HINDI maipinta ang pagmumukha ni Summer na padabog na umakyat sa hagdanan ng bahay, ni hindi manlang binigyan ng tingin ang kaibigang si Mau na sumalubong sa kaniya bagkus tuloy tuloy nitong inihakbang ang mga paa ng mabilis na tila susugod sa kalaban patungo sa balkonahe kung saan kasalukuyang nagkakape ang mga bisita. Napaangat naman ng tingin si Alex ng mahagip ng paningin niya ang babaeng nasa harapan niya na tila isang intsik na naniningkit ang mga mata. Pasimple namang humigop ng kape si Alex saka muling ibinalik ang paningin sa malawak na sakahan.
" Ah--eh, Mi--Miss Summer. Bakit ganyan ka tumingin?" Tanong ni Forrest na napapalunok habang nagpapalipat lipat ng tingin si Summer sa kanila.
" Kayong dalawa talaga, kayo pa makakapagpalayas sakin dito eh. Sino sa inyo ang nagsumbong kay lola na sumali ako sa paligsahang yun?" Naniningkit ang mga matang tanong nito sa dalawang kaharap.
" Aba--di ako." Agarang sagot ni Forrest na napapaiwas ng tingin kay Summer.
" Nako, isa ka pa. Kung hindi ikaw sino?" Tanong ni Mau na nasa likuran ni Summer na napapanguso.
" Alam niyo bang ng dahil sa manok na pinakawalan nitong baliw mong kaibigan, ginawa ko yun huh?" Pagduduro nito kay Alex, napaangat naman ng bibig itong si Forrest sa ginawa nitong si Summer na nagpalipat lipat ng tingin kay Alex at Summer. Napatingin naman si Alex kay Forrest, tinging may ibig sabihin dahilan para hindi na mapinta ang mukha ni Forrest at mapakamot sa ulo.
" Bakit ako na?" Tanong sa isip ni Forrest habang nakatingin kay Alex na tila walang pakialam sa nangyayari sa harapan na napapahigop lang ng normal sa kape.
" Oo---oo na--ak--ako na." Biglaang bukas ng bibig nitong si Forrest.
" Pambihira naman tung si Alex aba." Bulong sa isip ni Forrest habang napapagusot ang pagmumukha.
" Ikaw? Bukod sa sinungaling ka na, sumbungera ka pa." Duro sa kaniya ni Mau na mabilisang tinapik naman ni Forrest ang kamay sabay tayo.
" Ikaw na babae ka---nako--" Pagpipigil ni Forrest sa sarili para patulan itong si Mau. Mabilis namang inagaw ni Summer ang hawak hawak nitong baso.
" Te--tek--teka, kape ko yan." Hirit ni Forrest kay Summer.
" Umalis ka na, wag kang tutungtong sa bahay na tu kung ayaw mong tadtarin kita ng pinong pino." Pambabanta nitong sambit ni Summer.
Napapatingin naman itong si Forrest kay Alex habang pinagtutulakan siya ni Mau palabas ng bahay, na tila humihingi ng tulong s akaibigan na parang walang pakialam sa nangyayari sa paligid.
" Oy--te--teka lang naman. Sandali---" Napapasigaw na itong si Forrest ng mahuhulog na sa hagdanang kahoy. Nang biglang may nagsalita mula sa ibaba.
" Anong ingay tu?" Tanong ng matanda. Nanlaki naman ang mga mata ni Summer na mas mabilis pa segundong napatingin kay Maureen sabay hatak nila kay Forrest pabalik sa taas at kanilang inakbayan magkabilaan.
" Ah--wala--wala po lola, naglalaro lang po ng hulog hulogan." Nakangiting sambit ni Summer. Kinurot naman sa tagiliran si Forresti Mau para mapakumbinsi.
" Ahhhhraykopo opo lola." Napapataas ang boses ni Forrest. Napataas naman ang kilay ng matanda.
" Bakit may kasamang aray?" Tanong nito.
" Ah---eh, wala po--wala po yun lola. Ekspresyon ko lang po yun." Napapalunok na sambit nitong si Forrest habang nararamdaman ang mahaba at matulis nitong kuko ni Mau. Napapailing naman ang matandang umakyat na binigyang daan naman ng tatlo, habang is Alex ay nakamasid na napapaliling lang mula sa balkonahe ng bahay sa kanilang tatlo. Nahuli naman ni Summer si Alex kaya binigyan niya ito ng masamang tingin bago umalis sa tabi nila Mau at Forrest.
" Bakit ka ba nangungurot?" Tanong ni Forrest ng may halong pag kainis kay Mau.
" Ang tagal mo kasing sumagot." Saad ni Mau sabay irap dito, magsasalita pa sana itong si Forrest ng unahan nitong si Mau.
" Makauwi na nga, lalong nasisira lang araw ko sa asungot na tu ii." Saad ni Mau. Pababa na sana sa hagdanan ng may matanaw mula sa di kalayuan.
" Lagot--" Bulong ni Mau, saka nag dalipapas sa pag akyat ulit.
" Oh--akala ko ba lalayas ka na?" Harang sa kaniya ni Forrest.
" Ikaw ang lumayas." Singhal nito saka itinulak at nagmamadaling hinahanap si Summer.
" Sum--" Sigaw nito na nagtatatakbo papunta sa kwarto.
" Bunganga mo naman Mau."
" Tanga ! Si--si--so--"
" Sinong si?" Tanong ni Summer na nakakunot noo.
" Si As--Asyong. Nandito !" Sambit ni Mau.
" Ano? Tanga ka din, bat ngayon mo lang sinabi. Tek--teka, magtatago ako sabihin mo wala ako. Bilis." Saka pinagtulakan pa labas si Mau na natataranta.
" San ka magtatago?" Tanong ni Mau.
" Ako na bahala. Ilusot mo lang ako dali." Aniya nito saka tinulak palabas ng pintuan ng mabilisan. Habang si Alex napaangat ng tingin ng mapansin ang pagkabalisa nitong si Mau ng lumabas ng kwarto ni Summer saka napabaling ang tingin sa direksyon kung san nakatingin si Mau. Dun niya natanaw ang isang lalaking papalapit sa balkonahe, may hila hila itong dalawang kambing, at nakaporma pa. Napapakagat naman sa labing lumapit itong Forrest kay Alex.
" Sino kaya yang lalaki?" Tanong nito kay Alex na agad namng nakatikim ng batok.
" Aray ko naman--pwede namang sumagot nambabatok pa." Reklamo nito kay Alex.
" Mabuti pa umuwi ka na, lumalala na yang pagkachismoso mo. Mukha ba akong tanungin ng nawawalang unggoy?" Aniya ni Alex habang nakasunod ng tingin sa lalaking tumapat sa hagdanan.
" Ano sa kaya sa tingin mo ang gagawin niya?" Pabulong na tanong ni Forrest.Napalagok naman itong si Alex ng kape nang biglang sumigaw ito nang ..
" My Summer, my love. Goodmorning !" Sigaw nito dahilan para maibuga ang kapeng ininum ni Alex sa mukha ni Forrest. Mabilis namang nawala ang magandang ngiti ni Forres sa pagkakahilamos ng kapeng nagmula sa bibig ng kaibigan nito.
" Ehh, karumal dumal na umaga din sayo--este magandang umaga Asyong." Saad ni Mau saka bumaba ng hagdan.
" Anong pabango ba ng lalaking tu? Pinaghalo niya ba ang pormalin sa nabubulok na basura?" Napapangiwing bulong ni Mau sa sarili saka napakusot ng ilong.
" Oh, binibini ikaw pala'y naririto. Anong iyong sadya sa aking mahal na Sum--"
" Hep--hep, ikaw nga dapat kong tanungin diyan. ANong ginagawa mo dito at pati yang kambing mo idinamay mo sa kalumaan ng mukha este panahon mo." Aniya ni Mau na napapalunok, at pilit na kinukuha ang atensyon ng lalaki para mabigyan ng pagkakataong makatas itong kaibigang si Summer.
" Ah--kung hindi mo naitatanong, ako'y umaakyat na ng ligaw sa iyong kaibigan." Aniya nito na ikinahagalpak ng tawa nitong si Mau. Halos bumagsak naman ang mga mata ni Forrest ng marinig nito ang sinabi na kani kanina lang ay lukot pa sa lukot na papel ang pagmumukha pero dahil sa narinig ay mabilis itong napangisi. Habang si
" Ano kamo? Hoy Asyong, baka yang pag iisip mo naman na ang naliligaw na? Kailan ka pa binigyan ng patnugot ni Lola na umakyat sa langit este--ng ligaw dito?" Tanong ni Mau.
" Binibining Maureen, kung hindi mo naitatanong, dalawang buwan ng di nakakapagbayad sa utang ang lola niyo sa aking ama. At kapag lumagpas ang lola ni Summer sa napagkasunduang araw ng pagbabayad, aba'y hehehe ! Sinisigurado ko naman sayo na imbitado ka sa aming kasal." Aniya nito na ikinabagsak ng mukha nitong si Mau.
" Ngayon, mawalang galang na sa iyo. Ako'y aakyat na ng makita ko na ang aking sinisinta." Sambit nito saka itinali na ang kambing sa haliging hadanan. Paakyat na sana ng biglang hinarang ni Mau.
" Ahy---te-teka, wa--wala si Summer dito. Na--nasa bayan." Napapalunook na saad ni Mau habang mahigpit ang kapit sa likudang gamit ni Asyong.
" Nasa bayan? Bakit nasa bayan? Ang pagkakaalam ko'y linggo ang araw na---"
" Ah--eh, eh, ipinatawag kasi ni Daddy." Napapangiting pilit si Mau habang hirap na hirap sa naaamoy nito.
" Kung gayun ako na lamang ay babalik rito mamayang--"
" Ay nako Asyong, baka matagalan pang bumalik yun."
" Aba'y bakit?" Tanong nito, sabay lingon kay Mau at humakbang papalapit pa.
" Ah--eh sa pag kakaalam ko kasi isasama ni daddy yun sa pagluwas para ipasok ng trabaho dun sa kakilala niya." Napapakamot ang isang kamay nitong si Maureen sa batok habang paatras ng paatras.
Napapakunot noo naman itong si Forrest habang nakamasid lang sa kanila. Naagaw naman ang atensyon ni Alex ng makarinig ng kaluskos mula sa likod gilid ng balkonahe, ng bigla niyang matanaw si Summer na dahan dahang naglalakad ng maingat papalayo sa bintanang nilabasan nito. At sa hindi inaasahan may biglang pumasok na kalokohan sa isip itong si Alex, para magsalita ng malakas na ikaririnig ng dalawang nasa hagdanan.
" Mawalang galang na, mukhang dumating na si binibini mong hinihintay. " Sigaw ni Alex, na napapangiting sumulyap sa gilid ng balkonahe kung san napahinto si Summer sa paghakbang.
" Anak ng.." Napapikit si Summer ng marinig niya ang nakakairitang boses ng lalaking nagmumula sa balkonahe. Mukhang nakita siya nito dahil nasa gilid ng balkonahe ito nakaupo, at hilira ng gilid na yun ang bintana ng kwarto niya kung san siya nahirapang lumabas pa man din. Dahan dahan siyang lumingon at tila isang galit na kidlat ang mga tinging ipinukol sa nakangiti sa kaniyang si Alex hanggang sa tuluyang mawala na ang bulto nito sa harapan niya.
Halos suntukin ni Summer ang dingding sa sobrang pang gigigil sa lalaking naghulog sa kaniya sa impyerno.
" Lintik lang ang walang ganti. Pagbabayaran mo talaga tung ginagawa mo saking lalaki ka."