Kabanata 46

1889 Words
        KUNOT noo ako ng matanaw kong nag-uusap mula sa malayo si lola at ang dayo. Hindi ko din maiwasang magtaka kung bakit biglaan naman niya yata akong sinabihang layuan ko ang sayo kung samantala dati ay gustong gusto at tila bilib na bilib pa siya.  "Hoy! Ikaw huh? Gusto mo na nu?" Sabay tapik sa akin nitong si Mau na sinamaan ko ng tingin. "Baka nakakalimutan mong kakagaling lang niyang paa mo, baka gusto mo ng part 2?" May babala sa boses kong saad sabay nguso sa hagdanan na nasa harapan lang namin. "Kung bakit ka ba naman kasi nakatingin sa kanila, kala ko ba nagmamadali tayo?" "Eh bakit ba, gusto kong malamang kung bakit sa ganun kalayo pa nila kailangang mag-usap at parang mga seryoso pa." "Usapang matatanda kasi iyan, di papasa utak mo hahah---heheh joke lang. Matalino ka kaya." Hirit niya sabay bawi sa akin. "Kasi naman kung gusto mong malaman usapan nila, try mo kayang lapitan nu?" "Ikaw na bihasa sa pagiging chismosa." Napapailing sambit ko sabay hakbang papababa. "Teka--siya pa lang--siya pa lang ba ang gising?" Tanong biglaan nitong si Mau na kinaangat ng mukha ko sa kaniya. "Huh--" "Ah--eh wala, tara na." Sagot niya saka siya napalingon na ipinagtaka ko naman. "Ano ba yon? May nakalimutan ka bang dalhin?" "Hmm-wala naman, tara na gusto ko ng makapagbabad din sa shower ramdam ko na ang amoy ko dito ng ilang araw kong pamamalagi. Di ko deserve na, baka iwanan na ako ng jowa ko." Saad nito. "Kung ganun, lubos lubosin mo na ang amoy mo. Ayang isang basket ng mga itlog ng manok kaw na magbitbit." Saad ko na nakangiti ng pagkalapad lapad habang siya napatigil sa paghakbang pababa ng matanaw ang tatlong basket ng mga itlog na naghihintay. "Oh no, don't tell me--kaya mo ko pinasama dahil gusto mo kong---" "Kailangan pa bang itanong?" Sambit ko habang nakangiti pa din. "Ayoko nga!" Pagtanggi agad nito. "Oh eh--sige ka, ikaw din mamaya susumbong ko kay ninong." "At ano naman ang isusumbong mo huh aber? Anong mali ginawa ko sa iyo?" Tanong niya sa akin na nagmadaling bumaba para mapantayan ako. "Malalaman mo pag hindi mo ko tinulungang buhatin yan." Aniya ko saka ko kinuha ang dalawang basket ng itlog. "Aba't---Oy!" "Bilisan mo bilang na lang sa utak ko ang minuto para makatawid tayo sa kabilang bundok at sa ilog para maabutan ang sasakyan." Sigaw ko. "Oh Lord, sino ba nagsabi sa aking kaibiganin ko itong amazona?" Bulong nito na rinig na rinig ko naman, napangiti naman ako saka napailing. Kahit papaano gumana pa din naman ang utak ko ngayong araw poara magawan ng paraan kung sino makakatulong ko sa pagbuhat ng mga basket ng itlog.  Nakakailang hakbang na kami ng biglang magtanong itong si Mau, kahit kailan talaga ang bunganga di matahimik. "Oy, ano plano mo? Paano mo babawiin ang pamana ni mader dear mo? And paano mo matatakbuhan iyong kasal kung ilang araw na lang magiging misis ka na ng tukmol na iyon?" Usisang tanong nito. Isang malakas na buga naman ang pinakawalan ko saka siya tiningnan. "Magbigti na lang kaya ako?" Bulalas ng bibig ko ng wala man lang kapreno-preno. "Gaga! Tanggap mo bang sa impyerno ka mapupunta?" "Eh kaysa naman sa matanggap kong iyong lalaking iyon ang mapapangasawa ko?" "Eh--what if makipagtanan ka na lang?"  "Tanan?" Biglaang saad ko sa malakas na boses. "Oo, tanan--"  "Boba ka ba? Paano ako makikipagtanan kong kasintahan nga wala." Sambit ko. "Oo nga pala, nakalimutan ko na ganiyan ka pala kapangit para hindi pa din magkajowa until now." Sagot nito na ikinasama ng tingin ko sa kaniya. "Kailangan ko lang mabawi ang kwintas na iyon." Sambit ko. "Eh paano mo nga mababawi kung ang natatanging paraan lang ay ang magpakasal ka dun? Pwera na lang kung papatayin mo iyon?" Sambit nito. "Nako, kahit kailan talaga--magkakasala pa ako dahil sa mga payo mong walang kwenta. Bilisan na nga natin. Kailangan kong makaisip ng paraan--hindi pwedeng maikasal ako sa taong iyon. Magbibigti talaga ako." Sagot ko saka ako napahakbang ng malalaki. "Hay, bakit naman kasi ganun ka kumplikado buhay mo. Mahirap ka na nga mas pinahirapan ka pa. Isako na lang kaya kita tas ihagis sa dagat. Doon malaya ka magpapalutang-lutang kasama ang mga pating at mga isda." Rinig kong saad nito mula sa likuran ko na kaagad ko namang ikinahinto saka ko siya tiningnan. "Eh kung unahan na kaya kita ngayon nuh? Ayos mga plano mo eh, uunahan mo pa ako sa pagbibigti ko. Tara na nga, dami mo iniisip--nasipsip na yata ng mga lamok dugo mo sa utak." Saad ko na napapailing saka ako muling napahakbang. Alex Pov:       HINDI ko pa din talaga lubos maintindihan kung bakit biglaan na lamang nanlamig ang pakikitungo sa akin i Inang.  "Anong problema? Bakit nag-iimpake ka na?" Naalimpungatang tanong nito ng mapansin niyang inaayos ko na ang mga damit ko papasok sa malaking bag pack ko. "Mag-ayos ka na din, sa susunod na araw babalik na tayong Maynila." "Huh? Eh mag-iisang buwan ka pa lang dito tapos--teka, wag mong sabihing--?" Napabalikwas siya ng bangon sabay baba sa papag at umupo sa harapan ko. "Pre--seryoso ba talaga si Inang? Pinapaalis ka?" Tanong nito sa akin habang nakatitig marahan naman akong napatango sabay pasok ng isang pares ng damit ko sa loob ng bagahae. "Tsk! Tsk! Alam mo--parang may mali na. Dati rati ang gaan gaan naman ng loob niya sa atin-sa iyo. Mabait, tsaka welcome na welcome naman tayo dito. Pero bakit biglaan naman yata? M-may nagawa ka bang mali?" Tanong nito sa akin. "Sa ating dalawa sino ba madalas makagawa ng mali?" Tugon ko dito sabay iling. "Hindi ko talaga mainitindihan si Inang. Gusto mo ba kausapin ko?" Aniya nito sabay tapik sa braso ko. "Hayaan mo na. Isa pa, mukhang kahit naman talaga ako saan magpunta hahabulin at hahabulin ako ng alalaang pilit kong tinatakasan." Sambit ko. "Sabagay tama ka diyan. Tingnan mo nga sa kagustuhan mong tumakbo sa nakaraan mo ayan--lumitaw sa harapan mo ang apo ni Inang na sa hindi natin maintindihan kung bakit magkamukhang magkamukha pa sila. Eto pa, pati kwintas huh? Di naman pwedeng sabihing muling nabuhay si Serene--eh kitang kita naman natin kung paano takpan ng lupa ang kaba---ayyyy! Tama na nga kinikilabutan na naman ako. Mamaya nito, nasa likod ko pala si Serene." Napapahimas sa braso nito sabay dikit sa akin, isa namang malalimang buntong hininga ang pinakawalan ko. Bakit nga ba? May itinatago nga ba talaga si Inang--may mas malalim pa bang lihim sa pagkatao ni Summer na ayaw ni Inang malaman ng lahat---lalo na ng apo niya?  Summer's Pov:        NAIBENTA na ang lahat lahat ng mga itlog ng mga iresponsableng mga inahin na iyon. Mabuti na lang at naawa sa akin si ninong at binili lahat ng iyon kapalit ng pag-aalaga ko daw kay Mau. Ayaw ko pa nga eh, dahil pag nalaman ng lola tsak--ako ang ipapalit sa mga itlog doon sa imbakan niya. Pabagsak kong ibinaba ang basket sabay upo sa gilid ng kalsada habang naghihintay ng padating na bus. Sa pagkakataong iyon, hindi ko naman maiwasang makapag-isip isip ng pwede kong gawing hakbang. Ang tanong may magagawa pa ba ako? Kung bakit naman kasi tagilid ang timbang ng buhay ng mga tao. Bakit di pwedeng maging pantay? Di sana di mamamatay ang nanay, di kami maghihirap sa bukid ng ganung klaseng pagkayod. Hindi namin kailangang makisaka, at makitira sa lupang hindi naman sa amin. Isang mabigat na buga sa hangin ang pinakawalan. Siguro kung tinanggap ko iyong inaalok ni ninong na skolar noon sa akin para makapag-aral sa Maynila, ay baka may magawa pa akong paraan. Nakakapagtrabaho sana ako at kumikita kahit papaano habang nag-aaral. Kung bakit naman kasi ayaw akong payagan ni lola na lumuwas ng Maynila. Napatingin naman ako sa paligid ko, ganito din ba kaya ang itsura ng Maynila?  Sabi ni Mau pag nasa Maynila ka, hindi ikaw ang makikipag-agawan at unahan sa jip kundi ang mismong mga driver nito ang mag-uunahang pasakayin ka. Di mo rin kailangang mag-antay ng mahigit tatlo o apat na oras makasakay lang. Wala ding mga bahay doon na hindi yari sa mga bato. Siguro kung nasa Maynila ako hindi ni lola pagpipilitan ang walang kwentang kasalang iyon, isa pa kung sakali man matatakasan ko p---teka? Tama bang pumasok sa isip ko? Matatakasan? Oo nga! Kung pupunta ako ng Maynila, m-matatakasan ko nga si Asyong? Tama!  "Hahahaha! Oo, tama nga. May paraan pa para maiwasan ko ang kasal. Maynila--Maynila ang sagot sa dasal ko. Oh Maynila hahahah---aray!" Sa lakas ng tawa ko ganun din kalakas ang batok sa akin ng nilalang na nasa likod dahilan para mapalitan ng pagkabwisit ang ekspresyon ng mukha ko. "Sinong hangal ang bumato---" "Alam mo, kung di lang kita kaibigan inisip ko ng nawawala ka na sa sarili mo. Tumatawa ba naman mag-isa." Aniya nitong si Mau, napakunot noo naman ako ng may mapansin akong bitbit nito. "Ano yan?" Turo ko sa bitbit na plastic nito. "Tsaka anong ginagawa mo dito? " "Saka na iyong tsaka tsaka mo, sasama kaya ako sa iyo kasi nag-aalala ako sa sitwasyon mo." "Nag-aalala? Kanino-sa akin? Bakit? Ano na bang sitwasyon ko?" Tanong ko sa kaniya. "Papunta na sa kawalan ng matinong pag-iisip."  "Ano? Oy, Mau--pinagsasasabi mo?" "Makita pa nga lang kitang nag-sasalita mag-isa at humahalakhak natatakot na ako. Sa mga susunod na araw pa kaya. Baka mabalitaan ko na lang tumalon ka sa puno ng mangga o buko." "Gag*! Wala pang namamatay sa pagtalon sa puno ng mangga o buko." Basag ko.  "O ayan, pinabibigay ni daddy kay Inang. Masyado ka namang kinabahan, ayako nga pumunta na sa inyo gat nandun iyong bwisita niyo." Sambit nito sabay ngiti, napailing naman akong inabot ang supot. Sa totoo lang mas ako ang mag-aalala sa iyo kung babalik ka doon--baka sa susunod di na ako bilhan ng itlog ng tatay mo pag dalawang paa mo na ang magka problema, isa pa--baka pagdating ng panahon madamay ka pa kung sakaling maging g**o ang hatid ng gagawin ko. Maigi ng malayo layo ka sa akin para hindi ka paghinalaan ni Asyong.  "Salamat dito huh?" Saad ko sabay ngiti. "Nako, anong salamat--utang mo iyan." "Sige lista mo na lang sa tubig." Napapailing kong sagot dahilan para mapangisi kaming dalawa. Ilang segundo pa ng katahimikan ay biglang may kung anong pumasok sa isip ko na direktang inilabas sa bibig ko. "Ah--siya nga pala, kelan balik mo sa Maynila?"  "Ahm--after pyesta balik na ulit ako." Seryosong sagot niya na ikinatango ko naman. Uhm--Ah--Ahm-- san ka pala sa Maynila nag-stay?" Tanong ko sa kaniya. "Ah--huhu? Bakit mo naman natanong?" "Uhm wala lang, sabihin mo na sa akin dali malay mo pagdating ng panahon payagan ako ni lola makapunta ng Maynila oh diba? Tas puntahan kita."  "Nako, wag ka ng umasa. Magiging milyonarya na lang mga chicmosa hindi ka pa din ni tanda papayagan. O'sya, balik na ako sa bahay. Sa makalawa panik ka rito huh? Hihintayin kita sa pyesta. Sama mo si dayo pero wag yung ugok." "Ah--eh--" "Oh bawal ang a-e-i-o-u. Tsaka, pagkakataon mo na. Uuwi si kuya di ba? Ayeh hahaha!" Sabay ngiti at tusok sa tagiliran ko dahilan para mapangiti ako sa pagkakakiliti. Kamuntik ko ng makalimutan--uuwi pa la siya.  "Hoy huh? Pumunta ka--magtatampo ako pag di ka pumunta." Saad nito sabay kaway sa akin ng paalam at tuluyang humakbang papalayo na sa akin. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD