PAGPASOK ni Brielle sa loob ng kwartong tinutuluyan ay agad niyang ibinagsak ang sarili sa kama. Pagkatapos niyon ay nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga at tumitig siya sa ceiling. Wala pang beinte kwatro oras simula noong ihatid siya ng Papa ni Apollo sa bahay nito para mag-umpisang mag-trabaho pero pakiramdam niya ay ubos na ang lakas niya. Pakiramdam niya ay halos isang taon na siyang nagta-trabaho do'n na walang pahinga. Nakakaubos din pala ng lakas ang kasungitan ni Apollo. God, pang level ten yata ang kasungitan nito. Iiling na lang si Brielle nang maisip niya iyon. At akmang ipipikit niya ang mga mata ng mapahinto siya ng tumunog ang ringtone ng cellphone niya. At dahil tamad siyang bumangon ay inabot lang niya ang cellphone kung saan iyon nakapatong, halos kinapa l