Kabanata 45

1569 Words
RINIG ang tilaok ng mga manok sa likod ng munting kubo nila ngunit heto at dilat na dilat pa din ang dalawang mga mata nitong si Summer at patuloy na umaandar ang isip sa pag-iisip habang katabi ang kaibigan sa pagtulog na hinid malaman kung sinisinok nga ba ito, kinakabag ang tyan o tumitilaok na din sa lakas ng hilik nito. Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan niya saka napahilamos sa mukha niya. Inabot na kasi siya ng madaling araw pero heto at wala pa din siyang maisip isip na paraan kung paano malalayasan o malulusutan ang problema niya sa kasalang iyon at sa kung papaanong paraan din niya mababawi ang kwintas na iyon. "Asar!" Bulong na sambit nito saka napabangon ng wala sa oras. Mabilis siyang tumayo saka sinukbit ang jacket at dahan-dahang humakbang palabas ng kwarto. Pasado alas kwatro pa lang kaya natitiyak niyang tulog pa ang matanda. Maingat ang bawat hakbang ng mga paa niya papunta sa balkonahe ng biglang mapahinto siya ng matanaw niya ang bulto ng dayo na noon ay tila ba may tinititigang kung anong bagay sa hawak hawak nito sa kamay. Napataas naman ang kilay niya at nagpasyang ituloy ang paghakbang papalapit sa lalaking iyon. "Maaga yata gising mo?" Tanong nito na bahagyang kinabulaga ng kaluluwa nitong si Alex na mabilisang ibinaba at nilagay sa likod ang mga kamay na may hawak hawak na isang larawan. " Ano yan?" Usisa nitong si Summer na hinahabol pa ng tingin ang nakatago na nitong kamay sa likod ni Alex. "Ah wala." Mabilis na sagot ni Alex para mapakibit-balikat na lang itong si Summer at saka tumabi sa kaniya ng may distansyang isang metro sabay singhap sa hangin ng nakangiti. "Bakit ang aga mo magising?" Tanong ni Alex na ikiangat ng mukha ni Summer. "Tanong ko iyan ah, binabalik mo lang." Sagot ni Summer, bahagya namang napatango si Alex na tila ba biglang nahiya sa naging tono ng boses nitong si Summer na nakasisigurong siya nga ang unang nagtanong nito. "Hmm, nanaginip kasi ako ng masama kaya hindi na ako nakatulog." Sagot niya dito. "Uso pa pala iyon sa mga tulad niyong taga syudad?" Napapangising sambit nitong si Summer. "Bakit ano ba akala mo sa among mga taga syudad? Elyen?" Mabilis na sagot nitong si Alex kay Summer noon na ikinatigil naman agad sa pag-ngisi sabay tingin mata sa mata nito kay Alex. "Elyen ka ba?" Natatawang tanong bigla nito sa kaniya na agad kinakunot noo ni Alex. "Kitam, maske ikaw di ka naniniwala doon. Hindi ko lang kasi akalain na ang isang tulad niyong mga taga siyudad ay dinadalaw pa ng masasamang panaginip." Biglang hirit nitong si Summer ng hindi siya imikin nitong si Bryan habang napapailing. Bigla namang tumahimik ang kapaligiran matapos nitong magsalita. Maya-maya magsasalita pa sana ulit itong si Summer, nang biglang .. "Ahm--" "Siya nga pala, maraming salamat kahapon sa ginawa mo." Wika ni Alex. "Alin doon, yung tinulungan kita noong hinihimatay ka o yung dahil sa iyo napunta kay Asyong ang kwintas ko?" "No, look hindi ko sinasa--" "Lola?" Nabasag iyon ng makita bigla nitong si Summer ang lola ng maramdaman nitong may tao sa likuran nila. "Am, ma-magandang umaga po Lola. " Bati nitong si Alex. "Nakapag isip isip ka na ba tungkol sa napag usapan natin? " Agarang bungad na tanong ni Lola kay Alex na ikinagulo ng isipan naman ni Summer. Napakunot ang noo sa pag-iisip kung anong meron sa pagitan ng dalawa at kailangang maging ganon kaseryoso na lamang ang tono ng matanda sa dayo. "Lola, anong usapan iyon?" Di na nakatiis at inusisa na nga ni Summer. "Ikaw, pumunta ka ng bayan ngayon." Biglang sambit ng matanda sa kaniya na ikinanguso ni Summer "Po? Big-biglaan naman po yata?" May pagtatakang tanong ni Summer sa kaniyang lola habang namimilog ang magaganda nitong mga mata. "Anong biglaang doon? Nakalimutan mo na ba kung anong araw ngayon? Linggo kaya kailangan mong magbenta ng mga itlog ngayon doon." Saad ni Lola sa matapang na boses dahilan para mapapikit itong si Summer ng maalala nga kung anong araw na ngayon. "Pero po Lola--" Hihirit pa sana ng titigan siya ng matanda. "Hindi ka nag punta sa bayan noong mga nakaraang linggo di ba?" "O--opo!" "Ngayon, nandoon ang tatlong basket ng mga itlog. Dalhin mo." "Ta--tat--talong basket? Lola naman, dalawa lang po kamay ko. Paano ko po iyon mahahawakan?" "Sabit mo sa bibig mo kung gusto mo." Pabarang sagot ni Lola. "Lola naman." "May limampung minuto ka na lang bago dumaan ang bus." "Ahys Lola--" "Siya nga pala, kailangan mabilis mong maibebenta ang mga itlog na iyon dahil kailangan mong bumalik dito bago mag dapit-hapon." "Ano ho? Lola, tatlong basket po kaya ang ibebenta ko. Try niyo po kayang---" "Anong sabi mo?" "Ah eh--ta-try niyo po kayang--- mag-magkape po muna baka--baka nabibiglaan lang po kayo sa mga sdesisyon niyo. Oo tama, kape. Ipagtitimpla ko po kayo." Napapatangong sagot na lamang ni Summer. "Kung hahayaan mong masayang ang oras mo, ikaw ang bahala. Walang sisihan kung sakali mang maiwan ka ng bus. Basta hindi ka balik hanggat di mo naibebenta iyon lahat. " Paalalang saad sa kaniya ng lola na hindi man lamang siya nililingon. Kapag ganung awrahan talaga Niya malabo sa tubig kanal na mabago ko ang isip Niya at maalalang apo niya ako. Pambihirang buhay. Alam kong galit siya sa akin sa ginawa ko kagabi, pero di naman sa ganitong pamamaraan. Buti sana kung pagpunta ko sa bayan tatapon ko lang iyong mga itlog tapos balik na sa bahay dahil mamumulot na lang ako ng pera sa tabi ng kanal. Kaso hindi." Pagrereklamong bulong nito, habang bagsak ang mga balikat na napabuntong hininga na lamang. "Ahm-si-sige na maghahanda na ako." Saad ni Summer kay Alex na noon ay nakasandal sa may poste ng kahoy na napatango. Agad naman siyang humakbang papaalis, papuntang kusina para magtimpla ng kape bago umalis. Sakto naabutan niya dun ang kaniyang lola. "Lola--baka naman po pwede niyong bawasan ang basket na iyon? O baka gusto niyo pong dagdagan ang mga kamay ko para mabitbit ko iy----" napahinto siya ng lingunin siya ng kaniyang lola at bigyan ng masamang tingin para kilabutan na naman siya. Mga ganung tingin ang nagpapahiwatig ng warning sa kaniya bago magliparan lahat ng mga gamit sa kusina. "Iwasan mo ang lalaking iyon." Mandong saad nitong matanda sa kaniya na ipinagtaka niya kung sinong lalaki. "Si Asyong?" Biglang ngiti niya, si Asyong lang naman ang alam niyang lalaking pwedeng iwasan dahil bukod sa amoy at hininga nito ay may pag-uugaling kasuka suka din, at sa pag-aakala niya ding iyon nga talaga ang tinutukoy ng lola niya. "Ang dayong iyon. Iwasan mo siya." "Po?" Gulat na reaksyon habang nakakunot ang noo niya. Hindi niya alam kung bakit na lamang biglaang nasabi iyon ng lola niya. "Lola, bakit parang--" "Wala ng tanong tanong, basta iwasan mo siya. Ayokong makikita kayong nagkausap, naiintindihan mo?" "Teka lang naman po Lola. Bakit parang--dati rato ikaw po tung may gustong--" "Nagbago na isip ko. Basta sundin mo ang sinabi ko. Iwasan mo siya Hanggang nandito pa." "Hanggat nandito pa?" "Pwede ba, umalis ka na baka mawalan ka pa ng masasakyan sa Dami ng inuusisa mo. Alis na." Aniya nito saka nagmamamdaling humakbang bitbit ang baso ng kape palabas ng kusina habang si Summer ay naiwang nagtataka ang isipan kung bakit bigla na yatang uminit ang ulo nito. "Summer, pano mo bibitbitin iyon? Akala yata ni tanda may super power ako na kahit sampong basket ng mga itlog ay kayang kaya kong bitbitin. Nakakainisi naman kasi iyong mga manok Niya. Panay pangitlog di naman kayang asikasuhin ng mga Nanay. Pag ako nahirapan, sinasabi ko na ngayon pa lang isa isa kong pagugulungin iyong mga itlog na iyon papuntang bayan ng walang kahirap hirap. " Pagrereklamo ko saka ako napasabunot sa ulo at inis na tumayo sa kinauupuan ko at nagpasyang pumunta ng kwarto, nang biglang may naisip ako ng matanaw ko si Mau na kasing himbing ng paniki kung nakatulog, napangiti ako. Mukhang may solusyon na ako, napapangiti naman ng kusa ang mga labi ko sa isiping hindi ako mahihiirapan na. "Oy gising, gising, gising!" Panggigising nito sa kaibiganhg na may halong pag-alog sa katawan nito. "Hmm ano ba?" Reklamo ni Mau saka ito nagtalukbong na tila ba walang narinig, kaagad namang inagaw iyon ni Summer. "Oy gising. Samahan mo ko, punta ng bayan. Tsaka diba gusto mo ng umuwi . Tara na dali." "Hmmm-maaga pa." "Kaya nga, maaga pa at pag naiwan tayo ng bus, maaga nating sisimulang mag lakad papunta ng bayan ng tuluyang. Kaya halika na bilis bilis bilis." Padabog na bumangon sa kinahihigaan si Mau na walang nagawa sa pambubulabog ng tulog niya sabay tingin ng masama kay Summer habang ngiting ngiti ito sa kaniya. Buong buhay ni Mau kahit lamok hindi niya hinahayaang isturbuhin ang tulog niya ngunit ang babaeng kaharap niya eh dinaeg pa ang usig ng hayop sa ligalig. "Ano ba nakain mo at ang aga mo mambulabog?" Bating bungad nitong si Mau na naiinis. "Eh di ikaw din. Sabihin ko na lang kay ninong na gustong gusto mo na buhay dito kaya ipagpatayo ka nalang ng bahay malapit dito para naman---" "Heeeh." Putol nitong sabi kay Summer saka tuluyang bumangon at kumilos na habang si Summer ay kasing lapad ng kawali ang mga ngiti. Naisip nito na hindi talaga kailanman naging masama ang pagkakaroon ng kaibigan. Kaibigang mapagkakatiwalaan huh--hindi ahas!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD