Kabanata 53

1724 Words
         HABANG nagpapahinga silang tatlo, bigla namang nabaling ang atensyon nitong si Alex ng marinig niya si Summer na nagha-hum sa isang pamilyar para sa kaniyang tono. Napapakunot noo siya habang iniisip kung narinig niya na nga ba talaga ang himig na iyon, o kung narinig man niya--saan, paano, at kailan niya naman narinig iyon. Hindi niya na malaman o maintindihan ang sarili niya bukod sa kamukhang kamukha ng namayapa niya pang asawa eh--sa pagkakataon namang iyon na narinig niya ang himig ay tila ba narinig niya na din noon. Sigurado siyang sa matagal na panahon niya ng narinig iyon at sigurado din siyang hindi niya naririnig pa iyong himig na iyon kay Serene. Pero bakit pamilyar naman ito sa kaniya kung wala naman koneksyon ni Serene. Litong-lito na siya sa babaeng iyon sa totoo lang sa dami ng pinakikita nito sa kaniya. Nahimasmasan naman siya mula sa pagkakabaon sa malalim na pag-iispi ng bigla siyang tapikin nitong si Forrest. "Bilib din ako sa babaeng iyan. Kahit problemado na sa buhay nagagawa pang maghumming ng sariling kanta." Napapailing na saad nitong si Forrest na tiningnan naman niya. "Narinig mo na ba iyan noon?" Tanong nitong si Alex na nakakunot noo. "Huh? Saan ko naman maririnig ang ganung klaseng himig? Bakit pamilyar ba sa iyo? Narinig mo din ba iyan kay Serene?" Mahinang saad nitong si Forrest sa kaniya, na agaran naman niyang ikinailing. "No-its just--parang narinig ko na somewhere di ko lang tanda kung kelan iyon." sagot ni Alex. "Weeh? Baka naman masyado mo ng nakikita si Serene sa kaniya kaya ganun na lang na lahat ng nasa nakaraan niyo ng asawa mo ay kinokonekta mo sa kani---" "Hindi--hindi ako nagkakamali. Sa pagkakataong ito-walang kinalaman si Serene, basta alam ko at ramdam ko na narinig ko na nag himig na iyon." Bigla namang napailing ang kaibigang si Forrest habang awang-awa na nakatitig sa kaibigan. |"Tsk! Tsk! Tsk! Kasalanan ko ito, hinayaan kita dito ayan tuloy di ko na malaman kung tuluyan na nga bang nasapian ng ibang nilalang iyang katawan mo o nagpatianod na iyang kaluluwa mo sa kawalan. O'siya, mukhang kinakailangan na talaga kitang isuli sa mommy mo. Malalagot pa ako pag-tuluyan kang nawala sa pag-iisip mo." Sambit nitong si Forrest na napapailing habang napapatapik sa likuran nitong si Forrest. "Ewan ko sa iyo." Sagot ni Alex. "Siya nga pala, sa bayan muna tayo huh-after ng pyesta saka na tayo bumalik ng Maynila. Madaming Maria Clara magsisilitawan lalo na sa sayawan sa gabi. Malay mo matauhan ka na pag nakita mo na Maria Clara mo." Nangingising wika nito kay Alex. "Wag mo nga ko damay sa kalokohan mo." Wika nitong si Alex na napasimangot at tumayong sabay pagpag sa pwetan nito. Napadilat at napatigil namans a paghumming si Summer saka nilingon ang dalawa. "Gusto niyo bang manghuli ng isda?" "Isda? Saan sa batis?" Natatawang sagot ni Forrest. Napangiwi naman si Summer na tumayo. "Bakit batis lang ba nakikita mo huh? Nakikita mo ba iyon? Iyong dulo nito? Tanaw mo ba? Dalampasigan iyon. Kala mo huh?" Napapaili sabay pagtataray nitong tiningnan si Forrest. "Eh ang layo nun--" "Pero gutom ka na?" Tanong ni Summer na bahagya namang nagdalawang isip pa itong si Forrest sa pagtango. "Hay nako, wag kang magpanggap ramdam ko gyera diyan sa loob ng tyan mo. Tara na." Saad nitong si Summer saka umikot papunta sa likod saka sila tinulak ng nakangiti napapailing namang tiningnan lang ni Alex si Summer. "Wag mo ko titigan, alam ko gusto mo ko?" May pang-iinis na saad ni Summer kay Alex na lalong kinalukot ng mukha nito.      SAMANTALA habang nagsasaya ang tatlo sa panghuhuli ng isda, hindi naman mapakali si Asyong sa bahay nila. Panay ang lakad nito habang nag-iisip. "Anak, ano ba at kanina ka pa riyan pabalik-balik? Kanina pa nahihilo ang mga manok sa iyo." Saway ng ina nito. "Hindi talaga ako papayag na walang kasalang magaganap. Kay tagal kong pinakahihintay na mangyari ang araw na iyon tapos gani-ganito na lang. Hindi pwede." Napapailing saad ni Asyong. "Ay ano pa nga bang magagawa natin, maske ang matanda umayaw na din dahil sa ginawa mo. Kung hindi mo sana binastos noon si Summer o pinagsalitaan ng ganun eh di sana--" "Inang, sino ho ba anak niyo? Ako o si Summer? Dapat ako kampihan niyo. Basta matutuloy ang kasal. Sa ayaw at sa gusto niya. Bukas na bukas ng tanghali abangan niyo ko kasama ko na siya dito at pupunta tayo sa bayan para matuloy ang kasal." "Pero anak--" "Hawak ko ang kinabukasan ng mag-lolang iyon. Mamumulubi sila at mamamatay sa gutom sa oras na walang Summer na lumitaw sa altar." May gigil at diing saad nito saka napangising hinawakan ang kwintas nito. MAKALIPAS ang ilang oras ay sa wakas halata namang naging masaya ang tatlo sa ginawa nila. Dahil sa kakulitan at kadaldalan ni Summer ay hindi na nila napansin na nasa may kubo na pala sila. Napatigil lang sila ng makita nila ang matanda. "M-magandang hapon po--lola." Bati ni Forrest at Alex. Nagmano naman itong si Summer. "Umakyat ka na sa taas maghanda ng makakain." "Eh--lola pagod pa ako?" Hirit nitong si Summer. "Sino ba kasi nag-utos sa iyo na maglakwatsa ka tas ngayon rerekla-reklamo kang pagod diyan. Hala kilos, akyat sa taas." Saad ng matanda sa masungit na boses. Habang si Summer di naman maiwasang bumulong bulong na umakyat sa taas. "Psh, minsan talaga kadugo ko itong lola ko minsan naman hindi dahil sa paiba-iba ng mood. Kala ko naman okay na kaming dalawa. Yun pala balik lang sa dati." Napapailing sabay buga sa hangin si Summer. "Makaligo na ngamuna kati sa katawan." Sambit nito sa sarili. Bahagya pa siyang napahinto ng maalala kung paano manghuli ng isda si Alex, habang si Forrest na alam niyang laki din sa bundok eh mukhang nilamon na din ng syuddad. Sa kanilang tatlo-tanging siya lang ang nakahuli ng isda, naisip niya gugutumin ang dalawang iyon pag magkasama sa mga ganuong lakaran. Mga walang alam gawin sa buhay kundi maghintay ng lalapit na isda sa kanila. "Palibhasa may kaya sa buhay. Ikaw mahirap lang--okay?" Kumbinsi niya sa sarili saka napahakbang na papuntang kusina matapos kunin ang tuwalya. Paakyat na sana itong si Alex at Forrest sa hagdanan ng pigilan ng matanda. "Siguro naman matutuloy na kayo bukas dahil napagbigyan ko na kayo?" Sambit ng matanda habang nakatingin kay Alex na ilang segundo muna bago napatango. "Ah eh-m-mawalang galang na ho Inang--p-pero k-kasi bakit naman po ganun magmumukha po niyang voluntary exit ang kaibigan ko nito? Di baho pwedeng tapusin ang 3 months niyang--" "Naka isang buwan na siya kaya sa tingin ko sapat na din iyon. Hindi sa pinagtatabuyan ko kayo pero sa sitwasyon ng kaibigan mo? Ayokong sa huli masaktan ang apo ko. Hindi madaling makalimot ng taong mahal na mahal mo sa buong buhay mo--at ayokong dumating ang araw na kinatatakutan ko. Mas ikabubuti na din ito sa ating lahat. Hindi ako galit sa inyo, gusto ko lang maprotektahan ang apo ko. Gusto mong makalimot pero paano mo magagawa kung araw-araw nandiyan ang apo ko nakikita mo? Ayokong ang apo ko naman ang maapektuhan, maraming posibleng mangyari na hindi natin alam. At alam ko na sa apo ko, nakikita mo pa din ang asawa mo. Kaya mas makakabuti talaga kung babalik ka na lang, mas mahirap sa sitwasyong mong iyon na gusto mong makalimot pero di mo magawa dahil nariyan ang isang tao na akala mo yun yung taong mahal mo. At sana--hindi na muli magkatagpo ang mga landas niyo ng apo ko sa mga susunod na panahon. Ikaw na lang sana ang umiwas. Pasensya na kayo at kung sa tingin niyo man ay pinagtutulakan ko kayo. Isa pa, alam niyo naman ang sitwasyon namin ngayon na naging tagilid dahil sa mga nangyari. Posibleng mawalan kami ng tirahan at ayoko namang madamay kayo. Bukas na bukas alas kwatro ng madaling araw ang byahe ng unang bus papuntang bayan." "S-sandali po--b-bawal po b-ba talagang mag-paalam man lang sa apo niyo?" Tanong ni Alex na napapalunok. Agad namang humakbang ang matanda saka tinapik ng marahan ang braso niya. "Hijo, kahit ganun ang apo ko-mukhang matapang pero napakalambot ng puso nun. Eto din ang kauna-unahang pagkakataon na makita kong nakangiti ang apo ko dahil sa mga naging bisita ko. Kayo lang din ang dinala niya sa lugar na pinakapaborito niyang puntahan simula pagkabata, at kahit madalas magsungit iyon alam kong masayang masaya siya dahil kahit papaano may mga naging kaibigan siya, nakausap sa gitna ng bundok na ito na napapaligiran lang ng mga d**o, puno at hayop. Ako na mismo ang nagpapasalamat sa pagdating niyo sa buhay niya. Naramdaman niya ang pagkakaroon ng mga kaibigan pero--mas ikabubuti kung hindi niya na lang malalaman. O'sya, tayo na at umakyat sa taas. Mag-iingat kayo sa byahe. Pasensya na Alex, nawa ay maintindihan mo ko bilang nag-iisang pamilya niya." "P-pero lola. W-wala ba kayong alam kung bakit nga ba sila magkamukha ng asawa ni Al--" Biglang nakagat ang labi nito nitong si Forrest sa gulat at lakas ng siko sa kaniya ni Alex, habang ang matanda ay bahagyang napahinto sa paghakbang papunta sa taas. "W-wala. Normal ang magkaroon ng kamukha sa mundo. Apo ko si Summer at kung anuman ang nasa isipan niyo? Burahin niyo na." Aniya ng matanda sa madiin nitong tono saka mabilis ngunit maingat na umakyat sa kubo. Napabuga naman ng sabay ang dalawa sa hangin saka nagkatinginan sabay akyat.  "Bakit parang iba ang naramdaman ko kanina nuong sumagot siya sa tanong ko kung bakit--" "Shhh, bunganga mo hinaan mo boses mo. Iba din pakiramdam ko, parang may kung ano talaga siyang itinatago pero kung anuman iyon sigurado akong hindi habang-buhay maitatago ang sekreto. At kung anuman iyon, labas na din tayo. Wala na tayong paki-alam. Ang kailangan nating gawin ngayon ay ayusin na lahat lahat ng gamit na di pa natin nailalagay sa bag." Napaupong saad nitong si Alex. "Nakakalungkot naman kung di natin sasabihin kay Su--" "Makinig ka na lang sa payo ng matanda. At pwede ba iwasan mo ang mga tanong na mas lalong maglalagay sa atin sa alanganin? Ingatan mo iyang bibig mo na di madulas mamaya huh. Kanina din sa dalampasigan kung di pa kita tinulak di hihinto iyang bibig mo sa pagbubula." Saway ni Alex saka kinuha ang tuwalya. "Mauuna muna akong maligo sa iyo." Saad nito saka inihanda na ang susuotin."

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD