HALOS isumpa sa langit at lupa nitong si Summer ang bisita nilang si Alex sa sobrang pagka-inis sa pangbubuko nito sa kaniya, makakatakas na sana siya kung hindi lamang siya nito pinakialaman. Talagang namumuro na nga talaga ito ng sagad sa kaniya. Nang mapansin niyang napalingon sa kaniya si Asyong at ang kaibigan nitong si Mau na napasapo sa noo ay napaayos na lamang siya ng pagkaka-tayo at humakbang patungo sa may hagdanan papalapit sa kanila hanggang sa matanaw niya ang lalaking nakangiti sa kaniya na nasa itaas na tila nang-aasar pa ito sa kaniyang nakatingin. Halos tawagin ni Summer lahat ng ninuno niya habang naghahamunan silang dalawa ng titigan.
"Oh aking sinisinta, mabuti at tayo'y nagkatagpo." Anito nito na halos lamunan ng mga malalaking mata nito sa titig kay Summer. Akmang lalapit ito ng mabilis na napahakbang paatras itong si Summer.
"A-Asyong tigilan mo nga ako parang lubos mo ng awa, anong-anong ginagawa mo ba kasi dito? Ang aga-aga pa." Napapalunok, kamot sa batok at ngiting tanong ni Summer na sa loob loob gusto niya ng gisahin itong Asyong na yun sa pangungulit sa kaniya dagdagan pa ng lalaking nasa taas ng hagdanan na gustong gusto niya ng panain.
"Aking sinisinta, bago yun bulaklak nga pala para saiyo." Sabay abot nito sa bulaklak kay Summer.
"Oy Asyong, saang harden mo na naman ba yan pinitas baka mamaya niyan sugurin kami ng may-ari ng mga bulaklak na pinagdiskitahan mo." Sambit nitong si Mau nang mapansing ayaw tanggapin nitong si Summer ang bulaklak.
"Mawalang galang na mula ito sa ikawalong bundok. Pinitas ko ito kaninang madaling araw para lang dalhin sa minamahal ko." Sabay ngiti nito dahilan para mapa ubo si Mau.
"Oh siya akina yang bulaklak, wag ka lang ngumiti, nahiya ipin namin sa golden teeth mo." Sambit ni Mau sabay hablot sa bulaklak.
"Pero kay Summer yan--"
"Alam ko, aanhin ko naman tu wala namang patay sa amin." Pagtataray na nitong si Mau.
"Asyong--pasensya na talaga pero hindi mo ko madadala sa mga bulaklak na yan kahit sa langit mo pa yan pinitas."
"Pero ang usapan natin ngayong araw kita iniimbitahan para pumunta na sa bahay?" Aniya nito dahilan para biglang mapahagalpak ng tawa itong si Forrest na agad namang binigyan ng napakasamang tingin nitong si Mau.
"May nakakatawa ba dayo?" Sigang tanong ni Asyong kay Forrest dahilan para mapalunok ito, pasimple namang napangiti si Mau sabay lingon ulit nito at binilatan.
"Excuse me hindi ho ako dayo manong, dito ako inere ng nanay ko sa lugar na to. Makadayo ka wagas." Aniya nitong si Forrest na para bang babae kung makapag bitiw ng salita sa pagtataray.
"A-Asyong-d-di ba nag-usap na tayo patungkol dun na hindi ako makakapunta. Madami akong dapat tapusing gawain nakita mo naman, dadalawa lang kami ni lola kaya wala akong oras tsaka bakit ako? Ayoko. Hindi ako pupunta. Mang-gagatong pa ako." Sambit nitong si Summer na may pag-kainis sa boses. Akmang tatalikod na sana ito ng hinawakan siya nito sa braso ni Asyong dahilan para makatikim ng pamimilipit sa kamay itong si Asyong.
"Aa--a-aray--aray sinta ko. Bi-bitaw.O-oo na. Oo na." Sigaw nitong si Asyong.
"Magkakaintindihan naman na pala tayo eh." Aniya ni Summer saka inayos ang suot at tumalikod akmang hahakbang na nang matanaw ang matanda na papalapit sa kanila dahilan para mapayuko siya at mapakagat labi.
"Magandang umaga ho lola Adora." Pagbati nitong si Asyong dahilan para mapabagsak ang balikat ni Summer.
"Oh-magandang umaga din sa iyo Asyong anong atin? Napadalaw ka yata. Summer may bisita pala tayo bat di mo man lamang pinaakyat?" Sambit ni Lola na napapatingin sa akin ng masama.
"Ah eh pauwi na po kasi yan." Mabilis na sagot ni Mau.
"Sira po ang hagdan." Bulong ni Summer na narinig naman ng lola niya dahilan para mahampas siya ng hawak nitong tingting.
"Aray ko naman po la!" Angal nitong si Summer na napabusangot.
"Mahiya ka nga sa inaasal mo ang dami dami mong bisita aba. Di kita pinalaking ganyan. Matuto kang mahiya may maestro pa tayo sa taas na bisitang nakamasid sayo. Nako nako nako!" Pabulyaw na saad nito sa kaniya dahilan para lalong mang-gigigil sa galit itong si Summer. Napabuga siya sa hangin, at pinilit na ikalma ang sarili at umaktong nakangiti sabay harap kay Asyong.
"Ahm-mawalang galang na Asyong, makakaakyat ka na. " Sambit nito saka pasimpleng binunggo ang bulto nitong si Asyong at umakyat sa taas. Ewan niya ba sa lola niya kung bakit ganun na lamang kainit kung tanggapin itong Asyong na yun eh alam na alam naman nitong gustong gusto siya nito mapangasawa kaya nga halos suungin niya ang pinakamaliit na butas malusutan niya lang ang lalaking yun eh tapos itong lola niya pabor na pabor naman. Iniisip niya pa lang yung posibleng mangyari sa hinaharap sa kanila ni Asyong eh gusto na niyang umakyat sa pinakamataas na puno at magpakamatay.
Nang marating ni Summer ang bukana ng pintuan, napatitig mula siya kay Alex at binigyan niya ito ng nakakakilabot na titig na may kasamang pagbabanta.
"Mau--pakikuha nga ng itak." Sambit ni Summer habang nakatitig kay Alex.
"I-itak? A-anong gagawin mo sinta?" Tanong ni Asyong na nuon ay paakyat na din sa hagdanan. Samantalang napapalunok naman itong si Forrest. Mabilis namang kumuha ng itak si Mau sabay abot kay Summer na itinaas sa mismong harapan ni Alex at hinihimas himas ang talim nito.
"T-Teka-M-Miss Summer, a-anong plano mo sa itak na yan? Mg-hulos dili ka wag ang kaibigan ko." Sambit ni Forrest na halos mapatalbog na ang puso sa lakas ng kaba nito.
"May puputulan ako ng ulo." Saad ni Summer na saktong hahakbang na papasok si Asyong ng marinig ang sinabi nito at matanaw na ang matalas na itak dahilan para mapahakbang pababa.
"0y Asyong, san ka na pupunta? Akyat ka na muna baka mabugbog na kaibigan ko dahil sayo ni Lola Adora" Tanong ni Mau na natatawa sa itsura nitong si Asyong.
"Ah--eh--na-nakalimutan kong may lakad pala kami ngayon ng mga kaibigan ko, sinta ko. Babalik na lang ako sa susunod na araw." Nangiginig na saad nito saka mabilis na humakbang papaalis.
Natawa naman si Mau sa kinilos ni Asyong.
"Let's go Mau." Saad ni Summer na unang sumuko sa patatagan sa titigan.
"T-teka akala ko ba?"
"Gusto mo ba talaga huh?" Paghahamon ni Summer sa tono ng boses kay Mau.
"Ay eh sabi ko nga tara na kung ano man yang iniisip mo." Saka naggmadaling bumaba sa hagdanan.
"Pasalamat ka may natitira pang kabaitan ang utak ko kundi sayo pupurol tung itak na tu sa pangingialam mo." Inis na saad nitong si Summer saka inirapan si Alex sabay talikod at mabilis na humakbang papalayo.
Napapailing namang hinampas ng kamay ni Forrest ang balikat nitong si Alex.
"Pre, mas mukhang multo tung kamukha ng asawa mo. Tigasin nakakatakot, kala ko talaga puputulan ka na ng ulo. Jusme!" Saad ni Forrest na nakahinga hinga din ng maluwag.
"Bakit kasi sa dinami dami ng pwedeng samahan ko sa pag babakasyon ey sayo pa ako nagpa-udyok." May pagsisising saad nitong si Alex sabay upo.
"Aba't uy di kita pinilit huh, baka mamaya niyan pinagdadasal mo pala kaluluwa ng asawa mo tas ako multuhin. Gusto mo bang iuwi na lang kita bukas-I mean ihatid? I know pag-nanatili ka dito hindi ka matatahimik lalo na at alam nating pareho kung anong estado ngayon ni Summer sa buhay mo. Mahirap makalimot kung mismong nakaraan pilit na humaharang nito."
Ngunit imbes sagutin siya nitong si Alex ey ibang salita ang lumabas mula sa bibig nito makalipas ang ilang segundong katahimikan sa pagitan nila.
"Hindi ko alam pero hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang kamukhang kamukha ng babaaeng yun ang taong dahilan kung bakit mas pinili kong umalis sa mundong kinasanayan ko at mamuhay ng simple na lang sana at magpakalayo-layo. Pero bakit naman ganitong sitwasyon ang kinabagsakan ko? Yung pilit kong ginugustong ibaon sa limot ang lahat pero araw-araw ko namang makikita ang babaeng kamukhang kamukha ng asawa ko simula sa araw na ito paano ko pa magagawa yun? At alam mo bang, kahit saang anggulo ng mukha niya nag-iiwan pa rin ng matinding bakas ng nakaraan ko, hindi lang yun pati ang ekspresyon kapag naiinis, ang hulma ng mukha, ang pag kunot ng noo, pag-taas ng kilay at pati pang iirap nito kuhang kuha niya kay Serene. Hindi ko alam kung anong dahilan, kung bakit ako ginaganito."
"So--anong desisyon mo pre? Pasensya ka na huh, gusto ko lang naman sana matulungan ka pero mukhang napalala pa yata ang pag-aalok ko sayong mag- boluntaryo dito sa nayon. Pero, siguro naman--pwede pa naman yata umatras sa napagkasunduan niyo ni Mayor madadaan pa naman natin sa pakiusap, para maihatid kita as soon as possible sa Manila." Pagdamay na sambit ng kaibigan nitong si Forrest kay Alex na nuon ay nakatingin sa malayo at walang sagot na binitawan sa sinabi nitong si Forrest kundi tanging pag singhap lang nito sa hangin.