SANDALING natahimik ang kapaligiran sa tanong ni Alex na yun, ilang sandali pa binasag ng malalim na bunotong hininga nitong si Summer saka napabaling sa kaniya.
"Sa hirap ng buhay ng mga tao dito, lahat ng pinaghihirapan naming mga tao dito sa probinsya para mapagkakaitaan ng pera maliit man o malaking bagay man yun--napakalaking tulong na yun sa amin kapag naibebenta namin sa bayan. Alam ko ding mabigat sa loob ni lola na bawasan yung mga manok niya dahil talagang binibigyang oras niya yun na alagaan minsan nga naiisip ko nun na mas apo ni lola yun kesa sa akin, kasi maaga pa lang mas nauunang pakainin ni lola kaysa ang magkape muna, madalas singhalan pa ako pag di ko sila nasisilip. Pero dahil sa hirap ng buhay at pangangailangan ng pera pangkain, pangbayad sa mga bagay bagay na kailangang mabayaran napipilitan si lola magbitaw ng mga mahal niyang alaga isa isa. Sa totoo lang napapalunok na nga lang ako, kasi kahit madami ang manok ni lola ni minsan di kami nakatikim sa mga alaga niyang yun kahit man lang adobong mga paa nito o ulo. Nuong araw na mawala yung manok, ipinabenta niya yun sa akin para may maipangbawas siya sa utang namin samantalang yung itlog na mabebenta ko naman ay siyang titipiran niya para sa pambili ng bigas at sa mga iilang pangangailang tulad ng kape at asukal. Pero di ko naman inaasahang yung pinagkatiwalaan kong tao na hahawak nun ay pakakawalan ng basta basta lang yun. Alam mo yung pakiramdam na sana nilechon na lang yun kesa pakawalan, masasabi ko pang may hustisya yun--pati yung pag-sali ko sa kompetisyong yun na sa kauna unahang beses, tatamaan ako ng ganun ka tindi makuha lang yung premyo. Pati yung bawat paglunok ko sa itlog pakiramdam ko mawawalan na ako ng hininga dahil sa pagpipigil na maamoy at hindi masuka dahil nga sa nakakasawang ulam na lang lagi. Biruin mo, umaga nilagang itlog, tanghali pritong itlog, kinagabihan sinabawang prinitong itlog. Tindi nuh? Sayang nga at di mo nararanasan yun ngayon, masyado ka kasing pa espesyal kay lola kaya ang ipinapakain sayo puro gulay na. Pero magwewelga talaga ako kung ipapahiwa niya sa akin ang manok para ipakain sayo." Napapailing sambit nitong si Summer na hindi namalayan kung gaano kahaba ang sinabi nito sa kalmadong tono ng boses. At habang daldal ng daldal ito hindi naman mapigilan nitong si Alex na mapatitig ng pasimple kay Summe. Sa bawat buka ng bibig nito ay parehong pareho ni Serene, sa bawat ekspresyon ng mukha nito pag nagkwekwento ay kuhang kuha din. Para silang pinag biyak na bunga.
"Ahm-pwedeng magtanong?" Hindi na napigilan pang magtanong nitong si Alex sa kaniya dahilan para mapatingin sa kaniya si Summer.
"Tanong?Di pa ba nagtatanong ang tawag diyan?" Tanong nito kay Alex.
"Ano ba yun?" Habol niyang saad na may pagtaas ng boses kay Alex.
"Uhm--k-kayo lang ba talaga ng lola mo? Wala ka man lang kapatid?" Tanong nitong si Alex sa kaniya saka napalunok habang kinukutubang hinihintay ang pagbuka ng bibig nitong si Summer para sumagot.
"Huh-bakit mo naman natanong? Wag mong sabihing may nagmumulto sayo na dito?" Napapaangat na sa kilay na sambit ni Summer.
"hmm--wala naman, naisip ko lang itanong dadalawa lang kasi kayo dito at sobrang lungkot siguro nun." Sambit ni Alex na napapalunok ulit s apalusot.
"Hmm-oo malungkot din, pero may magagawa pa ba ako kung ganitong buhay ang ibinigay sa akin pagkapanganakan sa akin? Namatay si nana nung ipinapanganak niya yung kapatid kong lalaki na ilang araw lang din ay sumunod sa kaniya at , si tata naman ayun--iniwan si nana ng makahanap ng babae sa tabi tabi daw na mas maginha-ginhawa sa buhay kayod kalabaw nila lola, sa kasamaang palad naman hanggang ngayon di ko man lamang nakikilala yun pero mas okay na din yun kase kung nagkataon na na sa kaniya ako baka hindi umabot sa ganito ka haba ang buhay ko. Sabi ni lola, lasinggo daw yun, binubugbog si inay kahit pa nasa apat na buan na ang tyan ni inay sa kapatid ko tindi nga daw kumapit ng kapatid ko, pero hindi din kinaya siguro yung lungkot ayon iniwan nila akong dalawa. Pero siguro napatawag ni itay yung mag-papaanak kay inay nun siguro hindi aabot sa puntong ganun, kaso wala eh. Pakiramdam ko nung nagpasabog ng paghihirap ang munod nasalo ko. Siguro kaya marahil ganun din ang trato sa akin ni lola kasi pagnakikita niya daw ako naaalala niya si itay." Napayukong saad ni Summer habang napapangiti ng mapait.
Sa kasagutang yun ni Summer, nasagot na din sa wakas ni Alex ang mga katanungan niya sa isip na siyang kinatango niya.
"Ikaw ba? May kapatid ka ba? mommy, at daddy?"
"Hmm--meron pero highschool pa lang at lalaki din, nag-iisang kapatid din. Hmm meron naman." Sagot naman ni Alex saka napabaling ulit ng tingin kay Summer.
"hm-masaya ba?" Tanong ulit ni Alex?
"Ang alin?"
"Yung kompleto ang pamilya." Sagot ni Summer habang napapatingala sa langit.
"Hmm--masaya naman. Kaso kulang pa din yung pakiramdam na may buo kang pamilya."
"Bakit? Buo na pamilya mo kaya siguradong masaya kayo, may kapatid ka pa, at balita ko pa mayaman ka din? So ano pang hinahanap mo? Maswerte ka nga eh, ikaw na lang tung nagsusumiksik dito sa kahirapan ng mga pamilya samantalang napakasarap ng buhay mo dun." Tanong nitong si Summer na napapakunot noo. Agad naman siyang pinitik sa ilong nitong si Alex dahilan para mabilis na gumanti ng pagbatok sa kaniya ni Summer.
"Inaano ba kita?" Bulyaw nitong si Summer na parang bata. Napailing naman itong si Alex saka napabuga sa hangin.
"Masasabi mo lang na masaya ang pamilya kapag araw-araw mo silang makakasama, bilang lang sa mga kamay ko ang mga araw na nakasama namin ng kapatid ko ang mga magulang namin simula pagkabata. Dahil sa kagustuhan nilang mabigyan kami ng magandang buhay at makamit yung karangyaang yun, malaking panahon naman ang nawala para makasama namin silang dalawa."
Bigla namang napangisi si Summer.
"Bakit?" Tanong nitong si Alex.
"Wala natatawa lang ako sa sarili ko, iniisip ko kasi kapag mayaman ka perpekto na ang buhay mo. Kaya nga simula pa pagkabata ko lagi kong tinatanong sa taas kung bakit hindi kami mayaman. Masyadong mataas ang tingin ko sa mga taong mayayaman dahil pakiramdam ko sila ang pinagpala ng kalangitang makuha ang lahat lahat sa mundong tu, kumpletong pamilya, marangyang buhay na hindi na kinakailangang manggatong may magamit sa pagluto, humarap sa mga iba't ibang klaseng hayop este tao para lang magbenta ng mga itlog at manok, mag-igib ng tubig mula sa napakalayong batis at balon may magamit lang, makapag bihis ng magagandang damit araw-araw, makain lahat ng gusto, makapag-aral at makapag tapos. Minsan nasasabi ko pang tagilid yata ang mundo--hindi timbang na biniyayaan ng grasya." Napapangiting mapait na sambit ni Summer.
"Burahin mo na yan sa isip mo ngayon, dahil masasabi kong mas maganda na ang ganitong buhay--makikita mo ang pagtutulungan ng bawat isa at pagmamahalan." Sambit nitong si Alex. Akmang bubukas na din sana ang bibig nitong si Alex ng biglang marinig ang boses ng kaniyang lola.
"Summer!" Tawag ng matanda mula sa bintana na napapadungaw habang nakatigin sa paligid. Agad namang napatayo si Summer at sa pagkakataong yun ay nakabusangot na, napangisi naman itong si Alex bahagya.
"Anong nakakatawa?" Tanong nitong si Summer.
"Bakit ganyan itsura mo na naman?'
"Kahit kailan talaga walang pagmamahal ang sarili kong lola sa akin, sana naman wala na yung mga asungot na yun sa loob." Martsang sagot nitong si Summer habang pinagmamasdan ang bulto niya na papalayo ni Alex sabay ngiti.
Maya-maya nawala ang ngiting yun ni Alex at napatingin sa kalangitan.
"Serene, sorry kong sa kaniya kita nakikita. Pano naman kasi kopyang kopya ka na kahit kailan hindi pumasok sa isip ko na may ganun pa lang posibilidad sa mundo. Alam mo bang para na din kitang kausap sa t'wing kumukunot ang nuo niya, sa t'wing naiinis siya, sa t'wing gigil na gigil siya. Pakiramdam ko ikaw ang kasama ko. Parehong pareho kayo maiksi ang pasensya, siguro mag-kaiba lang kayo sa pananaw sa buhay, at sobrang iksi nga lang ng pasensya niya sa mga bata. Like kanina, lakasan ng loob magpaiyak samantalang ikaw nuon, sobrang bait mo sa mga bata to the point na sa ganun edad mo na humiling ka pa ng kapatid sa mga magulang mo." Napapangising saad ni Alex.
"Siguro dahil sa sobrang kagustuhan mong magkaroon ng kapatid nuon. Naalala mo pa ba nung kinasal tayo, nung tinanong kita kung ilang version ang gusto mong gawin natin, ang sabi mo hanggat kaya mo mag isang basketball team go go go ka!" Muli na namang napangisi si Alex.
"Kasi ayaw mong matulad sa iyo ang magiging anak natin na malungkot ang kabataan dahil sa walang kapatid, walang kalaro, walang matatanungan ng oy bagay ba suot ko. Yung wala kang makasama sa kakulitan mo. Kaya yun ayaw mo na maging malungkot hanggang paglaki ang magiging version natin, kasi walang makalaro, walang makasama sa kalokohan, walang makausap, at walang kasabay pumasok sa school. Ako naman nuon napapangisi pa dahilan para batukan mo ko hahah!" Tawa nitong si Alex na agad namang naging mapakla.
"Pero lahat ng yun, hindi mo natupad. Hindi na natin natupad." napasinghap sa hanging pikit ni Alex kasabay ang pag patak ng luha nito sabay ngiti ng mapait.