Chapter 7

2016 Words
NANG makitang wala ng laman ang kape ni Brielle sa baso na nakalapag sa working table ay kinuha niya iyon at saka siya tumayo mula sa pagkakaupo niya sa swivel chair niya. At bago siya lumabas ng kwarto para mag-timpla ulit ng kape ay sinigurado mo na niyang naka-save ang sinusulat niya sa kanyang laptop. Mahirap na kasi baka mamatay ang laptop niya at hindi ma-save ang sinusulat niya. Sayang din naman ang ilang chapter na naisulat niya. Pinaghirapan din niya iyong itinipa sa laptop niya. Kinakailangan pa naman ni Brielle iyong matapos bukas ng alas kwatro ng hapon dahil hinahanap na iyon ng editor niya. Isasabay kasi ang novel niya na ire-release ngayong darating na linggo. Kaka-release lang ng isang libro niya pero may panibago na naman siyang libro na mare-release. Sold out nga agad iyong bagong release na book niya. At maraming nag-aabang sa kasunod na series na isinulat niya kaya minamadali siya ng editor niya. Kaya ito siya, abalang nagsusulat at mukhang hindi siya matutulog ngayong gabi para lang matapos siya sa sinusulat. May 15 thousand words na lang kasi ang kulang niya para matapos siya sa sinusulat. Kaya naman niya iyong matapos dahil may outline naman na siya. Bago din kasi siya magsulat ng mga chapter ay nakasulat na siya ng outline para alam na niya ang magiging takbo ng kwento niya by chapter. Pero minsan, hindi din niya nasusunod iyon kaya madalas ay go with the flow na lang siya. Kung ano ang biglang pumasok sa isip niya at sa tingin niya ay mas maganda sa ginawa niyang outline ay iyon ang sinusunod niya. So far, so good ay wala naman siyang pinagsisisihan. Nang masigurong na-save ni Brielle ang sinusulat ay saka lang siya humakbang palabas ng kwarto para magpunta ng kusina nila para magtimpla ng panibagong kape. Nakakatulong din kasi ang kape para hindi siya antukin at para gumana ang utak niya. Black coffee naman ang tinimpla niya. Busy siya sa pagtimpla ng kape ng marinig niya ang boses ng Mama niya na si Naneth na tumawag sa pangalan niya. "Brielle," banggit nito sa pangalan niya. Lumingon naman siya sa kanyang likod at nakita niya ang Mama niya sa hamba ng pinto sa kusina at nakatingin sa kanya. "Oh, Ma," wika naman ni Brielle sa Mama niya. "Bakit gising ka pa?" tanong naman ng Mama niya sa kanya ng tuluyan itong pumasok sa loob ng kusina. "May tinatapos lang po akong manuscript," sagot naman niya dito. Hindi naman na nagbigay ng komento ang Mama niya sa sinabi niya. Sanay naman na din siya dito. Kapag napag-uusapan ang career na pinili niya ay hindi na masyadong kumikibo ang Mama niya. Sa totoo lang ay nararamdaman niya na parang hindi nito gusto ang pagiging manunulat niya. Noong sinabi nga niya na gusto niyang maging fulltime writer pagkatapos niyang mag-resign sa trabaho ay napansin niya ang disgusto sa mukha ng Mama niya. Wala naman itong sinabi na hindi nito gusto ang naging desisyon niya noon pero mababakas naman iyon sa mukha nito. Gayunman ay pinili pa din niya kung ano ang nagpapasaya sa kanya. Pinili pa din niyang maging isang manunulat. "Gusto niyo po ng kape?" mayamaya ay alok niya sa Mama niya. Umiling naman ang Mama niya bilang sagot. "Magtutubig lang ako, Brielle," sagot naman nito sa kanya. Kumuha naman ang Mama niya ng baso at nilagyan nito iyon ng tubig. "Nasaan pala si Brianna?" mayamaya ay tanong ng Mama niya sa kanya ng balingan siya nito. Saglit naman siyang hindi nagsalita sa tanong na iyon ng Mama niya. "Brielle, tinatanong kita," untag naman nito ng hindi pa siya nagsasalita. "Hindi ko pa siya nakita mula kanina," pagpapatuloy pa na wika nito. "Wala din siyang paalam sa akin." Saglit naman niyang kinagat ang ibabang labi niya. "Hmm...birthday daw po kasi ng ka-work niya, Ma. Magse-celebrate daw sila sa bahay ng ka-work niya," sagot naman niya. Pasimple din niyang iniwas ang tingin sa Mama niya para hindi nito mahalata na nagsisinungaling siya. Wala kasi sa bahay ng ka-work niya ang kakambal. Nasa bar ito at nagba-bar hopping kasama ang mga ka-barkada nito. Nakiusap kasi si Brianna sa kanya na huwag niyang sabihin sa Mama niya na nasa Bar ito dahil mapapagalitan ito. Ayaw naman sana niyang magsinungaling sa Mama niya pero ayaw naman niyang mapagalitan ang kakambal. Sorry po, Mama. Sorry po, Lord, wika naman niya sa isipan. Tumango naman ang Mama niya bilang sagot. Nakahinga naman siya ng maluwag dahil hindi na muling nagtanong ang Mama niya. "Huwag ka nang masyadong magpupuyat," bilin nito sa kanya bago ito lumabas ng kusina. Nang tuluyang makalabas ang Mama niya ay nagpatuloy naman siya sa pagtimpla ng kape. At nang matapos ay saka na siya lumabas ng kusina para pumasok ulit sa kwarto niya. Pagkapasok ay muli siyang umupo sa harap ng working table niya para magpatuloy sa ginagawa niya. Tuloy-tuloy naman ang ideya sa isip niya. Ganoon talaga siya minsan kapag naghahabol siya ng oras. Kaya madalas ay last hour siya nagsusulat dahil nakakatapos talaga siya ng nobela. Ganoon yata kapag napi-pressure. Bumibilis siyang nakakapagsulat. At mayamaya ay inalis ni Brielle ang tingin sa harap ng laptop ng tumunog ang ringtone ng cellphone niya na nakalapag sa ibabaw ng working table niya. Nang silipin niya kung sino ang tumatawag sa kanya ay nakita at nabasa niya na si Brianna ang tumatawag sa kanya. Napasimangot naman siya. Sa halip na sagutin niya iyon ay itinaob niya ang cellphone. Ayaw kasi niyang istorbohin siya nito dahil mawawala ang momentum niya sa pagsusulat. Baka kapag sinagot niya iyon ay hindi na niya matapos ang sinusulat niya. Hinayaan lang naman ni Brielle na tumunog iyon nang tumunog hanggang sa nagsawa na yata si Brianna na tawagan siya dahil huminto iyon sa pagtunog. Pero makalipas ng ilang segundo ay tumunog na naman iyon. Saglit naman niyang ipinikit ang mga mata bago niya dinampot ang cellphone at saka niya sinagot ang tawag ng kakambal. "What?" wika niya ng sagutin ang tawag nito, hindi din niya maiwasan ang pagbalatay ng inis sa boses niya. Narinig naman niya ang pagtawa ni Brianna mula sa kabilang linya na sumasabay sa ingay ng paligid. Mukhang nasa bar pa ito sa sandaling iyon. "Chill, Brielle," wika nito sa natatawang boses. "Please, Brianna. Huwag mo akong istorbohin. May tinatapos akong manuscript," wika naman niya dito. Ewan niya kung ano ang dahilan kung bakit ito tumawag, pero mukhang gusto lang siya nitong inisiin. "Bakit ka tumawag?" tanong naman niya. "Sunduin mo ako dito sa Bar," wika naman nito sa kanya. Bahagya namang kumunot ang noo ni Brielle. "I'm busy, Brianna. May ginagawa ako. Kailangan ko itong matapos ngayong gabi. Umuwi ka na lang mag-isa. Bye!" Hindi naman na niya ito hinintay na magsalita, pinatayan na niya ito ng tawag. At para hindi na siya nito ma-istorbo ay in-off na niya ang cellphone at inilapag na niya ulit iyon sa table niya. Kaya naman siguro nitong umuwi dahil alas nueve pa lang naman ng gabi. Hindi pa naman siguro ito lasing. Muli naman na niyang itinuon ang atensiyon sa harap ng laptop niya at nagpatuloy na sa pagsusulat. Hindi na nga niya namalayan ang oras. Alas tres na ng madaling araw ng matapos ma-i-type niya ang salitang wakas sa dulo ng manuscript niya. "Finally!" nakangiting bulalas naman niya habang nag-iinat siya. Sa wakas tapos na din siya sa sinusulat niya. Makakapagpahinga na din siya. Siniguro mo na niya na naka-save ang sinusulat niya bago siya tumayo mula sa pagkakaupo niya sa swivel chair niya. Pagkatapos niyon ay naglakad siya patungo sa kama niya. Humiga naman na siya do'n at saka niya ipinikit ang mga mata. Agad namang nakatulog si Brielle ng ipikit niya ang mga mata. INALIS ni Apollo ang tingin sa harap ng laptop niya at inilipat niya iyon sa gawi ng sofa kung nasaan ang fiancee niya na si Jille. Fiancee. Dati gilfriend lang ang tawag niya kay Jille ngayon naman ay fiancee na. At sa susunod na buwan ay asawa na niya ang itatawag niya dito. Simula noong mag-propose siya at simula noong tanggapin nito ang proposal niya ay agad nilang inayos ang kasal nila. Very hands on naman si Jille dahil ito ang nakikipag-usap sa wedding coordinator nila. Minsan lang din niya ito masamahan kapag hindi siya masyado busy. Nakita naman ni Apollo na nakatulog na si Jille sa kahihintay sa kanya sa sofa na nasa loob ng opisina niya. At nang tingnan niya ang oras ay nakita niyang mag-aalas nueve na pala ng gabi. Masyado siyang nakatutok sa harap ng laptop kaya hindi niya namalayan ang oras. No wonder, nakatulog na din si Jille sa kahihintay sa kanya. Pagkatapos kasi nitong makausap ang wedding coordinator nila ay dumiretso do'n si Jille para na din sabihin sa kanya ang napag-usapan ng dalawa. Hindi na din na umalis do'n si Jille. Sinabi nitong sabay na lang daw silang aalis. Sinabi naman niyang mauna na ito dahil may tatapusin pa siya pero hindi ito nakinig sa kanya. Hihintayin daw siya nito dahil wala naman itong ibang gagawin. Hinayaan na lang naman ito ni Apollo sa gusto. Nagpakawala naman si Apollo ng malalim na buntong-hininga. Pagkatapos niyon sinave niya ang documents na pinag-aaralan niya sa laptop niya. Inayos din niya ang nagkalat na papeles sa table niya at saka siya tumayo mula sa pagkakaupo niya sa kanyang swivel chair. Dinampot naman niya ang cellphone at inilagay niya iyon sa bulsa ng suot niyang pantalon. Kinuha din niya ang remote control key ng kotse at ang coat niya at saka siya lumapit sa kinaroroonan ni Jille. Bahagya namang siyang yumuko para gisingin ito. "Jille, wake up," wika niya sabay yugyog sa balikat nito. "Wake up," paggising niya dito. Mayamaya ay nagmulat naman ito ng mga mata. At tumutok ang mapupungay nitong mga mata sa kanya. "Apollo?" sambit nito sa pangalan niya sa groggy na boses. He smiled at her. "Halika na?" wika naman niya dito, inalalayan din niya itong tumayo mula sa pagkakahiga nito sa sofa na nasa loob ng opisina niya. Inalalayan din niya ito na tumayo. Inayos naman nito ang nagulong buhok mula sa pagkakahiga nito. Ipinatong naman niya ang hawak na coat sa balikat nito bago niya ito inakay na maglakad palabas ng opisina niya. Tahimik naman na ang buong paligid. Umalis na din kasi ang mga empleyado niya. Kahit na ang secretary niya ay nakaalis na. Ang mga guard lang na nagbabantay sa building ang tanging naiwan na empleyado do'n. Tuloy-tuloy naman na sila sa paglalakad hanggang sa makarating sila sa parking lot kung saan nakaparada ang kotse niya. Pinagbuksan naman niya ng pinto si Jille sa gawi ng passenger seat. Inalalayan din niya ito na sumakay do'n. Nang makasakay na ito ng maayos ay isinarado na niya ang pinto at humakbang na patungo sa driver seat at sumakay na din do'n. Nang makita na suot na ni Jille ang seatbelt nito ay binuhay na niya ang makina ng kotse at pinaandar na niya iyon paalis. "You can take a nap, Jille. Gisingin na lang kita kapag nasa bahay na tayo," wika naman niya kay Jille ng nasa biyahe na sila. "Mamaya na," wika naman nito sa kanya. "Okay," wika naman niya. Pagkatapos niyon ay hinawakan niya ang kamay nitong nakapatong sa mga hita nito. Mula naman sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya na bumaling sa kanya si Jille. Kaya sumulyap din siya dito. He give her a sweet smile. Pagkatapos ay muli na naman niyang ibinalik ang tingin sa daan. "Apollo--oh, god!" Hindi na natapos ni Jille ang iba pa nitong sasabihin ng may bumunggo na kotse sa may gilid. Sa lakas ng impact niyon ay gumewang ang kotse at nagpaikot-ikot at nawalan siya ng kontrol sa manibela. At hindi napigilan ni Apollo ang manlaki ng mga mata ng sasalpoksila sa isang concrete barrier. Isang malakas naman na sigaw ang narinig niya mula kay Jille bago sumalpok ang kotse nila sa concrete barrier. Nandilim naman ang paningin ni Apollo sa sumunod na sandali. At ang huling natatandaan niya bago siya lamunin ng dilim ay ang duguan na mukha ni Jille.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD