Kabanata 25

1639 Words
                        KASING-lapad ng langit ang mga ngiti nitong si Summer habang pinagmamasdan ang mga pagkain na halos ikatulo na ng laway nito ang paglanghap sa mga pagkaing yun. "Oh, di ba dayo? Ganyan magpasaya dapat ng totoong minamahal. Ikaw ba dayo? Alam mo ba kung ano ang mga paborito ng mahal ko? Alam mo ba kung anong nagpapangiti sa kaniya? Alam mo ba kung anong pinakapaboritong lugar na pinupuntahan niya?" Maangas na sambit nito habang inaayos sa harapan nitong si Alex ang kwelyo ng polo nito na kulay green. Naangat naman ng kilay si Alex sabay hakbang ng mas malapit pa kay Asyong. "Hindi naman mahalaga yun, basta ang alam ko sa ating dalawa sa akin naman siya masaya. At ako ang pinakapaborito niyang kasama--hanggang sa pagtanda. Kuha mo? Salamat sa ulam huh, kanina pa ako nagugutom." Aniya ni Alex sabay tapik sa braso nito at tuloy tuloy na humakbang papalapit kay Summer kasama ang batang si chuchay. Habang si Asyong napasunod na lamang ng tingin sa bulto nitong si Alex huli na bago pa man siya makapagreak. "Abat hoy dayo--sinong may sabi sayong pwede kang kumain? Para sa mahal ko lang yan. " Mabilis na humakbang ito papunta sa direksyon nila Summer. Napatigil naman si Summer nang makita sa harapan niya yung dalawa na magkatitigan. "Kakain din kayo?" Tanong ni Summer na sabay kinatango ng dalawang lalaking nasa harapan na magkatitigan pa din. "Ako gusto ko kumain." Sambit nang batang nasa likod nitong si Alex habang nakatingin sa direksyon ng mga ulam. Napakunot noo naman si Summer. "Umuwi ka sa inyo, may pagkain dun." Pang-aasar na saad nitong si Summer. "Eh ayoko nga, walang ulam. Dito andami tsaka uubos mo ba yan?" Mataray na wika ng batang nakakrus na naman ang mga kamay sa dibdib, sabay alis sa pagkakatago nito sa likod nitong si Alex. "Akin lang tung pagkain, uwi ka kaya sa inyo." Pagtataray nitong sambit sa bata saka tinakpan ang mga tupperware. "Oh anong tinitingin-tingin mo umuwi ka na, dun ka makikain sa in--" Di pa man natatapos ang sinasabi nito ay napabulahaw na ito ng malakas dahilan para makuha nag atensyon ng dalawa at mapunta sa bata. "Oh chuchay, bakit ka umiiyak?" Nag-aalalang tanong nitong si Alex na agad binuhat si chuchay na hindi man lamang ininda ang kabigatan nito. "Psh!" Napapangusong reak nitong si Summer ng ituro siya ng bata na halos di makapagsalita sa sobrang pag-iiiyak nito. "Anong ginawa mo? Bakit na naman umiiyak?" Tanong nitong si Alex. "Eh, s-sinabi ko lang naman na umuwi na siya at dun kumain sa kanila." Napapangusong sumbong nitong si Summer na para ding bata. "Bat mo naman sinabi yun? Bata tu, sensitive sa lahat ng maririnig. Naiintindihan mo ba ako?" Aniya nitong si Alex na inakala naman niya naintindihan siya nitong si Summer dahil sa sunod sunod na pagtango nito. "Ahh--ano yung sentitib?" Napatingin kay Alex na siyang kinabagsak nito ng balikat at napailing na lamang. "Mabuti pa kumain ka na at ihahatid ko na si Chuchay, baka sa susunod kung ano pang pang-aasar gawin mo dito. " Aniya nitong si Alex saka pinunasan ang luha nitong si Chuchay saka tumalikod, akmang hahakbang na sana ito ng maalalang nasa tabi niya pa pala itong si Asyong dahilan para matigilan siya at mapatingin dito na nakangiti ng malapad. Sa ngiting yun ay napalingon siya kay Summer na kasalukuyang sinisimulan ng orasyunan ang mga pagkain. Kaya naman napabuntong hininga siya, sa hugis at ekspresyon ng mukha nitong lalaki ay paniguradong hindi mapagkakatiwalaang iwanan si Summer sa mokong na tu--like yeah he knows na magkababata ang mga ito mula sa pinagtagpi tagpi niyang mga hinuna, pero dahil siya ang kasama nitong si Summer sa pag-akyat sa nayong kinatatayuan niya ey siguradong siya at siya ang sisisihin walang iba kung may mangyari mang hindi maganda sa babaeng yun. "Halika na." Mabilis na hatak nito kay Summer habang pinapapak ang adobo na siyang kinagulat nito. "Ts-Tseka!" Pigil ni Summer kay Alex habang nginguya-nguya ang buong hiwa ng adobo na buong inilagay na lamang sa bibig. "Tara na, ipagluluto na lang kita ng mga yan kung gusto mo." "Pero--" "Mamili ka kung kanino ka sasama, sa kaniya kasama yung adobo niya, o sa akin na makakasigurado ka namang safe ka?" Sambit nitong si Alex na napapatingin kay Asyong. "T-teka, pinaparinggan mo ba ako?" Matapang na tanong nitong si Asyong dahilan para mapangisi lang si Alex. "May iba pa ba akong dapat paringgan?"  "Aba't sinasabi mo ngang mukha akong masama, at may gagawin sa mahal ko? Ayos ka lang ba? Babaeng minamahal ko yan, at sa tinagal tagal ng pagiging magkaibigan namin kahit kelan--" "Teka? Kaibigan? Kailan pa?" Basag nitong si Summer na napapaisip sa sinabi nitong si Asyong saka napakunot noo. "Basta kaibigan kita--at malapit na ding maging ka-ibigan. Kaya kung meron man sa atin ngayong dapat hindi pagkatiwalaan walang iba kung hindi ikaw yun, dahil isa ka lang dayo sa lugar namin. Nakukuha mo?" Sambit nito habang sinusubukang duruin nito ang noo ni Alex na napapailag. Napatingin naman si ALex kay Summer. "Kung ganun maiwan ko na kayo." Mabilis na saad nitong si Alex at tumalikod saka pinakawalan ang mga paa ng malalaking hakbang. "Abat--iniwan nga ako ng lalaking yun?" Kunot noong bulong ni Summer habang pinagmamasdan si Alex na nakatalikod na sa kanila at biglang dila naman sa kaniya ni Chuchay dahilan para mas lalo mainis si Summer. "Oh mahal, kumain ka na. Lahat ng yun ay para sa iyo at ipinaluto ko pa talaga." Nakangiting wika nitong si Asyong sa harapan ni Summer. "Psh, di na nuh. Ikaw na lang kumain, salamat na lang." "Huh pero--s-sayang naman kung--" "Hindi sayang yun, kainin mo na lang total luto niyo naman yan. Sige alis na ako, salamat sa patikim." "Pero di ba paborito mo lahat yun?" Pigil pa nitong si Asyong na napahawak pa sa braso nitong si Summer na agad namang iwinaksi nito saka napatango. "Oo, pero hindi masarap." Saad nitong si Summer saka mabilis na napatakbo papunta sa direksyon ni Alex. "Sira ulong yun, alam ng ayaw kong makasama ang lalaking yun tas hinayaan lang ako maiwan? Paano kung tinuhog ako nun? Ang mga lalaki talaga sa siyudad wala ng isasama pa ang pag-uugali. Umuusok ang bunbunan nitong bulong habang hinahabol itong si Alex na nasa mga sampung metro na ang layo sa kaniya.  "Tapos pagkabilis bilis pa maglakad. Nako! Iwanan na lang kaya kita nuh? Tingnan natin kung makauwi ka pa mag-isa mo sa bahay." Napapangusong tagatak ang pawis na bulong muli nito sa sarili.  Ilang sandali pa ay naabutan niya na ito, at sa mismong tapat na ng bahay ni Chuchay. "Sir Alex--" "Bakit po chuchay?" Tanong nung maestro na tinapatan pa ang tangkad nito pagkababa niya dito. "Pasok po muna kayo." Pag-aaya nito saka tinapunan ng tingin si Summer na nasa isang sulok habol hininga.  "Ikaw lang po sir ang papasok po wala pong iba." Dagdag nitong si Chuchay saka binilitan itong si Summer na nanglalaki ang mga matang pinatulan ang bata. "Ahm--g-gusto ko rin sana CHuchay, p-pero maari bang sa susunod na lamang, maghahapon na at baka maabutan kami ng dilim sa daan ni ate Summer kaya uuwi na kami ngayon huh?" "Eh bakit ka po sa kaniya sasama? Pwede ka naman pong dito na lamang sa amin matulog eh." "Aba-kabata bata mo pa yang bibig m--" "SIr oh!" "Summer--" "Psh! Ewan ko sa inyong dalawa." Napapailing sambit nitong si Summer sabay ngiwi. "Kasi sa kanila ako umuuwi, kilala mo ba si Lola Adora?" Tanong nito sa batang si Chuchay. "Opo yung pinakamatandang masungit sa kabilang nayon po." Mabilis na sagot nito para mapangiti bigla si Summer ng lihim, kahit pala bata hindi magsisinungaling na ang lola niya ay ubod ng sungit. "Ngayon, dun ako nakatira sa kanila. At kapag hindi ako umuwi at dahil malayo layo pa mula dito ang lugar nila kinakailangan na naming makauwi. Hayaan mo bukas may dadalhin ako para sa iyo at aagahan na din namin ang pagpunta dito." Nakangiting pangako nito sa bata na agad namang napapatango at nakumbinsi. "Isa na namang walang kamuwang muwang na kaluluwa ang nauto ngayong araw na ito."Bulong ni summer habang napapailing sabay buga sa hangin huli na ng mapagtanto niyang nasa tabi niya na pala itong si Alex at nakakrus ang mga kamay habang titig na titig siya. "May problema ka ba sa mga bat? " Prangkang tanong nitong si Alex kay Summer. "Ako? Magkakaproblema sa kanila? Baka sila." Napapailing na napabaling sa direksyong kinatatyuan nitong si Chuchay kanina na nuon ay naglalakad na papasok ng bahay nito. "Hindi mo ba naisip na baka mas malala pa ang kabataan mo nuon kaysa sa kaniya na napakasweet at charming na bata." "Ano kamo?Sweet na bata? Okay ka lang kinagat nga ako oh! Kita mo ba tu, kagat niya yan na dinaan lang sa pagsusumbong sa iyo ng kasinungalingan." Napapangusong inis na saad nitong si Summer. "Hay nako, mukhang masasabi ko na ngang kalevel mo lang ng pag-iisip ang mga kabataan dito." "Anong ibig mong sabihin?" Kunot noong tanong nito sa kaniya na kinailing lang ng sagot nitong si Alex sabay hakbang papalayo sa kaniya. "Oy teka--tinatanong kita, wag mo ko tatalikuran kundi hahayaan kitang umuwi mag isa mo."Bulyaw nitong saad ni Summer sabay waksi sa mahabang buhok nito na nakatarintas papunta sa likod at napamewang na lamang habang pinagmamasdan ang papalayong si Alex. "Paano ba naging maestro yun kung sa simpleng tanong di makasagot. Nakakabwisit!" Napapadyak na bulong nito sa sarili saka sumunod sa paghakbang kay Alex habang nakanguso. Pero sa totoo lang di niya man maamin sa sarili niya, ey napahanga siya kanina sa galing nito mag-turo sa mga bata, umabot s apuntong lahat ng halimbawa ay nakakasama ang pangalan niya. Hindi niya lang maintindihan kung ano bang trip ng dayong tu sa kaniya at gustong gusto siya nitong nakikitang nakakunot noo sa pagkainis. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD