Kabanata 11

1256 Words
    HALOS maihi sa katatawa itong si Mau sa itsura ng kaibigan niya habang nangunguha sila ng ma kahoy. Masyadong dinibdib ni Summer ang sama ng loob sa lalaking kasalukuyan nakatira na sa bahay nila. "Mau-pwede mo bang kausapin ang daddy mo na ilayo niya sa nayon yung lalaki? Baka makapatay na kasi ako pag-pinatagal pa natin ang pag-tuloy niyan sa bahay." Aniya nitong si Summer na nakakunot pa din ang noo. "Ay--ayoko mamaya kung ano pa isipin ni daddy nun sa akin. Isa pa, mukhang okay naman yung Alex na yun pwera sa kasamang isinumpa ng mga ninuno ang pagmumukha." Pag ngungusong saad nitong si Mau sabay dampot ng kahoy. "Ang sabihin mo pareho sila. Sige na kausapin mo na si daddy mo naman. Kung hindi ko man mapatay yung lalaking yun, nakakasiguro naman akong-ako ang mamamatay. Nakita mo naman kung gaano pati kabait itong si tanda sa lalaking yun. Porket maestro lang? Psh! Maestro niya mukha niya, mas mukha siyang mang-gagantsongg guro-guruan. Pweh!"  "Grabe galit mo sa kaniya nuh?" "Oo--kaya sabihin mo na kay daddy mo bago pa mag dilim paningin ko at sa kaniya ko gamitin tung itak na tu." Sambit ni Summer na gigil na gigil sa sobrang inis kay Alex dahilan para mabilis na mabali ang kahoy. "Bakit ba kasi? Ganun ba kalala mawalan ng manok?" "Oo, dahil dun nag-simula ang kamalasan ko sa buhay at kahihiyan. Tingnan mo nga dahil sa kaniya napilitan akong kumagat diyan sas patibong mo na ikakapahamak ko pa ayan tuloy kinakailangan kong samahan ang Alex na yun sa t'wing mag pupunta sa karatig nayon." Aniya nito na napapailing saka napaupo sa tabi nitong si Mau at napapikit. Ilang sandali pa napabalikwas nang tayo itong si Mau. "Sum--di ba gusto mo pag-patuloy pag-aaral mo? Hindi kaya pwede kang humingi ng tulong kay Sir Alex total isa naman siyang teach--" "Nagpapatawa ka ba? Mas gugustuhin kong maging bobo kesa magpaturo sa lalaking yun. Isa pa, di ko na kailangan pa yun natapos ko naman ang 2nd year highschool marunong naman na ako magbilang, mag-basa at mag sulat. Aanhin ko pa yun." Labas sa ilong na wika nitong si Summer. "Pero hindi ba alam naman nating dalawa kung gaano mo kagusto ipagpatuloy yung pag-aaral mo nun? Eh eto na ang pagkakataon, malay mo malaki maitulong sayo ni Sir Alex, isa pa--" "Isa pa ano? Alam mo Mau--sa tindi ng hirap ng buhay ngayon binaon ko na yan sa limot. Gustuhin ko man nuon na makapag tapos pero paano? Paano ko magagawa yun kung walang sapat na perang pang-aral, masyadong mahal ang matrikula ngayon at ang ipangbabayad ko dun ay mas pipiliing ko na lamang na ibili ng makakain namin ni lola. May skolar nga para sa mga estudyanteng katulad ko sa bayan na tu pero aminin man natin o hindi--hindi yun sapat Masaya naman na ako kahit hangang 2nd year lang ang narating ko atleast naranasan kong pumasok sa paaralan, naranasan kong magkaroon ng mga kaibigan, kaklase na mula sa karatig nayon natin, na nakahawak ng lapis, ballpen at nakapag-sulat sa papel. Tsaka tingnan mo nga yung Alex na yun, nakapag tapos nga pero nasa talampakan naman lahat nang mga natutunan. Kung di ba naman sira ulo, makakalusot na ako ayun pat ibinuko ako. Napagalitan na naman tuloy ako ni tanda sa harapan niyo pa nakakahiya." Nakasimangot nitong saad saka napatayo. "Oh san ka na pupunta?" "Tara na, nakakahiya sa bisita." Aniya nito sabay talikod napapailing naman si Mau sa kaibigan nito. Kilala niya ang kaibigan sa pagiging palaban, tandang tanda pa nito kung paano makipag bakbakan at basagan ng mukha sa mga bully nilang kaklase nuon maipagtanggol lang nito ang sarili niya. Si Summer ang tipo ng taong di marunong sumuko, kung may kayang lusutan lulusot eto, eto na yata ang babaeng kilala niyang kahit may pagka amazona ang ugali eh sa loob loob nito punong puno ng pagmamahal sa lola nito.  Tandang tanda niya pa nuon kung paano isipin ni Summer ang lola niya kaysa ang tanggapin ang iskolar na iniaalok ng daddy niya, tinanggihan niya ito dahil ayaw niyang mapalayo sa lola niya dahil sa edad na mayroon na ito inisip niyang mas kailangan siya nito.  "Oy ano na, tara na." Paglingong tawag ni Summer sa kaniya na napatango sabay ngiti sa kaibigan. "Akina, hati tayo diyan sa bitbit mo."  "Wag na, magasgasan pa yang makinis mong balatm. Magaan lang tu. Sisiw!" Matamis na ngiting saad nito.  "Psh! Ayusin mo na kaya mo." Pahabol nitong sambit ni Mau sa kaibigan. "Oo nga--ako pa ba? Hahaha! Tara na."  Makalipas ang ilang minuto nakarating na sila sa bahay. "Nandito ka pa din?" Bungad nitong si Mau kay Forrest na nuon ay nasa may labas na tila lumalanghap ng simoy ng hanin. "Oh bakit? Ikaw din naman ah!" Sagot nitong si Forrest sabay ngiti. "Psh!" Pang iirap nitong si Mau, samantalang walang ano-ano ay dire-diretso namang naglakad itong si Summer papunta sa likod bahay para duon na lamang dumaan at maiwasang makita ang lalaking kinaiinisan. "Bakit ang tagal mo? Nakakahiya nagugutom na bisita natin." Bulyaw ng lola niya ng maabutan siya nitong nag-aayos ng mga panggatong. "Aba lola, malayo po kasi yunggg pinagg kuhanan namin ni Mau ng panggatong. Kung nagugutom na po sila pwede naman na po nila umpisahang ngat-ngatin na tung mga dala kong kahoy---aray ko Lola, ang-ang tenga ko po." Halos mapaangat sa sakit ng pingot itong si Summer sa lola niya. "Yang bunganga mo talaga, maestro yung bisita natin hindi basta bastang tao lang kaya dapat magpakabait ka sa kaniya huh?" Aniya ng lola sabay bitiw sa tenga niya. "Eh lola naman,  bisita pa din po ba kung araw araw na siya dito sa atin? Abay di naman pwede po yun--ano yun? Sarap buhay kain --tulog--" Naputol ang sinasabi niya nang makita ang lola na kinukuha ang tingg-ting para sana ihampas nito sa kaniya. "Aba't sumasagot ka pa." Sabay hampas kay Summer na maswerte namang nakailag. "Heheh lola naman, yung rayuma niyo na naman po sige kayo." May matamis na ngiting saad nitong si Summer na nakahandang bumalikwas ng takbo sa oras na muli siyang patamaan ng matanda. "Pasaway! Umayos kang bata ka kung ayaw mong sa labas ka lamukin mamaya huh." Aniya nito na dinuduro ang walis ting-ting sa kaniya saka nito ibinaba. "Bilisan mo na mag-luto diyan, nakapag saing na ako. Yung gulay na lang ang gisahin mo." "Yung mga d**o po ba la pwedeng gisahin din para sa bisita niyo p--" "Abat--" "Heheh sabi ko nga po, gisahin na sila este yung gulay." Napapakamot at pilit ngiting saad nito sa lola niya, bagsak naman ang balikat niya nang mawala na sa paningin niya ang kaniyang lola. "Nakakainis! Ako ang apo pero mas mabait pa si lola ng 5o times sa mga bisita niya. Asar! At kung hindi pa magkakabisita di mag-uulam ng gulay? Jusme." Napapabulong na hirit nitong  si Summer sa sarili.  Ilang minuto pa lang ang nakakalipas, pero bwisit na bwisit na si Summer sa kaharap niyang mga panggatong. Dati rati eksperto naman siya sa pag-papaapoy pero bakit ngayon hirap na hirap siya. "Maling kahoy ba nakuha ko?" Napapakamot na saad nitong si Summer na di mawari na ang gagawin. Nang biglang may nagsalita sa likod niya dahilan para mapaigtad siya sabay lingon dito na nakakunot noo. "Baka naman kasi may galit sa paghahainan mo ng lulutuin mo kaya ayaw magkaroon ng apoy."  Nakasandal sa pinagtagpi tagping kahoy na pintuan ng kusina na saad nitong  si Alex na nakapamulsa pa ang dalawang kamay at ang isang kilay. "Anong ginagawa mo dito?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD