NAPABALIKWAS naman nang bangon si Summer, kahit na pakiramdam niya ay nakahiwalay pa sa kaniya ang kalahati niyang katinuan at kaluluwa sa katawan sa ginawa ng lola niya sa kaniya.
"Lola!" Pagtataas ng boses niya habang napapapikit pa sa sobrang antok.
"Anong lola? Mahigit isang minuto na kitang ginigising, nakanganga ka pa din sa himbing ng tulog. Bangon na diyan." Sabay hampas nito sa balikat niya dahilan para mapadilat siya.
"Lola, maawa naman po kayo sa akin, mas ke nga po araw tulog na tulog pa. Madilim pa po sa labas." Reklamo nito sa kaniya.
"Oh eh anong gusto mo, antayin mo munang dumapo yung araw sa mukha mo. Hala, tayo ka diyan."
"Lola naman--bakit po ba? Maaga pa po di naman po linggo ngayon para pumunta ng bayan?"
"Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko sayo kahapon na simula sa araw na ito, ikaw at ikaw ang sasama kay Alex."
Para namang nabunot lahat ng antok na natitira sa katawang lupa nitong si Summer ng marinig ang pangalan ni Alex.
"Ano di ka pa ba tatayo?"
"Lola naman kasi, ayoko pong kasama yun."
"At bakit hindi? Bisita natin yan at kapag may nangyari diyan pananagutan ko, malay niya ba sa bundok na lugar na tu. Pano kung mapadpad yan sa kung saan? Kaya mo bang panagutan huh? Kaya mo bang pumalit sa akin at humarap sa mga magulang niya huh?"
"Lola naman, di niyo naman po ko kailangang konsensyahin. Tsaka di ba maestro yun? So pag maestro matalino at sigurado akong kahit duwendeng makakasagupa niya sa daan ay di siya maiisahan. O kaya pag naligaw-hubarin niya damit niya at pabaliktad na suotin. Di b---aray ko po lola naman. Kung ikinabit lang po tung tenga ko panigurado matagal na pong iisa na lang ang tenga ko." Sambit nito na napabalikwas ng tayo at takbo palabas ng kwarto nang makitang dadamputin ng matanda ang tsinelas para sana ihampas sa kaniya.
"Mapanakit ka talagang matanda ka." Bulong niya sa sarili habang napapangiwi sa sakit pang naiwan nito sa tenga niya saka mabilis na napasabunot sa buhok nito dahilan para mas lalong sumabog ang kakulutan nito.
"Asar!" Inis na napapadyak niya pang reklamo.
"Kilos na! Mahiya ka at hinihintay ka na niya kanina pa." Aniya ng matanda na nasa likuran niya na sabay tulak sa kaniya papunta sa direksyon ng kusina.
"Lola!" Napasigaw na itong si Summer.
"Sinisigawan mo ba ako?" Aniya ng matanda habang pinangdidilatan ng mga mata, bahagya namang napalunok si Summer saka ngumiti.
"Ah--eh, hindi naman po la, nagulat lang po. Pe-pero lola, handa po ko mag bilang ng mga itlog mag hapon basta po wag niyo lang po ko ipa---"
"At talagang hihirit ka pa? Ano kikilos ka o ikaw ang papuntahin ko kela Asyong para mag hatid ng mga gulay?"
Napaawang nang bibig si Summer sa narinig sabay kamot sa ulo.
"Pambihira namang buhay tu. Kailangan ko ba talaga mamili sa dalawang lalaking kasumpa sumpa?" Bulong nito na halos di na maipinta ang mukha. Napaigtad naman siya nang biglang may magsalita mula sa likuran niya.
"Magandang umaga ho!" Bating bungad nitong si Alex dahilan para mabilis na mapa-irap itong si Summer sabay harap sa kaniya at tinaasan ng kilay sabay tingin kay Alex mula ulo g**g paa.
"Mukha ngang maganda nga ang umaga mo, sa itchura mo pa lang hindi halatang mang aabala ka ng taong may mahimbing na tulog." Wika nitong si Summer na nakakrus pa ang mga kamay nito sa dibdib at sa lupit ng talim ng titig nito kay Alex paniguradong kanina pa ito pinong pinong natadtad. Ngunit imbes na maasar o mainis itong si Alex ay halos pigil sa itsura nitong matawa sa harapan nitong si Summer sa kasalukuyang ayos nito.
"Bat ganiyan ka makatingin?"
"Ah eh--"
"Oy Summer, di ka ba nahihiyang makipag-usap sa binata na hindi man lang nakakapagsuklay, ligo, o toothbrush?" Banayad ngunit may diing sambit ng lola nito saka siya nilampasan nito. Para namang pinagbagsakan si Summer nang mag sink in sa utak niya ang sinabi ng kaniyang lola dahilan para mabilis na mapawalk-out sa harapan ni Alex. Di naman napigilang mapangiti ng lihim itong si Alex saka niya sinundan ng tingin ang bulto nitong si Summer na papalayo.
"Pati ang talim ng titig, kuhang kuha mo din." Napapailing sambit nitong si Alex, sa totoo lang masaya ang gising niya sa araw na ito, dahil muli sa pangalawang araw na nandito siya sa kubong ito ay muli niyang naranasan ang sarap at himbing nang pagkakatulog, nakatulog na siya ng mahimbing sa wakas. Mahigit tatlong taon din siyang parang zombie nuon na kinakailangang uminom pa ng gamot para lang makatulog, makapag pahinga dahil sa t'wing ipinipikit niya ang mga mata niya, ang huling senaryo ng aksidenteng nangyari sa kanila ng asawa niya ang nakikita niya. Masyadong malaking impact ang naidulot sa kaniya nung aksidenteng yun, dahilan para pati ang pagtuturo niyang yun ay napabayaan, alak sa umaga, alak sa tanghali, at alak pa din sa gabi hanggang sa hindi niya na mabilang sa kamay kung ilang beses siyang naiusugod sa ospital ng mga magulang niya.
Napasinghap siya sa hangin saka napapikit. Kung hindi kaya namatay si Serene, sa tatlong taon na yun nakakasigurado na siyang may munting version na sila sa pamilya nila.
"Oh bat ang aga mo magising?" Naalimpungatang tanong nitong si Forrest na kalalabas lang mula sa maliit na kwarto. Agad naman napabaling ng tingin sa kaniya si Forrest at napatango.
"Nakalimutan mo na ba, ngayon ang simula ng pag tuturo ko." Saad nitong si Alex.
"Kailangan mo ba talagang gawin yun agad agad? Di ba pwedeng mag pahayahay ka na muna dito?" Tanong nitong si Forrest.
"Sa tingin mo ba kung ganung klaseng babae ang makakasama ko sa isang bubong makakapag relaks pa ako?" Wika nitong si Alex sabay tingin sa direksyon kung saan abot tanaw si Summer na may bitbit na timba, at dahil pasikat na ang araw ay aninag na aninag na nila ang labas ng bintana.
Napangiti naman si Forrest ng matanaw si Summer na parang sa mga hakbang pa lamng nito ay may pagdadabog na.
"AAlam mo may tama ka diyan, hindi nagkakalayo ugali nila dun sa babaeng yun na ang sakit sa tenga kung umatungal. Alam mo ba kung di lang babae yun pinatulan ko na." Napapailing sabay nito.
"So pano, dito ka pa din ba muna?"
"Oy di nuh-uwi na ako baka palayasin na ako ni inay, kakabaksyon ko pa nga lang tas di ko man lang magawang makasama sila ng isang gabi sa bahay." Sagot nitong si Forrest na napapakamot sa ulo.
"Oh eh pano yung isa?"
"Sinong isa?" Pakunwaring tanong nitong si Forrest kung sino ang tinutukoy ng kaibigang si Alex.
"Yung binalian mo ng paa." Diretsahang sagot nitong si Alex.
"Oy, mawalang galang lang huh Mr. Dolovan. FYI, sa tingin ko sinadya niyang gawin yun para magpapansin sa akin." Napapataas kilay pang saad nitong si Forrest na sa tono nang pananalita ay bilib na bilib pa sa sarili.
"Aba--mukhang mapapaaga yata ang pagsira ko diyan sa pagmumukha mo."
"Oh eh bakit? Kung di niya ginawa yun eh di sana di siya aatungal na parang baka kagabi, at alam mo bang ngayon ko ang mas nainitindihan na kaya niya pala ako hinarangan ay dahil alam ko at ramdam kong ayaw niya akong paalisin, ayaw niya akong payagang umuwi. Di ba tama ako?" May pagtapik tapik pa sa balikat nitong si Forrest kay Alex na napapailing na sa kahibangan nitong kaibigan niya.
"Alam mo, mabuti pa kumain ka na. Napasukan na yang utak mo yata ng hangin." Napapailing sambit nitong si Alex sabay talikod.
"Oy teka, bat ayaw mo maniwala di ba tama naman?" Pahabol na tanong nito sa kaibigang si Alex na napahinto.
"Alam mo kung kasing gwapo kita, maniniwala ako na ganun nga kalakas yang s*x appeal mo. Kaos hindi eh. Kapos ka pa ng mga bente-singkong linggo eh."
"Aba't hoy--minamaliit o ba tung mukhang tu? Baka nakakalimutan mo mas madami akong naging girlfriend sa Maynila kesa sayo." Pagmamalaki sa tono ng boses nitong si Forrest.
"Loyal kasi ako sa mahal ko." Aniyang sambit ni Alex na may pangiti pa sabay talikod at taas ng isang kamay habang nakapamulsa ang isa pang kamay na naglakad pababa sa hagdanan.
"Anong---mas gwapo kaya ako sa kaniya. Dami daming nahumaling kaya sa akin." Napapakunot noong bulong nitong saad sa sarili.
"Ah basta--mas madami akong naging girlfriend, kaya ang ibig sabihin mas gwapo ako ng di hamak sayo Alex. Kung di mo nga lang nauto yung si Serene ey, paniguradong alam kong sakin babagsak yun at maiinlove." Napapailing sabay ngiting sambit nito nang biglang humangin ng malakas dahilan para magsi-tayuan ang balahibo niya sabay lunok ng sunod sunod.
"S-S-Serene.I-I-ikaw ba yan?J-Joke lang y-yun huh. Oo na, ma-mas lamang na siya ng 1/4 sa akin. Wag ka lang mag biro ng ganyan ayoko pa sumunod sa iyo---Alexxx! Muto--es-este multoooo" Aniya nito na nauutal at nanginginig ang tuhod na napalakas ang boses dahilan para mapakaripas din ng takbo na halos madapa dapa na makababa lang sa hagdanan nang muling maramdaman ang paghangin at pagtayo nang mga balahibo niya.
"Alex--antayin mo ko." Sambit nito na nagmamadaling makababa sa hagdanan, na hindi man lamang maalala nitong wala siyang suot pang tsinelas.