MAU's POV:
NAKAKAILANG sulyap na ako sa bintana ngunit walang anino pa din ni Summer at nung dayo na yun ang lumilitaw sa direkyong dapat nila tahakin papalapit dito sa kubo. Magdidilim na, si lola din alam kong nag-aalala na din yun pasimple lang na bumaba para mamitas ng mga gulay na talong.
"Ano ba yang leeg mo? Daeg pa guma, kanina pa panay ang haba." Biglang kinakunot noo ko ng marinig ko ang boses ng lalaking kasalukuyang bigang bumulaga sa bintana kung saan ako nakadungaw.
"Anong ginagawa mo diyan?" Kunot noong sambit ko.
"Ops, yang kamay mo pakibaba." Saad niya sabay senyas sa kamay kong nakahandang ihampas sa pagmumukha niya. Napairap naman akong dahan-dahang nagbaba nito.
"Nag-aalala ka ba sa kaibigan mo? Wag ka mag-alala, nag-aalala na din akong baka iniligaw niyang kaibigan mo sa sobrang pagkamuhi ang kaibigan ko." Saad nito saka mabilis na umilag bago pa man otomatikong mapahampas ang kamay ko sa kaniya.
"Hoy, kahit ganun yung kaibigan ko, di niya pag-aaksayang patayin yang kaibigan mo. Buti nga kung maililigaw nun, para ikaw na lang problemahin ko kung paano madedispatcha."
"Abat--baka nakakalimutan mo, taga dito din ako?" Mabilis na sagot nito habang nanlalaki ang mga butas ng ilong. Mas lalo ko namang itinaas ang kilay ko saka siya tiningnan ng masama. Hay nako, ayoko makipag sabungan ng debate sa lalaking tu. Mga ganitong klaseng lalaki walang ka-class class sa buhay.
"Oh bat natigil ka? Wala ka masagot nuh?" May tono ng pang-aasar niya pang sambit sabay ngiti sa akin ng nakakaloka. Akmang sasagutin ko na sana siya ng biglang natanaw ko sila Summer na naglalakad papalapit. Kaya kahit iika-ika pa man din ang paa ko ay pinilit kong humakbang ng marahan patungo sa may hagdanan para salubungin sila.
"Sa wakas, ang akala ko nagpalamon na kayo sa mga baboy ramo sa gubat." Bungad kong bati sa dalawa.
"Boy, sabihin mo sa akin, anong nangyari bakit ganitong oras na kayo nakabalik? Tsaka teka, bat ang putla mo yata? Ayos ka lang ba? Anong nangyari?"
"As if naman may gagawing masama diyan sa kaibigan mo ang kaibigan ko." Sagot ko dito.
"Humanap ka ng kausap mo." Sagot niya.
"Aba't--"
"Tama na yan, si lola?" Tanong ni Summer sabay angat ng tingin sa akin.
"Ah-eh. N-nasa likod, mamimitas daw muna siya ng talong na uulamin natin mama-oy, san ka pupunta? Di pa ako tapos magsalita." Saad ko habang tinatanaw ko ang nakatlikod niyang bulto na nuon ay papalayo na sa amin.
"Ano bang nangyari? Bat biglang nag-walk out yun? Inaway mo na naman ba kaibigan ko?" Pagtataray ko sa dayo, akmang sasagot yung forest na yun ng agad kong sinamaan ng tingin.
"Wag kang sasagot kung ayaw mong sa bunganga mo pumasok tung tungkod ko." Saad ko sabay taas sa tungkod na kahoy na hawak ko.
"Sabi ko nga pre, wag na tayo umimik. Kunwari may pader na lang, tara." Saad nito na parang walang nakikitang nasa hagdanan na dumaan.
"Hoy!" Bulyaw ko na hindi man lang ako nilingon, hanggang pati yung Alex na yun ay nakalagpas na sa akin at tuloy tuloy na pumasok sa kwarto.
"Kita mo yung mga taong yun, kinakausap mga walang galang." Bulong ko habang nagpupuyos ang damdamin ko sa sobrang pagkainis. Ano kayang nangyari sa kaibigan ko?
SUMMER's POV:
MABILIS pa sa kabayo kung ihakbang ko ang mga paa ko papunta sa kinaroroonan ni lola, kinakabahan ako at natatakot, malamang--dahil hindi ako nakita ng mga alipores nitong si Asyong ay pupuntahan ako nito ngayong gabi para mambulabog ngayon sa amin.
"Lola, Lola!" Pagtawag ko kay Lola.
"Maganda ang mga bunga ng mga tanim mo. Mukhang magaan ang mga kamay mo kaya ganito kaganda ang resulta nila." Sambit ni lola na hindi man lamang ako binabalingan ng tingin at patuloy lamang sa ginagawa nitong pamimitas.
"Lola naman, ano po bang klaseng kasunduan yung ginawa niyo ng pamilya ni Asyong?"
"Kumusta ang pamilya niya?"
"Lola--"
"Sinisigawan mo ba ako?" Saad niya saka ako binalingan na ng tingin habang nakakunot noo dahilan para mapalunok ako, sa itsura ni lola--alam kong galit na yun sa ginawang pagtataas ko ng boses.
"Kung wala kang magandang ibabalita, pumasok ka na sa kubo at mag-bihis."
"Lola, please--alam ko pong kayo lang ang makakapagpigil dun sa kasal. Gusto niyo ba talaga masira ang buhay ko pag-nakasal na ako sa lalaking yu---arayy ko po." Napakagat labi ako ng bigla akong hampasin ni lola at pagtaasan ng boses.
"Sabing wag mo kong pagtataasan ng boses." Sambit niya habang nanlalaki ang mga matang nakatitig sa akin.
"Lola--"
"Summer, alam mo ang kasalukuyang sitwasyon natin sa buhay, at alam mo ding ginagawa ko ito para sa ikabubuti mo."
"Pero po--lola--hin-hindi ko naman po gusto si Asyong, hanggang kababata, kaibigan na kaaway lang po tingin ko dun. Hindi ko po siya gusto, mas lalong hindi po mah--"
"Ang pagmamahal napag-aaralan yan." Mabilis na sagot ni lola saka ito tumalikod sa akin.
"Lola, bakit po ba talaga gustong gusto mo kong ipakasal a taong yun? Hindi po ba talaga ako importante sa inyo? Simula pagkabata, hindi naman po ko nagreklamo sa inyo kung bakit ganito ang buhay natin, kung talagang ginagawa niyo po ito sa para sa ikabubuti ko sana inalam niyo naman po ang mararamdaman ko, sana bago po kayo nakipagkasunduan tinanong niyo po ako kung okay lang po ba sa akin yun. Sana inalam niyo po muna ang magiging kasagutan ko, sana inalam niyo po kung anong magiging reaksyon ko para dito."
"Eh ano naman kung malaman ko huh? May magbabago ba sa buhay mo kung susundin kita? Wag na wag mong pakikialaman ang ginagawa ko, dahil alam mong para sa kinabukasan mo lahat ng tu."
"Lola, alam ko naman po yun, at alam niyo naman po kung gaano po ko katapang harapin lahat ng hirap sa buhay. Gusto ko pong tumayo sa sarili ko pong mga paa. Sabihin na nating naging asawa ko yung mokong na yun at di na ako maghihirap, sa tingin niyo po ba sasaya po ko? Lola, kung kinabukasan o pera man lang po yang iniisip mo hayaan niyo po ko magtrabaho, pagtatarabahuan ko po yung kinabukasan ko ng hindi umaasa sa mga taong yun. Ayokong pagdating ng araw sa akin, sa atin po nila isumbat na kaya lang ako nagpakasal sa pamilya nila dahil sa perang meron sila, dahil sa lupang hawak nila, dahil sa lupang kinatitirikan ng bahay natin. Magtatrabaho po ko, hindi po ko mag-aasawa hanggat hindi ko po kayo napapatira sa magandang bahay--"
"At paano mo gagawin yun huh? Sa tingin mo ba may tatanggap sa iyo dito sa bayan sa pag-uugali mo?"
"E-eh kung hindi po dito sa bayan--eh di, magbabakasakali po ko magtrabaho sa ibang lugar. Baka nandun sa lugar pong yun naghihintay ang tunay kong kapalaran."
"At sang lugar mo naman sa tingin mo may naghihintay sayong grasya huh?"
"Sa--sa Ma-Maynila lol--"
"Hindi, Walang pupuntang Maynila, hindi ka dun magtatrabaho. Hindi ka dun pupunta. Tapos ang usapan." Aniya nito saka ako tiningnan ng masama bago humakbang papalayo sa akin.
Hindi ko naman mapigilang tuluyang mapakawalan ang mga luhang kanina pa nais mag-si unahang lumabas sa gilid ng mga mata ko.
Hindi ko alam kung bakit pag-usapang Maynila na nagbabago isip ni lola bigla-bigla, dati-rati naman hindi siya ganun sa akin nung iniaalok sa akin ng daddy ni Mau ang skolar para sa kolehiyo, siya pa ang nag-iinsist sa akin na mag-aral dun pero nitong mga nakaraang panahon--kapag sinusubukan kong sabihin sa kaniyang gusto ko ng makarating ng Maynila, mag-trabaho doon ay mas lalong nakikita ko sa mukha niya ang kakaibang awra.
Hindi ko maintindihan, kuntento naman ako sa buhay na meron ako, masaya naman ako kahit kaming dalawa lang, hindi naman ako nagrereklamo sa kung anong buhay na meron kami--oo minsan naiisip ko kung paano kung naging mayaman ako anong klaseng Summer kaya ako? Pero hindi ko gusto na sa ganitong paraan ako aangat sa buhay-ang magpakasal sa isang taong kahit sa bangungot ko hindi man lang nagparamdam.
"Ang weak mo naman." Saad ng isang boses na nagmumula sa likuran ko. Si Mau na mukhang napagod sa itsura sa iika-ika ng paa. Mabilis kong hinablot ang panyong iniaabot nito sa akin.
"Hindi talaga ako sanay na nakikita kang umiiyak." Sambit nito sa akin para mapangiti ng mapakla.
"Bakit? San ka ba sanay?"
"Mas sanay akong nakikita kang madalas mang-asar, mang-away, umastang siga ng buong baryo, umastang matapang at kahit tatanga tanga ka ng madalas nagagawang ngumiti ng labi mo ng kasing lapad ng kawali niyo."
"Nang-iinis ka ba?" Sambit ko sa kaniya habang napapailing.
"Hindi, pinapaalala ko lang sayo na di ka ganun kaganda pag-umiiyak." Aniya nito, eto marahil ang dahilan kung bakit ayoko ng nakikita akong umiiyak ng bruha kong kaibigan. Di mo malaman kung mapagkakatiwalaan sa talas ng dila. Napabuga ako sa hangin saka siya tiningnan mula ulo g**g paa.
"Pumasok ka na dun, papakin pa yang legs mo ng mga lamok dito." Wika ko sa kaniya, isa pa medyo madilim na din.
"Walang papasok na Mau gat di mo sinasabi sa akin yung totoong nangyari? Narinig ko kayong nagtatalo ni lola. Tungkol ba eto dun sa mukhang prinitong tuyo?" Tanong niya dahilan para mapangiti ako ng bahagya at mapailing.
"Sama mo." Saway ko.
"Oh bakit, totoo naman. Kaya nga ayaw na ayaw mo din sa kaniya di ba?" Tanong niya sa akin habang nagtataray ang reaksyon ng mukha nito.
"Alam mo ikaw, chismosa ka." Pag-iiba ko sa topic habang napapailing.
"So, walang nangyari sa lakad mo?" Diretsahang tanong niya na ikinatango ko.
"Hala na, ayokong magkaroon ng inaanak na dilis oy." Sambit niya dahilan para mabilis na dumapo ang kamay ko sa ulo niya para batukan.
"Baliw ka talaga. Sa tingin mo papayag din ako? Parang gusto ko na tuloy magbigti pag iniisip kong lalakad ako papalapit sa altar habang nakikita ko yung Asyong na yun na nakangiti ng pagkalapad-lapad at naghihintay na mapasakamay niya ako."
"Oo, tapos after the wedding--may honeymoon trip pa kayo. God, how so erotic--katabi mo siya sa kama--tas magkakatitigan kayo, tas magkakalapit ang mga mukha niyo hanggang sa unti-unting maglalapit ang mga labi niyong dalawa at mag---araaay! A-arayyy!" Sigaw niya habang hinahawakan ang kamay kong nakapisil sa pisngi niya.
"Alam mo mas maganda siguro kung ikaw na lang ipakasal dun, total ikaw naman nakaisip na ng mga yan." Saad ko saka napailing na tinalikuran siya.
"T-teka, oy san ka na pupunta? W-Wag mo naman ako iwan dito. H-Hintay!" Nag-sisigaw niyang saad na hindi ko man lang nililingon na, tanging pagtaas na lamang ng kamay at pagsenyas na papasok sa kubo ang nagawa ko habang mabilis na humahakbang papunta sa direksyon ng kubo. Gusto kong magpahinga nakakapagod ang araw na eto. Sabay buga ko sa hangin at umakyat na sa hagdanan.