SAGLIT na tumitig si Brielle sa nakasarang pinto sa kwarto ni Apollo bago tumaas ang isang kamay niya para kumatok do'n. Tatanungin sana niya ito kung ano ang gusto nitong kainin at iyon ay iluluto niya mamaya sa lunch. Gusto niya itong tanungin baka kasi mamaya ay ayaw nito sa niluto niya at masayang lang iyon. Wala namang narinig si Brielle na sagot mula sa loob kaya napagpasyahan na niyang pihitin ang seradura pabukas. Dahan-dahan naman ang ginawa niyang pagbukas sa pinto. Sumilip siya sa loob pero wala siyang makitang presensiya nito. Sigurado siyang nasa loob si Apollo dahil hindi niya ito nakitang lumabas ng kwarto mula kanina pa. At kanina pa siya sa sala ng bahay at hindi niya ito nakikita na pagala-gala do'n. Tuluyan naman na siyang pumasok sa loob ng kwarto. Napatingin naman s