Kabanata 22

1809 Words
             HINDI naman nahirapang makumbinsi ni Alex ang mga magulang ng bawat kabataan sa tulong na din nitong si Summer. Minabuti namang magturo ni Alex pansamantala sa ilalim ng puno kasama ang mga bata habang itong si Summer ay nakakunot noo dahil panay ang reklamo sa t'wing may iniuutos itong si Alex. Kani-kanina lang siya ang inutusan nitong maghakot ng mga upuan habang ito ay nakikipag balitaktakan sa pagiging isip bata sa pakikipag usap sa ma bata. Hindi niya naman matanggihan dahil kasalukuyang naandon din si Asyong na parang buntot kung makasunod sa kanila. Mukhang di ganun kadaling papaniwalain itong si Asyong sa pagpapanggap nila kaya pati tuloy siya walang magawa kundi sundin din si Alex dahil dito nakasalalay ang kaligtasan niya sa Asyong na yun para tantanan na siya. Ilang minuto pa ay magsisimula na din sila, at sa pagkakataong yun ay mukhang napagod na sa kakatitig yung Asyong na yun para mawala na sa paningin nila kasama ang mga alipores nito na halos magkapalit palit na ang mga pagmumukha nila. Napakunot noo naman siya ng lumapit sa kaniya itong si Alex. "Bigyan mo sila nito." Aniya nitong si Alex sabay kuha sa loob ng bag ng mga papel. "T-teka, anong gagawin ko diyan?" Tanong niya. "Ikaw na magbigay, tig iisa sila ng lapis ha tsaka yung papel." Saad ni Alex. "Aba'y sa pagkakatanda ko, pagsama lang ang misyon ko sayo--hindi ang maging dakilang alalay mo." May pag rereklamo na sa tono ng boses nitong si Summer. Napapatangon naman muna itong si Alex saka siya tiningnan.  "Walang problema, siguro mas maganda pumwesto tayo sa bandang yun--mas malaki ang puno dun at sa tingin ko mas makulimlim at sa dami ng hangin ey mas masarap matuto kapag may--" "'Oy--nang-aasar ka ba? Kasasabi ko lang sayo kanina na teritoryo yun nila Asyong." Putol niton wika kay Alex na muling napatango naman. "Hindi naman, ipinapaalala ko lang sayo yung kasunduan natin." Sabay titig nitong si Alex sa nakakunot noong si Summer. "Oo na--akina nga yan. Kahit kailan talaga panira ka sa araw ko." Aniya ni Summer sabay hablot nito sa papel. "Tig iilang papel ba sila?" "Tig tatlo." Mabilis na sagot nitong si Alex na agad namang tinalikuran nitong si Summer na may kasamang pag-iirap pa. Hindi naman mapigilang titigan nitong si Alex ng palihim ang bawat pagkilos nitong si Summer, at s abawat kilos at hakbang nito tanging si Serene pa din ang nakikita niya. Tandang tanda niya pa kung paano siya nito suportahan nuong nagsisimula pa lamang siyang magturo. Flashback: " Mahal, sigurado ka bang dito ka talaga naka assign? Para namang kinawawa ka nila? Sa gwapo mong yan daeg pa ang tinapunang bodega sayo." May pagrereklamong kunot noong saad nito ng tumambad sa mga mata nila ang klasrum na tila isang basurahan na ang itsura sa dami ng kalat, at mga upuang di malaman kung magagamit pa o hindi na. "Mukha nga mahal." Bagsak ang balikat na napatingin kay Serene itong si Alex sabay ngisi na tila may pinahihiwatig. "Oy--alam ko yang ngising yan. Sa porma kong tu don't tell m--" "Pwede naman mahal di ba?" May paglalambing sa tonong saad nitong si Alex. "Nako--mukha mo. San ka nakakita ng naka-miniskirt at naka high heels na naglilinis. Mabuuti pa ikaw na lang kayang kaya mo yan. Macho kaya ang future--ay mali soon to be husband ko hahha!" Sabay tawa nitong saad kay Alex na halos di na maipinta ang itsura nito, dagdagan pa ng pang-aasar nitong fiance niya. "Sige na mahal, ako na bahala sa sandals mo." "What--don't tell me gusto mo kong pag paahin nito?"  "Ahm--hindi naman pero alam ko kasing lagi kang nakasuot ng may heels kaya---" "Kaya ano?" "Kaya nagdala na din ako ng extra pair of slippers." Aniya nito sabay ngiti kay Serene, napasapo naman itong si Serene. "Pasalamat ka fiance na kita dahil kung di pa di talaga kita tutulungan." "Kaya nga before pa mapasukan nagproposed na ako." May ang-aasar sa tono nitong si Alex na wika sa kasalukuyan ng kaharap na girlfriend. "Ab--"  "Mahal, tara na sayang oras. Hmmmmm I love you and thank you so much." Sabay halik nito sa noo niya. "Heeh--kunin mo na yung tsinelas na mukhang inihanda mo na talaga para sa akin. " Napapailing saad ng ni Serene.  Habang naglilinis sila hindi mapigilan ni Alex na pagmasdan ang fiance niya, napakaperpekto nito sa paningin niya.  "Oy--galaw galaw naman diyan baka mastroke ka." Sabay hagis ng walis sa kaniya. "Tsk! Ang ganda mo kasi kahit mukha ka ng dugyot." May pagbibiro pa nito sa tono niya. "Kasalanan mo tu eh, pasalamat ka na lamang at may fiance kang handang mapa oo sa lahat ng mapasaya ka lang." Banat nito sabay kindat kay Alex. "Alam mo, parang nag-sisisi na yata akong dito ka dinal. Tara sa hotel--"  "Gag*!" Bulyaw sa kaniya nitong si Serene sabay bato sa kaniya ng dust pan dahilan para hindi siya tuluyang makalapit kay Serene. Biro lang naman yun pero mas gusto niyang nakikitang napapakunot noo ang babaeng yun dahil mas lalong gumaganda ito sa paningin niya. "Siya nga pala, ako na ang magdidesenyo ng room na tu pag nalinis natin baka kung anong mga pagdidikit mo dito." "Hmmm--ano sa tingin mo magandang design dito? Spiderman, superman style o--" "Baka gusto mo minions na lang?" Banat nitong si Serene na alam kong paano siya aasarin nito dahilan para mapasimangot siya at mapahagalpak sa tawa ang babaeng yun sa itsura niya. "Ay teka, binilhan pala kita ng mga chalk, marker, white board--" "Talaga?" "Hmm-yeah tsaka, gusto ko bigyan din yung mga bata ng mga papel tig isang pad para naman matuwa sila at mainspired na pumasok sa klase mo kasi iisipin nilang may utang silang papel sayo." "Baliw!" "Baliw pero mahal na mahal mo." Dugtong nitong si Serene, napapailing na lamang siya habang nakangiting nakatitig sa fiance niyang patuloy na nag lilinis na. Ni minsan hindi niya naisip na ang unica hija na future doctor ay magiging madungis dahil sa kaniya. Kaya kahit kasing g**o ng panahon ng bansa ang fiance niya di niya maiwasang mag pasalamat sa itaas na ito ang babaeng ibinigay sa kaniya at hinding hindi niya ito pakakawalan pa. End of Flashback .. "Hoy! Anonamekene? Yung mga estudyante mo sir gutom na hindi pa kayo nakakapagsimula." Sabay pitik ng daliri nitong si Summer sa harapan ng nakatulalang si Alex. Agad namang kinuha nitong si Alex ang natirang pad na papel sa kamay nitong si Summer na hindi man lamang umiimik. "Anyare dun? Di kaya naengkanto? Nako po--tabi tabi po, makikisilong lang po kami huh." Napapakagat labing sambit nitong si Summer ng maalala nito ang palaging sinasabi ng kaniyan lola na magpasintabi lagi sa mga mapupunong lugar. Ilang minuto lang ay biglang nanakaw ang atensyon niya nang magsalita na itong si Alex sa harapan ng mga bata.  "Magandang umaga sa inyong lahat. Masaya akong kaharap ko na kayo ngayon at nakikita ang mgangiti ng isang batang sabik na sabik makahawak ng lapis at papel. Pero bago natin simulan ang lahat--gusto kong magpakilala muna, ako si Sir Alex ang inyong magiging guro na simula ngayon. Galing ako sa malaking syudad pero dahil mas gusto kong pagtuunan ng atensyon ang mga katulad ninyo na nasa malalayong lugar, malayo sa syudad, malayo sa mga paaralan kaya naman ay minabuti kong magboluntaryong magturo sa lugar ninyo." "Sir, sir." Tanong ng isan batang lalaki na mabilis napatayo. "Anong pangalan mo?" Tanong ni Alex. "Butchoy po?" "Huh-" "Sir butchoy, but-choy!" Aniya nito na nilakasan pa ang boses para maging malinaw ang sinasabi pa nito dahilan para mapangiti na lang siya kasabay ng tawanan ng mga iba pang mga bata. Maging si Summer ay di maiwasang  di mapangiti sa batang yun na biniyayaan ng kalusugan. "Butchoy, ikinasisiya kong makilala kita." Aniya nitong si Alex na humakbang papalapit kay butchoy saka ito tinapatan ng tangkad. "May gusto bang sabihin si  Butchoy?" Tanong niya dito sa bata na biglang itinuro si Summer. "Di ba siya ang mapapangasawa ni Master Asyong?" Aniya ng bata na ikinalaki sabay kunot ng noo nitong si Summer. Napatingin naman itong si Alex sa direksyon niya saka napangiti. "Ah--siya ba? Kilala mo ba siya?" Tanong niya sa bata na agaran namang napatango ng sunod sunod. "Siya si Miss Summer ang anak ng pinakamatanda ngunit pinakamasungit sa kabilang bundok. Maganda sana siya kaso--mana sa lola niya po masungit din."  "Abat--hoy bata, gusto mo bang ibitin ko sa puno?" Sigaw nitong si Summer na ikinalingon naman  ng mga bata sa kaniya na siyang ikinagulat niya.  "Oh bat kayo sa akin nakatingin?" Pagduduro niya sa mga ito na tila kasing level niya ng pag-iisip ang mga bata. "Bagay na kayo ni Master Asyong! Pareho kayong mapanigaw sa mga bata." Dagdag ni Butchoy sabay dila sa kaniya. "Aba't sinong bagay, gusto mo bang patulan na kita huh? For your information, hindi kami bagay. Tao kami at kailanman hindi kami magiging bagay tandaan niyo yun." Namimilog ang mga matang bulyaw muli dahilan para tuluyan n mapaiyak si Butchoy. "Aba bakit umiiyak ka, di pa naman kita binibitin patiwarik diyan sa puno ah." Sigaw ulit nito dahilan para lahat ng mga bata ay napaiyak. Sunod sunod na napalunok si Summer at tarantang taranta sa kung anong gagawin para mapatahan ang mga ito. "Oh bat kayo umiyak?" Napakamot niyang saad saka tumayo pumunta sa harapan nila na napapapadyak dahil sa di malaman kung ano na ang gagawin. Napatingin naman siya kay Alex na nuon ay napabuntong hininga saka napailing na nakatinggin sa kaniya. "Oh eh bakit parang kasalanan ko pa?" Duro niya sa sarili. "Mga bata may magic si Sir Alex, gusto niyo bang makita?" Nakangising saad nito dahilan para otomatikong napahinto sa pag iyak ang mga bata. Hindi naman maiwasang mapataas ang isang kilay nitong si Summer sabay tingin sa kaniya. "Anong pinagsasasabi mo?" Bulong nitong saad kay Alex na pasimpleng lumapit ngunit tiningnan lamang siya nito saka biglang ngumisi ng nakakaloko. Kinabahan tuloy si Summer bigla sa pa magic magic na ipapakitang gilas sa mga bata. "Hoy--wag mo ko dadamay diyan sa kalokohan mo. Makakatikim ka ng hagupit ng kamao ko. Sinasabi ko sayo." Pasimpleng bulong pa din nito kay Alex. "Makisama ka na lang kung ayaw mong sugurin ka ng mga magulang kapag nagsumbong sila." "At bakit naman ako matatakot, kasalanan ng mga anak nila kabata bata ang lalansa na ng mga salitang lumalabas sa bibig nila." Inis na saad ni Summer. "Wag ka ng humirit pa, ilang taon ka na ba para patulan ang mga iyon? Kasing babaw din ba ng pag iisip mo ang pag-iisip nila? Basta makisabay ka na lang sa gagawin ko." Aniya nitong si Alex. "Paano kong ayaw ko?" Mabilis na sagot nitong si Summer, tamang tama naman at biglang dating nitong sila Asyong dahilan para mapasenyas itong si Alex sa direksyon nila kay Summer. "Anak ng sinampalukan--bat pa sila bumalik?" Tanong ni Summer sa sarili habang napapakamot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD