ISANG makapigil hininga sa pagkamangha ang dalawang kasama ni Summer ngt marating nila ang lugar na ipinagmamayabang sa kanila ni Summer. Sa mahigit tatlong oras na paglalakad sa wakas masasabing hindi ito nakakapanghinayang pag-aksayahan ng oras at pagpaguran marating lang ito.
"Anong lugar ito?" Tanong nitong si Forrest.
"Magical Forrest" Mabilis na sagot ni Summer na nakatingin sa dalawa habang nakangiti.
"Magical Forrest?" Sabay na napasalita ang dalawa. Napatango naman ng tatlong beses si Summer sabay ngiti ulit at napatingin sa baba kung saan matatanaw ang napakalinaw na kulay berdeng batis. Kasalukuyan silang napapaligiran ng mga naglalakihan, nagtataasan at mauugat na puno na kung sisiyasatin ay halos limang daang taon na kung mamuhay sa gubat na iyon. Para silang nasa loob ng isang mahiwagang aklat na kung saan wala silang maririnig kung hindi ang mapang-akit na mga huni ng ibon, masarap na simoy ng hangin, kakaiba din ang bawat hugis ng mga dahon ng bawat halamang kanilang natatanaw, maging ang mga bulaklak ay talagang sa gubat lamang makikita nito.
Napansin ng dalawa bigla ang pinakamalaki sa lahat ng puno kung saan ilang metro lang ang layo sa kanilang kinatatayuan.
"A-ano iyan?" Napapangiwing kalabit nitong si Forrest kay Alex sabay duro sa kinatatayuang direksyon ng puno. Napalingon din si Alex sabay siko kay Forrest.
"Yang mata mo talaga di maiiwasan di makapansin." Bulong nito sa kaibigan na tiningnan lang siya saka nginitian.Napabaling naman sila ng tingin kay Summer na mabilis humakbang papalapit sa puno saka ngumiti.
"Kunan mo ko dali." Biglang saad nito.
"A-huh?" Napatanong bigla si Alex, agaran naman siyang tinapik nitong si Forrest.
"Picturan mo daw." Napapangising saad nito. Napalunok naman itong si Alex, sa isip isip nito ay mukhang ngayon lang eto makukuhanan ng larawan at talagang ginawa pa siyang photographer at mismong camera pa nila ng asawa niya ang gagamitimn. Napabuga siya sa hangin.
"Pagbigyan mo na, isipin mo na lang asawa mo ang nakapwesto dun." Aniya nitong si Forrest sabay kindat nito sa kaibigan. Wala namang nagawa itong si Alex kundi ang mapailing saka inihanda na ang camera.
"Summer, gandahan mo ang ngiti mo huh? Once in a blue moon lang yang si Alex kumuha ng litrato sa tao." Ani nitong si Forrest na agad namang naintindihan nitong si Summer.
Akmang icliclick na nitong si Alex ng biglang--napatigil siya. Titig na titig siya sa mga ngiti ni Summer hanggang sa tuluyan niya ng makita ang asawa niya na naman kay Summer.
Napakunot noo naman itong si Forrest ng mapansin niyang hindi pa din nito nakukunan ng litrato si Summer na noon ay halata namang nangangalay na sa kakangiti. Kaya naman to the resque itong lumapit sa kaibigan saka mabilis na tinapik ang likod at inagaw ang camera.
"Ako na." Sambit ni Forrest sa kaibigan saka pinausog ito.
"Ako na kukuha sa iyo, nakalimutan kong sabihin sa iyo siya pinakapangit kumuha ng picture." Pagpapalusot ni Forrest na hindi naman pinansin ni Summer dahil bukod tanging kagustuhan lang nito ay makuhanan siya ng picture saka niya hihingiin ito sa dayo at ilalagay niya sa kwarto niya. Yun yata magiging kauna-unahan niyang larawan simula pagkabata.
"Oh ayan, tapos na. Ginandahan ko huh!" Pagmamalaki pa nitong saad habang pinapakita kay Summer ang kuhang larawan nito.
"Wow, ang ganda ko naman diyan." Napapangiting parang bata itong si Summer na hindi maiwasang mapahanga sa kuha nito sa kaniya.
"Syempre magaling at guwapo ang kumuha eh. Di ba pre?" Aniya nitong si Forrest saka ipinakita nito kay Alex ang larawan na agad namang iniwasan nitong tingnan, humakbang ito palayo at palusot na tumingin sa puno sabay tanong kay Summer.
"Bakit ang daming pulang tali?" Tanong nito.
"Oo nga nuh? Para saan ang tali? Para ba kapag may magbibigti?" Napapaisip ding tanong nitong si Forrest ng mapansin ang mga nakatali sa punong kulay pulang tela. Napangiti namang hinawakan nitong si Summer ang nasa pinakaibabang sanga na nakataling tela.
"Ang punong eto ay tinatawag ng mga tao dito na puno ng pag-ibig."
"Puno ng pag-ibig?" Naibulalas nitong si Alex.
"B-bakit naman tinawag itong puno ng pag-ibig? Hahaha!" Natatawang sambit nitong si Forrest.
"Sabi nila noong panahon pa ng mga ninuno ng mga taong naninirahan dito may dalawa daw na magkababatang madalas magpunta dito na nasa edad sampu. Hanggang sa isang araw kinakailangang magpaalam ng lalaki dahil sa Maynila na daw ito mag-aaral. Kaya naman nangako ang lalaki na babalik eto sa araw ng ika dalawamput limang kaarawan ng babae para siya ang piliin nitong makasama habang-buhay sa mismong punong iyon, at bilang tanda ng pangako nilang dalawa, nagtali sila ng pulang tela sa punong ito para pagdating ng araw na iyon hindi maligaw ang lalaki sa kung saang puno dapat sila magkita. Pano kita niyo namang napakarami ng puno diba? Hahaha." Napapangising sambit ni Summer.
"Tapos?" Nabiting tanong ni Forrest habang si Alex ay tahimik ding naghihintay ng karugtong sa kwento. Napangiti sabay buga sa hanging napa-upo sa damuhan itong si Summer at sumenyas sa dalawa na maupo din sa tabi niya.
Nagkatinginan naman ang dalawa saka napasunod na lang kay Summer. Pagkaupo nila napasandal sa puno si Summer sabay tingin sa kalangitan.
"Oy, ano na nangyari? Nagkita ba ulit sila?" Tanong ni Forrest.
"Hindi sumipot noong araw ng kaarawan ni babae ang lalaki, inisip na babae na baka nakalimutan na siya. Ganun pa man di siya huminto, naisipan niya baka abala lang ito at talagang babalikan siya nito para tuparin ang pangako. Umaasa siyang hindi siya nito kakalimutan kaya t'wing nagdidiwang siya ng kaarawan niya, nagtatali din siya ng pulang tela sa punong ito hanggang sa dumating ang ikatatlumpong kaarawan niya. Paalis na daw sana ito para magtali ulit dito sa puno ng biglang may dumating sa kanila at hinahanap siya."
"Yung lalaki na ang dumating?" Biglang sambit nitong si Alex na ikinatigil ni Summer at ni Forrest na magtatanong pa lang din sana. Napalunok si Alex ng mapansin niyang nakatitig na ang dalawa sa kanila sabay siko kay Forrest.
"Ay kabit--este sakit--ang sakit." Napataas ang boses nitong si Alex.
"Huh--?" Naibuka ng bibig ni Summer.
"Ah--w-wala, sabi ko sinong dumating?"
"Yung--yung kaibigan ng lalaki. Bitbit nito ang diary nito at malungkot na ibinalitang namatay pala ito sa isang aksidente noong papunta sa babae noong araw ng ika-dalawampung taon nito. Naaksidente ito dahil sa lakas ng buhos ng ulan. Mabuti na lamang at may diary na nahanap ang pamilya nito at sa tinagal tagal na panahon natuntun na nito ang babae. Ibinigay nito ang diary ng lalaki sa babae. Magmula noon sa t'wing kaarawan ng babaeng iyon palagi siyang nagpupunta dito iniisip niya na nakakasama niya ang lalaking iyon sa t'wing nagtatali siya ng pulang tela."
"Ay--ang bad naman ng ending. Di ba nabuhay?" Tanong ni Forrest.
"Sira ka ba, ano ka pusa?" Singhal nitong si Summer.
"Eh, namatay naman pala bakit pa tinawag na puno ng pag-ibig huh?"
"Patapusin mo muna kasi ako sa pagkwekwento hane?" Pagtataray na nitong si Summer habang si Alex bigla siyang nakaramdam ng lungkot sa narinig. Ramdam niya ang sakit na naramdaman marahil noong babae kung sakali mang totoo ang mga haka haka patungkol sa kwento sa punong kanilang kinapwe-pwestuhan.
"Oh wag kasi pabitin." Saad nitong si Forrest.
"Ganito kasi iyon, kalaunan madami sa mga nagkakatuluyan sa baryo, bayan o kalapit ng bayan o kahit mga turista na nais magawi dito at nagtatali nitong pulang tela ay nagkakatuluyan. Kuha mo? So lahat ng magkasintahang nagpupunta dito o humihiling ng kasintahan o kagaanan ng loob ey natutupad daw. At naniniwala silang kagagawan ito ng dalawang taong iyon na paniguradong magkasama na sa mga oras na ito at tumutulong na tuparin ang bawat hiling ng mga taong nagmamahal at nais magmahal. Ganun. Okay na ba?" Aniya ni Summer saka biglang napahiga sa damuhan dahilan para mapatingin sa itaas ng puno at mapapikit sabay ngiti.
"Kaya siguro madalas din ako magpunta dito dahil umaasa din ako na pagdating ng araw ituro sa akin ang taong para sa akin." Ngiting-ngiti nitong saad habang nakapikit at walang pakialam kung may nagbabagsakan mang mga dahon sa katawan niya. Hindi naman din nagpahuli itong si Forrest at ginaya niya ang ginawa nitong paghiga sa damuhan ni Summer.
"Paano ba iyan, si Asyong daw ang kapalaran mo hahaha!"
"Gusto mo bang ibalibag kita sa puno? Sabihin mo lang papatulan kita." Aniya nitong si Summer na nawala ang mga ngiti na tiningnan noon ang katabing si Forrest na kay lapad lapad ng tingin.
"Oy-biro lang hahaha! Kahit ako pag naging babae ako kahit pa ako na pinakapangit sa mundo matututo akong mag-inarte pag iyong lalaki ang iharap ko sa altar." Natatawang sambit nito sabay tingin kay Summer na noon ay napapangiti na nakapikit na. Sa pagkakataong iyon, kahit si Forrest hindi maitanggi ang laking pagkakamukha ng kaibigang si Serene at ng babaeng probinsyanang katabi niya.
"Para namang nag-slowmo ang buong paligid nitong si Alex ng mapabaling ang tingin kay Summer. Maging ang mga ngiti ay tila isang replika nga ni Serene, kung hindi mismo nasaksihan ng dalawa niyang mga mata iisipin niya talagang si Serene ito. Kaso hindi, maging ang pananalita din nito kapareho ni Serene, mabilis mapikon. Ang pinagkaiba lang nila ni Serene ay kung paano dalhin ang mood sa t'wing masisira ang araw. Si Serene pag-nasira ang araw buong linggo na iyon bad mood at napahirap pangitiin--in short ang mahal ng ngiti noon, samantalang ang babaeng ito kahit nasa pinakamahirap na sitwasyon na ay nagagawa pa ding ngumiti ng kasing lapad ng kalangitan.
Habang tumatagal siya sa puder ng mag-lola, mas lalo lang din niyang nararamdaman na kasama niya si Serene na hindi siya iniwan dahil kay Summer. Ngunit alam niyang mali iyon, ang ipagpatuloy ang nakaraang dapat ng kalimutan.
Habang tinititigan niya si Summer, di naman mapigilang mapasulyap nitong si Forrest sa kaniya na napapangiti kaya naman marahan itong bumangon sabay tabi kay Alex.
"Ops, pinapaalalahanan lang kita. Magkaibang tao sila. Hindi siya si Serene para titigan mo ng ganyan. Wag mong ibaon sa isip mo ang nakaraan mo habang nakatingin kay Summer. Wag mong ikulong ang sarili mo sa nakaraan pre. Dahil magkaiba sila ng personalidad. Wag kang gumawa ng ikakasakit pa lalo at ikakaasa ng puso mo. Higit sa lahat, wag mong idamay ang taong hindi naging parte ng nakaraan mo. Hay nako! Kung alam ko lang na sa ganito lang din pala babagsak, na sa mas malalim pa sa bangin ang kababagsakan mo ey di na lang kita inaya dito. Malay ko bang imbes na makalimot ka eh siya namang araw-araw mo palang maaalala ang asawa mo. Tsk! Pero seryoso, naiintindihan naman kita kung gaano kahirap dahil kahit ako malapit ko na din tawaging Serene iyang babaeng iyan sa amoy lang sila nagkakaiba na lang yata eh. Si Serene amoy classy, elegante at sosyal. Eto---ewan ko na lang-mabango naman pero amoy 90's ba.." Napapailing bulong nitong si Forrest na napapakamot pa sa ulong nagpapalipat lipat ng tingin sa kanila ni Summer.