PAGPASOK ni Brielle sa loob ng tinutuluyang kwarto ay narinig niya agad ang pagtunog ng ringtone ng cellphone niyang nakalapag sa ibabaw ng kama. Humakbang naman siya para kunin iyon. Pero hindi pa siya tuluyang nakakalapit ng tumigil iyon sa pagtunog. Gayunman ay lumapit pa din siya para kunin ang cellphone niya para tingnan kung sino ang tumatawag sa kanya sa sandaling iyon. Nakita at nabasa naman niya na ang Mama ni Apollo na si Ma'am Margie ang tumatawag sa kanya. Nang makita niya iyon ay agad naman siyang nag-return call. Nakakadalawang ring ng sagutin ni Ma'am Margie ang tawag niya. "Hello?" wika nito ng sagutin nito ang tawag niya. "Pasensiya na po, Ma'am kung hindi ko agad nasagot ang tawag niyo," paghingi ni Brielle ng pasensiya dito. "Iniwan ko kasi sa loob ng kwarto ang c