NAPAHINTO sa paglalakad si Brielle nang maramdaman niya ang pagtunog ng cellphone na nasa loob ng kanyang bag. Binuksan naman niya iyon para kunin ang cellphone. At nang tingnan niya kung sino ang tumatawag ay nakita at nabasa niya na ang kakambal na si Brianna ang tumatawag sa kanya sa sandaling iyon.
Saglit naman siyang napatitig sa tumutunog na cellphone hanggang sa sagutin niya ang tawag nito.
"Brielle," banggit naman ni Brianna sa kanya mula sa kabilang linya ng sagutin niya ang tawag nito.
"Oh, bakit?" wika naman ni Brielle dito kung bakit siya nito tinawagan.
"Nasa Mall ka pa ba?" tanong naman nito sa halip na sagutin siya.
Napaisip naman si Brielle kung bakit nito tinatanong kung nasa Mall siya. "Yes. Bakit mo naitanong?" tanong naman niya.
"May gusto sana akong ipabili sa 'yo," wika naman ni Brianna sa kanya.
"Wala akong pera," wika niya agad sa kakambal.
Narinig naman niya ang pagtawa nito mula sa kabilang linya. "Ikaw pa ang walang pera?" sambit nito sa natatawang boses.
"Tambay ako, 'di ba?" sabi naman niya.
"Tambay pero sumasahod naman," sabi naman nito sa kanya. Pero mayamaya ay narinig niya ang pagseryoso ng boses nito mula sa kabilang linya. "Sige na, Brielle. Bilhin mo na iyong ipapabili ko. Babayadan naman kita pagdating mo dito sa bahay," wika ni Brianna sa kanya.
Hindi naman niya napigilan ang pag-ikot ng mga mata. "Parang diskumpiyado ako sa sinabi mong babayadan mo ako," sabi niya kay Brianna. "Hindi mo nga ibinigay sa akin iyong sahod ko noong nagpanggap ako na ikaw noong nakaraang araw," dagdag pa na wika niya dito.
May usapan kasi sila ni Brianna na sa kanya mapupunta ang sahod nito ng isang araw ng mapapayag siya nito na magpanggap na ito sa pinagta-trabahuan nito. And take note, pumayag pa itong double pay pa iyon. Pero ilang araw na ang nakalipas ay hindi pa nito ibinibigay ang sahod niya at mukhang wala na itong balak na ibigay iyon sa kanya dahil wala naman itong nababanggit. Mukhang utang kalimutan na naman ang kakambal. Na-scam na naman siya ni Brianna.
Sa pangalawang pagkakataon ay tumawa na naman si Brianna. "Paano kita su-swelduhan, eh, hindi ko pa naman nakuha ang sahod ko? Hindi pa payday, 'no?" imporma naman nito sa kanya.
Napasimangot naman siya. "'Di mag-cash advance ka," wika naman niya dito.
"Hindi iyon pwede," natatawang wika naman nito sa kanya. "Sige na, Brielle. Bilhan mo na ako. I'll pay you later. Promise," mayamaya ay wika nito sa kanya.
Bumuntong-hininga naman siya. "Okay, fine!" wika niya. Sabi nga niya, kilalang-kilala na niya ito. Hindi na naman siya nito titigilan hanggang sa hindi siya nito mapapayag. Eh, may pagka-makulit pa naman ang kakambal niya.
"Oh, I love you, Brielle," narinig niyang wika nito.
She just mentally rolled her eyes as an answer. "Ano bang ipapabili mo sa akin?" mayamaya ay tanong naman niya dito.
"Bili mo ako ng pizza," wika nito sa kanya.
"Pizza?" balik tanong naman niya. "Anong gagawin mo sa pizza?"
"Ano ba ang ginagawa sa pizza, Brielle? Ginagawang skin care? Siyempre, eh, 'di kinakain," wika naman nito sa kanya, mababakas sa boses nito ang sarkastiko.
Hindi naman niya napigilan ang pagtaas ng isang kilay. "Hindi na lang kaya kita bilhan ng pizza?" wika naman niya dito.
Lihim naman siyang napangiti ng natahimik ito mula sa kabilang linya. "I zip my mouth na," sabi nito sa kanya. Lalong lumawak naman ang ngiti sa kanyang labi, mukhang natakot ito na hindi niya ito bilhan ng pinapabili nito. "I want overload pizza, Brielle. Bye, thanks!"
Hindi naman na siya nito hinintay na magsalita, binabaan na siya nito ng tawag. Iiling na lang naman si Brielle nang ipasok niya ang cellphone sa loob ng kanyang bag. At sa halip na magpatuloy sa paghakbang palabas ng Mall ay bumalik siya para bumili ng pizza na pinapabili ni Brianna.
Nagpunta kasi si Brielle sa Mall dahil may tiningnan siya sa isang Bookstore. Sabi kasi ng editor niya ay release na iyong book niya. At nang malaman niya iyon ay agad siyang nagpunta sa Bookstore para i-check kung naka-display na ba ang libro niya. Sa katunayan ay bumili nga din siya ng kopya niya kahit na binibigyan sila ng complimentary copy ng Publishing House kung saan siya nagsusulat. Minsan kasi iyong complimentary copy na natatanggap niya ay binibigay niya sa mga kaibigan niya.
Hindi naman na niya kailangan umakyat sa second floor dahil nasa 1st Floor naman ang store ng Pizza. Agad naman siyang um-order ng Pizza overload. Naghintay nga siya ng halos tatlumpong minuto bago niya nakuha ang order niyang Pizza. Inabot tuloy siya ng alas siyete ng gabi sa Mall. Anong oras na din kasi siyang nagpunta do'n.
At nang makuha niya ang order ay umalis na siya sa nasabing store at tuloy-tuloy siya sa paglabas ng Mall.
Hindi naman napigilan ni Brielle ang ma-curious nang mapansin na maraming tao sa labas ng nasabing Mall, lalo na sa gilid niyon. Napansin din niya na naglalakad ang ibang tao sa gilid ng Mall sa may labas. Parang may pinagkakaguluhan ang mga ito do'n. Dinig din niya ang malakas na tugtugin do'n at pumapainlanglang ang kantang 'Marry you' ni Bruno Mars.
May artista ba? tanong naman niya sa sarili. Dahil naman sa kuryusidad ay humakbang din siya patungo do'n para tingnan kung ano ang pinagkakaguluhan ng mga tao.
Sumiksik nga siya para lang makapunta siya sa harap para makita niya ang nangyayari ng malinaw hanggang sa nakita niyang may nagsasayaw do'n na ang tugtog ay ang kantang 'Marry You.'
Dahil isang writer si Brielle alam na niya agad kung ano ang nangyayari sa sandaling iyon. Mukhang may magaganap na proposal ngayong gabi. At dahil gusto niyang masaksihan iyon ay nanatili siya sa kinatatayuan.
At tama siya sa naisip nang makitang nilapitan ng isang dancer ang isang magandang babae. Napansin niyang nagulat ito at nakita din niyang nagpalinga-linga ito sa paligid na parang may hinahanap.
Inakay naman ang babae sa gitna. At halatang naguguluhan ito. Tumitig naman siya sa babae. Napakaganda nito, maputi at matangkad. At dahil malinaw ang mata ni Brielle ay kitang-kita niya na maamo ang mukha nito.
Mayamaya ay inalis niya ang tingin dito ng may biglang lumitaw na isang matangkad na lalaki sa harap ng babae. Kasabay ng paglitaw ng isang lalaki ay ang pag-switch ng malaking projector at nakasulat do'n ang salitang 'Will you marry me?'
Nakatalikod ang lalaki kaya hindi niya makita ang hitsura nito. Pero base na din sa magandang pangangatawan nito ay alam niyang may hitsura ito.
Naghiyawan naman ang mga taong nasa paligid niya ng lumuhod ang lalaki sa harap ng babae. Nakita naman niyang natutop ng babae ang bibig nito habang nakatingin ito sa lalaki.
Mayamaya ay narinig niya ang pagtikhim ng lalaki. Rinig niya iyon dahil may hawak na mike ang lalaki.
"Jille," nangilabot si Brielle nang marinig niya ang boses ng lalaki ng magsalita ito. The man voice is deep and husky. "We've been together for may years," rinig niya na wika ng lalaki sa babaeng nangangalang 'Jille'. "And I want to be with you forever. I want to spend my life with you," wika nito. Pagkatapos niyon ay may dinukot ito sa bulsa ng suot nitong pantalon. At kahit na hindi iyon masyadong kita kung ano ang dinukot ng lalaki sa bulsa ng suot nitong pantalon ay alam niyang singsing iyon.
"Jille, will you spend your life with me? Will you marry me?" tanong ng lalaki sa babae.
Saglit namang hindi nagsalita ang babae. Pero napansin niya na umiiyak ito. At mayamaya ay nakita niya na tumango ito.
Inilahad naman nito ang isang kamay sa harap at nakita niyang isinuot ng lalaki ang singsing sa daliri ng babae. Tumayo naman na ang lalaki mula sa pagkakaluhod nito at niyakap ang babae. At kasabay ng pagyakap nito sa babae ay ang pagliwanag ng kalangitan dahil sa nagliliwanag na fireworks.
Napatingala naman si Brielle. At hindi niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa labi niya habang nanunuod siya ng fireworks.
Saglit naman siyang nakatingala hanggang sa ibalik niya ang tingin sa dalawa. "Oh," hindi naman niya napigilan isambit nang sa pagkakataong iyon ay nakita niya ang mukha ng lalaki. Hindi na kasi ito nakatalikod, nakaharap na ito kaya kita na niya ang mukha nito.
Kilala kasi ni Brielle ang lalaki. Ito si Apollo Guevas--ang lalaking ilang beses na niyang nakikita sa loob lang ng ilang araw.
INALIS ni Brielle ang tingin sa laptop at inilipat niya iyon sa gawi ng pinto ng makarinig siya mahinang katok na nanggagaling sa labas ng kwarto niya. Mayamaya ay bumukas iyon at sumilip do'n ang kakambal niya na si Brianna.
"Hi," nakangiting wika nito ng magtama ang mga mata nila. Pagkatapos niyon ay tuluyan itong pumasok sa loob ng kwarto niya. Sumandal naman siya sa swivel chair niya at inikot niya iyon paharap dito.
"May kailangan ka na naman?" tanong niya dito, hindi din niya napigilan ang taasan ito ng isang kilay.
"Wala," sagot naman nito. Pagkatapos niyon ay itinaas nito ang hawak do'n. Bumaba naman ang tingin niya sa hawak nito at do'n niya napansin na may hawak pala itong isang mug na may lamang umuusok na kape. "Dinalhan lang kita ng kape," dagdag pa na wika nito. Nagpatuloy naman ito sa paghakbang palapit sa kanya at ibinaba nito ang hawak na mug sa working table niya.
Umalis naman si Brielle mula sa pagkakasandal niya sa swivel chair para maabot niya ang kakambal. Hinawakan naman niya ito sa braso. "May lagnat ka ba?" tanong naman niya dito. Napansin naman niya ang pagsasalubong ng kilay nito habang nakatingin sa kanya.
"Wala akong lagnat," sagot naman nito.
"Kung wala kang lagnat. Eh, ano ang nakain mo?" tanong ulit niya. Lalo namang nagsalubong ang kilay nito sa sinabi niya. "Ang sweet at caring mo kasi ngayon sa akin," dagdag pa na wika niya. "Dinalhan mo pa ako ng kape sa kwarto ko," pagpapatuloy na wika niya. Hindi kasi iyon ginagawa ni Brianna sa kanya. At mayamaya ay hindi niya napigilan ang pagtaas ng isang kilay habang nakatitig siya kay Brianna. "Siguro may kailangan o ipapagawa ka na naman sa akin? I'm sorry, Brianna. Pero pass mo na ako. I'm busy may hinahabol akong deadline," sabi niya dito. Pagkatapos niyon ay inalis niya ang tingin dito at ibinalik na niya iyon sa harap ng laptop niya.
"Wala akong kailangan o ipapagawa sa 'yo, no? Dinalhan lang talaga kita ng kape," sabi naman nito sa kanya. At mula sa gilid ng mata niya ay nakita niya na humakbang ito patungo sa kama niya at humiga ito do'n.
"Dito ako matutulog," wika naman nito sa kanya. Muli na naman niya itong binalingan.
"Do'n ka na sa kwarto mo matulog," wika naman niya dito.
Sa halip naman na sagutin siya nito ay kinuha nito ang kumot niya at kinumot nito iyon sa sarili dito. "Dito ako matutulog. Na-miss kitang katabi," wika naman nito sa kanya.
Iiling na lang naman si Brielle. Hinayaan na lang niya ito dahil alam naman niyang hindi ito aalis sa kwarto niya.
Muli na naman niyang ibinalik ang atensiyon sa harap ng laptop at pinagpatuloy niya ang pagsusulat niya.
"May boyfriend ka ba, Brielle?" mayamaya ay narinig niyang tanong ni Brianna sa kanya. Napatigil ulit siya sa pagtipa sa keyboard niya at napatingin siya dito. Napansin naman niyang nakatingin ito sa kanya.
"Kung may boyfriend ako, eh, 'di sana nakilala niyo na," wika naman niya, hindi din niya napigilan ang mapakunot ng noo.
Wala siyang boyfriend. Wala kasi siyang time dahil sa sobrang busy niya. At kung mayroon man ay hindi niya iyon itatago sa pamilya niya.
Napansin naman niya na kumibot-kibot ang labi nito. "Nagtatanong lang. Bakit ka galit?" wika nito.
"Galit ba ako?" wika naman niya sabay turo sa sarili.
Isang kibit-balikat lang naman ang isinagot nito sa kanya. "Kung wala kang boyfriend. Saan mo naman pinagkukuha iyong ideya diyan sa pinagsusulat mo?" tanong naman nito sa kanya.
"Sa imagination ko," sagot naman niya.
Silang mga writer kasi ay malawak ang pag-iisip nila. Simpleng bagay ay pwede nila iyong palakihin sa pamamagitan ng pag-iisip at imahinasyon nila. At minsan din sa pagiging observant nila sa paligid. Nakakabuo sila ng isang kwento sa imagination at sa pagiging observant nila.
Tumango-tango naman ito bilang sagot niya. "I'm proud of you," wika naman nito sa kanya mayamaya. Tinaasan ulit niya ito ng isang kilay. Sa unang pagkakataon ay ngayon lang niya narinig ang mga salitang iyon sa kakambal niya.
Akmang bubuka ang bibig niya para magsalita ng mapahinto siya ng tumalikod na ito sa kanya. "I'm going to sleep. Good night, Brielle," wika ni Brianna sa kanya.
Isang buntong-hininga lang naman ang isinagot ni Brielle sa kakambal.