PASIMPLE namang napabulong si Forrest kay Alex ng mawala na sa paningin nila itong si Summer.
"Ano pre, nakita mo?"
"Ikaw ba nakita mo?' Balik tanong nitong si Alex sa kaibigan sa inis na tono, paano nga ba nila makikita yung suot nitong kwintas eh nakasuot ng jacket si Summer.
"'Hindi eh." Napapailing nitong sagot.
"Oh hindi naman pala eh bakit mo pa sa akin tinatanong?" Sabay batok kay Forrest nitong si Alex.
"Eh baka lang naman nakalusot sa mga mata mo eh." Hirit pa nitong si Forrest
"T-teka san kana pupunta?"
"Maliligo sasama ka?"
"'Pero kumakain pa tayo?"
"'Paano ka pa kakain kung kinuha na plato mo?" Masungit ang tono ng boses nitong si Alex sabay talikod. Napagtanto naman nitong si Forrest na wala na nga talaga ang mga plato sa mesa.
""O-oy t-teka sandali, san ka pupunta Al?" Pahabol na sambit nito ng tuluyang makalayo ang bulto ng kaibigan. Napapakamot namang napaupo ulit itong si Forrest na sa hindi sinasadya ay napahagip ng tingin sa kasalukuyan niyang kaharap na babaeng matalim na nakatitig sa kaniya.
"T-teka, b-bakit ganyan ka naman makatingin?" Tanong nitong si Forrest habang nilalabanan ng titig itong si Mau.
"Wala naisip ko lang kung nagsisisi kaya ang mga magulang mong pinanganak ang isang katulad mo na walang laman ang utak?" Tanong nito kay Forrest na napaangat ng kilay.
"Ikaw ba di din pa nagsisisi ang mga magulang mo na ginawa ka at palakihin ng ganyan kaarte sa buhay?"
"'What? Anong maarte diyan?" Singhal ni Mau dahilan para mapatayo na.
"'See, you lose."
"Anong talo? At kailan pa ako nakipaglaro sayo? Maluwag na ba yang utak mo huh?" Singhal ulit nitong si Mau.
"Wala, talo ka na-ikaw unang umiwas sa titigan natin eh."
"'Yuck! Tinititigan kita kasi para hanapin sa mukha mo yung 1% chance na lang sana, kaso wala, tabingi ang ilong, may pagka duling, at walang hugis ang labi."
"Aba, anong hugis ba ng labi ang gusto mo, heart? Baka gusto mo matikman para maging heart shape tu--"
"Wahhh! Kadiri ka diyan ka na nga." Napabulyaw na itong si Mau saka padabog na tumayo at humakbang papunta sa kung nasaan si Summer na kasalukuyang naghuhugas ng pinggan.
"Tabingi daw ilon? May pagka duling? Walang shape ang labi? Hindi kaya nakikita niya lang sa akin ang mukha niya? Siya kaya tung halatang nag-pa enhance ng ilong, tas yung mata niya hindi pantay. Mas malaki ang kaliwa, yung labi niya para ginuhitan na lang sa sobrang liit. Hay nako! Makaalis na nga baka mamaya magkapalit pa kami ng mukha nun--eh kakilabot." May pakila-kilabot nitong ekspresyon si Forrest bago tuluyang humakbang papalabas ng kusina.
Samantala patapos na sa paghuhugas itong si Summerr ng madatnan naman nitong si Mau.
"Oh, akala ko hanggang mamaya ka pa dun makikipag tutukan sa crush mo?"
"'Crush? Baka crash? " May pairap na sambit nitong si Mau ng sumagot kay Summer na napailing na lamang.
"Oy teka, sa tingin mo makakauwi na ba ako?"Pahabol na tanong nitong si Mau kay Summer.
"Ikaw ba kaya na ba ng paa mo?" Tanong ni Summer saka napasulyap sa bandang paa ni Mau na namamaga pa din.
"Ano sa tingin mo?"
"Sa tingin ko, wag mong pilitin yang paa mo kung ayaw mong dumating ka sa bahay niyo na dalawang paa mo na ang namamaga." Saad nitong si Summer sabay punas sa kaniyang damit.
"Siya, maliligo na ako."
''Ay, pano yun maiiwan na naman ba ako mag-isa dito kasama ang lalaking yun?"
"May pagpipilian ka pa ba?" Natatawang tanong sa kaniya ni Summer bago pa ito tuluyang mawala sa paningin ni Mau na parang binagsakan ng langit at lupa ang itsura.
Matapos namang ihanda nitong si Summer lahat ng kakailanganin niyang isuot matapos maligo ay hinubad niya na ang jacket niya at lumabas ng kwarto saka tinungo ang direksyon papunta sana sa banyo na, nang bigla niyang nakasalubong itong si Alex na nuon ay nakatatpis lang ng puting tuwalya kaya mabilis pa sa segundong napatakip siya ng tuwalya niya din sa mukha.
"Ay h***d jusko! Ano ba? Hilig mo ba talagang ipangalandakan yang katawan mo?" Bulyaw na tanong niya, pero ilang minuto na ang nakakalipas ngunit hindi niya pa din naririnig ang sagot nito kaya naman napagpasyahan niyang dahan dahang ibaba ang tuwalya a nakatakip sa bandang kaliwa niya habang pipikit pikit ang mata nito. pero laking gulat pa din niya ng matanaw itong nasa harapan niya pa din. Saka niya napansin na hindi sa kung saan nakatitig ang mga mata niya kundi sa bandang may dibdib niya kaya naman mabilis niyang ihinampas ang tuwalya sa mukha ng kawawang si Alex.
"Bastos!" Singhal ni Summer sabay takip ulit sa bandang dibdib niya ng tuwalya, nakasando naman kasi siya at di niya inaasahang makakasalubong niya ang lalaking yun. Nag-ngingit ngit na humakbang papuntang banyo si Summer saka padabog na isinara ang tagpi tagpi ng kahoy nitong banyo.
"Bastos yun abah!" May pang-gigigil nitong saad sa sarili ni Summer saka padabog na isinabit sa likod ng pintuan ang tuwalya.
Napahinto naman siya ng makita niyang walang laman ang timba at ang malaking drum dahilan para mapapadyak na lamang siya sa ibig sabihin nito.
"Aaah! Asar." Saka kinuha muli ang tuwalya at tabo sabay lagay sa loob nito ang shampoo at ang sabon pagkatapos ay kinuha ito. No choice siya kundi maligo sa batis.
"Bwisit na lalaking yun, hinihop niya ba lahat ng tubig?" Inis na naman niyang sinulyapan ang drum saka niya mahinang sinipa naman ang timba at nagmamartsa ang mga paang lumabas ng banyo.
"Oy, teka san ka pupunta?" Napatanong itong si Mau nang mahagip siyang kalalabas lang ng banyo.
"'Di ba halata, maliligo."
"Oh eh bakit wala bang tubig?"
"Mukha bang meron? Hinigop lang naman yung tubig ng bwisita nating maestro yung inigib ko kanina." Napapalakas ang boses nito na wari ay sinasadyang magparinig kay Alex na nuon ay kasalukuyang nasa kwarto na nito at nakaupo lang habang napakalayo ng isip.
"Ganun ba eh di samahan na kita para makaligo na din ako."
"Hindi, wag na tsaka bawal ka pang maligo sobrang maga pa yang paa mo."
"Pero--"
"Wag matigas ang ulo baka mapukpok kita ng tabo." Masungit na sagot ni Summer sabay talikod at humkabang papalabas na ng bahay. Napabuga naman itong si Mau na tila ba kay lalim ng pinanghugutan ng buga niya.
"Wag mong sabihing maghapon na naman akong nakanganga diito? Kasama ang mokong aaahhhy! Lord, kunin niyo na lang siya please." Napapapikit nitong saad.
Hindi naman si Alex makapaniwala sa nakita niya kanina dahilan para maramdaman niya ang bigat ng mga paa niyang humakbang paiwass kay Summer, para maramdaman niya ang biglaang pagbigat ng puso niya habang tinititigan niya ang bagay na sinasabi sa kaniya nitong si Forrest. Totoong kaparehang kapareha eto ng kwintas ni Serene, mula sa laki, hugis ng pendant at maging ang pagkintab nito. Oo, kayang kaya niyang maihalintulad yun dahil sa halos araw-araw niyang nakakasama si Serene simula ng maging sila at hanggang sa huling hininga nito kung saan suot suot pa din nito ang kwintas na yun. Napapatiim baga siya habang makikita sa mga mata nya ang lalim ng iniisip.
"Hoy, ayos ka lag ba? Di ka pa bihis, di ba babalik kayo ngayon?" Tanong nitong si Forrest ng maabutan siya sa kwartong nakatapis pa din sa bewang niya ang tuwalya at pabalik balik na naglalakad.
"Ayos ka lang Al?" Dagdag na tanung ulit nitong si Forrest. Pasimple namang napakamot sa ibabang baba itong si Alex.
"Forrest, ngayong araw mo lang ba napansin yung kwintas?"
"Huh--ibig sabihin nakita mo na din?" Tanong nitong si Forrest na mabalis na napaakbay sa kaibigang tumatango tango.
"See, totoo ang sinasabi ko sayo at di ako namamalikmata. Di ba nakakapagtaka? Hindi ko alam kong ako lang nag-iisip nito pero baka naman ang trabaho talaga niyang Summer na yan eh magnakaw ng mga orihinal na--"
"Bulok talaga kahit kelan yang utak mo. Nakita mo naman kung gaano kahirap buhay nila, gaano kahirap bumaba papuntang bayan aakusahan mo pa. Ikaw hilig hilig mong manghusga ng taong nakatalikod."
"Pero bakit nga siya may ganun kung sinabi mong pinasadya lang yung design na yun ng ama ni Serene, kung si Serene lang ang nag-iisang taong may ganung desing o klase ng kwintas eh baakit meron din ang Summer na yun? Bukod sa magkamukha sila--pati sa--t-teka, Al--sigurado ka bang si--si Serene yung nailibing natin?"
"Tarantado ka ba? Eh ikaw ang kasama ko sa libing di ba, kung makahagulhol ka nga parang ikaw pa ang nanay ni Serene nun. Ako tigilan mo diyan sa bako bako mong pag-iisip baka bumangga yan ngayong ulo mo sa matigas na pader."
"Yun kung may pader dito eh puro kawayan nakikita ko eh hahaha!"
"'Hihirit o iuuntog kita sa puno ng acacia?"
"Sabi ko nga tatahimik na pero ano sa tingin?"
Napabuga si Alex saka napatitig sa labas ng bintana. Kanina ng makita niya si Summer pakiramdam niya tunay na Serene ang kaharap niya dahil sa suot nitong kwintas. Para siyang dinala sa kahapon para muling makita ang minamahal sa huling pagkakataon. Kung hindi nga lang siya nito hinampas ng tuwalya ay hindi pa siya magigising sa katotohanang mag-kaiba ang minamahal niyang tao at ang taong kaharap niya sa kasalukuyan na masyadong brutal sa kapwa.
"'Ano na, hoy?'
"Marahil, nagkataon lang ang mga bagay." Mabilis, maiksi ngunit may diing pangungumbinsi sa sarili at sa kaibigang sagot nitong si Alex saka muling napabuga sa hangin.
"Nagkataon? Aba-imposible naman yata, magkamukha na nga pati ba naman sa pinaka importanteng gamit ey--"
"Eh anong gusto mong isipin ko pre? Na buhay pa yung taong mahal ko na hanggang sa kahuli-hulihang hantungan alam mo, alam ko, alam nating pareho na yung taong inilibing natin ay ang asawa ko."
"Hindi yun ang ibig sabihin ko Al. Ang pinupunto ko si Summer bakit mayroon siya nung bagay na yun? Anong meron, bukod sa physical nilang pagkakapareha bakit pati sa kwintas na yun meron siya?"
"Abay malay ko, baka napulot niya lang, baka peke, baka nanakaw yung design na ibinigay ng daddy ni Serene ng ibang jewelry designer tapos ginawa yun sa pinakamurang halaga, baka may nagbigay sa kaniya, nag regalo o basta--imposibble at sa ngayon gulong g**o ang isip ko. Hindi ko alam kung ano pang madidiskubre ko kay Summer na pagkakapareho pa nila ng asawa ko. Pakiramdam ko habang tumatagal ako dito, hindi na si Summer ang nakikita ko sa t'wing nakakasama ko siya kundi si Serene." Madiin ngunit masakit sa pusong sambit ni Alex, parang kinukurot ang puso niya sa mga oras na yun, hindi din sya makahing ng maayos dahil parang may nakabarang bato sa lalamunan niya.
"Litong-lito na ako!" Napapahilamos na sambit nitong si Alex.
"Kung ganun, isa lang paraan natin para diyan sa mga katanungan natin." Napapatangong sambit nitong si Forrest habang napapatapik sa likuran nitong si Alex.
"'Ano yun?"
"Sandali iisipin ko muna yun." Sagot nitong si Forrest at bahagyang napangiti, napasinghap naman sa hangin si Alex at napailing.
"Kahit kelan talaga yang utak mo kulang sa aruga. Labas ka na nga magbibihis na ako."
"Eh ayaw ko nga, kanina pa ako sa labas-maya niyan makita ko pa yung babaeng yun."
"'Labas sabi."
"Ayaw ko!"
"Lalabas ka ng kusa o sisipain palabas?"
"Sabi ko nga." Mabilis pa sa segundong sagot nitong si Forrest, alam niyang mala kabayo ang tama ng sipa nitong si Alex kaya naman inunahan niya na ng lumabas pagkasambit niya.
Napapailing naman si Alex saka napasinghap sa hangin sabay sara sa pintuan, at habang nagbibihis siya hindi niya maiwasang balik-balikan ang alaala na naman niya kay Serene nung mga huling araw nito sa mundo bago ang libing.
Flashback:
"Hijo, narito ang iilang mga paboritong bagay na gustong gusto ng anak namin, ikaw ang asawa niya kaya may karapatan ka ding mamili sa mga ito kung alin saa kanila ang kukunin mo bilang alaala saa mahal naming unica." Saad ng isang babaeng nasa early 5o's na edad, na magang maga ang mga mata sa kaiiyak habang nakasuotputing bestida at hawak hawak ang isang kahon na nasa katamtamang laki lamang.
"'Mah, asaawa lang po niya ako at kayo po ang may karapatan, mas makakabuti po sanang kayo na po ang humaawak at mag-tabi sa kanila, hindi po sa ayaw ko pero hindi ko pa din po matanggap na ang nagmamay-ari ng mga bagay na iyan ay ang pinakamamahal, at pinakapaborito kong tao ang nasa loob ng kabaong yun. i can't--hindi ko po kakayanin, hindi ko po kaya mah. Paano na yung mga pangarap namin na binuo namin pareho kung nasa loob siya ng kabaong na yun, paano ko ipagpapatuloy ang buhay ko kung lahat ng hakbang ko sa mga hinaharap kasama siya sa lahat ng plano ko, paano po? Hindi ko kaya ma, hindi ko po kaya."
Naiiyak na sagot ni Alex habang napapasulyap sa nasa harapan nila kung saan tahimik na nakahiga ang asawa niya, habang palipat lipat din ang mga mata niya dun sa bukas ng kahon kung saan naandun lahat ng pinakapaboritong mga gamit nitong asawa niya. Naroroon din ang kwintas na kahit kailan ay hindi hinayaang palitan ng kahit anumang kwintas na ibinbigay niya para lang hubarin yun. At habang nakikita niya ang mga gamit na yun ngayon mas lalo siyang nahihirapang tanggapin tuloy ang katotohanan.