Kabanata 24

1344 Words
                 HINDI maiwasang mapakunot noo si Asyong habang pinagmamasdan sa di kalayuan itong si Summer na parang sunod sunuran lamang kay Alex. "Boss, lalamig na po tung bitbit nating pagkain para sa sinisinta mo." Basag sa katahimikan ng isa sa mga alipores niya na siyang may bitbit ng mga pagkain. "Gwapo ba ako?" Biglaang tanong nito na ikinalaki ng mga mata ng alipores sabay tinginan. "Sasagot o ipapahila ko sa inyo yung pitong kalabaw?" Masungit na tanong nito saka napahawi sa buhok nito ng marahan. "Eh boss, kung kasikatan naman ang pag-uusapan eh lamang na lamang ka sa dayong yun. Isipin mo lahat ng kalapit natin mga barangay at kabilang sa kabi-kabilaan nayon kilala ka. Banggitin lang ang pangalan mo natatakot na--" "Anong sabi mo? Anon natatakot?" "Eh boss patapusin mo naman muna ako, syempre matatakot sila sayo kasi sikat ka tsaka unique ka kaya sa mundon tu. " "Tama, tama ka diyan." Napapatangong hinihimas himas ang bigote nitong mahaba haba. "Sa tingin mo sinong mas mabango sa amin Kulas?" "Ay syempre boss, ikaw an pinakamatyagang manliligaw."' "Bingi ka ba? Hindi patyagaan. Pabanguhan tu." Singhal nito na kamuntik pang masapak si Kulas ang kanang kamay nito sa mga alipores niya. "Eh boss, kahit naman mabango yun, mas unique pa din po ang pabango niyo. " "Tama, may tama ka." Napapatango ulit sabay amoy sa damit nito. "Mabango boss?" "Sa tingin ko naman mas mabango ako dun." Sagot nito saka napahimas ulit sa bigote. "Sa tingin mo, anong lamang niyan sa akin?" "Ay boss kung palamangan siya na--este ikaw po kasi ikaw pinaka crush ng sangkahayupan este katauhan, ikaw din po ang may pinakamabangong may putok--putok yun bang parang perworks na pag naamoy ka mapapa nganga." "Tarantado, ako pa niloko mo. Sa susunod mag aral ka muna, hindi pero works."  "Eh ano po boss?" Kunot noong tanong ni Kulas. "Parwerks hindi perworks, bobo!-ganun para may dating, yun bang sosyal." Pagtatama nitong si Asyong kay Kulas na paniwalang paniwala naman sa kaniya. "Sandali tingnan mo ko, okay na ba? Naligo ulit ako para fresh ang amoy at tingnan." Sabay ayos nito sa damit. "O-oo boss." Sagot ni Kulas na halata namang s*******n pa din. "Siguro sa susunod boss subukan mo din pong mag-level up ng feshion mo." "Feshion? Ano yun?" "Boss naman akala ko ba matalino angkan niyo? Feshion, yung porma. Hay nako kaya di ka nagugustuhan yata eh, mukhang kailangan mo na din po atang magpaturo dun sa gwapong maest--" "Gusto mong ubusin ko yang ngipin mo ngayon?" Tanong nitong si Asyong sabay hablot sa pagkaing bitbit ni Kulas. "Wag kang susunod, baka pagpalitin ko mukha niyong dalawa." "Ay okay  lang p--este wag naman po." Napatalikod agad ng pinanlakihan ng mga mata. "Bumalik na nga kayo dun, kaya di ako pinapansin ng mahal ko dahil sa mga bakulaw niyong mukha." "Kanino kayang mukha ang malala?" Bulong ni Kulas na narinig naman nitong  si Asyong para masipa nito ang binti niya. "Pagbubulong, bulong lan huh--mamaya ka lang." Bantang sad nitong si Asyong saka muling iniayos ang damit at napalunok sabay hakbang papunta sa direksyon nila Summer.                HINDI naman maitatanggi sa sarili nitong  si Summer ang paghanga sa lalaking dayuhang yun habang palihim niyang napagmamasdan ito kanina sa pagtuturo. Hindi niya akalaing ganun niya lang kadaling mauuto ang mga batang yun na kasing tigas pa sa mga bato. "Oh ingat sa pag-uwi huh, bukas ulit. Wag niyo kakalimutan ang mga itinuro ko huh." Paalala nitng si Alex bago pa man nagsi-hakbangan papalayo ang mga bata. "Gwapo po ni Sir Alex po nu?" Nakakrus ang mga kamay nitong si Chuchay na saad, ikinagulat naman niton si Summer sa talas ng pagbitaw nito sa mga salita ay di mo aakalaining isang anim na taong gulang lang ito. "Oy, anong pinasasasabi mong gwapo?" "Bakit? Di po ba totoo? Gwapo kaya siya. Hmmm gusto ko siya mapangasawa. Gusto ko siya pakasalan." Aniya ng bata na talagang napapakislap pa ang mga mata nito habang binibitiwan ang mga salitang yun. "Aba aba! Oy bata, umuwi ka na kaya, ikaw na lang naiwan dito." Napapaungot ang labi nitong si Summer habang pinauuwi ang batang iyun. "Hm ayoko nga." "Abat--umuwi ka na mamaya niyan sabihin pa ng mga magulang mo n--." Sabay hawak ni Summer sa kamay nito. "Ayoko sabi eh." Saka siya nito kinaat sa kamay. "Aarayyy-" Daing niya dahilan para mabitawan niya ang bata, akmang hahabulin niya sana n humarang itong si Alex. "Anong ginagawa mo?"  "Yang batang nasa likod mo kinagat ako." "Eh ayoko nga kasi umuwi." Sigaw nito kay Summer. "Nakita mo yun, kinagat na nga ako sinigawan pa ako." Saad nitong si Summer na tila bata ding nagsusumbong kay Alex habang pinapakita ang kamay na kinagat. "Wag mong sabihing magkasing level lang kayo ng edad at pag-iisip ng batan ito?" Tanon ni Alex na ikinakunot noo ni Summer. "Abat ako? Eh yan yung may kasalanan eh--kinakampihan mo siya, ganun huh? Isusumbong ko yan sa magulang niya." Saad ni Summer. "Kaya mo bang makita kapag pinalo siya sa harapan mo ng magulang niya? Nakahanda ka?" Tanong ulit nitong si Alex na tila hinuhuli ang magiging reaksyon niya.  "A--eh- bahala na basta isusumbong ko siya ng mabigyan ng napakagandang disiplina. Papabugbog ko pa yan sa tatay niya n mawalan ng nipin sakit kaya niya mangaat." "Sir, ayaw ko pong umuwi muna." Aniya ng bata na lalong nag susumiksik sa likod ni Alex na siyang harang ng harang sa mapang-hablot na mga kamay ni Summer. "Sandali, mas lalong di uuwi yan sa mga pinagsasasabi mo. " "Eh bakit pano ba dapat maggpauwi?" "Ako na kakausap sa kaniya, tinatakot mo kasi eh." Aniya nitong si Alex habang napapailin. "Alin naman dun katakot takot? Ako nga na tumulong lang nilagay pa ako ni lola sa sako para lang magtanda dahil pinamigay ko yung tatlong manok sa mga kalaro ko na walang ulam daw. Siya pa kaya na nanakit ng mas nakakatanda?" "Oh ey kahit sino talaga ilalagay sa loob ng sako. Manok ba naman ang ipinamigay mo na eh." "Aba't ewan ko sa inyong dalawa masama kayo." Pikon sambit nitong si Summer saka pinandilatan ang batang nasa likod nito na nakasilip sa kaniya ang isang mga mata. Pahakbang na sana ito nang biglang litaw naman nitong si Asyong. "Oh--ah Asyong nagb-balik ka yata?" Pasimpleng atras nitong si Summer mula kay Asyong na palapit ng palapit sa kaniya. "Oo, kasi ipinapag luto kita. Tanghali na kaya natitiyak kong gutom ka na mahal." Sambit nitong si Asyong dahilan para mapahiling na lang itong si Summer sa langit na lamunin na siya sa kinatatayuan niya. "Ano ba naman tung buhay ko at bakit naipit ako sa dalawang lalaki na may saltik sa utak." Napapabulong saad ni Summer.  "As-Asyong, busog pa ako." Pagtanggi nitong si Summer, akmang hahakbang na ito nang-- "Pe-pero--madami tung ipinaluto ko, at lahat ng yun paborito mo." Sambit nitong si Asyong. "Talaga?" Umaliwalas agad ang mga mata nitong si Summer habang napapatango naman itong si Asyong. Sa totoo lang gutom na gutom na ito dahil di man lang siya nakapag almusal, tanging kape lang ang nainum sa pagmamadali sa kanila ng matanda. Kaya naman wala nang pagtanggi, o pag-aalinlangang pinagbubuksan ang dala nitong si Asyong na mga pagkain.  "Wow! Ang sarap lahat nito, ang tagal ko na ding hindi nakakakain ng mga tu." Parang batang pinagmamasdan ang mga ito. Kunot noo namang napausisa itong si Alex sa tinutukoy nitong mga paborito niya.  "Ikaw lang kakain nito mahal ko huh--I-kaw lang, walang iba, walang dayo." Sambit nitong si Asyong na nakatitig kay Alex habang si Summer ay parang nasa kabilang bundok na inilapag sa nag-iisang kahoy na upuan ang mga tupperware saka napapakagat na tinititigan ang mga ito. "Ang mga pagkain tu--namiss ko kayo. Namiss sobra pa sa sobra." Dinaeg pa nito ang kinikilig sa sobrang saya sa nakita kulang na lang ay yakapin niya ang mga ito sa sobrang lapad ng mga ngiti. "Ang babaw naman ng kaligyahan ng babaeng yun. Natitiyak ko namang adobo lang yung luto sa amoy pa lang." Napapailing wika nitong si Alex habang pinagmamasdan ang nuon ay nakatalikod na si Summer. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD