Alex Pov:
TANGING pagbuga na lamang sa hangin ang nagawa ko pagkapasok ko kaagad sa kwarto, ngayong araw ko lang yata naramdaman ang bigat ng pangangatawan ko at ang pakiramdam na pagod. Pero mas tiyak kong mas napagod ang babaeng iyon sa pag-alalay sa akin kanina. Napasulyap ako sa larawan ng asawa ko na nasa gilid ng higaan na yari din sa kahoy na maliit na mesa.
"Alam mo bang kaparehong kapareho mo talaga siya. Siguro kung buhay ka pa at magtatagpo kayo matutuwa ka dahil pinangarap mo noong magkaroon ka ng kapatid pero dahil sa komplikasyong meron ang mommy mo hindi ka na nabigyan pa ng kapatid. Alam mo bang hindi niya ako pinabayaan kanina kahit na alam niyang maiipit siya sa mga humahabol sa kaniya. Paano, hinimatay na naman kasi ako ng makakita ng ahas. Kung bakit naman kasi hindi ko naisip na mas madami pang ahas na pwedeng makasagupa dito kesa sa zoo. Tanda ko pa nuon, nagawang away pa natin dahil di kita sinamahang pumunta sa zoo kasama sila Travis dahil hindi nga ako pumapasok ng zoo dahil madami akong kinatatakutang hayop sa buhay. Pero dahil mapilit ka at galit na buwis buhay kong ipinasok ang sarili ko sa zoo ang ending hinimatay ako na inakala ng lahat ey nakagat ako ng kung anumang hayop doon." Natatawa kong sambit habang binabalik-balikan ang alaalang 'yon.
"Alam mo bang kahit mataray ang babaeng iyon mabait, nakakaawa nga lang dahil sa kasal na hindi niya gusto. Naisip ko lang, maswerte pala talaga tayo sa mga magulang natin dahil nabigyan nila tayo ng buong suporta para patunayan sa kanilang mahal natin ang isa't-isa. Sayang, siguro kung kasama kita baka aging close pa kayo dahil sa kadaldalan mo. Medyo lumihis lang siya sayo doon. Kasi siya dahil siguro lumaki sa ganitong environment ay di siya gaktulad mong halos pati lamok kausapin sa kadaldalan. Ayong babaeng 'yun mabibilang lang sa kamay ang katinuan sa pagsasalita. " Napabuntong hininga akong ibinaba ang bag pack ko na naglalaman ng ilang kagamitan para sa pagtuturo saka ako napasalampak sa pag-upo sa gilid ng kama at napahilot sa sintido ko nang biglang may tumapik naman sa balikat ko na ikinapikit ko.
"Oy, kung mag-iingay ka maawa ka, pagod ako."
"Honey, kumusta ang araw mo? Pinagod ka ba niya--"
"Lintik na--ang laswa mo pre." Mabilis kong sagot sabay harap sa kaniya at tinapik ang kamay nitong nakalapat sa balikat ko saka ako mabilis na tumayo.
"Bat ka nandito?" Tanong ko na nakakunot noo, dahil sa nakakainis nitong ngisi.
"Pree, ikaw huh? Bakit putlang-putla ka pagpasok mo? Okay ka lang? Di ka naman niya pinagod no? Ilang rounds ba--a--aray ko! Ma-masakit pre!"
"Pag di ka talaga tumigil, tutuluyan kong balian ka ng katawan." Pabiro kong sambit saka ako mabilis na napahiga sa matigas na higaan.
"Ano bang nangyari?" Usisang tanong nito sa akin saka tumabi sa akin.
"Alam mo bang mas gugustuhin ko pang makakakita ng crocodile kesa sa ahas?" Aniya ko na agad naman niyang kinahagalpak ng tawa.
"Hahahaha! Kaya pala ganun ka na lang kaputla kanina, hahaha! Anong klaseng ahas? Yung makamandag ba tlad mo?" Tanong nito na agad kong binatukan.
"Kahit kailan talaga di ka matinong kausap, kaya nagiging dragon sa'yo ang kaibigan ni Summer eh." Sambit ko saka napapailing.
"Aba'y kunwari wala akong narinig sa sinabi mo, pero sa totoo lang nagiging dragon pero minsan nagiging mahinahon naman konting uto lang sa dragon na iyon. Oy teka, may nalaman ako sa background nitong si Summer." Saad nito sa akin saka tumayo at napaharap sa akin na ngingiti-ngiti.
"Aba--at kailan ka pa naging chismoso?"
"Kanina-kanina la--teka, anong chismoso, ikaw kaya nag-utos sa akin nito na mag-imbestiga."
"Wala akong sinabi sayo."
"Ah talaga lang huh, pero interesado ka sa sasabihin ko di ba?" Tanong niya dahilan para mapaangat ang tingin ko sa kaniya.
"Odiba. Pero sasabihin ko lang 'yon, kung bibigyan mo ko ng 1000."
"Ano? Aba! Sayo na lang yang nachismis mo." Saad ko saka ako napahiga.
"Oy, mas malaki pa kaya sa 1k ang malalaman mo sa akin tungkol sa kaniya at sa tingin mo magiging interesado ka na sa oras na malaman mo ang kwento niya." Rinig kong saad niya dahilan para mapakunot noo ako at mapaupo ulit.
"Ano ba kasi 'yon?"
"Tip muna!"
"Eh kung hampasin kaya kita ngayon niyang kahoy na upuan." Saad ko na ikinanguso niya at ikasama ng tingin. Napabuntong hininga naman ako at ilang saglit pa kumuha ako ng isang libo sa wallet ko saka iniabot sa kaniya.
"Oh, kahit kelan ka talaga. Mukhang ikaw lang talaga ang kilala kong pinakatatanging taong ipinaglihi sa pera aba." Sambit ko. Napangiti naman siyang tumabi sa akin.
"Ano ba iyon?" Tanong ko sa kaniya.
"Sa tingin ko pre, kakaiba ang kwento ng buhay nitong si Summer. Namatay pala ang nanay niya at ang kapatid nitong lalaki dahil sa tatay niya." Saad nito sa seryosong tono ng pagkwekwento. Agad namang napakunot noo ako.
"Seryoso ka ba sa mga sinasabi mo huh?"
"Oo, 'yong dragon kanina ang nagkwento sa akin nung kumalma."
"Oh tapos, ano pa nalaman mo?"
"Si lola pala ay nagtrabaho dati sa Maynila."
"'Tapos?"
" Yun lang."
"Ano? Yun lang nalaman mo? Aba! Lugi naman pala ako. Akina ang isang lobo ko--"
"Oh--oh t-teka lang. Meron pa. Alam mo bang high school lang pala ang natapos niya."
"Ano ba yang nachismis mo. Walang kakwenta kwenta." Napapailing sambit ko. Sa totoo lang hindi ko din maintindihan sa sarili ko kung bakit nakikinig pa ako sa lalaking ito eh sa totoo naman wala akong makukuhang katinuang balita dito. Kung bakit naman kasi ganito ko kainteres Selene na malaman ang buo niyang pagkatao. Eh kung tutuusin, sa sampung katao sa mundo meron at meron kang magiging isang kamuka.
"Hay nako, lumabas ka na nga. Magpapahinga lang ako." Sambit ko sa kaniya habang pilit na pinaalis sa pagkakaupo sa gilid ng kama.
"Teka, may isa pa." Saad niya dahilan para matitigan ko siya.
"May mga kamag-anak daw si Lola Adora pero nasa malalayong lugar na at higit sa lahat yung--yung kwintas na nakita nating suot suot ni Summer na kapareho ni Selene, ay ibibenta daw nito."
"Ano? Eh diba--galing sa nanay niya yun?" Bulalas kong tanong na ikinatango niya.
"Oo daw kaya lang kailangan kailangan daw nito, baka daw sakaling pag-ginawa iyon nitong si Summer ay hindi na siya ipagpilitang ipakasal sa hudlom ng engkantong lalaking yon."
"Hindi niya pwedeng ibenta 'yon kung totoo ngang bigay 'yon sa kaniya ng nanay niya at nag-iisang natitirang alaala niya."
"Eh may magagawa ka ba? Kung doon lang siya magkakapera, mababayaran ang lupang kinatitirikan ng bahay na ito at pinagtataniman nila? Meron ba? Kasi kung meron agapan mo na bago pa tuluyang humayo sa mga kamay nitong si Summer ang ahas--este alahas na iyon." Napakunot noo ulit ako habang nag-iisip ng malalim.
SUMMER's POV:
PABAGSAK ko ihiniga ang buong katawan ko, nakakapagod para bang gusto ko nalang ipikit ang mga mata at pansamantalang kumawala sa nararamdaman ko ngayon. Hindi ko lang talaga lubos maisip na ipapakasal ako ni lola sa Asyong na iyon. Giginhawa ng ang kinabukasan ko, ako ba? Giginhawa din ba ang pakiramdam pag makasama ko ang taong kahit kailang ay hindi ko man lamang naisip na mangyayaring pakakasalan ko?
Si Asyong, mabait naman pero madalas may saltik, at dahil may saltik din ako baka magkaumpugan lang kami at magpatayan sa huli. Ayoko pa naman sa ugaling niya ay ang pagiging makulit. Ayyys! Juskopo Lord. Napabuga ako sa hangin saka napahilot sa ulo ko, siguro itutulog ko na lang 'to baka sakaling paggising ko wala na.
Nakahanda na sanang ipikit ang mga mata ko ng biglang sumulpot naman itong si Lola dahilan para mapabalikwas ako ng bangon.
"Lola!"
"Mag-ayos ka at magbihis."
"Po? Pero lola, pagod pa po ko gusto ko pang magpahinga tsaka bakit pa magbibihis at mag-aayos. May pupuntahan ka po ba para masamahan po kit--" Hindi na hinintay pang matapos ni lola ang sinasabi ko dahil mabilis na nitong ibinuka ang bibig para magsalita.
"Si Asyong nandiyan, kasama ang pamilya niya para mamanhikan na." Buong sambit ni lola na ikinagulat ko, parang tumalbog ang puso ko sa sinabi nito.
"Summer, tumakas ka na bilis takas nandito sila--opss! Ha-hi lola, na-nandito na po pala kayo hehe." Napapakamot na saad nitong si Mau pagkahawi sa kurtina at tumambad sa mga mata niya si Lola saka napasulyap sa akin. Lord, eto po ba talagang kapalaran ko?