mga dahon dahon sa tabi tabi naglalaparan para gawing panakip sa katawan ko. Pero kung mayaman siguro ako, nakatira sa maganda at malaking mansyon, may magagarang damit sigurado akong higit pa sa hinihiling  lalaking magmamahal sa akin ang ibibigay sa akin ni Lord. Kaya lang wala eh, eto lang talaga ako kahit pa magbilang ako ng mga itlog ng mga manok hanggang sa pagtanda ko at magbenta sa bayan ng mga inahin ey hindi ako yayaman dun. Di bale na nga basta wag lang ako hayaang mapunta sa lalaking yun. Magbibigti talaga ako." Sambit niya na may pananakot pa sa tono. "Sa tingin mo ba matatapos ang lahat pag nagbigti ka?" Tanong ng isang boses na nagmumula sa kung saan para ikagulat nitong si Summer. "Ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako?' Aniya nitong si Summer na kahit pa gabi naaaninag pa din ni Alex ang bawat kurba ng kunot noo nito dahil sa ibinibigay na liwanag ng buwan. "Gusto ko lang magpahangin sana kaso nakalanghap ako ng masamng hangin mula sa direksyong tu kaya napapadpad ako para sana usisahin." Madiing sagot nitong si Alex dahilan para mas lalo pang malukot ang mukha nitong si Summer.  "pwede ba akong umupo?" Pag-papaalam ni Alex na ikinaangat ng kilay nitong si Summer. "May magagawa pa ba ako? Nakaupo ka na di ba?" Saad ni Summer na napapairap sabay urong. "Ipinaglihi ka ba sa sama ng panahon? Kung hindi nakakunot yang noo mo ey lukot naman yung mukha mo?" Sabay duro nito sa noo ni Summer na agad namang tinapik ng kamay nitong si Summer ang hintuturo nitong si Alex. "Subukan mo kayang magigng babae at magkaroon ng ganung manliligaw kundi mo hilinging magbigti na lamang." Sagot ni Summer. "Alam mo bang-napahanga ako sa lakas ng loob ng lalaking yun?" "Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Summer na sa tono ng boses ay interesado itong malaman ang ibig sabihin ng katabing si Alex. "Kung ako ang tatanungin,bilib ako sa lalaking yun na humarap sa lola mo, umakyat ng ligaw sa babaeng walang ibang ginawa kundi ang ipamukhang walang kapag-a-pag asa ang katulad niyang lalaki, Pero alam mo ba, ang mas nakakatuwa dun? Kasi kahit anong klaseng taboy mo sa kaniya, lilitaw at lilitaw pa din siya sa harapan mo, at kinakaya lahat ng bagay tulad na lang yung pagkanta kahit na halos tawwagin na ang mga ligaw na kaluluwa sa boses nito ay talagang walang katakot takot na iparinig yun sa iyo." Saad nitong si Alex na napapailing. "Alam mo ayos  ka din, sa ilang araw na pag stay mo na dito yan ang pinakamahabang salitang narinig ko mula sa iyo. Baka naman gusto mo maging tropa yun? Lalakad na kita o kaya patakbo pa maganda yun para naman may kapalit na akong taga tour guide sa iyo." Pagtataray nitong sambit. "Alam mo, alam ko at alam na alam nating pareho na ayaw natin sa isa't isa trato pa lang nating sa bawat isa at pananalita napaghahalataan na--pero hindi ba pwedeng paminsan minsan ikalma mo yang galit mo?" "At bakit ko naman gagawin yun, hindi mo alam kung gaano ko kagustong isuka yung mga alak na tinutungga ko makuha ko lang yung premyo at yun ay dahil sa iyo. " "Ano bang dapat kung gawin para maging kwits na tayo dun? di pa ba sapat yung ginawa mong pagsuka sa akin nung gabing iniakyat kita sa hagdanan at dinala sa kwarto mo, at--at yung panghimasok mo sa pribadong ritwal ko kinabukasan?' "Abat--hindi ko yun sinasadya aba." Sambit ni Summer na napaiwas agad ng tingin, at sa naging reaksyon nito ay tila nakaramdam ng pagkahiya sa nangyari nuong araw na iyun. "Pwede ba hindi ko naman sinasadya iyun eh." Mabilis na sagot nitong si Summer. "At sa tingin mo ba sinadya ko ding gawin yun sa iyo nuong araw na iyun?" Balik tanong nitong si Alex sa kaniya dahilan para mapabuntong hininga itong si Summer saka siya tiningnan ng nakakunot noo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD