MULA sa malayo, abot tanaw naman ang bulto nila Summer at Alex nitong si Asyong mula sa kinatatayuan nito habang nakapamulsa ang mga kamay.
"Boss! Paano na yan?mukhang di ka lang lamang sa mukha kundi pati pa sa--"
"Saan ituloy mo kung ayaw mong ikaw ang ipalit kong puno dito."MAdding sambit nito sabay baling ulit ng tingin dun kina Alex at Summer.
"Tara na at kailangan nating maghanda." Sambit nitong si Asyong sabay talikod na.
"T-teka para san pong paghahanda?"
"Sumunod ka na lang, hindi ako papayag na sa kaniya mapunta ang pinakamamahal ko." Aniya nitong si Asyong at sunod sunod na humakbang habang napapangiti at mukhang nakakasiguradong mabibihag nito ang puso ni Summer sa paghahandaan nito.
BINASAG naman ni Summer ang katahimikan ng hindi mapigilang magtanong kay Alex.
"Oy--Gusto mo ba talagang araw-araw kang pupunta dito? Kung ako kasi may tama naman si chuchay na yun." Pahapyaw na wika nitong si Summer na agad namang ikinahinto sa paglalakad nitong si Alex sabay lingon kay Summer na napahinto din.
"Alam mo, matalino naman ako at alam ko naman kung ano ang ibig mong sabihin."
"Eh--b-baka lang naman-baka mapagod ka kakaakyat baba sa bundok na pagkalayo layo sa nayong tu, tapos ilang ilog pa tatawarin at-"
"Tatapatin na kita, kung ayaw mo sa akin, mas ayaw ko din sa iyo, di naman ako ganun kamanhid para di ko yun maramdaman. But I don't have a choice kundi makisama dahil kailangan ko ng matitirhan, at kailangan ako ng lugar niyo. Kailangan ako ng mga kabataang katulad ni Chuchay at gagawin ko yung pagtawid sa ilog, akyat baba sa napakalayong nayon na ito mula sa inyo makita ko lang ang mga batang may natututunan mula sa akin, makita ko lang na kahit papaano nabibigyan ko ng kulay ang mga pinapangarap na nila para sa kanilang kinabukasan. Isa pa kahit papaano napapakinabangan naman natin ang isa't isa kaya kung pwede ba itigil mo yan, di din nakakatuwang mang usisa ka sa buhay ng may buhay." Aniya nito saka napatalikod at walang anu-ano'y humakbang papalayo kay Summer na nuon ay napakunot noo sa mga lumabas sa bibig ng lalaking yun.
"Aba--hindi talaga kita gusto sa bahay mag-stay." Bulong ni Summer--bulong na halos isigaw na siyang dinig na dinig naman nitong si Alex dahil nasa isang metro lang ang layo nila sa isa't isa.
Ilang oras na walang imikan ang dalawa hanggang sa wakas magdidilim na nang makarating sila sa kubo.
MAgblebless na sana itong si Summer nang maunahan siya nitong si Alex sabay pasimpleng bulong sa kaniyang harapan ng mapadaan.
"Mas matanda kasi ako eh." Bulong nitong si Alex dahilan para mas lalong ikanguso nitong si Summer saka sumunod na nagbless.
"Oh ey mabuti naman at hindi kayo inabot ng dilim sa daanan." Aniya ni lola Adoray na may bitbit na isang tasang kape na siyang kasalukuyang iniinom.
"Hmm-opo lola, tamang tama lang po yung oras na nakaalis po kami dun." Mabilis na sagot ni Alex.
"Siya nga pala, kumusta naman ang unang araw ng pagboboluntaryo? Nagkaproblema ka ba? May naitulong ba sa iyo itong apo ko--o nakagawa lang ng malaking g**o?" Tanong ni Lola Adora kay Alex sabay tingin kay Summer na nuon ay papahakbang na sana para tumalikod sa kanila.
"Maupo ka saan ka pupunta?" Tanong nitong si Lola Adora kay Summer na napakamot sa ulo sabay hagip ng tingin kay Alex.
"Ah--eh h-hahanapin ko po sana si Mau." Sagot nitong si Summer saka pasimpleng napabaling ang tingin kayy Alex na saktong nakatingin din sa kaniya na agad naman niyang tinarayan.
"Maupo ka, wag mong alalahanin ang kaibigan mo nandun naman si Forrest. Nasa kusina sila." Sambit ng matanda, wala namang nagawa si Summer kundi ang sumunod na lamang sa matanda at napaupo sa tabi nito.
"Hijo, di mo pa nasasagot ang tanong ko. Binigyan ka ba ng sakit ng ulo nitong apo ko? May naitulong nga ba sa iyo o nakadagdag lang sa mga sawayin mong mga kabataan dun?" Tanong ni Lola Adora dahilan para mapatingin si Summer kay Alex saka pinanlakihan ng mga mata.
"Sa totoo lang po, nakatulong naman po siya sa akin kahit papaano, kaso mas lamang pa din po ang ginawa niyang pag-papaiyak sa iilang mga bata dun."
"Ano?" Reaksyon nitong si Lola Adora na agad napabaling ng tingin kay Summer ng masama sabay hampas sa balikat.
"Ikaw talaga wala ka ng ibang ginawa kundi maging isip bata din. Di ka ba marunong mahiya huh? Kadalaga mo ng tao pero yang pag-iisip mo naiwan nung mag dalawang taong gulang ka na." Saway ng matanda sa kaniya.
"Eh lola naman--malay ko po bang iiyak po ang mga yun binibiro ko lang naman po sila."
"Oh hihirit ka pa. Pumunta ka na nga ng kusina at magtimpla ng salabat." Sabay hampas ulit sa braso niya ng kaniyang lola.
"Lola naman, masakit na po. Tama na!" PAg mamakaawang sambit nitong si Summer sa tono ng boses.
"Masakit masakit, talagang masasaktan kita pag pinagpatuloy mo yang pagiging isip bata mo. Di ka na nahiya sa kasama mo." Aniya nito dahilan para mapasulyap itong si Summer kay Alex saka bigyan ng masamang tingin.
"Oh, anong sabi ko sayo. Magtimpla ka na sa kusina--"
"Teka naman po lola, may kape na po kayo para saan pa po yung salabat?" Tanong nitong si Summer na napapakunot noo.
"Wag ng maraming tanong bilis. Kilos!" Mando ng matanda sa kaniya sa malakas na boses dahilan para mapakilos na nito si Summer na padabog na tumalikod sa kanila.
Nadatnan naman nitong si Summer at Forrest na halos mag batuhan ng kutsara at tinidor dahil sa pagtatalo.
"Maalat nga kasi." Aniya ni Mau.
"Hindi nga, matabang pa kaya akina yung asin at dadagdagan ko pa." Hirit nitong si Forrest na lalong napakunot noo ng inilagay ito ni Mau sa loob ng damit.
"Anong ginawa mo?" Napalakas na ang boses nitong si Forrest.
"Tingnan natin kung makuha mo pa tung asin." Saad ni Mau na talagang halatang nang-aasar lang kay Forres.
"Talagang tingnan natin ngayon." Aniya nitong si Forrest na sa tono ay parang may kung anong gagawin saka ito napahakbang ng marahan.
"Te-teka san ka pupunta?"
"Saan pa nga ba?" Nakangising saad ni Forrest sabay taas noo.
"Hoy Forrest, pinapaalala ko lang sayo--mayor ang daddy ko at sa oras na may nangyari sa akin dito na kagagawan mo sinasabi ko sa iyo buong angkan ng pamilya mo mababan sa probinsyang tu." Pangbabanta nitong si Mau.
"Sorry, pero hindi ako natatakot. Ibibigay mo ba sa akin yung asin o itong mga kamay ko ang tuluyang papasok sa loob ng damit mong y--"
"Forrest! Ano ba, sisigaw ako sige ka." Napapaayos na ng upo itong si Mau sabay yakap ng isang kamay sa dibdib habang hawak hawak pa din nito ang asin na nasa loob ng damit nito.
"Ibibigay o ako ang dudukot?" Nakangising saad nito, nakahanda na sanang sumigaw itong si Mau nang biglang litaw nitong si Summer sa gitna nilang dalawa.
"Pwede ba nangangamoy na yung niluluto mo." Sambit nitong si Summer kay Forrest na agad namang nataranta ng tuluyang maamoy nito ang nasusunod na nilulutong amoy.
"F***! Yung sabaw wala na." Aniya nitong si Forrest.
"Kasalanan mo tu eh. Matabang na nga wala pang sabaw." Singhal nitong si Forrest na nasa tono ng boses ang paninisi.
"Aba--at ako pa may kasalanan? Baka naman wala ka talagang panlasa para di mo mapansing maalat na yang niluluto mo?" Matapang na sagot nitong si Mau na pinipilit makatayo sa kabila ng iniinda nitong namamaga pang paa.
"Oy oy mag si tigil na kayo. Ikaw, dun kana sa sala, magsama kayo ng kaibigan mong dayo." Tukoy nito kay Forrest.
"Pero pano yung luto ko? " Tanong nito.
"Aba'y sa tingin mo may magagawa ka pa ba diyan sa niluto mo kung sunog na?"
"Tumigil ka nga, di naman ikaw kinakausap ko eh." Sambit nitong si Forrest kay Mau na natahimik. Nakaramdam na siguro yata ng pagseseryoso itong si Forrest.
"Ako na bahala, umalis ka na." Saad nitong si Summer.
"P-Pero-"
"Alis na kasi ako na bahala." Saad nitong si Summer sabay senyas kay Forrest na umalis na sa harapan.
"Oh alis na daw." Dagdag nitong si Mau, wala namang nagawa itong si Forrest kundi ang umalis kaysa pagtulungan siya ng mga ito.
"Thank you girl." Malapad na ngiting saad nitong si Mau saka nakipag apiran kay Summer habang nakangiti ng pagkalapad lapad.
"Siyempre naman, pababayaan ba kita nasa teritoryo kita eh di hindi na ako ni ninong papapasukin sa bahay, pakakainin ng masasarap na pagkain at sasabihang napakaganda ng inaanak ko--mas maganda pa sa anak ko. Hahaha--aray ko naman, di ka na nga makalakad tapang tapang mo pa manabunot." Reklamo nitong si Summer na napahawak sa buhok.
"Tandaan mo, ako ang Miss Kapupuyangan sa atin, meaning ako ang pinakamaganda naintindihan mo." Aniya nitong si Mau.
"Oo na, ikaw na may tatalo pa ba sayo pag nakatalikod ka." Pang-aasar pa nitong dagdag ni Summer dahilan para mapasimangot itong si Mau.
Nang biglang sabay silang mapalingon ng marinig ni Summer ang boses niya na tinatawag ni Lola Adora.
"Oy, ano yun?"
"Hay nako, pinagtitimpla ako ng salabat." Napapangiwing sagot nitong si Summer sa kaibigan.
"Oh eh--kakagaling lang niya dito kanina at nagtimpla ng kape bakit may pa salabat pa?"
"Aywan ko sa matandang yun." Napapailing na sagot ni Summer.
"Papunta na po lola." Sagot ni Summer sa malakas na boses saka nagmadaling magtimpla ng salabat.
"Oh pano ba yan, hatid ko lang tu, balikan din kita." Paalam nitong si Summer.
"Dapat lang madami ka pang ikwe-kwento sa akin tungkol sa pagsosolo niyong dalawa ni Sir."
"Heyy! Magtigil ka, baka ibuhos ko pa tu sa kaniyang mainit na salabat." Inis na sagot ni Summer sabay talikod kay Mau at nagsimulang humakbang papalayo na.
Naabutan naman niyang nagtatawanan ang mga ito sa balkonahe, at maske ang lola niya ay kasing lapad din ng manokan ang mga ngiti.
"Ano kayang pinagtatawanan nila?" Tanong nitong si Summer sa sarili habang nakakunot noo at napalukot ang mukha ng mapansin niyang nahagip siya ng tingin nung lalaking yun. Bigla tuloy bumalik sa isip niya ang sinabi nito kanina.
"Tatapatin na kita, kung ayaw mo sa akin, mas ayaw ko din sa iyo, di naman ako ganun kamanhid para di ko yun maramdaman. But I don't have a choice kundi makisama dahil kailangan ko ng matitirhan, at kailangan ako ng lugar niyo. Kailangan ako ng mga kabataang katulad ni Chuchay at gagawin ko yung pagtawid sa ilog, akyat baba sa napakalayong nayon na ito mula sa inyo makita ko lang ang mga batang may natututunan mula sa akin, makita ko lang na kahit papaano nabibigyan ko ng kulay ang mga pinapangarap na nila para sa kanilang kinabukasan. Isa pa kahit papaano napapakinabangan naman natin ang isa't isa kaya kung pwede ba itigil mo yan, di din nakakatuwang mang usisa ka sa buhay ng may buhay."
"Psh! Ano ba sa tingin niya nagtatatalon ako sa tuwa at nandito siya sa amin, sa tingin ko nga siya na nga ata ang apo ngayon ni lola, nakita mo naman Summer--sayo buong buhay mo pasigaw sigaw at kasungitan ang nasasaksihan mo diyan kay Lola Adora, tapos ngayon sa t'wing nakakaharap niya yung lalaking yun eh lumalapad ang ngiti. Psh! Ang galing din mambilog ng ulo eh."
Napapailing na bulong nito sa sarili at napabuga sa hangin saka na ipinagpatuloy ang paghakbang papalapit sa mga ito sabay lapag sa bitbit nitong tasa.
"Nandito na po la ang pinatitimpla niyo pong kape." Saad ni Summer pero ang mga mata ay matalim na nakatingin kay Alex.
"Lola Adora, hindi ko po akalaing mahilig po pala pumasok sa g**o tung apo niyo, kaya hindi po ko magtataka kung bakit ganun na lamang kalakas ng palahay ng mga bata kanina dahil sa awra niya." Napapangiting saad nitong si Alex habang matalim na nakatingin kay Summer na napapangiwi sa sobrang inis sa kaniya.
"Nako, alam mo ba--kapag umuuwi yan galing sa pag-aaral niya maswerte na yung araw kung hindi maputik ang puting damit nito. Paano nakikibalitaktakan kay Asyong sa lahat ng laro eh ano namang laban ng babae sa lalaki pagdating sa takbuhan? Pinapagulong lang siya nito sa putikan. Tapos minsan muntik na siyang mawala dahil sa laro nila ng mga kaibigan niya nahulog siya sa balon."
"Lola, wag niyo na po ikwento baka mas lalong bumilib yung iba diyan. Isa pa po mga bata pa po kami nuon malay po ba naming yung laro na iniisip namin ay siyang makakasakit pa sa amin." Aniya ni Summer.
"Anong huwag--sa dami ng sakit sa ulo at dibdib na ginawa mo sa akin, napapadasal ako na sana habaan pa buhay ko dahil pag nagkataon baka walang mag-alaga sa iyo sa sobrang bait mo."