Kabanata 51

1723 Words
       HALOS ilang minutong walang gumagalaw sa kanilang tatlo sa kinatatayuan nila, habang si Summer ay napapailing habang titig na titig sa larawan. Ilang saglit pa ay bigla na lang napahagikhik itong si Summer dahilan para ikakunot noo naman ng dalawang nagkatinginan. "Anong--anong--anong meron?" Aniya nitong si Forrest na napapakamot sa ulo. "M-may-may nakakatawa ba?" Tanong nitong si Forrest. Mabilis namang iniabot nitong si Summer ang camera kay Forrest. "Kunan mo kami ng picture." Mando nito kay Forrest na muling nagtatakang napatingin sa kaibigan nitong si Alex na walang ka ide-ideya sa mga nangyayari na sa harapan niya. Taliwas sa iniisip o inaakala nilang dalawa ni Forrest na magiging reaksyon nitong si Summer. "A-h--eh--" Napapabigkas na sambit ni Forrest sa hindi malaman kung anong salita ang mailalabas niya. Napalunok si Alex ng biglang dumikit sa tabi niya si Summer sabay hilig ng ulo na tila ba nagpapakyut. "Sige na kuhanan mo na kami." Aniya nitong si Summer na ngiting-ngiti. Halos hindi naman maipinta ang pagmumukha ni Alex bilang reaksyon sa biglaang ginawa ng babae, napalunok siya. Bahagya sana siyang didistansya ng bigla namang hinawakan nito ang braso niya. "Bilis na picture na. Ngumiti ka na. Minsan lang tu." Saad nitong si Summer saka napatingin kay Alex na nakatingin sa kaniya-tingin ng pagtataka. Di namang mapigilan bigla nitong si Forrest makaramdam ng kilig sa harapan ng dalawa. Pakiramdam niya nakikita ulit niya si Serene na madalas mangulit noon kay Alex na magpapicture kapag may nakikitang magandang view-at syempre sya photographer dahil siya lang naman ang no permanent girlfriend noong mga panahong iyon. "1-2-3 say me!" Sambit nitong si Forrest saka sunod sunod na kinuhanan ng shots. "Ayun! Thank you." Ngiting kinuha nitong si Summer agad ang camera kay Forrest na may pagtataka man ay mas lamang pa din ang kilig na nararamdaman niya ng lumapit ito kay Alex saka ipinakita ang larawan. "Ayan! Nagpicture na tayo. Pinagbigyan na kita kaya please lang. Pakibura noong picture na nakita ko. Nagmumukha akong maganda doon masyado at sosyalin." Sambit nitong si Summer dahilan para tuluyang mapahaglpak itong si Forrest ng tawa. "Ano?" Nakasimangot na reaksyong saad nitong si Alex sa mga anrinig kay Summer. "Oh--eh bakit? Hindi ba? Alam mo di mo ko mauuto sa ganyan, kahit noong umpisa di ko alam na camera iyan. Kasi itong si Mau madalas nagkwekwento sa akin iyon noon na karamihan sa mga taga syudad mapagpanggap--nag eedit ng picture para mag-mukhang gwapo, maganda, sosyalin o ano pa man. Kaya ayan, kesa doon sa naka edit na picture na nakita ko, paki bura. Di mukhang natural na ako iyon. Tsaka, hindi sa hindi kita type. Medyo nagets ko na kung bakit din pumayag ka noon na maging boyfriend boyfriend ko kahit ilang oras lang kasi may lihim ka pa lang pagtingin sa akin huh? Ikaw huh! Hahaha! Sorry huh, pero--gwapo ka naman, mayaman--pero kasi everytime na nakikita ko ikaw pakiramdam ko may kulang pa din sa hindi ko maipaliwanag. Lungkot ng mata mo eh--yun bang pag nadikit ako sa iyo o pag nakasama kita tingin ko mahahawaan ako ng ganyang awrahan." Napapailing itong si Summer na tinapik tapik ang braso nitong si Alex. "Wag kang mag-alala, ginaya ko naman na iyong posing ko dun sa isang picture. Pabura huh? Next time mag-sabi ka lang dadamihan natin ang pictures." Aniya ni Summer na napapangiti kay Alex. Ang kaninang bilis ng kabog ng puso ni Alex sa sobrang pag-aalala kung sa papaano niya maipapaliwanag kay Summer kapag tinanong siya kung sinong babae iyon ay siya ng kabaliktaran. Pakiramdam niya tumigil ang t***k ng puso niya sa pagkainis sa mga narinig mula kay Summer lalo pa at naririnig niya din ang hagikhik nitong kaibigan niya na tila ba nang-iinis pa. Ngunit, isang malaking kaginhawaan na din iyon sa kaniya na ganun na lang din ang kinalabasan dahil kahit siya di niya alam kung sa papaano niya maipapaliwanag kung saka sakali man. Tanging papalayong bulto nitong si Summer na lamang ang pinagtuonan niya ng pansin saka napapailing. Napatapik naman itong si Forrest sa balikat niya na natatawa pa. "Ayos ah! Buti na lang kahit papaano minsan loading si binibining Summer, di ko akalaing malaki pala pagkagusto mo sa kaniya para mag-edit haha---opss! Serene oh!." May pang-aasar ang tono nito na akmang sisipain sana nitong si Alex ang kaibigan eh mabilis na napapikit sabay bigkas sa pangalan ng asawa niya. Palibhasa, daeg nilang dalawa ang pagiging isang magkapatid sa sobrang close, paano parehong maloko itong si Forrest at Serene na siyang madalas mapagkasunduang pagtripan itong si Alex. "Oy! Hahahaha!" "Isa pa makikita mong tatalbog yang ngala-ngala mo." Inis nitong si Alex na saad sa kaibigan sabay siko dito at naglakad para sundan itong si Summer. "Psh! Nakita mo Serene ginawa ng asawa mo sa akin." May pagsusumbong nitong saad na sinigurado pang maririnig nitong si Alex. Napatigil naman sa paghakbang itong si Alex saka nilingon ang kaibigan. "Wag kang tatakbo pag-biglang may sumagot sa likod mo huh?" May pananakot nitong tono sabay ngisi ng nakakatakot at humakbang ng mabilis.  Agaran namang napalingon itog si Forrest ng makaramdam ng takot sabay takbo. "Sandali, hintay--joke lang iyon." Ani ni Forrest na nagtatatakbo.        SAMANTALA ikinagulat naman ng matanda ng marinig siyang sunod sunod na kalabog mula sa labas nito. Kaya naman mabilis siyang tumayo mula sa kinauupuan sa kusina at humakbang para mapasilip sa labas. Ikinalaki ng mga mata niya ng matanaw si Asyong kasama ang mga alipores nito-limang kalalakihan na kung hindi siya nagkakamali ay kasing edad niya din. "Summer! Labas!" "Asyong--anong ginagawa mo?" Tanong ng matanda na napababa sa hagdanan, agad naman niyang napansin ang mga bitbit ng kasama nito. "Kailangan mo pa bang itanong iyan? Nakikita mo naman di ba? Sisirain ko lahat ng gamit na haharang sa paningin ko hanggang sa ikaw mismo pumayag na kaladkarin ang apo mo bukas na bukas para sa kasal namin sa hapon." Galit na galit na sambit nito. "Summer, nasaan ka. Labas kung ayaw mong mawalan ng tirahan ngayon din." Pagsisisigaw nitong sambit. Napapikit naman ang matanda, ayaw niyang magalit ng sobra dahil alam niyang ikakasama ng kalusugan niya iyon. Kaya naman isang buntong hininga ang pinakawalan niya saka niya tiningnan si Asyong. "Alam mo ba kung hindi mo ginawa iyon kagabi sa apo ko malamang, ako pa mismo maghahatid sa altar sa kaniya. Kaya lang--yang ugali mo hijo bastos na nga kinakalawang pa. Hindi ako papayag na ang apo ko ay mapupunta lang sa tulad mo? Hindi ako papayag. Umuwi ka na bago pa ko magalit. "Walang uuwi. Sirain lahat ng makita niyo hanggat hindi lumalabas si Summer." Sigaw nito na parang wala ng naririnig sa tindi ng galit. Akmang sisirain na sana ang bakod nito at hagdanan ng mga kalalakihan ng biglang napasigaw ang matanda. "Wala si Summer. At-at kung gagawin mo iyan mas lalo ka niyang hindi pakakasalan."  Nanlalaki ang butas ng ilong ni Asyong na hinarap ang matanda saka napangiti ng may mapagtanto sa paligid. "Oh! Tahimik--ibig sabihin ba nito kasama na naman ng dayo ang mahal ko? Ayos ah! Hahaha! Bukas-bukas babalik ako dito. Sa ayaw at sa gusto niyo sasama siya sa akin, wala akong pakialam sa kung anong posibleng mangyari. At kapag ipinagpilitan niyo pa ang gusto niyo, di lang bahay ang mawawala sa inyo--at alam mo kung ano iyon." Halos manlisik ang mga mata nitong nakatitig sa matanda sa pagbibigay babala nito. "Tinatakot mo ba ako? Para sabihin ko sa iyo, matanda na ako para takutin ng katulad mo lang. Wag kang magkakamali dahil kayang kaya ko ng doble pa sa gusto mong gawin." "Hmm--tingnan natin kung sinong mananalo sa patigasan. Bukas ng alas otso babalikan ko kayo. At kung inaakala mong maililigtas kayo sa kahirapan ng dayong kasama niyo, wag kayong umasa. Dahil kahit kailan ang langit at lupa ay hindi nagpantay, hindi sila bagay. At kung iniisip mong sa kabila ng kabutihan mo ay maipagtatanggol kayo ng dayong iyon? Nagkakamali ka dahil baka isang kamao ko pa lang nasa langit na siya agad. " Duro nitong pagmamayabang na wika na agaran namang tinapik ng matanda ang kamay nito na nasa harapan ng mukha niya. Sa mga oras na iyon, mas nakakatakot ang lalaking kaharap niya na taliwas sa Asyong na inaakala niyang isang tahimik, mabait at masunuring anak ng kaniyang kaibigan na ninais niyang makasama ng kaniyang apo dahil sa pakiramdam niya magiging kampante na siya. Ngunit isang malaking ekis pala ito sa buhay nila. "Tayo na!" Aniya nito sa mga alipores sabay talikod. Napahilot naman ang matanda sa dibdib nito sa sobrang panghihina at sa naramdaman nito. "Ako ang nagsimula nito sa apo ko kaya ako ang haharap pa din sa iyo bukas." Bulong nito saka napatingin sa paligid nito na makalat. Mahigpit siyang napakapit sa tungkod saka dahan dahang humakbang papaakyat sa hagdanan patungo sa kwarto niya saka niya kinuha nag gamot niya na nakatago sa sulok at ininom. Ilang saglit pa ay lumabas din ng kwarto papuntang balkonahe para makapag-isip isip siya ng pwedeng maging paraan para hindi manatili bukas ang kaniyang apo at hindi maabutan maske na ang anino ng lalaking iyon. Mabuti nga at wala ang apo niya ngayon dahil kung hindi mas malaking sakit ng ulo ang aabutin niya. Kilala niya ang apo niya kahit gaano kalambot at kainosente ng puso nun pag si Asyong ang kaharap nag-iiba itsura nun dahil siguro mismo sa ayaw niya nga talaga dito simula pagkaba na ngayon lang naintindihan ng matanda. Isang malakas na buga sa hangin ang pinakawalan ng matanda saka napatingin sa kabuuan ng bahay. Na tila ba makikita sa mga mata ang lungkot at panghihinayang. Alam niyang isa sa mga araw na ito ay posible silang mawalan ng bahay dahil sa nangyari.  "Anong gagawin ko? Pakiramdam ko, paikli ng paikli ang buhay ko--padami naman ng padami ang isipin ko para sa kinabukasan ng apo ko. Ang bahay na ito ang pinakamahalagang bagay sa buuhuay ko, dahil dito nagsimula ang buhay naming dalawa ni Summer. Dito lahat at mawawala na lang ng parang bula dahil sa kapabayaan ko." Napapangiting mapait na bulong ng matanda saka napatingin sa kalangitan. "Bakit pakiramdam ko, paikli ng paikli ang buhay ko pero palala ng palala naman ang magiging sitwasyong ng apo ko? Tulungan niyo po sana ako hindi po matatahimik ang buhay ko kung mas mahirap pa sa daga ang magiging buhay ng apo ko. Juskopo!" Bulong nitong hiling habang nakapikit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD