HALOS tumalbog papalabas ang puso ko ng tumambad sa harapan ng pinto ang madilim na mukha ng matanda at nakatitig sa akin na tila ba ay alam na kung bakit ako lumabas ng biglaan sa kwarto.
"Saan mo ba kasi naiwala iyong wallet mo? Bat kasi di mo napansin at--opss, lo-lola kaw po pala. Akala ko po tulog ka na po." Sambit nitong si Forrest na mukhang nagulat din sa ipinapakitang ekspresyon ng mukha ni lola sa harapan namin. Napalunok ako at pasimpleng napatingin sa hawak hawak na nitong wallet kasabay ang pag-aalala kong baka nakita na din nito ang larawang naroon sa wallet na iyon. Marahan akong napatingin ngayon kay Forrest na sa tingin ko ay nakatintindi rin ng mabaling ang atensyon nito sa hawak na wallet.
"Ah-eh--lola, maraming salamat po. Hahanapin po sana ni Alex pa lang iyong walle. hulog po talaga kayo ng buwan." Sambit ni Forret na kahit ramdam ko ang kaba nito ay pnipilit pa ding basagin ang nakakailang presensya ng matanda sa amin. Habang ako nananatiling positibo pa din ang pag-iisip at umaasang sana hindi niya nakita ang larawan na iyon, malaking problema pag-nagkataon. Kasabay ng mabigat kong paglunok ng laway ang pagbuntong hininga niya saka ako muling binigyan ng tingin.
"Pwede ba tayong mag-usap?" Wika nito sa malamig na boses dahilan para mapalunok muli ako at mapatingin kay Forrest na halatang kabado din .
"Ahm-si-sige po." Sagot ko.
"Sumunod ka sa akin." Aniya nito saka humakbang papalayo sa amin.
"Mukhang alam na niya." Sambit nitong si Forrest na napapahampas sa likod ko ng marahan. Napabuga na muna ako sa hangin saka ko na sinimulang humakbang patungo sa direksyong tinatahak niya din.
Sa bawat yapak ng mga paa ko, ramdam ko ang kakaibang lamig sa pagitan naming dalawa ng matanda na nuon ay nasa labas na at hinihintay na makalapit ako. Marahil maske siguro siya ay nagulat na may kamukhang kamukha ang apo niya kung sakali mang iyon talaga ang pakay niya sa akin kaya ako kakausapin dahil nakita niya ang wedding photo namin ng asawa ko.
Ramdam ko ang lalong pagbigat ng mga paa ko sa ilang mga hakbang na natitira na lamang bago ko siya tuluyang makatabi. Ilang segundo pa ay nakalapit na ako kasabay ang pagpikit ng mga mata ko panandalian. Hindi ko alam kung bakit ganito na lamang ang tindi ng kaba ko gayung wala naman dapat siguro akong ipag-alala. Sasagot lang naman ako sa mga katanungang ibabato sa akin.
"Kinakabahan ka?" Rinig ko na siyang bumasag sa kung ano anumang nasa isip ko ngayon.
"Ahm--may-may problema ho ba, may-may nagawa ho ba akong mali?" Tanong ko sa kaniya na sa loob loob ko gusto ko ng magpahigop sa lupa. Kahit naman kasi tanging liwanag ng ilaw lamang ang tumatama sa kinatatayuan naming dalawa ramdam ko ang talas ng mga titig nito sa akin.
"Sino ang babaeng nasa larawan?" Biglaang tanong nito na dahilan para mapaginhawa ang utak ko mula sa pagkakasakal ng mga negative thoughts at sa katanungang iyon, walang duda at nakita na nga niya talaga ang larawan. Saka niya iniabot ang wallet sa akin na kaagad ko namang hinawakan ng mahigpit.
"Uhm-siya-siya po--siya po ang asawa ko." Mabilis kong sagot na tila ba nahagip ng mga mata ko ang biglaang pag-kunot ng noo niya.
"Asawa?" Aniya nito na may pagdududa pa sa mga binitawang sagot ko. Napalunok naman ako bago ako mapasagot.
"Kamukhang-kamukha po ng apo niyo, hindi po ba? Ikinagulat ko din po ng makita siya dito. A-akala ko namamalikmata lang ako o di kaya--akala ko siya iyong asawa ko-pe-pero napakaimposibleng maging siya dahil kamamatay lang din niya" Napaangat ang tingin ko sa kaniya na tila ba naghihintay ng susunod nitong sasabihin o reaksyon. Ilang minutong tanging ihip ng hangin at huni ng mga hayop sa paligid namin ay sa wakas nagsalita ito.
"Kelan mo planong bumalik ng Maynila?" Tanong niya na napapatango saka ako muling tinapunan ng seryosong tingin.
"P-po?" Nabiglang sagot ko sa kaniya saka ako napalunok.
"Nakita na ba ni Summer ang larawang iyon? Alam niya na bang may kamukha siya?" Tanong nito sa madiin na boses.
"Hin-hindi po, tsaka baka nga ho matuwa po iyon kapag nalaman niyang may kamukha pa lang siyang Manila gi--"
"Hindi sa gusto na kitang paalisin dito, pero--gusto ko sanang makiusap sa iyo na kung maaari ay bumalik ka na lamang sa Maynila sa susunod na linggo." Aniya nito sa malamig at sa madiing tono ng boses sabay talikod sa akin. Habang ako ay halos ilang segundo muna bago ko maintindihan ang mga binitawan niyang salita.
"Ho-pe-pero bakit naman po? May nagawa ho ba akong hindi niyo nagustuhan o ano pa man? Lola--" Sambit ko na hindi ko na natapos pa ng lingunin niya ako.
"Huwag kang mag-alala, wala kang nagawang masama. Gusto ko lang na maging ligtas ka din lalo na ngayon at may hindi magandang pagkakaitindihan ng pamilya ko sa pamilya ng mapapangasawa niya. Napag-isip isip ko ding hindi magandang ideya na ang apo ko ay nakakahalubilo ang mga lalaki sa loob ng bahay ko. Hindi maganda tingnan."
"Pero-pero lola, umpisa pa lang naman po okay na po sa inyo na ganito po set up, na kasama niyo po kami ng kaibigan ko sa iisang bahay. Kung iniisip niyo hong may plano po akong pumagitna sa dalawa wag po kayong mag-alala wala pong pumapasok sa utak ko. Unang-unan nirerespeto ko po kayo mula sa kabutihang ipinapakita niyo po sa akin, sa amin, sa ganda ng pakikitungo niyo po at pang-huli ay ang asawa ko. Mahal na mahal ko po ang asawa ko at wala po sa isip ko na ibaling iyon sa taong kamukha niya lang po o manira ng hindi naman dapat pasukin at siraing desisyon. Hindi po ako mamamagitan sa kania, kung dahil po sa sinabi ko sa inyo kanina--wala po iyon sa akin, naawa lang po ako sa apo niyo. Yun lang po at wala na pong iba pa o higit pa po dun na intensyon ko." Halos malagot ang hininga ko sa tuloy tuloy kong pagsasalita.
"Hindi mo ako naiintindihan. Sana, ireaspeto mo din kung anong desisyon ko ngayon." Sagot nito sa akin sabay muling talikod sa akin at marahang humakbang papalayo, paakyat sa hagdanan.
"Anong ginawa ko?" Bagsak ang balikat kong bulong sa sarili ko. Hindi ko maintindihan, kung wala akong nagawa--bakit biglaan naman. Mas naramdaman ko ang lalong pagbigat ng mga paa ko, napahilamos pa ang dalawang kamay ko sa mukha ko kasabay ang pagbuga sa hangin.
Napabagsak ako ng higa sa kama pagkapasok ko sa kwarto napangiwi pa ako ng maramdaman ko ang pagtama ng masama ng likudan ko sa matigas na higaang iyon. Nalimutan ko yatang hindi literal na kama ito kundi papag. Napapikit ako sa sakit habang iyong kasama ko naman ay di naman maiwasang mang-inis kasabay ng pang-usisa nitong tukmol.
"Oy pre lambot nung buto mo ah? Masarap ba sa feeling? Hahaha!" Aniya nito na agaran ko namang tinapunan ng masamang tingin dahilan para mapatigil ito sa kalokohan saka tumabi sa akin ng pagkakahiga.
" Ano daw sabi? Magandang balita o masama?" Tanong nito sa akin habang pareho kaming nakatingin sa kisame.
"Ano sa tingin mo?" Tanong niya sa akin.
"Oy Alex, wala akong dugong manghuhula huh."
"Sa tingin ko kailangan na nating mag-umpisang mag-impake."
"Ano--aaaray ko po!" Kasabay ng reaksyon niya ang masamang pagbagsak niya mula maliit na papag sa baba.
"Hoy, pinagsasasabi mo. Mababalian pa ako ng spinal cord nito eh." Aniya nito.
"Mukha ba akong nagloloko?"
"Huh? Literal? Sinabi niya iyan sa iyo? Pero bakit? May ninakaw ka ba dito?" Sambit nito na ikinakunot noo ko kaagad, baliw talag ito.
"Gusto mo ba ikaw na mauna sa kulungan dahil sa tamang hinala mo?" Tanong ko sa kaniya saka ako napabangon.
"Eh lintik kasi pabitin ka naman egh. Bakit ba kasi? Anong ginaw zmo bakit---nako teka, hindi kaya nagalit siya sa sinabi mo kanina? Sa eksenang ginawa mo kanina sa harapan ng pamilya ng bayong na iyon."
"Asyong--kung ano ano na namang iniimbento mong pangalan." Pagtatama ko sa kaniya saka muling napahilamos ang mga kamay ko sa mukha ko.
"Eh, wala kong paki, mapabayong, asyong o tahong pa man iyan. Gusto ko malaman kung bakit nga kasi?"
"Hindi ko din alam."
"Anong di mo alam? Dapat meron. Tsaka bakit biglaan naman, like 6 months ka pa mag-stay dito pero wala ka pang isang buwan papatapon ka na. Nako--delikado ka na."
"Pinagsasasabi mo." Saka ako tumayo at kinuha ang bag pack ko na kaagad naman niya inagaw.
"Oy teka lang, kakausapin ko muna si lola baka naman may paraan pa. Di pwede iyon aalis ka ng di mo alam ang naturang dahilan."
"Respituhin na lang natin ang desisyon niya. Marahil may mas malalim siyang dahilan."
"Malalim? Gaano kalalim naman. Eh alam naman ni lola kung gaano mo talaga kagusto makatulong sa mga bata di ba? Tsaka saan nagsimula, anong napansin mo bakit biglaang ganun na lang? Eh tanda ko okay pa naman tayo kanina pwera na lang kung may tinatago siya ng makita niya ang larawan na nasa wallet mo kani-kanina lang." Aniya nito na napapakamot sa ulo habang pabalik balik ng hakbang sa harapan ko. Agad namang napaangat ang ulo ko sa kaniya na ikinahinto niya ng titigan ko siya.
"Teka lang huh, masama ang kutob ko. Hindi kaya may kinalaman talaga ito sa pagkatao ng apo niya?" Tanong nito sa akin na sinadya pang ibulong sa tenga ko dahilan para batukan ko siya.
"Ayan na epekto kakanuod mo ng maraming nobela. Pati pag-iisip mo malubhang naapektuhan." Saad ko saka ako napahiga, pero sa totoo lang sa tingin ko may punto ang mokong kong kaibigan. Ngunit kung tama nga, anong meron? Bakit--bakit niya pinipilit na itago? May dapat nga bang itago kay Summer tungkol sa pagkatao niya? O baka naman nagkakamali lang talaga kami at puro hinala lang. O baka iniisip niyang may tyansang masira ang mga plano niya sa apo niya dahil sa akin, dahil sa nakita niyang larawan sa wallet ko na may pagkakamukha ang asawa ko sa apo niya. Napabuga ako sa hangin saka napatingin sa malayo kasabay ng pagtagilid ko ng higa. Habang ang kasama ko ay parang mala detective kung magsalita na sa totoo lang ay hindi ko na di maintindihan.